21
"Hi," bati sa akin ni Cian ng makarating ako sa parking lot. It's our anniversary, ang bilis ng buwan, ilang buwan na lang fourth year na kami.
"Hello, Miss beautiful," and he wink at me. Natawa ako sa kaniya saka ko binuksan yung pinto ng kotse ko. "Ang saya mo ngayon ha, pasado ba?"
"Oo naman siyempre, ako na 'to eh," natatawa kong sagot, inalalayan niya akong sumakay sa passenger seat, siya naman ay umikot sa driver seat.
"Sabi ko na kaya mo eh, bukas ako naman." He start the engine of the car and start driving.
"Galingan mo, I know you can do it." Nakangiti kong sagot. Exam niya kase bukas, ako naman ay katatapos lang, as usual pasado lahat, one to two mistake kada subject.
"Yeah, dahil dyan, treat kita, manunuod tayo sa cinema!" Sigaw niya na ikinagulat ko.
"Eh? Hindi ka magre-review?" Gulat kong tanong, kailangan niyang magreview para sa exam tomorrow. "Pwede naman pagkatapos na kang ng exam mo tayo manuod eh." Dagdag ko.
"Two hours lang naman yung movie, mahaba ang oras oh, 5:30 pa lang," sagot niya naman sa akin. "Pagbigyan mo na ba ako, gusto kitang makasama ngayon oh," napahinga na lang ako ng malalim dahil wala akong choice.
"Oo na,"
"Yehey!" Para siyang bata na pinagbigyan sa gusto niya. Napailing na lang ako sa ginagawa niya, minsan para siyang bata lalo na kapag nagpapaalam sa akin, ako naman na ayaw na ayaw ng ganon ay walang nagagawa kundi ang pumayag na lang, minsan naman para siyang si Mommy kung magpayo at ayaw pang magpatalo, pero lagi naman siyang tiklop sa akin.
"Anong food ang gusto mo?" He ask ng makarating kami sa cinehan.
"Kahit ano, wala din naman akong gana kumain eh," sagot ko.
"Galit ka ba?" Nakanguso niyang tanong.
"Nope," tipid kong sagot.
"Eh parang galit ka eh, sige uwi na lang tayo," nagpapapadyak na siya habang nakanguso pa.
"Hindi nga ako galit," mahinahon kong sagot.
"Eh bakit ganiyan ka? Parang napilitan ka lang?" Sabi niya pa habang yung mga mata niya paluha na.
"Cian, I'm not mad okay? Sige na pumasok na tayo sa loob." Hindi niya ako pinansin at nagtuloy-tuloy lang na maglakad. Napailing na lang ako habang tumatawa. Akala ko papasok na kami sa loob pero umupo siya doon sa may mga halaman at nag cross arm na nakanguso pa.
"Uwi na lang tayo." Sabi niya ng makalapit ako.
"Niyaya mo ako dito tapos uuwi lang din pala tayo?" Natatawa kong tanong.
"Eh ikaw eh, parang ayaw mo ako kasama," nakanguso niyang sabi.
"Gustong-gusto kita kasama kaya tara na." Hinawakan ko yung kamay niya at hinila siya patayo, sumunod naman siya at nagulat pa ako nung bigla niya akong akbayan at sabay kaming pumasok sa cinehan dala ang binili niyang pagkain at drinks.
Nang makapasok kami sa loob ay doon ko lang narealize kung ano yung papanuorin namain, hindi ko nakita yung poster sa labas, kung alam ko lang sana hindi na ako tumuloy.
Huli na para magreklamo pa kaya nagkunwari na lang akong hindi natatakot. Kapag alam kong may lilitaw na nakakatakot sa screen ay nagkukunwari akong may tinitingnan sa baba pero inaalis ko din dahil nga madilim ay kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.
Ang pinapanuod namin ngayon ay horror na ang title ay The Nun. Gustong-gusto kong sumigaw pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil maraming tao sa loob. Hindi rin ako nagpapahawak kay Cian dahil baka mahalata niya na natatakot ako.
"Okay ka lang?" Tanong niya, hindi ko inalis ang mata ko sa screen, hindi ko siya pinansin dahil sa takot, kainis naman kase eh. "Love?" Still I didn't faced him. "Pamie, are you okay?" Napakapit ako sa braso niya at nagtago sa likod niya ng biglang lumabas yung madre.
Alam kong pinipilit lang ni Cian yung tawa niya, hindi ko inalis yung pagkakakapit ko sa braso niya, bahala siya diyan, kasalanan niya dinala niya ako dito.
Subrang lamig na ng pawis ko dahil sa takot, hindi na ako tumitingin sa screen, hindi na rin ako nakakakain dahil baka bigla na lang may lumabas na kung ano sa kung saan.
Nang matapos ang palabas ay nakahinga ako ng maluwag, paglabas namin ng cinehan ay madilim na kaya mabilis akong naglakad papunta sa kotse ko.
Tahimik akong umupo sa passenger seat, si Cian naman ay umikot sa driver seat. Tiningnan ko siya kase para siyang nagpipigil ng tawa at hindi nga ako nagkamali dahil nagpipigil nga siya ng tawa.
"What?" Inis kong tanong at inirapan siya.
"Are you scared of horror movies?" Natatawa niyang tanong. Hindi ko siya pinansin at tumingin na lang sa labas. "Sana sinabi mo sa akin kanina na takot ka ede sana hindi na natin tinuloy." He said while laughing at me.
I glared at him and he stop laughing, he start the engine and start driving to his home. Nang makarating kami sa bahay nila ay ako naman ang namaneho pauwi. Hindi ko na siya pinansin dahil sa inis. Pero kinausap ko naman siya sa call bago ako matulog.
Kinabukasan, nagising ako sa ingay sa labas ng kuwarto ko. Inis akong bumaba kahit hindi ko pa natitingnan ang itsura ko sa salamin.
"Kailan ba ang party?" Masayang sigaw ni Mommy, para siyang tuwang-tuwa sa kausap niya.
"Next month pa naman, it's our wedding anniversary, and I want you and your family go there." Napailing ako bago pumasok ulit sa kuwarto ko. Akala mo naman kung isang taong hindi nagkita.
Bumalik ako sa pagkakahiga ko dahil inaantok pa talaga ako, wala din namang pasok eh, it's fucking sunday. Gusto ko na lang matulog maghapon dahil lagi na lang kulang ang tulog ko.
Nung medyo nakakatulog na ulit ako ay bigla na lang may kumatok sa kuwarto ko. Inis kong tinakpan ng unan ang tenga ko dahil sa inis pero yung katok kanina ay sinabayan pa ng pagtawag sa pangalan ko.
"Pamie?!" Inis akong bumangon at binuksan ang pinto ng kuwarto ko.
"What?!" Bumungad sa akin si Mommy na malapad ang ngiti.
"Fix yourself, your Tita wants to see you." Nakangiti niyang sabi.
"Who?"
"Just fix yourself okay? Bilisan mo at bumaba kana." Utos niya pa.
"Argh." Singhal ko nang masara ko na ng tuluyan ang pinto. "I hate this life." Inis akong kumilos kahit ayaw ko pa talaga.
Matapos kong mag-asikaso ay bumaba na ako, naabutan ko doon si Mommy, Daddy, Lea at yung kaibigan daw ni Mommy. Pilit lang akong ngumiti sa kanila bago umupo sa sofa.
"Ang laki na ni Pamie ah, samantalang dati ang kulit-kulit pa niya." Natatawang sabi nung babae, familiar siya sa akin, hindi ko nga lang alam kung saan ko siya nakita.
"Pamie, this is Mrs. Marfori," malapad naman akong napangiti ng marinig yun. So mama pala siya ni Ajero.
"Hello po, Tita." Tumayo ako at nagmano sa kaniya.
"I also invite you to our party, kailangan nandon ka, wear a formal dress." Nakangiti niyang sabi, tumango naman ako.
"Nandon din ang Valdemore, Monroe, Labera and other business partner." Dagdag ni Mommy.
So, nandon din pala si Kleon at ang pamilya niya. Sandali pa silang nagkwentuhan doon, bored na bored na ako kaya nagpaalam na ako sa may asikasuhin pa. Sumunod naman sa akin si Lea.
"Pamie, shopping tayo?" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pag akyat ng hagdan. "Sige na, libre ko, kahit anong gusto mo ako na ang magbabayad." Dagdag niya pa. Inis ko siyang hinarap kaya napatigil siya sa paglalakad.
"Pwede ba tantanan mo'ko? Mag shopping ka mag-isa mo." Mahina kong sabi dahil baka marinig nila Mommy, mabilis na akong pumasok sa kuwarto ko at kinuha ang cellphone ko.
I text Cian pero walang reply, hindi naman siya busy ngayon kase Saturday, kaya imposible na hindi niya ako naalala. Kahit good morning sa messenger wala akong natanggap, ang message ko kagabi ay delivered pa.
What happened to him?
Dahil na bored ako sa kuwarto ko ay nanuod lang ako ng k-drama, ito lang din naman kase ang pinagkakaabalahan ko. Wala din naman ako assignment and projects. Nung tanghali na ay lumabas lang ako sa kuwarto ko para kumain na sana hindi ko ma lang ginawa.
"Pamie, kumain ka na." Utos ni Daddy, hindi ko siya pinansin at pumunta lang sa refrigerator para kumuha ng malamig na tubig. Hindi ko na sana itutuloy ang pagkain ko kaya lang bigla na lang kumalam ang tiyan ko.
Kaya wala akong choice kundi ang umupo, kaharap ko si Lea na kumakain na rin, tahimik lang siya at hindi tumitingin sa akin, nanibago pa ako dahil nakasuot siya ngayon ng hoodie kahit ang init-init naman.
"Wala ka bang pupuntahan mamaya? Pwede mo bang samahan si Lea pumunta ng Mall?" Napatingin ako kay Mommy ng sabihin niya yun.
Hindi ako nagsalita dahil ayaw kong samahan si Lea, baka sa sementeryo ko yan dalahin at ilibing ng buhay ko. Alam naman kase nilang hindi kami magkasundo na dalawa sa akin pa pasasamahin.
"Gusto niya daw bumili ng damit na susuotin para sa party." Dagdag ni Mommy.
"Next month pa naman yun, and I have many task to do, maybe next time," pagsisinungaling ko.
Why would I come with that dumbass?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro