P1
#SWP1
I cried out loud, my Mom left without any reason. Iniwan niya kami nila Daddy. I feel so sad kasi mas gusto niya pang umalis kaysa ang ayusin ang relasyon nila ni Daddy.
Marriage is a commitment between man and woman. They pledged to love each other till death. Pero bakit kapag lumipas na ang ilang taon magbabago pa rin ang nararamdaman nila at iiwan nalang ang isa't-isa.
Like, damn seriously? After almost thirty years, doon nalang nila naramdaman na hindi pala sila talaga sila sa isa't isa. Na lust lang lahat. Apat na ang anak nila pero lust pa rin ang nararamdaman nila?
Ano 'yon, kapag nagsawa na sa Adobo, doon naman sila sa Menudo? Halos parehas lang naman ang mga sangkap pero bakit nakukuha paring maghanap. Huwag kasi nating sanayin ang sarili na maghanap pa ng iba kong alam mong sapat na.
Matuto tayong makuntento sa kung anong mayroon tayo. . . pero siguro ganun talaga kapag usapang pag-ibig. Ano pa man ang lalim nang nararamdaman mo sa kaniya, kapag nagsawa ka, matatanto mong hindi talaga kayo para sa isa't-isa.
"My Mobi said when a girl cry you should have to kiss her." Napatigil ako kakaiyak ng maramdaman kong may basang bagay na dumampi sa pisngi ko kasunod nun ay ang malambot na kamay na pilit pinupunasan ang basa kong pisngi.
Kunot-noo ko itong tiningnan at doon ko lang nakita ang isang gwapong bata na mas matangkad pa sa akin. Sa palagay ko'y nasa kinse na ang edad nito.
Makapal at pormado ang kaniyang kilay, mahahabang pilik mata, may malalim na biloy, kulay asul ang mga mata, pointed ang ilong, mapulang pisngi, at basang mapupulang labil.
Isa lang masasabi ko, saan kaya ito nagmana?
I shook my head a few times trying to lose the thought of the handsome boy in front of me now but every time I looked at him I was even more amazed by his handsomeness.
I felt my cheeks burned out of embarrassment. Did he just kiss me?
"W-why did you kiss me?" I stammered.
He grinned. "Don't cry, kid." I blinked repeatedly. Pilit pinapasok sa aking isipan ang mga katagang sinasabi niya.
"I'm just 10 years old and why the heck did you kiss me?! My first kiss should be for my future boyfriend, not yours!" I exclaimed.
"Then I will be your future boyfriend." I pouted because of his replies.
"Ayoko, ang panget mo!" I stick my tongue out and the next thing I knew, I'm running so fast out of the park. I even heard him shouting at me but I just waved back in response to him.
Habol habol ko ang aking hininga nang makapasok na ako ng tuluyan sa aming mansion. Nalungkot ako ng makitang tahimik ito, hindi katulad dati na hindi nawawalan ng mga tao. Dati rati ang saya-saya ng mansyong ito. Si Papa, Mama, mga Kuya, mga ate ko, at ako, kami pa lang dati pero ang ingay na ng pamamahay na ito.
"Mabuti naman nandito kana, Beverly!" nag-aalalang sinabi ni Manang Letty at lumapit sa akin.
"I'm sorry, Manang!" sinsero kong tugon at niyakap siya. She touched my face with her rough hands. I smiled at her when our eyes meet.
"Namumula kana naman, ilang balde na naman kaya ng luha ang iniyak mo buong maghapon?" she laughed but I still see the Sympathy in her eyes.
I also laughed too and hug her tightly. Alam kong sobra siyang nag-alala sa akin ngayon dahil bigla na naman akong nawala. Nung una kasing nawala ako, nakatulog ako sa daan kakahintay sa kanila. Bata pa ako nun, hindi ako pasalita kaya akala nila street children ako.
"I miss my Mommy, bakit hindi pa rin siya umuuwi?" I innocently murmured. Tanging buntong-hininga lang ang kaniyang tugon sa akin.
Days had passed, but I still had no news of Mommy and my siblings joining her. I also talked to my Dad about it but it always turns out that I'm wrong. He was also always drunk and confined to his room. I hope Mommy comes back again and I hope we are happy again. I can't stand a few more days without him.
"Bata, tabi!" I was surprised because I shouted and I hurriedly put my bike aside but it was too late because he had already hit me with his bike. We both fell.
"Mommy!" I cried in pain.
Nakita ko rin ang taong bumangga sa akin na natumba rin katulad ko pero hindi siya umiyak. Tumayo siya na parang wala lang pagkatapos ay nilapitan ako habang nagpapagpag ng kaniyang damit na nadumihan.
Lumuhod siya at bahagyang ginalaw ang hita ko. Napahiyaw ulit ako dahil sa sakit.
"Stop!" I cried in pain.
Narinig ko ang mahina niyang tawa. "I'm sorry, ikaw kasi pinapaalis kita pero hindi ka umalis agad!" sisi niya saakin. Napaawang naman ang aking labi at sinamaan siya ng tingin.
"Kapal mo rin nuh! Ikaw na nga nakasagasa sa akin tapos ako pa sinisi mo!" mas lalo siyang tumawa.
Nagulat ako ng bigla niyang pisilin ang aking mga pisngi bago ako binuhat na para bang bagong kasal. Napakapit ako sa kaniyang leeg.
"Sigurado ka bang galit ka?" tawa niya.
"Yeah, I'm galit!" sigaw ko.
"No. You're not, you still cute even though you act like that." tugon niya.
Mas sinamaan ko siya ng tingin at kinurot siya sa leeg. Napaigik naman siya na ikinatawa ko.
"Don't." ani niya ng inulit ko pa ng inulit ang pagkurot sa kaniyang batok bago ito bahagyang kiniliti. Napatawa naman siya dahil doon.
Damn, he's so cute.
"Tama na!" pilit niyang tinatanggal ang kamay ko pero hindi niya magawa dahil sa buhat-buhat niya ako. Tawa lang ako ng tawa habang siya ay pilit din na pinipigilang tumawa.
Natigil lang ang aking pagtawa ng tuluyan na niya akong maibaba sa bench. Tumakbo siya ulit pabalik sa pinagtumbahan namin at pagbalik na naman niya ay bitbit na niya ang bike namin.
Isinandig niya ito sa gilid bago umupo sa tabi ko. Kinuha niya ang kaniyang bag na nakasabit sa bike at binuksan ito. Nilabas niya ang kaniyang tubig at ang isang pouch na may nakatatak na first aid kit.
Napatawa ako ng mahina. "Seriously, First aid kit in your bag? Ano ka boy scout?"
"Yeah..." seryoso niyang sabi.
Napaawang ang aking labi. "Seryoso?!" I exclaimed.
Tumango-tango naman siya. "Since, I'm grade one."
"Ilang taon kana pala?" I asked again.
Tinigilan na niya ang paggagamot sa akin bago ibinalik ang mga gamit niya sa bag.
"Fourteen." napasimangot naman ako at sinamaan siya ng tingin.
"O, anong mukha 'yan?" Sabi niya nang makitang nakasimangot na ako habang nakatingin sa kaniya nang masama.
"Your fourteen and I'm still eight years old, bawal tayo pero nakahalik kana sa pisngi ko!" napatawa naman siya dahil sa sinabi ko.
"Who says bawal tayo?" ngumisi ng nakakaloko at bahagyang lumapit ang mukha sa akin.
"Bawal talaga, bata pa ako tapos ikaw nilalandi mo na ako!" sigaw ko. Nabigla ako ng pitikin niya ang noo ko.
"Silly, kid." natatawang sabi niya.
"My name is Beverly Garcia, not Kid, duh!" I hissed and rolled my eyes. Napailing-iling nalang siya bago pinisil ang matambok kong pisngi.
"Yes, you are Bebs but you still a kid, kid."
Lumipas ang mga araw at palagi lang kami nagkikita ng gwapong bata na iyon. Sa ilang beses na kaming nagkita kahit pangalan niya hindi ko pa rin alam. Tanging edad lang ang alam ko at kung anong grade na niya.
Secondarya na siya at ako nasa elementary pa lang pero kahit ganun tinuring ko na siyang isang kaibigan. Kasi siya lang ang kalaro ko, ayaw ng mga bata saakin. They always bullied me.
Ipinilig ko ang aking ulo para mawala sa aking isipan ang kaibigan kong iyon at pinagpatuloy na ang pagsusulat ng tula. Na ipinamagatan kong, Sayaw.
"Sayaw.
Sa pagdampi ng 'yong kamay sa aking katawan,
Kasabay ng pagtugtog ng musika
Ay, ang paghila mo sa akin palapit sayo...
Binabakuran mo ko na para bang pag-aari mo
Pero ang totoo'y kaibigan mo lang pala ako.
'Di tulad ng nararamdaman ko sayo
Isang paghangang kahit kailan hindi mo sinalo..."
I stop writing when I suddenly hear some noise at my back. Ganun nalang ang bigla ko ng paglingon ko'y nasa likuran ko na siya.
"BEBS!" pangugulat niya sa akin. I punched his face in shock. Napaupo naman siya habang hawak-hawak ang kaniyang Mukha na nasuntok ko. Oops, I feel bad.
Bebs. He knows my name pero hindi ko pa rin alam ang sa kaniya. Beverly Garcia is my real name I'm eight years old and soon to be a grade four student. Tinatawag niya akong Bebs para daw mas maikli.
When I see him suffering in pain, I quickly run towards our house but instead of hiding in my room, dumeretso ako sa kitchen ng Bahay namin.
"Ikaw kasi nanggugulat!" tumabi ako sa kaniya at idinampi sa pisngi niya na nasuntok ko ang ice na kinuha ko sa ref namin.
Kasalukuyan kami ngayon nandito sa park, malapit lang ang bahay namin dito kaya dito kami madalas ni bes. Tawagin ko nalang daw siyang bes, tutal naman daw magkaibigan kaming dalawa.
"Malay ko bang magugulatin ka pala. Sadista!" he said while glaring at me.
I laughed. "Huwag mo nga akong tingnan ng ganiyan! Mas lalo kang nagiging cute e! Para kang panda."
"So inamin mo rin na cute ako?" namula ako ng bigla niyang kindatan ako.
"Luh, asa ka! Pampalubag loob lang 'yan, Kuya!" I laughed when he glared at me.
"Don't call me Kuya!" sigaw niya at sumimangot, mas lalo lang akong natawa habang nakatingin sa kaniya.
Ipinagpatuloy ko na ang pagdampi ng ice sa kaniya. Humiwalay muna siya saglit at humiga sa mga hita ko. Siya na mismo ang nagbalik ng aking kamay sa kaniyang pisngi. Kaya nagpaubaya nalang ako at pinagpatuloy na ang paggamot sa kaniya.
"We're leaving..." halos pabulong niyang sabi na ikinabigla ko. Humigpit ang kapit ko sa ice pack.
"Saan ka pupunta?" inosente kong sabi.
"Doon na ako mag-aaral sa Amerika." muli siyang tumayo at iniiwas ang tingin sa akin. Sunod-sunod ang pagtulo ng aking luha sa aking pisngi.
"Iiwan mo na ako?" pilit kong pinipigilang kumawala ang aking mga hikbi pero sadyang makulit talaga ang mga luha ko. Nanglalaki ang mga matang napatingin saakin.
"Hey... shh don't cry, hindi pa naman ngayon!" pagpapatahan niya sa akin bago ako kinulong ng mahigpit na yakap.
Niyakap ko siya pabalik at doon umiyak sa dibdib niya. "E, kailan?" tiningnan ko siya pero nanatili parin akong nakayakap.
"Bukas." sinapok ko na siya.
"I hate you!" sigaw ko at kumawala sa pagkakayakap niya. Umalis ako sa pagkakaupo at naglakad palayo sa kaniya.
"Bebs!" Tawag niya rinig na rinig ko ang mga yapak niya na dumadampi sa mga nagsilaglagan na dahon ng puno.
"Beverly!"
Huminto ako sa paglalakad. " Fine, umalis ka. Huwag ka nang babalik pa, Hindi na...kita kailangan!" sigaw ko at napaluhod.
Nilagay ko ang maliliit kong kamay sa aking mukha at paulit-ulit na inalis ang mga naglalagasang luha rito.
Ramdam ko ang pagluhod din niya, walang pinalampas na isang segundong niyang hinawakan ang aking kamay at mahigpit itong pinisil. Hindi sa paraang masasaktan ako kundi sa paraang kumakapit siya sa lakas ko. Na para bang nagpapahiwatig siyang nandyan lang siya sa akin. Wala man sa aking tabi.
"I'll promise, Beverly, during summer or holidays babalik ako sayo. Maglalaro ulit tayo at ipaparinig mo ulit sa akin ang mga tula mo... kahit magulit-ulit wala akong pake. Basta ang promise ko, Babalik ako sayo. Sayo parin, bebs."
Tinanggal niya ang aking kamay mula sa pagkakatabon nito sa aking mukha. Dahan-dahan niyang inangat ang aking mukha. Napangiti ako ng magtagpo ang aming mga mata. Ang kaniyang nagkukumislap na mata'y sumalubong saakin, halos makita ko na ang aking sarili doon na para bang ako lang ang nakikita niya ngayon.
"Mahal na mahal kita, Beverly Garcia..." untag niya. Napaawang ang aking labi.
Ang batang puso ko'y parang tumatakbo sa mahabang palayan, kaya ganun nalang ang bilis nito.
"M-mahal mo ko?" I reuttered. Hindi ako makapaniwala, sinabi niya ba talaga iyon?
"Oo naman, best friend kita 'e." ganun nalang din ang bigla ko sa sunod niyang sinabi.
Akala ko'y literal na mahal niya ko pero 'yon pala mahal niya lang ako dahil kaibigan niya ko. Para akong binagsakan ng lupa habang nakatingin sa kaniya. Ramdam ko ang pagtigil sa pagtibok ng aking puso kasabay nun ay ang pagwasak nito na para bang tinapak-tapakan. Tinapon. Winasak.
Hanggang best friend ka lang bebs. Hanggang doon nalang iyon.
Itutuloy. . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro