13
"Pamie, anong nangyari sa'yo? Ang tahimik mo ah?" Puna sa akin ni Lexi.
"I'm okay," mahina kong sagot, wala akong gana, gusto kong umiyak ng umiyak pero ubos na ata kaiiyak ko kagabi.
"Papuntahin ko na ba si Cian dito?" Natatawa niyang tanong. Masama ko siyang tiningnan.
"Kumusta na nga pala kayong dalawa? Wala pa rin bang improvement?" Dagdag naman ni Tristan.
"Eh kayo ba ni Lexi nagka aminan na?" Inis kong tanong, nagkatinginan naman sila at sabay na nag iwas ng tingin. "Oh 'di ba hindi pa rin kayo nagkakaminan, hindi niyo pa aminin na mahal niyo na ang isa't isa, tsk." Dagdag ko pa.
Pareho ba namang torpe.
Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla yung tumunog. Mabilis kong kinuha yun ng makita si Cian ang tumatawag. Ciantot kase ang nickname niya sa contacts ko.
"What?"
["Bad trip ka?"] Natatawa niyang tanong.
"Oo ikaw ba naman ang tumawag." Napairap pa ako sa kawalan na animo'y makikita niya.
["Sungit mo naman,"]
"What do you want ba kase?" Inis kong tanong at tiningnan si Lexi at Tristan na nagtatawanan sa tabi ko.
["Ikaw."] Mas lalong lumakas ang tawanan nilang dalawa ng marinig ang sagot ni Cian.
"Sorry? I didn't hear you, medyo choppy," pagkukunwari ko.
["Sabi ko nandito ako sa kotse mo para sunduin ka, kain tayo?"]
"Na naman? Ang layo pa ng pinanggalingan mo ah?"
["Tawag po doon, effort, dali na, alam kong wala na kayong klase, sayang naman ang effort ko kung hindi mo ako sisiputin."] Kahit hindi ko siya nakikita alam kong nakasimangot siya.
"Oo na, lalabas na." Hindi ko na hinihintay ang sasabihin niya, I ended a call and grab my bag. Inasar pa ako ni Lexi bago ako makaalis.
"Ayan, good mood kana, oh, before I forgot, me and Tristan is officially engaged, naka arrange marriage po kami, bye?" Napanganga ako sa sinabi niya pero tinawanan lang nila akong dalawa.
"What the fuck? Since when?" Inis kong tanong.
"Last month," sagot naman ni Tristan. "Pero napag-usapan namin na kailangan muna naming magtapos ng pag-aaral at matupad kung ano yung gusto namin sa buhay, stay low-key lang kami kaya shh." Sumenyas pa siya na tumahimik ako.
Tuluyan na akong napairap dahil sa kanila, sa susunod ko na babatukan yung dalawa na yun, hindi man lang sinasabi sa akin, kala mo naman hindi ko kaibigan haystt.
"Hey Miss," nakangiting bati sa akin ni Cian ng malapitan ko siya. Binuksan ko yung kotse ko at pinasok ang mga gamit ko sa loob.
"Mukhang uulan ata eh, saan tayo?" Tanong ko.
"Kakain ng fishball," nakangiti niyang sagot. "Bakit ganiyan mukha mo? Kunot na kunot pa ang noo mo?"
"Just don't ask kung gusto mong pati ikaw mapagbalingan ko ng inis ko," inirapan ko siya pero tinawanan lang ako.
"Cute mo," nanggigigil niyang sabi, lalo naman akong napairap doon. Hinila niya na ako papunta sa street foods stool. Walang tao doon maliban sa amin ni Cian.
Ilang saglit pa ay napasinghap ako ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sumilong kami ni Cian sa hindi masiyadong natutuluan ng ulan, maya-maya pa ay may dumating, nagulat ako ng makita si Ajero, hindi ko alam pero pareho kami ng reaction ni Cian ng makita ang dalawang bagong dating, it's Ajero and I don't know who's that girl with him.
"Yxiena," bulong ni Cian.
"Xiena, what?" Taka kong tanong kay Cian.
"Yung babaeng bagong dating at yung kasama niya is si Yxiena Monroe, kababata ko, but she doesn't remember me," natatawa niyang paliwanag.
"Seriously? The boy with her is also my childhood friends? It's Ajero Luis Marfori, he doesn't remember me also," napatingin naman siya sa akin.
"Yes, it's Ajero, her boyfriend," nanlaki ang mata ko dahil don, nagkataon lang ba 'to o talaga sinadya ng tadhana?
Ilang saglit lang ay may dumating na mga lalaki, nung una tatlo sila, yung isa nakasalamin, habang yung isa wala, feeling ko mga dungol yung dalawa dahil ang ingay nila.
"Say ahh," napatingin ako kay Ajero at doon sa kasama niya.
"Ahh," sinubuan ni Ajero yung girlfriend niya ng fishball.
"Good girl," he tapped the girl's hair and smile.
Maya-maya ay may sumunod na dalawa, nagulat ako ng makita si Kleon na dumating, kasama si Azal.
"Is that Azal?" Gulat na tanong ni Cian.
"Why you know her?" Taka kong tanong.
"Because she's also my childhood friends," natatawa niyang sagot, pati ako natawa na rin.
"And the boy with her is also my childhood friends," natatawa ko ring sagot.
Oh my god.
"Baka mag kasakit ka, Azal ha?" Nag-aalalang sabi ni Kleon kay Azal.
"Wala yan, astig ako kaya 'di ako magkaka sakit." Sagot naman ni Azal.
"Talaga lang ha." Sabi niya naman at sinubuan siya ng isang fishball, kagaya ng ginawa ni Ajero kay Xiena.
"Ayy ang langgam malapit na sa amin." Sabi naman nung isang lalaki, I think kaibigan yun nila Kleon na nauna sa kanila ng kaunti dumating.
Nanlaki ang mata ko ng makita si Kleon at Azal na naliligo ng ulan, sumunod naman yung tatlo nilang kaibigan at nakipaglaro sa kanila, ang saya nila.
Napatingin ako kay Ajero ng mabunggo siya ni Cian.
"Sorry," paumanhin ni Ajero.
"It's okay," sagot ko, dahil ang mata ni Cian ay na kay Xiena. "Malakas na yung ulan, hindi pa ba tayo uuwi?," Tanong ko.
"Ayaw mo bang maligo?" Natatawa niyang tanong.
"Cian!?"
"What? Tinatanong nga kita Miss Pamie,"
Napailing na lang ako bago sumubo ng kikiam. Kinuha niya sa akin yun kaya nagtaka ako.
"Akin yan eh," nakanguso kong sabi sa kaniya.
"Say ahh," natatawa niyang utos.
"Marunong ako," natatawa kong sagot.
"Dali na ba," utos niya, wala akong nagawa kundi sundin ang utos niya. Gosh.
Napatingin ako kay Ajero at Xiena ng bigla silang maghalikan sa gitna ng ulanan.
"PDA," natatawang sabi ni Cian habang nakatingin din sa dalawa.
"Inggit ka lang eh," natatawa kong pang-aasar sa kaniya.
"Baka ikaw, gusto mo halikan kita?" Seryuso niyang tanong, ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko kaya umiwas ako ng tingin.
"A-Ayaw ko nga," sagot ko na halatang kinakabahan.
"Hindi naman kita hahalikan ng hindi nagpapaalam noh, may respeto ako sa'yo kaya 'di ko gagawin kapag hindi ka pumayag," sagot niya at sinubuan ulit ako ng kikiam. "Ang cute mo."
Napaiwas muli ako ng tingin pero pasimple akong ngumiti. Nang maubos ko yung kinakain ko ay hinila niya ako papunta sa ulanan, nakangiting nakatitig sa akin si Cian habang sinasalo ko ang patak ng ulan.
"Ang ganda mo," napatingin ako sa kaniya ng bigla niya yung banggitin.
"Oo na maganda na ako, in love na in love ka eh," pagbibiro ko.
"I really like you Pamie," akala ko nagbibiro lang siya pero seryuso siyang nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko ang lumakas lalo ang ulan, tumatawa kaming tumakbo papunta sa kotse ko.
"Kailangan na nating umuwi, baka magkasakit ka," sabi niya pa.
Pumasok kami pareho sa kotse at kinuha yung towel sa backseat, mabuti na lang may towel dito. Inabot ko sa kaniya yung isa at akin naman yung isa para pareho kaming matuyo.
"Ihatid na muna kita sa inyo," I start the engine, hindi ko nga pala alam kung saan ang bahay nila, mahina pa naman ako sa direction.
"Ituturo ko sa'yo, just drive," nakangiti niyang utos.
Sinunod ko lang kung saan yung tinuturo niya hanggang sa makarating kami sa isang bahay na may gate na itim, it's not big like our house pero hindi rin naman ganon kaliit.
"Thank you ha, hayaan mo kapag ako nagka kotse hatid sundo kita," natatawa niyang sabi, tinawanan ko lang siya at pinanuod na tanggalin ang seatbelt niya. "Wala bang kiss?"
"Ito kiss," I show him my fist pero tinawanan niya lang ako.
"Damot," natatawa niyang sabi.
"Damot mo mukha, maka hinge ka ng kiss bakit boyfriend ba kita?" Natatawa kong tanong.
"Ede sagutin mo na ako," tiningnan niya ako ng seryuso.
"Bakit nanliligaw ka ba?"
"Hindi pa ba halata?" Seryuso niyang tanong.
Eh? I thought he wants me to be his friend not a girlfriend?
Masiyado ng seryuso yung usapan natin kaya iniba ko na ang topic.
"Sige na, pumasok kana sa inyo," utos ko. Nginitian niya naman ako.
"Call tayo mamaya ha?" Tumango lang ako at kumaway sa kaniya.
Nakangiti akong kumaway ng tuluyan na siyang makapasok sa loob ng bahay nila, malakas pa rin ng ulan kaya paniguradong basa na naman siya.
Nilalamig na ako kaya dumiretso na ako pauwi, binilisan ko na ang pagmamaneho kahit delekado, mabuti na lang at walang maraming sasakyan. Nang makauwi na ako ng bahay ay napayakap ako sa sarili ko, ramdam ko ang panginginig ng katawan ko, dahan-dahan akong bumaba ng sasakyan habang dala-dala ang mga gamit ko.
Nanginginig pa rin akong pumasok sa bahay, nang makapasok ako ay nakita ako ni Lea habang naglalakad siya na sa tingin ko ay sa sala papunta kaya napatigil ako.
"P-Pamie? Bakit basa ka?" Nag-aalala niyang tanong, hindi ako makasagot dahil sa subrang panginginig at panlalamig, nabitawan ko yung iba kong gamit sa sahig. Nataranta siya kung saan siya pupunta. "S-Sandali lang, kukuha ako ng towel." Mabilis siyang pumunta sa kung saan, pagbalik niya ay may dala na siyang towel. "Manang, pwede niyo po ba kaming tulungan?" Sigaw niya habang inaalalayan ako paakyat ng hagdan.
"Ma'am? Ano po yun?" Pati si Manang nataranta na din.
"Yung gamit po ni Pamie pakidala sa kuwarto niya." Ramdam ko yung pag-aalala niya. "Ano ba kaseng ginawa mo bakit basang-basa ka? Naka kotse ka naman," hindi ko magawang makasagot, pakiramdam ko putlang-putla na ako.
Nang makapasok kami sa kuwarto ko ay agad niyang inihanda yung panligo ko, tinulungan na rin siya ni Manang. Hinang-hina na ako dahil sa lamig, gaano ba kami katagal naligo ng ulan? Kainis naman eh. Nang mainhanda na ay pumasok na ako para magbanlaw, hot water yung inihanda nila mabuti na lang.
"Kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako sa baba?" Hindi ako makasagot kay Lea dahil sa hiya, tinatarayan ko siya pero siya pa itong tumulong sa akin. Nang maramdaman niyang ayaw ko magsalita at napatango siya bago lumabas ng cr ko. Nabuntong hininga ako ng marinig ko ang pagsara ng pinto ng kuwarto ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko na alam kung paano ko siya pakikisamahan.
___
A/N: Enrollment na guys, baka makalimutan niyo ha, mag-aral muna bago mag Wattpad HAHAHAHAHA jk, sige mag Wattpad lang kayo, bibigyan ko kayo ng medal HAHAHAHAHA charizzz. Iloveyouuu all 😚❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro