P10
#SWP10
"Wala akong pakealam, may babae ka man o wala. Kung ano ang nakita ko iyon na 'yon." Inirapan ko siya at nagsimula na ulit maglakad.
"Hays, kahit kailan talaga ang tigas-tigas ng ulo mo." Palihim akong natawa.
Totoo ang sinasabi niya at hindi ko iyon itatanggi, talagang pasaway ako. Si Anton ang saksi sa lahat ng sigaw ng Papa ko tuwing napapagalitan ako. Siya rin iyong taong nakakakita ng mga katangahan ko. He's my best friend and kung sino man mas nakakakilala sa akin, siya iyon. Lahat nalang guro ng tungkol sa akin ay alam niya.
"Tara na!" Nabigla ako ng patalon niya akong inakbayan. Halos mapaupo na ako dahil sa bigat ng kaniyang brasong nakapulupot sa aking leeg.
"Hindi ako makahinga!" Inis kong sigaw habang tinatapik ang kaniyang braso para ialis niya ito sa pagkakapulupot.
"Sabihin mo muna sasama ka sa akin." Ani niya. Nahihirapan na akong makahinga.
"Ayoko nga sabi, may gagawin pa ako!" Nahihirapan kong sabi dahil sa pagkakasakal.
Hindi naman siya masakit, nauubusan lang ako ng hininga dahil sa bigat ng kaniyang braso.
"Nyenyenye..." kahit nahihirapan ay nagawa ko pang mang-asar habang nakalabas ang dila.
Hindi makapaniwala niya akong tiningnan. "Ah ganun ha," Niluwagan niya ang pagkakahawak sa akin sabay kiliti sa aking bewang.
Napaigtad ako sa gulat.
Tawa kami ng tawa habang nasa gilid ng daan. Siya kinikiliti ako, habang ako'y pilit pinipigilan ang malikot niyang mga kamay. Mas lumalakas pa ang tawa ko kapag dumadapo ang kaniyang kamay sa parte ng mas nakakakiliti sa akin.
"Ano ha, lalaban ka pa?!" Ani niya.
"Tama na!" Ani ko sa gitna ng tawa.
Pero hindi siya nagpaawat, patuloy niya akong kinikiliti habang tumatawa kasabay ko. Parang sa ganung eksena siya kumukuha ng lakas upang makatawa.
"Nang-aasar ka pa, 'kala mo naman ikaw mananalo sa akin!" Padarang niyang hinila ang upuan malapit sa kaniya.
Andito kami ngayon sa isang parke na dinadayo ng maraming tao, kaya marami din vendors ang nandito. Pagkatapos niya akong kilitiin ng kilitiin at nang sumuko ako'y pinasakay na niya ako sa kaniyang mamahaling sasakyan at dinala dito. Hindi naman ako nagsisi dahil nakakaginhawa dito, masarap ang simoy ng hangin kahit pa tabi lang ito ng kalsada.
"Andaya-daya mo, dati rati nasusuntok pa kita pero ngayon hindi na!"
"Kahit naman nasusuntok mo ako dati hindi pa rin naman masakit." Tumawa siya ng malakas.
How dare him!?
"Hoy, lahat ng nasusuntok ko dati umiiyak. Ikaw rin naman ah, umiyak ka!"
"Umiyak ako hindi dahil sa suntok mo, umiyak ako kasi nadumihan yung shorts ko."
"Ah, si Mister ayaw-madumihan ka pala, sorry ha nakalimutan ko, Mahal na Prinsipe." Ngumiwi ako na parang nandidiri.
"Ikaw si Miss Panget!" Naglakihan ang aking mga mata ng sabihin niya iyon.
"Wow ha, gwapo ka?!" I exclaimed. "Gwapong-gwapo sa sarili ha, akala mo naman hindi naligo sa kanal dati!"
"E ikaw nga, natapakan mo yung tae ng baka!" Tugon niya rin.
Mas naglakihan ang aking mga mata at hindi makapaniwala siyang tiningnan.
"How dare yo—" hindi ko na natapos ang aking sinasabi ng ipalamon niya sa akin ang sandamakmak na fries sa bibig ko.
Akmang susugurin ko na siya ng bigla akong mabingi sa biglaang tunog ng isang microphone na nalaglag. Napatakip ako ng dalawang tenga. Nang mawala ang tunog sa aking tenga'y nilingon ko ito.
"Pasensya na, hindi ko namalayang nahulog pala..." inayos niya ang mikropono sa stand nito. "Tulad ng nahulog na ako sayo pero hindi mo man lang nagawang isalo."
Nagingay ang mga tao dahil sa masakit na salitang binitawan nito. Unti-unti na rin nadadagdagan ang bilang ng mga taong interesanteng manood sa gagawin ng taong iyon.
May ideya na ako sa kaniyang gagawin dahilan upang mas lalo lang nitong nakuha ang aking atensyon.
"Magandang gabi sa inyong lahat, Ako nga pala si Toni Rose Martinez. Isang Manunula. Nandito ako ngayon para ibahagi sa inyo ang isang tula. Tulang sigurado akong babaon na parang punyal sa inyong mga puso. Ang tulang minsan ng bumihag sa inyo pero nasaktan matapos mong marinig ang huling salitang bibitawan ko. Ito ang tulang makakapagsabi sa inyong sarili na "Bakit tayo magmamahal kung magsasawa rin naman?" Ang piyesang ito ay pinamagatang. Nagsawa sa pag-ibig mong paulit-ulit lang."
Huminto siya't inilibot ang kaniyang tingin sa kaniyang mga madla. Hindi ko maiwasang humanga.
Ito yung pangarap ko. Ang makapag perform sa harap ng mga tao, ang maibigkas lahat ng mga salitang inipon ko sa mga nakalipas na taon. Being in a position where many people can hear your voice makes you feel proud of yourself. Na kahit gaano man kakabadong humarap sa maraming tao, nandyan pa rin ang kagustuhan mong marinig ng iba ang boses mo.
This is my dream. My only dream.
"Mahal kita,
Pero hindi na ako masaya.
Alam kong nakakalito,
Alam kong hindi mo tatanggapin ang mga dahilan ko,
Pero ito ang totoo.
Hindi na ako masaya,
Sa relasyong binuo natin na magkasama,"
Mahal kita pero hindi na ako masaya. Masakit sa pakiramdam yung alam mong mahal mo ang isang tao pero dahil sa paulit-ulit kanang nasasaktan sa kadahilanang minahal mo siya sa maling panahon, nawalan kana ng gana. Hindi kana masaya sa relasyong iyon. Na kahit paulit-ulit ka namang nagiging masaya dahil parehas niyo iyong pinaramdam sa isa't-isa...hindi pa rin, nawawala pa rin yung pagmamahal mo sa kaniya kapag hindi kana masaya.
"Sinubukan kong labanan,
Sinubukan kong lumaban,
Pero napagod na ako,
Unti-unti nang binabalot ng lamig ang puso ko.
Mahal kita,
Pero yung pagmamahal na iyon, ay hindi sapat na,"
Contentment. Sabi nila kapag mahal mo daw ang isang tao, dapat sapat na iyon. Dapat okay kana doon. At kahit gaano man kalayo o kahit may boundaries man sa pagitan niyo, kontento kana. Pero hindi natin mapipigilan ang sarili natin na hindi makuntento kapag alam mong hindi talaga kayo pwede sa isa't-isa at ang tanging nasa isip mo nalang ay pakawalan siya. Mahal mo siya pero tama na.
"Dahil ito na ako, Unti-unti nang nagsasawa,
Unti-unti nang nawawalan ng gana
Hindi na ako yung pag-ibig na hiniling mo kay bathala
Hindi na ako yung saya na nagpapangiti sa 'yong mga umaga,
Hindi na ako yung Ako, na minsan mo ng nakasama.
Mahal, hindi na ako ito,"
Nasira ang boses ni Toni ng banggitin niya ang katagang iyon. Tumindig ang aking balahibo. Sa batang edad niya'y parang nagmahal na siya, parang lahat ng sinasabi niya ngayon ay galing talaga sa kaniyang puso at lahat ng mga binibitawan niya ay para iyon sa mahal niya.
Ang kapangyarihan ng kaniyang boses ay isang mahiwaga. Talagang mapapaluha ka nalang katulad ng mga taong nakikinig sa kaniya na kung hindi man nabibigla sa mga naririnig na salita, napapaiyak naman.
"Nawala na ako sa sarili ko,
Nung ikaw ay binubuo ko,
Binubuo kita pero ako naman ang mawala.
Naligaw ako sa dalampasigan na tanging mga alon lamang ang nakakarinig sa aking mga sigaw,
Saksi ang alon sa kung paano ako nawasak,
Nung panahon na parang ako lang ang nawala,
Saksi siya...sa kung paano ako nalugmok sa ating mga ala-ala."
Tumigil siya sa pagsasalita at huminga ng malalim na para bang doon siya humuhugot ng lakas upang magpatuloy.
Hindi tayo nagmahal para buoin lamang ang isang tao, nagmahal tayo para iparamdama din sa atin na mahalaga din tayo.
Mas mabuti pang huwag natin ibigay sa iba ang buong pagkatao natin kasi kapag sila ang nawala...pati dignidad natin, wala na rin. Mas mahalin natin ang ating sarili bago ang ibang tao. Sila ang mas nakakaitindi sa atin. Ang sarili natin ang ating kakampi. Kaya kung magmamahal ka, mahalin mo muna ang iyong sarili.
"Sa pagkawala mo,
Doon ko nakita ang tunay na halaga ko,
Doon ko nakita ang sarili ko,
Na nagbabago nung nasa tabi mo pa ako,
At nung bahagi kapa ng aking puso,
Nung mawala ka, sumaya ako,
Dahil alam ko, simula ngayon...
Ulam na ang pagsasawaan ko,
Hindi yung pag-ibig mong paulit-ulit at wala ng bago....Maraming Salamat!"
Bahagya siyang yumuko ng matapos.
Nagsigawaan ang mga tao tila ba'y gusto pa ng isang piyesa. Naroon lamang ang aking buong atensyon, ni hindi ko man lang namalayan na may kasama ako. Kaya nang napagtanto ko iyon ay agad ko itong nilingon.
"Anton, sorry, hindi na kita napansin!" I said. Bahagyang kinabahan dahil baka kanina pa niyang gustong umuwi pero hindi ko pinapansin.
Malalim siyang natawa doon.
"Gustong-gusto mo talaga kapag usapang ganiyan na nuh," Napapailing-iling pa siya. "Mamaya, ikaw naman ang magmahal tapos kapag nasaktan ka, iiyak-iyak ka tapos magpeperform ka rin katulad nila." Naglakihan ang aking mga mata at namula.
"Hindi nuh..." muli kong nilingon ang grupo nila Toni.
Mayroon nang panibagong nagtutula. At tulad ng ginawang piyesa ni Toni, nakakabihag din iyon ng damdamin.
"O, saan ka pupunta?!" Nataranta si Anton ng bigla akong tumayo.
"Sa kanila lang, may tatanungin lang ako!" Tugon ko at tumalikod na sa kaniya para lumapit kay Toni.
"What the—" rinig ko pang ani niya.
Hindi ko na pinansin si Anton at nakatingin lang kanila Toni. Nakaupo lang ito sa kanilang lamesa at tahimik na tinitingnan ang nagpeperform sa harapan.
"Ahm, excuse me," mahina kong sabi.
Inosenteng napalingon si Toni sa akin. Ang iba nama'y isang beses lang akong tiningnan at ibinalik na rin ang paningin sa harap upang makinig. Suportado nila ang kanilang kaibigan.
"Yes? You are?" Tanong niya.
Nakuha ko na ng tuluyan ang kaniyang atensyon. Kung maganda siya sa malayo, mas maganda naman siya sa malapitan.
"I'm Beverly Garcia," napakamot ako sa aking batok sa kahihiyan. "Sobrang galing mong manunula, hindi ko alam na may nagbibigkas rin pala dito sa Isla Amore ng kanilang mga piyesa."
Kadalasan kasi sa mga YouTube ko lang iyon nakikita. Mahilig kasi akong manood ng ganun sa Macbook ni Phoenix Wyatt kaya alam ko.
"Oh, Maraming Salamat. Actually, marami kami, iilan lang ang narito ngayon dahil busy din sa pag-aaral at trabaho. Mga baguhan lang kami dito lahat ngayon, 'yong iba last month lang sumali." Nagliwanag ang aking mga mata sa narinig.
"Tumatanggap pa ba kayo ng mga baguhang manunulat at manunula? Hilig ko rin kasing magsulat ng mga piyesa pero nahihiya lang akong itula ito."
Nabigla ako ng pumalakpak siya dahilan upang makuha nito ang atensyon ng kaniyang mga kaibigan. "Oo naman! I'm so happy na sa akin ka mismo lumapit." Tumayo siya at ikinawit ang kaniyang kamay sa aking braso.
"Nakakahiya nga e," nahihiya kong sabi.
"Don't worry, kami mismo ang mas magpapalakas sa self-confidence mo," inilagay niya sa aking tenga ang mga takas kong buhok. "Nakikita kong sisikat ka sa larangan ng spoken word poetry. . .So, see you on Monday?"
"Thank you so much po!"
Hindi mawala ang aking ngiti hanggang sa makauwi ako ng bahay. Hawak-hawak ko ang calling card ni Toni at halos hindi ko na ito mabitawan.
Ito na 'to, simula na nang pagtupad ng mga pangarap ko. Dito ako magsisimula.
Umupo ako sa aking lamesa at nilabas ang aking notebook at ballpen.
Bago ako magperform sa harap ng maraming tao, dapat handa ako. Dapat sa unang pagtatanghal ko sa harap ng mga madla, alam ko sa sarili kong kaya ko.
This is my dream, and I want to be a famous Poet someday. Yung tinitingalaan ng mga tao. Gusto ko ng ganun.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro