35
Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Cian pero hindi ko yun pinansin, nang matanggal ko na ang tali sa kamay niya ay lumayo na ako, hindi ko na siya pinansin at nagsuot na lang ng headphones.
Bahagya kong hininaan ang volume para marinih ang pinag-uusapan nila, pero wala akong narinig, tahimik lang sila.
Dahil na rin sa haba ng byahe namin ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nang makarating kami sa resort ay namangha ako sa paligid, subrang ganda at maraming makukulay na mga bulaklak ang bumungad sa amin. Ang ganda din ng ambiance sa paligid, kaya pala maraming tao dito ngayon.
"I didn't know na may resort kayo, Azal," sabi ni Xiena habang naglalakad kami papunta sa counter. Agad naman kaming binati ng mga staff na nakakasalubong namin.
Kinuha ng ibang staff ang mga gamit namin at sila na daw ang maglalagay nun sa rooms namin.
"Anong room tayo?" Tanong ni Xiena.
"207, third floor," sagot naman ni Azal.
"Susunod na lang ako, maglalakad-lakad muna ako sa buhanginan," paalam ko sa kanila.
Hinayaan naman nila ako, pumunta ako sa tabing dagat kung saan humahampas ang alon sa buhangin.
"Wear this, mainit ang araw." Napatingin ako kay Cian ng ilagay niya sa ulo ko ang isang cup at sinuot sa akin ang jacket. Hindi ko na yun tinggihan dahil totoong mainit nga.
Hinubad ko ang tsinelas kong dala at naglakad papunta sa tubig.
"Be careful, baka may tinik diyan sa tubig," napairap ako sa inaasta ni Cian. Alam ko namang concern siya pero hindi pa kami ayos kaya wag siyang umasta na okay kami, kase we're not.
Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad-lakad na lang sa tubig. Ang sarap sa feeling na tumatama ang tubig sa mga paa ko.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong naglalaro sa tubig kaya nagpasya na rin akong magpahinga muna sa room namin. Paglingon ko ay hindi ko na nakita si Cian.
Kahit kailan talaga.
Sumakay ako ng elevator para makarating sa room namin, tinatamad akong gumamit ng hagdan. Nang makarating ako sa room namin ay nakahiga na sila sa kaniya-kaniyang kama. May isa pang bakante doon at nando'n na din ang gamit ko kaya malamang na ito ang kama ko.
Magkaiba ang room ng mga boys at iba rin sa amin pero magkatabi lang. Matapos kong mag shower at tuyuin ang buhok ko ay nagpahinga na rin ako.
Nagising ako na madilim na sa paligid, wala na rin si Azal at Xiena sa kama nila, bumangon ako at pumunta sa veranda, bumungad sa akin ang maliwanag na buhanginan na kung saan maraming pailaw.
Ang payapa ng paligid, may nakikita pa akong mga bata na nagtatakbuhan sa buhangin at naglalaro.
Habang naghahanap ng jacket sa maleta ko ay nakita ko yung jacket ni Cian sa maleta ko.
Hindi ko pa pala ito nababalik sa kaniya, may jacket na naman siya sa akin kanina. Hindi naman ako ipunan ng jacket niya at hindi ko rin alam kung bakit nandito itong jacket na 'to.
Dahil tinatamad na akong maghanap ng iba ay yun na lang ang sinuot ko, bumaba ako ng first floor para maghanap ng pwedeng kainan dahil nagugutom na ako, hindi man lang ako ginising ng dalawa.
"Pamie!" Napatingin ako sa tumawag sa akin, nakita ko naman silang lahat na naka-upo sa isang restaurant dito sa resort. "Nag order na kami ng kakainin natin, mabuti na lang gumising kana, pupuntahan na sana kita," sabi ni Xiena ng makalapit ako sa kanila.
"Bakit kase hindi nyo ako ginising?" Inis kong tanong, naghanap ako ng pwede kong upuan pero ang bakante na lang ay ang katabi ni Azal na kung saan kaharap ko si Cian. Wala naman akong choice kaya umupo na lang din ako doon.
Pasimple kong tiningnan si Cian na nakatitig sa jacket na suot ko. Sorry naman, wala na akong ibang magamit eh.
Nag-usap lang kami kung anong plano nila bukas, may balak silang mag scuba diving, mangisda, mag shopping, ako ang gusto ko lang ay mag relax.
Pagkatapos naming kumain ay kaniya-kaniya na ng alisan ang mag-jowa. Dahil wala naman akong jowa ay naglakad ulit ako sa tabing dagat, medyo malamig na kaya di ko na binasa ang paa ko.
"Familiar sa akin ang jacket mo," halos mapatalon ako sa gulat ng sumulpot sa tabi ko si Cian.
"Yeah, sorry, I didn't know na hindi ko pala 'to nabalik sa'yo, don't worry-"
"No, it's okay, I'm just glad that you didn't throw it," natatawa niyang sambit.
"Why would I throw it?" Taka kong tanong.
"Kase galit ka sa akin or gusto mong mag move on kase ayaw mong makakita ng tungkol sa akin kaya itatapos or susunugin mo na lang."
"Hindi naman 'to sa akin bakit ko itatapon? And isa pa, I'm not like that alam mo yan, I such a memory keeper, mas gusto ko pang masira ang binili ko para sa akin kaysa sa binigay sa akin." Paliwanag ko.
Natawa lang siya sa sinabi ko at hindi na nagsalita, sinabayan niya naman akong maglakad, ang ingay ng alon lamang ang naririnig namin at ang nagsisilbing ilaw namin ay ang maliwanag na buwan.
"Do you want me to take you a picture?" He ask. Napakunot naman ang noo ko.
"Why?" Taka kong tanong.
"Ang ganda mo kase ngayon, gusto ko lang makita mo yung ganda mo kapag natatamaan ka ng sinag ng buwan. Pasimple akong napangiti sa compliment niya.
Fuck, I miss him.
Kahit na naiilang pa ako sa kaniya ay pinagbigyan ko siya, dahil naiwan ko ang cellphone ko sa room namin ay ang cellphone niya na lang ang ginamit ko.
Hindi ako nakatingin sa camera, kundi sa kaniya. Nakangiti siya habang kinukuhaan ako ng picture, nagpo-pose rin ako ng naayon sa suot ko, hindi naman ako ng swimsuit, naka jacket ako na malaki at maikling na maong short.
"Look, ang ganda mo kasama si Luna," I look at his cellphone at nakita ko nga ang sarili ko doon na maganda ang pagkakakuha kasama ang bilog na bilog na buwan.
"T-Thank you," nahihiya kong saad. Ngumiti lang siya at sumunod na ulit sa akin maglakad.
"Ahm..." Napatingin ako sa kaniya pero umiling naman siya, alam kong may gusto siyang sabihin, pero nahihiya lang.
Ako din may gustong sabihin, tanga na ba ako kapag sinabi kong gusto kong makipagbalikan sa kaniya? Hindi naman masama magbigay ng another chance di ba? Alam naman natin na kapag mahal natin ang isang tao mahirap bitawan, kahit ilang beses mo pang sabihin sa sarili mo na naka move on kana pero ang puso mo siya pa rin ang hinahanap.
"Pwede ba tayo mag selfie?" Kamot batok niyang tanong, hindi man lang siya nautal sa bilis ng pagkaka sabi niya nun.
Natawa naman ako bago tumango, napangiti naman siya ng malaki saka pinosisyon ang camera para makapag selfie kami. Hindi ko alam kung naka ilang pose ko doon paano ba naman sunod-sunod ang click niya ng camera.
"Ikaw naman ang kukunan ko ng picture." Kinuha ko sa kamay niya ang cellphone niya at lumayo ng kaunti.
"I don't know how to pose-" nahihiya niyang sabi at tumatalikod pa sa akin.
"I'll teach you," sagot ko naman. Tinuruan ko siya kung paano mag-pose.
In the end magaganda ang nakuha kong picture niya, humarang pa siya ng isang babae para kunan kami pareho ng picture, hindi na rin ako naka angal ng hilain niya ako palapit sa kaniya.
May plano sana ako na ang picture ay nakatingin ako sa kaniya habang siya naman ay nasa camera pero shit gano'n din pala siya, pareho kaming nakatingin sa isa't isa pero siya ngumiti ako naman ay gulat na gulat.
Matapos nang nangyari ay sabay na kaming bumalik ng room, hanggang ngayon hiyang-hiya ako sa ginawa ko kanina, tahimik lang kaming nakasakay ng elevator, dalawa lang din kase kami ang tao doon.
"G-good night." Nginitian ko lang siya at pumasok na sa room namin.
Naligo lang akk sandali at humiga na sa bed ko, sandali ako pumunta sa instagram account ko at shit naman talaga.
CianAlmzn tag you a post.
CianAlmzn tag you a story.
CianAlmzn tag you a post.
Shit ilang post ba ang ginawa niya? Hiyang-hiya na ako. Hindi ko binalak na e check pa yun dahil sa notification ko lang nakita pero dalawang notification na naman ang nakita ko galing naman sa facebook.
Cian Dheo Almazon tag you a post.
Cian Dheo Almazon mentioned you in a comment.
Maya-maya pa ay sunod-sunod na ang pag pop up sa messenger ko, nangunguna si Lexi at Lea.
Lexi
Beh, kailan pa kayo nagbalikan?
Bakit di mo naman sinabi sa akin?
Hindi mo na ba ako friends?
Siraulo ka talaga, hindi kami nagbalikan
Hindi ko din alam kung bakit niya pinost.
Lea
Babaita, grabe ha.
Binalikan mo na pala?
Useless pag-iyak mo teh.
Hindi nga kami nagbalikan, baliw😭
Gulong-gulo na ako kung sino ang una kong rereplyan kaya mas pinili ko na lang na wag ng magpaliwanag.
Kinabukasan ay maaga akong ginising ng dalawa dahil pupunta na raw kami ng dagat, hindi ko alam kung ano ang gagawin namin pero baka sisisid kami sa dagat, hindi pa naman ako sanay sa dagat pero mabuti na lang marunong akong lumangoy.
Nakahanda ang gagamitin naming yati at mga pagkain at kung ano pang kailangan namin. Hindi ko alam kung nagpapapansin lang sa akin si Cian o ano dahil napaka gentleman niya sa akin. Inalalayan niya akong sumakay ng yati.
Napuno naman ang asaran ang mga kaibigan namin dahil sa alam nila ay hindi pa nga kami ayos na dalawa. Hindi ko na lang sila pinansin at umupo na lang.
Pumasok ako sa room para ayusin ang mga gamit namin, malaki din naman yung bed dito sa yati kaya di rin kami mahihirapan matulog. Gentleman naman ang mga boys kaya wag na sila matulog.
"Ayaw mo na na talagang bigyan ng chance si Cian?" Napatingin ako kay Xiena mg pumasok siya sa kuwarto.
"Ayaw ko ng masaktan." Pagdadahilan ko pero sa totoo lang natatakot lang akong sabihin sa kanila.
"Mukha namang nagbago na siya eh, I think sincere na yung pinapakita niya sa'yo ngayon." Dagdag naman ni Azal.
"I don't think so." Sagot ko at humiga sa kama. Ginaya naman nila akong dalawa. Naramdaman naming umandar na ang yati kaya tahimik lang kami sa loob.
"Alam mo Pamie, si Ajero napakababaero, isa nga rim yun sa ikinakatakot ko ngayon eh, na baka ipagpalit niya ako pero alam nyo, nakita ko talaga ang pagbabago niya since nung nakilala niya ako," kwento bigla ni Xiena.
"Si Kleon ko naman, wala patay na patay sa akin yun eh," Natawa kaming lahat sa sinabi ni Azal, "pero sa totoo lang, simula ng dumating sa buhay ko si Kleon nagbago lahat eh, ang dating tigasin na Azal naging malambot dahil sa kaniya." Dagdag niya pa.
"Alam kong hindi babaero si Cian, mabait siyang lalaki, siguro may dahilan lang talaga siya kung bakit mas pinili niyang itago sa'yo ang lahat at iwan ka niya." Napatingin naman ako kay Azal.
"Every problem has a solution, Pamie, and every problem has a reason, kaya imposibleng wala siyang dahilan," si Xiena.
"What if, hindi na ako ang gusto niya?" Tanong ko sa kanila.
"Paano mo malalaman ang sagot sa tanong mo kung hindi mo susubukang bigyan siya ng pagkakataon para patunayan na mahal ka niya?" Tanong ni Azal.
"I want to give him a chance pero natatakot na ako na baka maulit yung ginawa niya sa akin," paliwanag ko.
"Isa lang ang ibigsabihin nun," tumingin ako kay Xiena. "Hindi ka talaga niya mahal." Tumango naman si Azal.
"Kase kung mahal ka niya hindi niya hahayaang umiyak ka pang muli dahil sa kaniya." Dagdag ni Azal.
"Sapat na ang isang beses na pinaiyak ka niya, kapag sumubra na, tama na." Tumango lang ako sa sinabi nila.
"Thank you." Sagot ko. Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na sila. Hindi rin naman nagtagal ay sumunod na ako sa kanila.
I'm wearing my swimsuit, black sa akin, pink kay Xiena at black din ang kay Azal ma bumagay lahat sa kulay ng balat namin.
Naglagay lang ako ng manipis na robe sa katawan ko dahil hindi ako komportable. Napatingin ako kay Cian na nasa akin pala ang tingin, mabilis naman akong umiwas ng tingin dahil sa hiya.
Lumapit ako kay Azal at Kleon na nag-aaway. Si Xiena namam at Ajero ay may sariling mundo.
"Bakit na naman kayo nag aaway?" Taas kilay kong tanong sa kanila. Hindi naman sila sumagot at inirapan lang ang isa't isa. Napairap na lang ako at umalis na sa harapan nila.
Nung huminto na ang yati ay kaniya-kaniya na sila ng ayos ng mga gagamitin para sumisid. Kinakabahan ako pero kailangan kong tumuloy, minsan lang mangyari 'to kaya sulitin na.
Nang maayos na sa akin ang suot ko ay isa-isa na kaming bumaba ng dagat, napasigaw ako dahil sa lamig ng tubig. I'm still afraid. Inggit na inggit ako sa kanila dahil magkakahawak sila ng kamay na sumisid, ako lang tuloy ang naiwan sa ibabaw parang ayaw ko na lang tuloy sumisid.
"Are you afraid?" Napangirit lang ako kay Cian, siya naman ay tinawana ako kaya inis ko siyang sinabuyan ng tubig. Patuloy pa rin siya sa pagtawa sa akin habang lumalapit.
"Nagkamali atang sumama ako." Sagot ko. Natawa naman siya. Napatingin ako sa kamay niya ng ilahad niya yun.
"Come on, let's enjoy this moment."
Napangiti naman ako bago tinanggap ang kamay niya, sabay kaming sumisid sa ilalim habang hawak niya ang kamay ko.
Mahigpit ang pagkakahawak niya doon at walang planong bitawan. Pinagmasdan ko ang ilalim ng dagat, ang magagandang isda na iba't iba ang kulay, ang magagandang corals.
Ang romantic ng ilalim ng karagatan para sa akin. Naglaro pa si Cian sa mga isda natatawa lang ako sa kaniya. Sabay rin kaming umahon ni Cian.
"Ang ganda." Sambit ko kaagad.
"Mas maganda ka." Sagot niya naman, hindi ko siya pinansin at umakyat na lang sa yati. Nakaramdam naman ako ng gutom kaya naghanap kaagad ako ng pwede kong kainin.
Inilahad naman sa akin ni Cian ang salad na nasa plato. Ang iba naming kasama ay wala pa rin, baka sinusulit nila ang ganda ng ilalim.
"Ang ganda mo." Puri niya na naman. Feeling ko kapag siya ang nagsasabi nun totoong-totoo.
Gandang-ganda ako sa sarili ko kapag sinasabihan niya ako ng maganda. Alam ko naman na maganda ako pero iba pa rin kapag siya na ang nagsasabi.
"In love kana naman?" Pagbibiro ko bago sumubo ng salad.
"Matagal na," Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa gulat pero nginitian niya lang ako. "Hihintayin pa rin kita kahit hindi na ako ang gusto mo, gusto ko lang sabihin sa'yo ba mahal na mahal kita, don't let other people ruin you. Ang ganda mo." Nginitian niya lang ako bago siya tumayo para talikuran ako.
"Cian?" Napahinto siya sa paglalakad at harapin ako. Kitang-kita ko ang namumuong luha sa mga mata niya.
Inilapag ko ang salad sa lamesa na nadoon at mabilis na lumapit sa kaniya at yakapin siya.
"I miss you." Sambit ko.
Dahan-dahan kong naramdaman ang braso niya na pumulupot sa katawan ko.
"I miss you more." Naiiyak niyang sagot.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro