Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1

PAMIE NATIVIDAD

"You are a fucking cheater!" Rinig kong sigaw ni Mommy sa loob ng kuwarto nila ni Daddy, napatakip ako ng bibig ko dahil pinipigilan kong umiyak. "Hindi mo man lang inisip na may asawa at anak ka, nakuha mo pang mambabae!?"

"Stop acting Elza, alam mo kung bakit ginawa ko yun!" Sigaw din ni Daddy.

"Bakit!? Dahil ba sa pagseselos mo!? Mali-mali naman ang nakukuha mong information diyan sa mga putangina mong kaibigan!!" Rinig ko ang lakas ng sampal ni Daddy kay Mommy.

"Shut up!! Kung hindi ka sana malandi, hindi mangyayari ito!"

"Kung hindi ka sana siraulo hindi mo mabubuntis ang sekritarya mo!! Kung hindi pa lumapit sa akin yung bata at sinabing ikaw ang Ama hindi ko pa malalaman!!! Putangina ka-edad lang ni Pamie yung anak mo sa labas, ibig sabihin matagal mo na akong ginagago!!! Walanghiya ka!!!"

Mabilis akong tumakbo papasok sa kuwarto ko at ni-lock yun, Daddy is cheating us, nakabuntis siya ng iba.

Subrang bata ko pa para mamulat sa ganitong problema, mabuti na lang at wala akong kapatid dahil kung hindi mas lalo akong mahihirapan, kapatid sa sinasabi ni Mommy na kabit ni Daddy, I think hindi ko siya kayang tanggapin, I can't.

"Mommy, where are we going?" Tanong ko kay Mommy habang inaayos niya yung mga gamit namin sa sasakyan.

"Where going to live in your grandma's village," sagot niya naman sa akin.

"Iiwan po natin si Daddy?" I ask.

"Pam, listen to me okay? Your Daddy and I are separated, you're not his daughter and he's not your Daddy anymore, okay?"

"Why-"

"Don't ask to many questions, just go inside the car." Galit niyang sigaw sa akin.

Mangiyak-ngiyak naman akong sumakay ng kotse, hindi ko alam ang nangyayari, nakatingin ako sa side mirror ng kotse na sinasakyan namin habang tinatanaw ang papalayong bahay namin. Ang daming tanong sa utak ko na hindi ko alam kung paano sasagutin, pero mas pinili kong manahimik dahil kay Mommy.

Mas mabuti na rin siguro ito, hindi ko deserve si Daddy, how dare him to do that to us? Pamilya niya kami, legal wife niya si Mommy pero bakit? Ang kapal naman ng mukha niya, nakuha niya pang mangbabae.

Sa edad na sampu, alam ko na ang tama at mali, alam ko na ang mga bagay na nangyayari sa pamilya ko, hindi ko alam kung paano yun nalalampasan pero handa akong lumaban, handa akong subukan lahat hangga't kaya ko.

"Bago ka lang dito?" The boy in a glasses approach me, I think ka edad ko lang siya.

"Ohm, kahapon lang," sagot ko naman at ngumiti.

"Ako nga pala si Ajero Luis Marfori , Aj na lang for short, doon yung bahay namin oh." Tinuro niya ang isang bahay malapit sa amin.

"Pamie Natividad, you can call me Pam," pakilala ko naman.

"Gusto mo ng maraming laruan? Marami ako sa bahay," nakangiti niyang tanong sa akin. Ngumiti naman ako ng malapad saka tumango.

"Where's your Mom and Dad?" Tanong ko sa kaniya.

"Nasa company namin, they're working," sagot niya naman.

Habang maglalakad kami papunta sa bahay nila ay may nadaanan kaming batang babae, hindi ko alam kung babae ba siya o hindi kase pang lalaki ang suot niya at umiiyak siya sa tabi.

"Kleon, why are you crying?" Tanong ni Klen.

"Alis!!" Sigaw niya sa amin na ikinagulat ko.

"Hi, Kleon, my name is Pamie Natividad, Pam for short," nakangiti kong pakilala sa kaniya.

"I don't care who you are, just fucking go away!!" Sigaw niya sa akin.

Napa-atras naman ako dahil sa gulat, lumipat sa harap ko si Ajero at bahagya akong inilayo.

"K-Kung gusto mo ng kausap, andito lang kami ni Pam, maglalaro tayo kung gusto mo?" Tanong sa kaniya ni Ajero.

"Sabi ng alis eh." Tumayo siya at tinulak si Ajero kaya natumba kaming dalawa dahil nasa likod niya ako.

"Ouch," reklamo ko dahil yung siko ko ay natama sa semento kaya nagkaroon ng gasgas.

"Oh my god, are you okay?" Ajero ask me. Napatingin naman ako kay Kleon, hindi ko magawang mainis sa kaniya, hindi ko naman siya masisisi sa ginawa niya, baka may problema lang talaga siya at ayaw niya ng kausap.

"A-Ahm... Ohm, I'm okay," nakangiti kong sagot kay Ajero, tinulungan niya naman akong tumayo pero nakahawak pa rin ako sa braso ko dahil medyo mahapdi yun. Ngumiti lang ako kay Kleon dahil yung mukha niya parang natatakot na ewan.

"Come on, let's clean your wounds," sabi ni Ajero, inalalayan niya akong maglakad paalis, bago kami makalayo ay muli akong ngumiti kay Kleon at kumaway.

"Kaibigan mo ba siya?" Tanong ko kay Ajero.

"Nope, hindi niya ako kinakausap kahit na kinukulit ko siya, lagi lang siyang naglalaro mag-isa sa harap ng bahay nila, actually dalawa lang ata kami ang bata dito sa village na ito, pangatlo ka," kwento ni Ajero. Ngumiti naman ako sa sagot niya.

Pumasok kami ng bahay nila at mabilis niyang tinawag ang yaya niya, pina-upo niya ako sa sofa habang tinatawag ang yaya niya, pagdating ng yaya niya ay may dala na itong first aid kit at alalang-alala ang mukha.

"Yaya, hindi ako, si Pam, she's hurt," tinuro niya pa ako, mabilis namang lumapit sa akin yung yaya nila.

"Patingin nga," hinawakan niya ang braso ko, hindi ko kayang tumingin dahil feeling ko dumudugo na yun. "May sugat ka sa siko, masakit ba?" Tumango ako sa tanong niya.

Sinimulan niya ng lagyan ng benda ang braso ko, nakangiti naman akong tumingin kay Ajero na nakatitig lang sa akin, mukhang nag-aalala.

Matapos malagyan ng bandaids ang sugat ko ay inayos na niya yung mga ginamit niya, lumapit naman sa akin si Ajero.

"Are you alright?" Tanong niya, nakangiti naman akong tumango. "Bad talaga si Kleon, hindi man lang nag-sorry sa'yo,"

"Ayos lang, baka may problema lang siya, kausapin natin siya mamaya?" Mabilis naman siyang umiling, hinila niya ako paakyat sa hagdan.

"Maglaro na lang tayo sa play room ko," hindi niya ako binitawan hanggang sa makapasok kami ng isang kuwarto.

Namangha naman ako sa dami ng at laki ng mga laruan niya, yung play room ko dati sa mansion malaki pa dito, hindi ko man lang nadala yung mga toys ko papunta dito.

"May play room ka rin ba Pam?" Ajero ask.

"Yes, when we're in pur mansion, pero ngayon na bago na ang bahay namin wala pa, baka sa susunod, medyo busy pa kase si Mommy," sagot ko naman sa kaniya, inabutan niya naman ako ng isang airplane.

"Sorry ha, puro panglalaki ang mga toys ko eh." Kamot ulo niyang paumanhin, ngumiti naman ako para sabihing ayos lang.

CIANZ DHEO ALMAZON

"S-Sorry," kinakabahang sabi sa akin ng isang batang babae.

"Ayos lang," nakangiti kong tugon sa kaniya.

"Ako nga pala si Yxiena Monroe, Xiena for short," inilahad niya sa akin ang kamay niya kaya mabilis ko yung tinanggap.

"Cianz Dheo Almazon," pakilala ko naman.

"Matagal ka na dito nakatira?" Tanong niya at umupo rin sa lupa kasama ko.

"Oo, dito ako pinanganak, ikaw? Ngayon lang kita dito nakita ah?"

"Kadadating lang namin," tinuro niya yung mga tao na naghahakot ng gamit nila sa luoban.

Tumango naman ako, binigay ko sa kaniya yung robot ko na laruan, nakangiti niya naman yung tinanggap.

"Azal, akin na 'yang laruan ko!!" Napatingin kami sa mga batang naghahabulan, yung batang babae na hinahabol nila ay tawa lang ng tawa, napatayo kaming dalawa ni Xiena at tiningnan sila.

"Tabi!!" Sigaw sa amin ni Azal.

Mabilis naman ang naging kilos namin ni Xiena kaya lang nahuli kami kaya nabunggo kami ni Azal at tatlo kaming natumba sa lupa.

"Ayan, katangahan," mabilis na inagaw ng lalaki yung laruan kay Azal, nang maka-alis yung mga kaaway niya ay tumayo na ako, inalalayan ko si Xiena at si Azal pero tinanggihan niya ako, masama niya kaming tiningnan ni Xiena.

"Kasalanan mo yun eh," tinuro niya pa ako. "Kabago-bago mo dito katangahan pa ang pinapairal mo," dagdag niya pa.

"Azal, that's enough,"

"Huwag mo akong ma English English ha," dinuro niya si Xiena kaya muntik na itong maiyak.

Mabilis akong lumapit kay Xiena at niyakap ito. "Kung wala kang magawa sa buhay mo, 'wag mo kami idamay!" Sigaw ko sa kaniya.

"Aba, matapang ka?" Akala mo naman kung sinong malaki, eh mas matangkad pa ako sa kaniya.

"Oh tapos?" Sagot ko sa kaniya.

"Tama na," bulong sa akin ni Xiena.

"Hindi eh," inilagay ko si Xiena na likod ko saka ko hinarap yung Azal. "Akala mo kung sino ka ha, bakit lalaban ka?" Lumapit pa ako sa kaniya pero hindi man lang siya natakot.

"Ano? Gusto mo suntukan? Lalabanan kita," hindi pa ako nakakasagot ay sinuntok niya na ako sa panga.

Mabilis ang naging kilos ko kaya sinuntok ko rin siya.

"Tama na!!" Sigaw ni Xiena pero hindi namin siya pinakinggan.

May sugat na sa pisnge ni Azal pero parang baliwala lang yung sa kaniya, yung labi ko naman ay humahapdi na.

Napahiga na kami sa lupa dahil hinila niya ako, hinigit ko naman ang buhok niya at hinila yun, dinaganan niya ako kaya hindi kaagad ako nakagalaw.

"Tama na!!!" Malamig na tubig ang dumampi sa katawan namin ni Azal.

Sabay kaming lumingon ni Azal kay Xiena na may dalang balde ng tubig.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro