Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

9

"Bakit ba nagmamadali ka?" Inis na tanong ni Josh.

"Mauna na ako." Nakangiti kong sabi sa kaniya at mabilis ng lumabas ng gate.

Lakad takbo na ang ginawa ko para lang makarating sa SSA ng mabilis. Nang makarating na ako doon ay agad aking nagpunas ng pawis, marami ng estudyante ang lumalabas ng gate, sana naman hindi pa nakakalabas si Pamie.

Naghintay pa ako doon ng ilang minuto, sana naman hindi niya ako jino-joke time, pumayag naman siya eh, gusto ko lang talaga siyang makasama kumain. Masiyado ba akong maaga para sa uwian nila o late na ako? Wala rin naman kase akong phone number niya, pati social media accounts niya hindi ko makita.

Tanungin ko na lang siya mamaya kaoag naabutan ko siya dito. Sana naman hindi ako pa late, please.

Hindi ko inaalis ang tingin ko sa gate dahil baka malingat ako at hindi ko na talaga sila tuluyang makita. Pinagtitinginan na nga ako ng ibang mga estudyante dito eh, iba kase yung uniform ko, wala din naman akong pakialam sa kanila eh, si Pamie lang naman hinihintay ko.

Ikang sandali pa ay nakita ko na si Pamie na nakangiting naglalakad palabas ng gate, napangiti ako ng malaki bago inayos ang sarili, inamoy ko din ang sarili ko dahil baka mabaho na ako, mabuti na lang hindi pa.

Ang ganda niya talaga.

Dahan-dahan na akong lumapit sa kaniya at malapad na ngumiti. Kumaway naman siya sa akin pabalik.

"Hi," bati niya.

"Akala ko umuwi kana eh," kamot ulo kong sagot.

"Katatapos lang kase namin sa practice, sorry ha,"

"Hindi, okay lang-"

"Kanina ka pa ba naghihintay dito?" Nag-aalala niyang tanong.

"Hindi naman," dahilan ko.

"Sige for now treat ko muna, kainin mo lahat ng gusto mong kainin." Nakangiti niyang sabi at nagsimula ng maglakad.

"Teka, ako yung nangyaya sa'yo 'di ba? Dapat ako yung manlilibre," sagot ko habang hinahabol siya.

"Ano ka ba, ako na, dinayo mo pa ako dito sa school oh,"

"Siyempre, niyaya kita eh, at saka hindi ako sanay na babae yung nanlilibre sa akin," sagot ko naman sa kaniya.

May pera naman ako at kaya kong bayaran ang kakainin namin, at isa pa hindi talaga ako sanay na babae yung nagbabayad ng kakainin ko.

"Sige ganito na lang, but-who-but-who-pick na lang tayo, ano game?"

"Ayaw ko pa din," umiiling kong sagot. Napasimangot naman siya.

"Dali na?" Umiling ulit ako bilang sagot.

"Ede bayaran na lang nating dalawa yung kakainin natin." Sabi niya at nakipagsiksikan na sa mga estudyante na kumakain din. Napailing na lang ako bago sumunod sa kaniya.

Nakamakakuha na ako ng fishball at quekiam ay nilagayan ko na yun ng hot sauce. Ganon din ang ginawa ni Pamie. Susubo na sana ako kaya lang natawa yung nagtitinda.

"Nakaraan lang nag-aaway kayo dahil sa fishball tapos ngayon magkasama na kayong kumain dito haha." Nahihiya akong tumawa ng mahina at napatingin kay Pamie na namumula na ang mukha at natatawa ng bahagya.

"Nasa fishball daw po ang true love haha."  Natatawang pang-aasar ng mga kumakain din doon.

"Babe, mag-agawan nga tayo sa fishball baka tayo takaga haha." natatawang sabi naman nung katabi naming babae.

"Kadiri ka beh, 'di kita type," reklamo naman kaagad nung bakla niyang kasama. Natawa na lang din kami at kumain na.

Habang kumakain kami ay nagtatawan kami, nagkukwentuhan kahit wala namang kwenta yung mga sinasabi ko ay natatawa pa rin siya, minsan binibola ko siya pero iniirapan lang ako.

"Ang cute mo," puri ko sa kaniya na ikinagulat niya.

"Cute lang? Ginawa mo pa akong aso," irap niyang sagot sa akin.

"Aso? Ano namang kinalaman ng aso sa'yo?" Natatawa kong tanong.

"Kase sabi nila kapag cute daw malapit sa aso," humalakhak ako ng tawa dahil doon, nabulunan pa ako dahil sinubo ko yung isang bilog na fishball, mainit pala.

"S-Sino namang nagsabi niyan?" Natatawa kong tanong.

"Sila, basta madami," nakasimangot niyang sagot. Tinawanan ko lang siya dahil ang cute niya magalit.

"Ede maganda ka," napatingin siya sa akin at unti-unting namula ang mukha. "Subrang ganda mo, Pamie." Nakangiti kong dagdag na nagpaiwas ng tingin sa kaniya.

Nung matapos na kaming kumain ay bumalik kami ng school nila, iniwan ko lang siya sa parking lot dahil nandon ang kotse niya.

"Thank you ha, next time ulit." Kumaway na ako sa kaniya at nagpaalam na.

Habang naglalakad ako pauwi ay saka ko lang naalala na kailangan ko pa lang kunin yung number at social media accounts niya.

"Ano ba yan Cian," hinampas ko yung ulo ko ng mahina, next time na lang, sana maulit muli ito.

Kinabukasan ay puro pang-aasar lang ni Josh ang narinig ko.

"Lakas na ng tama mo pre, akala ko ba hindi ka magkakagusto kay Miss Maldita?" Panunukso niya.

"Manahimik ka nga, hindi ba may practice kayo ngayon, pumunta kana sa club niyo." Tinulak ko pa siya palabas ng club namin pero hindi pa rin siya tumigil.

"Pinagpalit mo na ba si Xiena? Akala ko pa naman aagawin mo siya kay Ajero," iling-iling niyang sabi.

"Baliw ka ba? Ginawa mo pa akong mang-aagaw," sagot ko dito.

"Eh naka move on kana ba sa ex mo na si Charize?" Napatingin naman ako sa kaniya sa bigla niyang pagsabi nun.

"Pre, 9 months na lang nakalipas, ikaw ata itong hindi maka move on eh," sabi ko sa kaniya at binatukan siya.

"Seryuso ba? Eh halos mag-iisang taon din kayo nun eh," dagdag niya pa.

"6 months lang," pagtatama ko, hindi naman kami talaga nagtagal nun.

"Siraulo ka kase eh, kung hindi ka ba naman babaero ede hindi kayo maghihiwalay-"

"Umalis ka na nga, ang dami mo ng sinasabi, nakakarindi na." Tuluyan ko na siyang tinulak palabas ng club at napailing-iling lang siya dahil hindi pa rin makapaniwala na crush ko si Pamie.

Napabuntong hininga akong umupo sa upuan at nagscroll sa Facebook hanggang sa maisipan kong tingnan ang Facebook account ni Charize, mabuti na lang at hindi niya ako nilagay sa block list niya.

Napangiti ako ng mapait ng makitang may cover photo siyang lalaki, naka bio rin ito at may picture sa feature niya at may name na 'my boy', mabuti naman at nakahanap na siya ng lalaking mamahalin siya at sana lang hindi siya nito saktan kagaya ng ginawa ko sa kaniya.  I swear, nagsisisi ako hanggang ngayon kung bakit pinaiyak ko siya ng ganon, at nangangako akong hindi ko na gagawin muli ngayon.

Makukuntento na ako sa isa at hindi na maghahanap pa ng iba, ayaw ko ng magpaiyak ulit ng babae, hinding-hindi na. Ayaw ko na manakit.

Yung feelings ko para kay Pamie ay totoo, since naghiwalay kami ni Charize hindi na ako nagkagusto sa kahit na kaninong babae, dahil natatakot akong magpaiyak muli, kaya ngayon susubok ako ulit at sana hindi ko siya mapaiyak kung papayag siyang maging kami. Lahat ng nakilala kong babae nung naghiwalay kami ni Charize ay hindi ko na nagugustuhan dahil sa takot na baka gawin ko ulit yung ginawa ko kay Charize, nag focus ako nun sa paglalaro ng ML at badminton, ngayon naman ay huminto na ako maglaro ng ML dahil nakakasawa na. Pero natuto naman akong maglaro ng Codm na tinuro sa akin ni Josh.

Naalala ko pa kung ilang babae yung pinagsabay ko nung kami pa ni Charize, maliban kase sa real account ko ay meron din akong Role play na account at doon ako naghahanap ng babae dahil nagsasawa na ako kay Charize, puro na lang kase kami away at lagi siyang nagtatampo.

May nagkakagusto din naman sa akin nung naghiwalay kami kaya kang nawalan talaga ako ng gana kumilala ulit, naka move on ako pero hindi na ako sumubok ulit dahil takot ako.

Nung una kong makita si Pamie, simple lang siya at hindi man lang naglalagay ng pulbo o make-up hindi kagaya ng iba na kala mo coloring book na ang mukha sa kapal ng make up, hindi rin siya ganon hinhin, hindi rin naman ganon karaskal, napansin ko kaseng depende sa kasama niya ang kilos niya. Kung saan siya komportable ay doon siya nagiging totoo.

Alam kong nahihiya pa siya sa akin ngayon pero sisiguraduhin kong magiging komportable din siya sa akin.

Nag try akong hanapin ang Facebook niya pero hindi ko nga pala alam ang apelyedo niya kaya naisipan kong tanungin si Lexi na kaibigan niya, mabuti na lang at medyo close na kami ni Lexi. Paano ko nalaman ang pangalan niya? Dahil kay Josh, crush kase siya ni Josh. Kaya si Josh ang may kasalanan kaya napunta ako sa school nila Pamie.

["Ano na namang kailangan mo?"] Bungad niya pagkasagot ng cellphone.

"Itatanong ko lang kung anong pangalan ni Pamie sa Facebook, Instagram, Twitter, etc."

["Wow, eh 'di ba magkasama kayo kahapon? Bakit hindi mo pa tinanong?"]

"Nakalimutan ko nga," kamot ulo kong sagot.

["Ayan katangahan, bahala ka diyan, baka magalit pa yun sa akin eh,"]

"Teka lang, dali na ba?"

["Ayaw ko nga, bye."]

Pinatayan talaga ako ng walanghiya. Napabuntong hininga na lang ako bago umupo ulit, papatayin ko na sana yung cellphone ko ng biglang may nag pop-up na notification.

pamie_ntvdd like your post on Instagram.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro