23
"Wala pa rin ba?" Tanong sa akin ni Josh, umiling ako sa kaniya pero nasa malayo ang tingin ko.
It's been 1 week since hindi nagrereply sa akin si Cian, hindi niya rin sinasagot ang tawag ko, cannot be reached pa lagi kapag tinatawagan namin.
"Saan naman kaya pumunta yun?" Tanong ni Lexi.
Hindi ko alam kung saan siya hahanapin.
"Puntahan na kaya natin sa bahay nila?" Suggestion ko, nakita ko ang mukha ni Josh na mukhang tutol sa sinabi ko.
"Ayaw na ayaw pa naman nung pinupuntahan sa bahay nila, pero no choice tayo, tara na." Sumakay kami sa kotse ni Josh, Saturday ngayon kaya maghapon kaming maghahanap kay Cian. Imbes na magreview kami para sa exam ay andito kami, naghahanap sa nawawala kong boyfriend.
Habang nasa byahe ay kinakabahan ako, hindi ko alam kung saan, sana nandyan ka lang sa bahay nyo.
Nang makarating kami sa bahay nila ay isa-isa kaming bumaba. Hindi kalakihan ang bahay nila pero sapat na para matawag na bahay, dalawang palapag din yun.
"Cian?" Tawag ni Josh, nilalamig na ang mga kamay ko dahil sa kaba, pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.
"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Lexi. "Namumutla ka, Pamie." Pag-aalala niya.
"Ayos lang ako." Sagot ko sa kanila dahil pati si Josh ay nag-aalala na rin.
Ilang beses pa kaming tumawag sa bahay nila pero wala pa ring sumasagot.
"Buksan mo na kaya?" Inis na sabi ni Lexi, napatingin naman sa akin si Josh at tinanguan ko lang siya.
I hope he's fine.
Dahan-dahang binuksan ni Josh ang pinto, nang mabuti na lang at hindi naka lock, nang mabuksan niya yun ay dahan-dahan niyang nilakihan ang pagkakabukas ng pinto.
Naunang pumasok si Josh, kasunod si Lexi, ako naman ay parang ayaw humakbang ang mga paa ko papasok. Para bang may pumipigil dito. Nanginginig kong inihakbang ang paa ko papasok.
Nang tuluyan akong makapasok sa loob ng bahay nila ay napatakip ako sa bibig ko dahil sa nakita namin. Pati sila Lexi at Josh ay gulat din ang reaction sa nakita namin.
Magulo, makalat, madumi, hindi maintindihan ang bahay nila Cian, napatingin kami sa taas ng may kumalabog doon. Agad naman kaming umakyat para tingnan kung ano ang meron doon.
The mess is all around the house, pati hagdan mayroonh kalat, mga damit, basag na vase, salamin, kung ano-ano pang mga nakakalat na gamit.
"Cian?" Tawag ni Josh. Nakatinginan kaming tatlo dahil biglang may kumalabog sa isang kwarto dito sa taas.
"Puntahan natin." Sabi ni Lexi, naunang maglakad si Josh sumunod naman ako at si Lexi.
Dahan-dahang binuksan ni Josh ang pinto kung saan nanggaling ang kalabog na yun. Pagbukas niya ng pinto ay laking gulat namin ng makita si Cian na nakahiga sa sahig.
"Cian!?" Sigaw ko at mabilis siyang nilapitan. Napatingin ako sa kwarto niya na subrang kalat at ang daming bote ng alak.
"Cian, anong nangyari sa'yo pre?" Tanong naman ni Josh.
Makalat din ang kwarto niya, samot-saring amoy ang naamoy ko, nakakasuka kaya mabilis akong pumasok sa cr niya pero mas lalo akong nasuka kaya dumeritso ako aa binatana para doon sumuka.
Ang baho ng amoy, puro alak pa, ang dumi din ng cr niya na akala mo hindi nilinis ang ilang buwan. Mabilis naman akong nilapitan ni Lexi habang si Josh naman ay inaalalayan tumayo si Cian na hanggang ngayon ay wala pang malay.
"Cian, gising!" Sigaw ni Josh.
"Dalhin na kaya natin siya sa hospital?" Napatango naman kami ni Josh sa sinabi ni Lexi.
Hindi ko na kaya mag stay pa dito, hindi ako maarte pero hindi ko kaya ang amoy sa kuwarto niya, magkahalong alak at hindi ko maintindihan kung anong amoy.
Inalalayan namin ni Josh si Cian pababa ng hagdan, hindi ako makahinga ng maayos dahil sa amoy ni Cian. Hindi ko kaya dahil kaiba talaga ng amoy niya.
"Ang bigat!" Reklamo ko, nahirapan pa kaming ibaba siya sa hagdan nila dahil subrang bigat niya.
"Ano bang ginawa ni Cian sa buhay niya!" Sabi ni Lexi at napapailing pa.
Maging ako ay hindi ko na din kilala kung sino siya at hindi ko alam kung bakit mas pinili niya maging ganito at hindi man lang ako sinasabihan. Plano niya pa atang e-ghost ako eh, ni hindi man lang ako ena-update. Miski 'Love, magpapakamatay na ako', wala man lang gano'n ede sana naka ready ako na ganito pala ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Sinasaktan niya ako lalo.
Nakahinga ako ng maluwag nung nakababa na kami ng hagdan, pumalit sa akin si Lexi sa pagbuhat kay Cian, dalawa sila ni Josh na umalalay kay Cian para makasakay sa kotse.
Nang makasakay na ay mabilis na nagmaneho si Josh papunta ng hospital. Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Cian, bakit ba siya naging ganito?
Ang dami kong tanong na gusto ko ng sagot, mag-iisang taon na kaming magkarelasyon tapos ngayon pa siya magiging ganito.
Mabilis naman siyang inasikaso ng mga nurse nang makarating kami sa hospital. Naghintay lang kami sa labas ng emergency room.
"Josh, what happened to him?" Tanong ni Lexi, maging si Josh ay tulala din, malalim ang iniisip.
"Wala akong idea, pati ako nagulat din kung bakit gano'n ang dinatnan natin," sagot niya.
Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa pag-aalala.
"Pamie, wala ba siyang nasasabi sa'yo?" Tanong ni Lexi, napailing naman ako.
Natahimik kaming tatlo doon, nakatulala at malalim ang iniisip, hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang nangyari, nasaan pala ang parents niya?
Where's his Dad and Mom? At bakit hinayaan nilang maging gano'n ang bahay nila? Nag-away ba sila o may hindi lang ako nalalaman? Bakit kase hindi nagsasabi sa akin si Cian? Ano ba ako sa kaniya? Bakit hindi niya magawang mag open up sa akin?
"Pamie, kanina pa nagri-ring ang cellphone mo." Nabalik ako sa ulirat ng kalabitin ako ni Josh. Mabilis ko namang kinuha nag cellphone ko sa bag ko.
["Where the hell are you?!"] Bungad sa akin ni Mommy ng sagutin ko ang tawag. Medyo lumayo muna ako sa dalawa dahil nakakahiyang sigawan ni Mommy.
"I'm in a hospital." Mahina kong sagot.
["What?! What are you doing there?!"] Galit pero nag-aalala niyang tanong.
["Pamie, anong nangyari sa'yo?"] It's Dad, his worried too.
"I'm fine, but my boyfri- my friend, he isn't fine." Sagot ko. Hindi pa nga pala nila alam.
["Saang hospital?"] Tanong ni Daddy.
"Merjin hospital Daddy." Sagot ko.
["Pupunta kami-"]
"No need na po, pauwi na rin naman po ako." Sagot ko kaagad, pinatay ko na ang tawag matapos magpaalam.
Bumalik ako sa dalawa, kahit ayaw ko pang umuwi kailangan.
"Babalik na lang ako bukas para sa update, gusto ko pang mag stay pero kailangan ko ng umuwi." Paalam ko.
"Ako na lang muna ang magbabantay sa kaniya, mauna na kayo ni Lexi." Sagot naman ni Josh.
"Are you sure?" Si Lexi, tumango naman su Josh.
Nagpaalam na kaming dalawa at umuwi na, magkaibang taxi ang sinakyan namin ni Lexi. Nang makauwi ako ng bahay ay inaabangan na pala nila ako.
"How's your friend?" Tanong kaagad ni Daddy.
"He still in emergency room, I check him tommorow," sagot ko.
"Kumain kama muna bago umakyat sa kwarto mo." Utos ni Mommy.
"Sabay na po kami ni Pamie," singit naman ni Lea. Napairap ako bago dumeritso sa dinning, ramdam ko naman na nakasunod siya sa akin. "Kumusta si Cian?" Taka akong napatingin kay Lea.
"How did you know him?" Gulat kong tanong. Naalala ko na magkaklase nga pala sila, ni hindi man lang binanggit sa akin ni Cian.
"He's my classmate and also my closest friend." Casual niyang sagot na parang hindi niya alam na boyfriend ko yung tinutukoy niya.
Bakit hindi niya nasabi sa akin na may girl best friend pala siya?
Magkaharap kaming umupo sa dinning na tanging dalawa lang ang nag-uusap.
"He didn't tell me that he has a girl best friend," sagot ko.
"Oh? And I also didn't know that you know him." Inirapan ko siya.
"So? Ano din kung kilala ko siya? Bakit nagseselos ka ba?" Natatawa kong tanong.
"Why would I? Baka kase magselos yung girlfriend niya kapag nalaman na may iba pa pala siyang babaeng kaibigan." Sagot niya kaya mas lalo akong natawa.
Protective naman pala, kaya lang hindi niya alam na yung inaaway niya ngayon ang girlfriend ng kaibigan niya.
"Anong nakakatawa?" Taas kilay niyang tanong.
"Nothing, I'm hungry." Nagsimula na akong magsandok ng kanin at ulam na nakangiti pa rin.
Nawala ng kaunti yung inis ko sa kaniya.
"Oh my god!" Nabitawan ko yung kutsara ko sa bigla niyang pagsigaw. "I'm sorry, ngayon lang nag sink in sa utak ko!" Nakahawak siya sa bibig niya habang malaki pa rin ang mata dahil sa gulat. "So ikaw nga?"
"Ang?" Taka kong tanong, hindi ko siya maintindihan.
"Ang girlfriend ni Cian?"
"Shut up, hinaan mo boses mo!" Sita ko sa kaniya. Yari talaga kapag nalaman nila Mommy.
"Oh my god, so totoo nga?" Bulong niya. Tinaasan ko siya ng kilay at nginisihan.
"Yes, I'm Cian girlfriend."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro