4
"Pamie, may ballpen ka?" Bulong sa akin ni Ashley, isa sa mga kaklase ko.
"May extra ako dit-"
"Miss Natividad, are you with me!?" Sigaw ni Miss Batumbakal. Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla siyang sumigaw.
"Y-Yes po Miss," kinakabahan kong sagot sa kaniya.
"Then why are you talking to Ashley!?" Sigaw niya ulit.
"Miss, nanghihiram lang po ako ng ballpen sa kaniya," paliwanag ni Ashley.
"Why? Wala ka bang pangbili ng ballpen mo? Bakit dito ka pa nag-aral sa SSA kung wala ka namang ballpen?" Hindi nakasagot si Ashley maging ako ay napayuko na rin dahil sa kahihiyan.
Bahagyang pinisil ni Lexi yung braso ko, pilit lang akong ngumiti sa kaniya. Buong klase ay wala akong gana, nakatingin ako sa nagtuturo pero yung utak ko malayo, hindi ako maka-focus sa lesson namin dahil sa nangyari. Feeling ko ako yung pinakakawawang babae sa mundo.
I don't even know kung paano ako makakapag-focus sa sinasabi ni Lexi sa akin. Nung matapos na ang klase ni Miss Batumbakal ay mabilis na lumabas yung mga kaklase ko.
"Pam, sorry pala kanina ha," paumanhin ni Ashley.
"Ayos lang, walang problema," nginitian niya ako pero halatang nagsisisi siya kaya ngitian ko na lang din siya pabalik para panatag ang loob niya.
Wala akong ganang inilagay sa bag ang mga gamit ko, halos lahat ng mga kaklase ko ay lumabas na, tanging ako na lang at si Lexi ang nasa loob ng room.
"Pam, I know na nasaktan ka kanina, hindi ka sanay na sinisigawan eh," pilit lang akong ngumiti kay Lexi bago sinuot ang bag ko at tumayo na.
"Ayos lang ako, ano ka ba?" Bahagya pa akong tumawa saka naunang lumabas ng room.
"Ganito na lang, libre kita ng street foods sa labas? G?" Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Sure ka? Minsan ka lang manlibre eh," sabi ko dito, paano kase kayaman-yaman ni minsan hindi pa ako nililibre.
"Oo nga, kahit ilan pa kainin mo, ako na magbabayad," mabilis siyang kumapit sa braso ko at hinila na ako palabas ng university.
Paglabas namin ng campus ay marami na namang estudyante ang nagkakagulo sa harapan ng school namin, may nakikita pa akong ibang uniform na paniguradong sa kabilang school nag-aaral.
"Kumusta na kaya si kuyang kaagawan mo si Fishball?" Natatawang tanong ni Lexi, masama ko siyang tiningnan kaya umiwas siya ng tingin. "Paano kase kadaming pwedeng pag-agawan yung fishball pa talaga." Hinila niya na ako papunta doon sa mga nagtutumpukan.
"Ate pabili po-"
"Teka lang, pahingi ako ng souce."
"Yung maanghang naman, para ka namang hindi nag grade 2,"
"Akin yan eh, bakit mo kinuha?"
Hindi ko alam kung makakasingit pa kami sa dami ng tao na kumakain dito. Nakasimangot akong lumayo doon at pumunta sa lugar na wala masiyadong tao.
"Baka aalis din sila mamaya," sabi ni Lexi na halatang nag-aalala sa akin.
"Hindi na muna siguro tayo kakain, uuwi na lang ako," sagot ko naman sa kaniya.
"Subukan mo." Banta naman niya sa akin.
"Ice cream na lang?" Nakangiti kong tanong sa kaniya.
"Sure," hinila na naman niya ako papunta sa kotse niya, pinagbuksan niya rin ako ng pinto at pinapasok sa loob.
Marunong naman akong mag-drive ng kotse kaya lang ayaw ni Mommy na mag-drive ako dahil delakado daw kaya lagi akong nagpapahatid sa driver namin, minsan naman ay sinusundo at hinahatid ako ni Lexi sa bahay.
"Flavor?" Tanong niya habang naghahanap ng Cornetto sa freezer.
"Cookies and cream," sagot ko, naglibot naman ako sa stool ng mga junkfoods para may kainin ako mamayang gabi habang ginagawa yung research ko. One year na lang sa college makaka-survive na ako.
"Lexi, do you want Clover?" Tanong ko ng hindi siya nililingon.
"Sige," sagot niya naman. Kumuha ako ng iba pang chitchirya na pwede naming kainin.
Dadampot na sana ako ng fish crackers pero may kamay na dumampi sa kamay ko. Inis ko yung tiningnan kung sino ang may-ari ng kamay na ayun at laking gulat ko ng makita kung sino yun.
"Ikaw na naman!?" Magkapanabay naming tanong. Mabilis kong inalis ang kamay ko na hawak-hawak niya, masama ko siyang tiningnan at ganon din naman siya sa akin.
"Ang daming pwedeng damputin, kailangan yung dadamputin ko pa talaga?" Inis kong sabi sa kaniya.
"Excuse me, aksidente lang na yung dadamputin ko ang dadamputin mo din," sagot niya naman sa akin.
"Hah, talaga lang ha? Baka naman gusto mo lang mahawakan ang kamay ko?"
"Miss, saan ka kumukuha ng lakas ng loob para sabihin yan? May pruweba ka ba na gusto kong hawakan ang kamay mo?"
"Eh bakit hindi ba? Lagi ka na lang nakikipag-agawan sa akin eh."
"Dalawang beses pa nga lang tayong nagkikita, lagi na agad? Baka naman tayo talaga yung nakatadhana?" Bahagya akong mapaatras dahil sa biglang banat niya.
"Ew, you're not my type," mabilis kong sagot, bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko.
"What's happening here?" Pagsingit ni Lexi sa amin. "Oh, hi kuyang pogi na taga Supreme Academy," kumaway pa talaga siya sa lalaki na 'to.
"Hello, Lexi," bahagyang nagulat si Lexi dahil binanggit nito ang pangalan niya.
"How did you know my name?" Nagtatakang tanong ni Lexi. Pumunta pa siya sa unahan ko para makipag-kamay sa lalaki.
So ayun na nga, parang hindi ako nage-exist sa kanilang dalawa, ede sila na. Napairap ako bago tumalikod sa kanilang dalawa, dumiretso ako sa counter para bayaran yung mga pinamili namin, akala ko makakalibre na ako kay Lexi, hindi pa rin pala.
Matapos ko magbayad ay naghintay na lang ako sa kotse niya ng ilang minuto pero wala pa rin siya. Nagchikahan pa ata yung dalawa, gaano ba sila katagal na mag-uusap doon? Hindi ba nila alam na may naghihintay dito sa labas?
Kaunti na lang maiinis na ako kay Lexi, pwede niya namang kunin na lang yung Facebook account nung lalaki tapos sa messenger na lang sila mag-usap, hayst.
Ilang minuto pa ay lumabas na si Lexi na may dalang paper bag, masama ko siyang tiningnan ng makalapit siya sa akin.
"Hindi mo ba alam na kanina pa ako nandito sa labas?" Inis kong tanong.
"I'm sorry, medyo napahaba ang usapan namin ni kuya eh, ikaw ba nagbayad?"
"Sino pa ba? Alangan namang yung cashier?" Pilosopo kong sagot sa kaniya. Napangiwi lang siya bago sumakay ng kotse at nagmaneho paalis.
Hindi kami nag-uusap hanggang sa makarating kami sa bahay, pero bago ako bumaba sa kotse niya ay may sinabi siya.
"Pam, I'm sorry," tumango lang ako sa kaniya, kinuha ko na yung mga pinamili ko at pumasok na sa gate.
Tinanaw ko munang makalayo ang kotse ni Lexi bago ako pumasok sa loob ng bahay, nadatnan ko si Manang Sabel na nagpupunas ng habang kainan.
"Manang, where's Mommy?" Tanong ko dito. Tumingin naman siya sa akin at pilit na ngumiti saka umiling.
Napabuntong hininga ako ng malalim bago umakyat sa kwarto ko, wala na naman siya, kailan ko ba siya maabutan dito sa bahay?
I miss her.
Wala na kaming bonding na Mommy since nagkaroon siya ng sariling company, alam niya pa kaya na may anak siya dito sa loob ng bahay?
Ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot kong kama at tumitig sa kisame, naiingit ako sa mga kaklase ko na buo yung pamilya, what if hindi nagluko si Daddy? What if hanggang ngayon nagmamahalan pa rin sila? Siguro may kapatid na ako, may kapatid nga ako pero sa ibang asawa naman ni Daddy. Kaya nahihirapan akong maniwala ulit sa Love eh, bakit kase ganito yung nangyari sa buhay ko? Sa murang edad nawalan ako ng Tatay, nawalan ako ng Ama na sana hindi nangyari kung hindi nagluko si Daddy.
Ipinikit ko ang mata ko at hinayaang dumaloy ang mga luha sa mata ko, hanggang kailan ko kaya dadalhin 'to? Hanggang kailan ko dadalhin ang sakit na ito? Bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap kahit ilang taon na yung nakalipas? Ang laki ko na oh pero dala-dala ko pa din.
May kaibagan ako pero isa lang, natatakot akong magtiwala ng lubos, baka kase hindi naman sila totoo sa akin, mahirap na. Mayaman nga kami, nakukuha ko nga lahat ng gusto ko pero bakit parang may kulang?
Mabilis kong pinunasan ang luha sa mata ko ng tumunog ang cellphone ko, notification from Instagram.
Mabilis ko yung binuksan ng makita ko ang pangalan ni Kleon, he posted a picture, nagulat ako dahil familiar sa akin yung babae.
Bakit siya?
Kumusta na kaya sila ni Ajero? Si Ajero wala akong balita sa kaniya since lumipat sila ng bahay ng family niya, si Kleon naman ay nakikita ko sa campus pero malayong-malayo sa Kleon ba kilala ko, naalala pa kaya nila ako?
Gustong-gusto kong lapitan si Kleon sa campus pero hindi ko magawa dahil pinangungunahan ako ng takot at kaba. Kailan ko kaya ulit sila makakasama at makakausap? Nakaka-miss din pala sila.
Naalala ko na naman yung napa-principal kaming anim kasama yung tatlong naka-away namin, napangiti lang ako ng bahagya habang inaalala yun.
I miss the old us.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro