Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

TRAINING

Ajax Draven's POV 

"Three more laps!" sigaw ni Aidan na nakaupo sa bench. We were in the nearest park from the quarters. Tatlong araw na nang matapos ang gracing ceremony at tatlong araw na rin nang magsimula ang training ko. Wala sa kanilang lima ang may awa sa katawan sa tuwing ineensayo nila ako. Si Eliora at Aliyah ang assigned sa sword handling training, si Aidan at Dillon naman ang sa physical training, habang si Deion naman ang sa combat training.

Sword handling training is composed of the different sword fighting techniques. Tinuturuan ako nina Eliora ng iba't ibang uri ng atake gamit ang espada at kung paano ko mapapalakas ang koneksyon ko sa aking spathi. Ito ang ang tawag sa mga espadang ginagamit ng demigods na ibinigay sa kanila ng deities nila. Ang sabi ni Aliyah, konektado raw ang spathi ng isang demigod sa kanya. As you get stronger and as your abilities improve, your spathi tends to be stronger, too.

Itong physical trainings ay puno lamang ng exercises para sa muscles ko, lalo na sa braso at binti. Kinakailangan kasi namin ng malakas na pangangatawan para sa mga labanan na maaari naming kaharapin. Even wielding your spathi can lead to death, if your body cannot contain its mystical powers.

Ang combat training naman ang pinakamahirap ngunit pinakamasayang part ng training. Dito ako tinuturuan ng basic sword arts na kayang gawin ng kahit na sinong demigod. Nakakalaban ko rin ang ibang mythical creatures gamit ang virtual training room sa underground ng quarters. Deion said that this is the most important training of the three, as it focuses on the godly prowess of a semideus.

"And done! Pwede ka nang magpahinga sandali, Draven. May thirty minutes ka pa naman bago magsimula ang combat training mo. I heard he'll teach you the most crucial part of handling your powers." Inihagis niya sa akin ang towel na hawak niya at inabot sa akin ang tumbler ko.

Most crucial part huh?

Sabay kaming bumalik ni Aidan sa quarters. Naglinis muna ako ng katawan at nagpalit ng damit bago bumaba sa underground training room. Hindi ako pwedeng ma-late, kahit isang segundo. Ayokong madagdagan ng isang pack ng wolves ang kakalabanin ko ngayon, katulad noong nangyari noong unang araw ng training.

Strict silang lima pagdating sa trainings ko dahil marami pa akong kailangang habulin. Masyadong malayo ang agwat ng rank ko sa kanila kaya kinakailangan kong maging masipag.

Masasabi kong pinakamahigpit na trainor si Deion, at sa kanya ko nadarama ang impyerno sa training. Sa unang dalawang araw ay nahimatay ako pagkatapos ng training sa kanya. Paano ba naman kasi ay limang packs kaagad ng mga lobo ang ipinalaban niya sa akin nung first day, para raw ma-assess niya ang weak points ko. Marami rin akong natamong sugat at galos noong araw na 'yon. Illusion lamang ang mga lobo pero may nagagawa pa rin silang physical injuries sa akin. Mabuti na lamang at mayroon silang stock ng potions dito na may mababang concentration ng ambrosia para sa mas mabilis na paghilom ng mga sugat.

Nang marating ko ang training room ay nakita ko siyang nakasandal sa dulo at nakatungo. Nakatulog na ata siya sa paghihintay sa akin. Bago pa man ako makalapit sa kanya ay tumayo na siya at pumunta sa gitna.

"Your training for today is about your mythical energy—vigor," panimula niya at tsaka kinuha ang sword na nakasabit sa tagiliran niya.

"It is also the energy needed to cast sword arts." A daemon appeared in front of him suddenly. I saw how a smoke-like aura appeared around him. It was like a cloud of black, gray, and blue light. He looks like he was surrounded by a faint storm. The aura crawled from his hands to his spathi, his Fyodor. The energy became lightning in an instant, crackling as it covers the whole sword. Deion raised his sword.

"Fyodor: Lightning gash!" Thunder howled as he swung his sword. Then, a ray of lightning passed through the chest of the daemon.

He sheathed his sword again and sat on the ground. "Sit. That vigor you saw is called the magi vigor. It was the energy that came from the demigod himself. It generates power within the holder's limitations. This means that as long as you improve, you can use the magi vigor as strong as you like. However, this will require a lot of stamina. Now, I want you to try and manifest your magi vigor."

I closed my eyes and concentrated. This might only be like how I summon his sword. Susubukan ko.

Ilang sandali pa ay nararamdaman ko na ang pagbigat ng kamay ko. "I asked you to channel your vigor, not summon your sword, dimwit." Sinamaan ko siya ng tingin. Sumosobra na ang anak na ito ni Zeus ah.

"Focus." Isinarado ko na lamang muli ang mga mata ko at pinakiramdaman ang sarili ko. Alam kong iyong magi ang dumadaloy sa katawan ko. Ito ang mga mahihinang kiliti na nararamdaman ko kapag nagsu-summon ng weapon. Pero paano ko ba siya palalabasin nang walang hawak na weapon?

"Start with your core. Feel your core and imagine it burning. When you feel something in your gut, a tingling sensation will surround your body." I listened to his instructions carefully while trying to concentrate on my core.

Imagine it burning...

I felt a burning sensation inside me as I followed his instruction. It was a mixture of cold and hot burn. However, as seconds passed by, the burning sensation was replaced by subtle tingles on my skin.

"Open your eyes now." When I did, I saw myself being surrounded by a deep purple flame-like aura that has a hint of red.

"I get it now...porphyry. That's the color of your vigor and it was one of your father's colors" Porphy—what?

"Now, you need to tone it down. Channeling your vigor consumes a lot of your energy, so you need to minimize its use." Katulad nga ng sinabi niya ay nararamdaman ko na ang unti-unting pagkaubos ng lakas ko. Para bang napupunta sa apoy na nakapaligid sa akin ang enerhiya ko.

"Minimizing the use does not mean to stop using it. You just need to use it little-by-little. If you can master toning it down and exerting just the right concentration of your vigor to your attacks, you can even create a destructive slash with just a little energy wasted." Tahimik man ito madalas, marami pa rin siyang nasasabi sa tuwing tinuturuan niya ako. Mahahalata mong invested din siya sa mga sinasabi niya sa akin.

"It was not solely for energy conservation, but it is also helpful for acquiring fast movements, greater agility, and masking. Toning your magi vigor down can help you mask your presence from your opponents."

"Pero paano ko naman 'yon gagawin?"

"Mind work. It really depends on you. You can imagine yourself being surrounded by a sea of fire or any scenario that would work for you. You can tone it down by controlling the magi that flows out of your core. You can imagine a little opening from your core and a stable circulation of magi within your body."

Pinakiramdaman ko ang magi na dumadaloy sa akin, maging ang core ko. This time, hindi ako pumikit.

Naiintindihan ko na ngayon ang sinasabi niya. Itinapat ko ang mga kamay ko sa dibdib ko at mahinahong huminga. Kailangan ko ng stable breathing kung kailangan ko rin ng maayos na focus. Ibinalik ko na sa magkabilang gilid ang mga kamay ko at itinaas ang mga ito nang bahagya.

Nang mag-inhale ako ay naramdan ko ang pagbalik ng magi sa core ko. Pero sumobra naman ito dahil nawala nang tuluyan ang magi vigor na nakapaligid sa akin. "Again."

Inulit ko ang ginawa ko kanina ngunit ngayon naman ay wala ni kakaunting magi ang bumalik sa core ko. "Again!"

Sa ikasiyam kong subok ay binagalan ko lamang ang pagpasok ng magi at kalmadong huminga. Ngayon, nararamdaman ko na lamang ang magi vigor na nakabalot sa magkabila kong mga kamay.

"Ganito ba, Deion?" natutuwang sambit ko. Laking gulat ko nang lumiyab muli ang vigor sa paligid ko. Nawala kasi ako sa focus dahil sa excitement, malamang ay magwawala rin ito.

Deion only scoffed and turned his back on me. "You're grasping the idea. Practice it until you control it better than before. If you can show me channeling your vigor to your hands for only 15 minutes, I'll let you rest."

This might take me a few weeks!

"It might take a normal demigod a few years to master, 3 years minimum. You, it might take 10 years or more, considering your state." Kusang tumaas ang kilay ko nang marinig ang sinabi niya. Minamaliit ba ako ng isang 'to?

"Asshole. I can do the fifteen minutes you were saying. Give me an hour."

"And if you can't?"

"I'll owe you something." I saw him smirked before walking towards the wall. He sat and rested his head upon it.

Umupo na rin ako sa sahig at katulad ng ginawa ko kanina ay pinakiramdaman ko ang sarili ko. Inisip ko na napapaligiran ako ng naglalagablab na apoy. Ibinukas ko ang mga palad ko at huminga nang malalim.

I inhaled once more, and I felt the vigor seeping through my open palms. I saw the deep purple color concentrated on my hands now. I looked at the analog clock and took note of the time I started. Fifteen minutes should be easy.

When I reached the five-minute mark, my vigor started to fade. Sinubukan ko itong ibalik sa dati pero para bang walang nangyari rito. Makalipas lamang ang ilang segundo ay nawala na nang tuluyan ang enerhiya sa kamay ko.

Nang lumingon ako sa kinaroroonan niya ay nakita kong nakapikit lamang siya.

Umiiling ako at inulit lahat ng ginagawa ko kanina.

Ilang trials pa ang ginawa ko bago ko natapos ang challenge ni Deion. Nang makita ko ang wallclock ay napangiti ako. Umabot ako sa oras.

"You don't think you succeeded, do you?" I heard him speak, eyes still closed.

"Huh? Anong pinagsasasabi mo riyan, anak ni Zeus? Kita mo ba ang oras? Ayan oh, sakto sa sinabi kong time limit!"

"You should be done with the challenge by 11:07:38 am, yet you finished it by 11:07:41 am. You're three seconds late, Ajax." Seriously? Hindi niya pinalampas 'yung three seconds na 'yon?

"You owe me, but I haven't thought of a favor to ask you. I'll ask you some other time."

Inismiran ko siya at inirapan. "Whatever. I'm done here."

Thank you sa bagong bihis ng Unsheathe, ate Geksxx! <33

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro