31
"What do you mean? Hindi ba anak ka ng secretary ni Daddy?" Kunot noo kong tanong.
"Oo nga, but your Daddy is not my Dad." Literal na nanlaki ang mata ko dahil doon.
"Huh? Can explain it properly? Yung maiintindihan ko kaagad, please?"
"Okay, ganito kase yun, si Mama ay secretary ng Daddy mo sa company nyo year's ago, namatay because of cancer, tinulungan kami ng Daddy mo nun, ang Daddy mo ang nagpapagamot sa Mama ko, hanggang sa tuluyan na nga siyang nawala, pero bago mawala si Mama, nung nasa hospital pa lang siya ay dinalaw ko ang Daddy mo para bigyan siya ng regalo or kahit kunting pasasalamat lamang sa kabutihang ginawa niya sa amin ni Mama," panimula niya.
"I thought-"
"Patapusin mo'ko," putol niya sa akin. "That time, I didn't know na yung napagtanungan ko pala kung saan ang office ng Daddy ay ang Mommy mo, I'm sorry, I swear hindi ko talaga alam at hindi ko nagawang magpaliwanag nung inaway niya na ang Daddy mo, takot na takot ako nun kase akala ko kasalanan ko talaga kung bakit sila nag-away, hindi ko gustong magkagulo kayo Pamie, promise," naiiyak na siya ngayon at nakataas ang kanang kamay.
"Continue." Utos ko.
"Then after that, dinalaw kami ng Daddy mo sa hospital, sakto din yun dahil doon na nawalan ng buhay ang Mama ko. Nabanggit niya rin na iniwan na nga daw siya ng pamilya niya, dahil wala akong mapupuntahan na iba, kinupkop niya ako, lagi ko siyang sinasamahan na hanapin kayo pero wala eh, lagi kaming bigo, nakikita ko pa siya lagi na umiiyak sa kuwarto mo kase gustong-gusto kana niyang makita pero wala kaming magawa, niyayakap ko na lang siya kahit ang lagi niyang binabanggit ay ang pangalan mo at ng Mommy mo."
Tuloy-tuloy na tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya, he tried to find us, pero mas lalo akong inilayo ni Momny.
"Then one day, nakita namin ang Mommy mo sa isang event, pilit na isinisiksik ng Daddy mo ang sarili niya sa Mommy mo para lang makita ka, but your Mommy refuse to see you by your Dad," pinunasan ko ang luha ko at nakinig pa sa kaniya. "Hindi sumuko ang Daddy mo na makuha kayo ulit, hanggang sa pinag-aral niya ako at lagi niyang sinasabi sa akin ang linya na ito, "Lea, mag-aral ka ng mabuti para matanggap ka ng kapatid mo ha, para may maipagmamalaki tayo kay Pamie kapag nagkita kayo." Kahit pressure na pressure na ako sa school pinipili kong maging honor student, maging top sa klase para kapag nagkita tayo matanggap mo'ko kagaya ng sabi ni Daddy."
She cried hard, hikbi na siya ng hikbi, nilapitan ko siya at niyakap.
"I'm sorry," umiiyak kong sambit.
"Pamie, hindi nagluko ang Daddy mo, sadyang hindi lang talaga pinakinggan ng Mommy mo ang side niya, but trust me, he's a good man, a good father and a good husband." Dagdag niya.
"Thank you," sagot ko at mas lalo pa siyang niyakap. "But can I ask? One time na kita kitang may sugat sa braso at umiiyak doon sa park ng village natin."
"That time, sumuko na ako nun sa'yo, sabi ko baka ayaw mo talaga sa akin at hindi mo ako matatanggap, nakita din yun nila Mommy kaya dinala nila ako sa doctor para matingnan, and yun nga, ang results is depression and anxiety, mas pinili kong manahimik na lang nun at wag ka ng guluhin pero nagulat ako nung bigla mo na lang akong kinausap."
"Hindi ko din alam kung anong nangyari sa akin nun, pero subrang thankful ko sa'yo lalo na nung iniwan ako ni Cian, ikaw lang yung nandiyan sa akin para tulungan akong bumangon ulit, ikaw yung nag-alaga sa akin kahit ayaw ko ng mabuhay."
"Tanga ka eh, para yun lang, lalaki lang yun, maraming lalaki na mundo."
"Pero-"
"If a person who truly values you, would never put themselves in a position to lose you," she said while pointing at me. "Always remember that." Dagdag niya pa.
"Okay." Sagot ko.
Tama naman siya, kung talagang pinapahalagahan ka ng isang tao hindi niya ilalagay ang sarili niya sa posisyon para mawala ka sa buhay nila. Gagawa at gagawa sila ng paraan para manatili ka sa kanila kung talagang mahalaga ka para sa kanila.
Matapos ang mahabang paglalakbay ko sa pag-aaral, finally nandito na ako sa huling yapak ko. Suot ko na ang itim na toga na kung saan magsisilbing palatandaan na tapos na ako.
"Congratulations, Pamie, I'm so proud of you." Hinalikan ako sa pisngi ni Lea, mabilis ko naman yung pinunasan.
"Sinisira mo ang make up ko," reklamo ko sa kaniya.
Isa-isa na ring nagdatingan ang mga kaibigan ko, nandito rin si Xiena at Ajero na may dalang regalo at bulaklak, kasunod naman nilang dumating si Azal at Kleon na may dala ring regalo. Siyempre hindi mawawala ang mga Tita at Tito ko.
Isa-isa nila akong binati pero nginingitian ko lang sila, may part sa akin na parang may kulang. Feeling ko hindi ako magiging masaya sa araw na 'to kapag hindi ko nakuha kung ano ba yung kulang na yun.
"May hinihintay ka 'no?" Panunukso sa akin ni Xiena.
"H-Huh?"
"Pumasok kana sa loob, magsisimula na ako." Utos niya. Tumango lang ako bago sumulyap ulit sa labas.
Napahinga ako ng malalim bago pumasok sa loob. Nagsimula na ang graduation pero hindi ko pa rin siya nakikita, masaya ako pero may part sa loob ko na hindi. Hanggang sa sinalita ko na ang speech ko.
Iginagala ko ang mata ko sa buong crowds pero wala pa din, hindi siya makita ng mga mata ko. Mabilis ko na lang tinapos ang speech ko dahil sa pang hihinayang. Pero ipinakita ko pa rin sa kanila na masaya ako.
Matapos ang graduation ay kaniya-kaniya na sila ng tayo, picture dito, picture doon, kasama nila yung mga mahal na nila sa buhay. Napatitig ako sa SSG president namin kasama ang boyfriend niya. He gave bouquet of flowers to his girlfriend. Napangiti ako ng mapait dahil sa naramdaman kong pangungulila.
I really missed him, hindi man lang ako binati.
"Pamie tama na yan, tara na-" naputol ang sasabihin ni Azal ng biglang magsigawan yung mga bata.
"Ate Pamie!!" Napangiti ako ng malaki ng makita ko ang mga ngiti nila habang nagpapaunahang tumakbo palapit sa akin.
"Congratulations po!" Sabay-sabay nilang sabi at sabay-sabay rin na yumuko sa harapan ko. Hindi ko napigilan ang mga luha ko dahil sa sayang nararamdaman ko.
Isa-isa silang lumapit sa akin at niyakap ako at inabot sa akin ang rosas na dala nila. I felt love today. Ang sweet nila.
"Celebrate naman tayo Ate Pamie?" Natatawang sabi ni Mia.
"Thank you so much sa inyo," naiiyak kong pasalamat.
"Ate wag ka pong umiyak, yung make up nyo matatanggal," natatawang sabi ni Cyrell.
"Papanget kana niyan ate, wala ng manliligaw sa inyo," dagdag naman ni Jimmanuel.
"Okay lang, hintayin mo na lang ako ate Pamie, lalaki pa naman ako, ako na lang manliligaw sa'yo," hirit naman ni Lloyd.
"Kapal ng mukha mo, hindi ka pa nga tuli," pang-aasar sa kaniya ni Vimmia.
Nagtawanan naman sila kaya masama silang tiningnan ni Lloyd.
"Hayst, Lloyd kase, matangkad ka lang pero si kuya Cian pa rin ang gusto ni ate Pamie." Sabi naman ni Kurt na ikinapula ko. Bigla naman akong kinabahan dahil baka narinig nila Mommy.
"Tama na yan, let's all take a picture," singit naman ni Mommy.
Nagpakuha kami ng picture na apat kasama si Lea, Mommy at Daddy, kasunod nun ay kaming anim ng mga bata, sumunod ay kaming lima nila Azal, Xiena, Ajero at Kleon, sayang nga lang at wala si Cian.
"Ulitin naman natin," reklamo ni Azal, "Ang panget ng kuha eh." Dagdag niya pa.
Totoo naman kase, ang panget nga, pumwesto ulit kami para sa next picture. Nakangiti na ako ngayon ng malaki at hindi na malungkot dahil sa mga bata, panay asar pa sila dahil ako lang daw yung walang jowa sa aming lima kaya inis na inis ako sa kanila.
Habang nagpi-picture kami ay napatingin ako sa lalaking papalapit sa amin. Halos umalis sa katawan ko ang puso ko dahil sa bilis ng kabog nito.
Cian.
Natahimik sila ng makita namin si Cian na nakatitig sa akin, as in, nakatingin siya sa mga mata ko, nawala yung ngiti ko ng makita ang bulaklak na dala niya.
Para kanino kaya yan?
Inalis ko ang tingin sa kaniya at kunwaring may inayos sa toga ko, umalis naman yung mga bata at nilapitan siya para salubungin pero subrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa subrang kaba.
"Kuya, bilisan mo, sama ka sa picture!"
"Para kay ate Pamie ba yan, Kuya?"
"Oh my gosh, ang sweet!"
"Nagbalikan na ba sila?"
"Sila na ba ulit?"
"Nakakainggit."
"Wala na akong pag-asa kay ate Pamie, ang bata ko pa pero broken na kaagad ako."
"Ang OA mo Kurt!"
"Ayan na, may kasama ng jowa si ate Pamie, hindi na siya malungkot!"
Bwisit na mga bata 'to, pinagkaisahan pa ako.
Pilit nilang inilalapit sa akin si Cian pero ako naman itong iwas ng iwas, napatingin ako kay Lea na nakangiwi habang nakatingin kay Cian, galit talaga siya dito, napatingin naman ako kay Mommy at Daddy na nakangiti sa amin.
"C-Congratualation."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro