Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

33

"Oh!" Inis kong hinagis kay Cian ang mga damit na pampalit niya, "Magpalit ka daw ng damit sabi ni Daddy!" Inis kong sinara ang pinto ng guest room at lumabas na.

Kainis. Bakit ba nandito yang lalaki na yan?

"Nabigay mo na ba?" Tanong sa akin ni Daddy ng makasalubong niya ako.

"Opo." Labag sa loob kong sagot.

"Galit ka ata?" Natatawa niyang tanong.

"Dad naman, wala na kami ni Cian matagal na, bakit naman dito nyo pa naisipang patulogin yan?!" Nakanguso kong tanong at kunwaring nagdadabog.

"Sabi niy-"

"You don't need to explain to her Daddy," pigil ni Lea at nag stop sign pa. "Wala ka ng magagawa dahil nandito na siya, kung ako sa'yo pumasok ka na lang sa kuwarto mo at matulog," she said while walking kasama si Daddy. "Good night Pamie." Kumaway pa siya sa akin.

Inirapan ko siya at dinilaan niya naman ako na parang bata saka inis akong pumasok sa kuwarto ko.

Paano ako nito makakatulog? Iisipin ko pa lang na nandito sa bahay si Cian naiinis na ako. Ang kapal naman ng mukhang niyang magpakita sa akin matapos ng ginawa niya. Hindi ba siya marunong mahiya? Ang kapal ng mukha.

Inis akong bumangon at tumitig sa tv ko, hindi man lang ako dinadalaw ng antok. Binuksan ko ang laptop ko at nanuod sa netflix pero wala pa rin, hindi ko na nga maintindihan kung ano yung pinapanuod ko eh. Kainis.

Inis kong pinatay ang laptop ko at humiga ulit pero wala pa rin, nakatitig lang ako sa kisame ng kuwarto ko. Pinilit kong pumikit pero di pa rin effective.

Napatingin ako sa pinto ng kuwarto ko ng may kumatok doon ng tatlong beses. Inis akong bumangon para tingnan kung sino yun. Gabing-gabi na nambubulabog pa.

"What?!" Inis kong tanong kay Lea na nakangisi.

"Hindi ka makatulog 'no?" Natatawa niyang tanong. Manghuhula ata 'to eh. Siguro siya si madam awring sa past life niya.

"Ano bang kailangan mo?!" Irita kong tanong.

"Pinapabigay ni Cian," She show me a piece of paper, tinitigan ko lang yun at tinaasan ng kilay, wala akong balak na kunin yun at malaman kung ano ang laman nun. Dahil hindi kinukuha ay inis na kinuha ni Lea ang kamay ko at siya na ang naglagay nun doon. "Ang arte mo." Yun ang huli niyang sinabi bago ako talikuran.

Inis kong nilukot ang papel na hawak ko at bumalik sa loob ng kuwarto ko, wala akong planong tingnan kung ano man ang nakasulat sa papel na yun.

"Ang daming alam pwede namang sabihin na lang, may pa sulat-sulat pang nalalaman." Inis akong bumalik sa kama at humiga doon.

Tinitigan ko ang nakabilog na papel sa kamay ko, hindi ko magawang itapon dahil sa curiousity pero mataas pa rin ang pride ko na wag yung buksan.

Sinubukan ko ulit matulog pero hindi pa rin talaga ako inaantok, nakita ko na lang ang sarili ko na binubuksan yung papel na nilukot ko kanina.

'Can we talk? I'm here in your garden.'

Napataas ang kilay ko dahil sa nabasa ko, ano na namang trip ng lalaki na 'to?

"Ayaw kitang kausapin! Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa akin!" Inis kong sigaw sa papel na hawak ko. Bahala siya diyan, baka kung ano-ano na naman ang sabihin niya sa akin tapos masasaktan na naman ako. Hindi pa nga ako totally naka move on eh tapos ito na naman siya.

Inis kong sinuot ang jacket ko at dahan-dahang lumabas ng kuwarto. Hindi ko siya kakausapin, gusto ko lang tingnan kung totoo bang nando'n siya sa garden.

Pagbaba ko ng hagdan ay dumeritso kaagad ako sa likod kung nasaan ang garden namin, nakayuko akong naglalakad at nagtatago sa mga halaman para lang di niya makita.

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko sa halaman at tiningnan si Cian na nakaupo sa damuhan habang nakatingin sa bilog na bilog na buwan. Napatingin din naman ako doon at kitang-kita ko ang mga bituin at ang maliwanag na buwan.

Ito ang nagbibigay ng liwanag sa paligid namin bukod sa mga ilaw sa paligid na inilagay ni Mommy para mas lalong gumanda ang garden. Napabuntong hininga ako bago napa-upo sa damuhan at tumingin din sa langit.

Ayaw ko siyang kausapin dahil hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kaniya, hindi ko alam kung saan na naman hahantong itong pag-uusap namin dahil ayaw ko na ulit masaktan, sana lang sabihin niya na lang sa akin na may bago na siyang nagugustuhan o kung may girlfriend na siya mas matatanggap ko pa yun kahit na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan niya kung bakit niya mas piniling iwan ako.

"I know you're there, can you come here, besides me?" Nanlaki ang mata ko dahil sa biglang pagsasalita ni Cian, napatulala ako sa kawalan dahil sa kaba.

Ano ba kaseng pumasok sa isip ko at nagtatago pa ako?

Mabilis akong tumayo at pinagpapagan ang sarili na parang walang nangyari.

"Anong ginagawa ko diyan? Bakit hindi ka kaagad lumapit sa akin?" Tanong niya, kitang-kita ko ang mata niyang malamlam  na animo'y galing sa iyak.

"Tiningnan ko lang kung— ano bang pakialam mo?" Taas kilay kong tanong.

Natawa siya ng bahagya bago tinuro ang tabi niya. Dahan-dahan naman akong naglakad palapit sa kaniya, doon ko lang narealize ang ginawa ko kaya medyo lumayo ako ng upo sa kaniya. Medyo basa na ang damo kaya nagdadalawang isip akong umupo. Napansin niya naman ata yun dahil hinubad niya ang kaniyang jacket at inilatag yun sa damuhan.

"You can sit here." Nagdadalawang isip akong umupo pero nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at napa-upo ako sa kandungan niya.

Bahagya siyang nakayakap sa akin kaya subrang bilis ng tibok ng puso ko na parang wala ng katapusan, nag init rin ang mukha ko sa di malamang dahilan.

"I... I'm sorry," mabilis akong tumayo at umupo doon sa jacket niya. Tumikhim naman siya para mawala ang pagkailang. "Bakit mo pala ako gustong maka-usap?" Nakatingin lang ako sa buwan ng itanong ko yun sa kaniya.

"About us-"

"We're already done, Cian, so ano pang pag-uusapan natin?!" Putol ko sa kaniya.

"I know-"

"Yun naman pala eh, bakit kailangan mo pang bumalik sa buhay ko at guluhin ako?!" Inis kong tanong sa kaniya.

"I'm not here just to create a mess, nandito ako para humingi ng tawa-"

"Pwes, I don't need your apologies, I don't need your explanation, kaya bukas na bukas din pwede ka ng bumalik kung saan ka man nanggaling!" Sagot ko sa kaniya.

"Ayaw ko." Napatingin ako sa kaniya pero nagsisi din ako ng makasalubong ko ang mga matang niyang may namumuong luha, mabilis akong umiwas ng tingin dahil alam kong anytime ay maiiyak din ako.

I'm a soft hearted girl, kahit maliit na bagay iniiyakan ko. Hindi naman ako galit sa kaniya, naiinis lang ako at kung ano man yun ay pinapatawad ko na siya pero sana naman hayaan niya akong maka-ahon hindi yung nahihirapan ako ng ganito.

"Cian, ano ba talagang kailangan mo?! Pagod na pagod na ako!" Sigaw ko sa kaniya. Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata niya. Hinayaan niya lang yun pero nasa buwan pa rin ang kaniyang tingin.

"I know," napakunoy noo ako. "I know you're tired, I know I hurt you, I know you're regreting the things we had been done, and I'm really sorry about that." Dagdag niya pa.

Napahinga ako ng malalim sa inis at pinunasan ang mukha ko, may luha na pa lang tumutulo mula sa mga mata ko.

"Hindi mo lang alam kung gaano mo ako nasaktan, hindi mo lang alam kung gaano kalaking sugat yung ginawa mo sa akin." Sabi ko sa kaniya.

"Alam ko, kaya nga ako nandito ngayon para pagalingin ka, ako ang dahilan ng pagkadurog mo, ako ang dahilan ng malaking sugat na yan sa'yo, kaya nandito ako para gamutin ka, nandito ako para humilom ang sugat na yan, ako ang nakasakit, kaya ako rin ang magpapagaling." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o maiinis.

"Hindi kita kailangan para gumaling ak-" hindi pa ako natatapos magsalita ng bigla niya aking tanungin. Tanong na hindi ko alam ang sagot, tanong na ang hirap sagutin dahil sa consequences na pwedeng mangyari.

"Hindi mo na ba ako mahal?" Natahimik ako dahil sa tanong niya.

I don't the answer.

"I guess hindi na nga." Hindi ako sumagot, may part sa akin na mahal pa siya pero may part din na natatakot na baka masaktan ako ulit at mas malala pa doon.

Nakakapagod kayang umiyak gabi-gabi. Gusto ko lang namang mahalin ako at maging masaya pero parang pinagkait sa akin yun lahat.

Ano bang nagawa kong kasalanan? Bakit sa akin nangyayari ito? Mayaman naman kami, halos wala na nga akong problema eh, ang problema ko na lang ngayon ay kung paano gagaling, kung paano ulit ako magiging okay at makakaahon sa ginawa niyang sugat sa akin.

Aaminin ko na namiss ko talaga siya, pero that doesn't mean na gusto kong makipagbalikan sa kaniya.

"Yes, I still love you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro