Chapter 8
GRACING CEREMONY
Ajax Draven's POV
"The third rank who accumulated a total of 75,543 merit points is..." Oh, wow. Seventy-five thousand? Ilan na lamang ang merit points ng dalawa pang mas mataas na ranks?
"Aspro!" The hall was filled with cheers as the sixteen-member group walked upon the stage with their heads held high.
"They almost surpassed our score last year. They're amazing," Aliyah commented.
"Step inside the circle to receive your graces and your new rank badges."
Tumayo ang buong grupo sa bilog na elevated platform ng stage. Umilaw ang inaapakan nila at panandalian silang pumikit. Nang mawala ang ilaw ay may hawak na silang iba't ibang bagay na hindi nila bitbit kanina. Sa kaliwang dibdib naman nila ay nakakabit ang bago nilang pins. Halos lahat sa kanila ay maroong silver pin II at I, ang iba naman ay Gamma na ang rank. Napuno muli ng palakpakan ang buong silid nang bumaba ang buong grupo.
"Now, for the second rank, they managed to acquire 79,995 merit points..." Tiningnan ko ang mukha ng mga kasama ko sa table at halata ang excitement sa mukha ng ilan sa kanila.
"Pillars!"
Tumayo ang mga taong nasa kabilang table. Nang salubungin ko ang tingin nila ay nakaramdam ako ng kilabot. Masyadong matalas ang tingin ng ilan sa kanila. Mainit ang mga mata nila habang nakatingin sa table namin. May problema ba ang mga ito sa Stellars?
"Bitter talaga ng mga 'yun. Hmp!" reklamo ni Eliora.
Katulad ng ginawa ng Aspro kanina ay tumapak din ang mga ito sa bilog na platform. Nang mawala ang ilaw ay nakita ko ang mga kulay pilak na pins sa itim na uniform nila. Mayroong isang naiiba sa kanila na may kulay gintong pin sa kaliwang dibdib. Alpha II...
Isang lalaki ang nagmamay-ari nito. Walang gana itong nakatingin sa direksyon namin, ngunit nakita ko ang panandaliang pag-aliwalas ng mukha niya nang tumingin siya sa tabi ko. Nang tingnan ko kung kanino siya direktang nakatingin ay nakita ko ang naka-thumbs up na si Eliora. Hmm...
Pinalakpakan namin sila nang bumaba sila sa stage.
"The group who got the first rank earned 102,396 merit points throughout the entire year..." tumigil ito at ngumiti bago ipinatong sa podium ang card na hawak.
"They set a new record, huh?" narinig kong sabi ng isa.
"They do this every year, hindi pa ba kayo sanay?"
"They're really something."
"Let's call on stage...Stellars!"
Dumagundong ang buong paligid dahil sa hiyawan ng mga tao sa loob. Bigla kong naramdaman ang agwat sa pagitan ko at ng mga kagrupo ko kaya't hindi ako tumayo. Hindi ko pa deserve na tumuntong sa stage kasama sila. Hindi ako kabilang sa Stellars noong nakaraang taon kaya't yumuko ako at tumingin na lamang ako sa sahig.
Maya-maya pa ay nagtaka ako nang bahagyang dumilim sa harapan ko. Tumunghay ako para lamang makita ang leader namin na nakatingin sa akin na walang kahit anong ekspresyon sa mukha.
"Stand up."
"Ayoko." Tumingin ako sa mga kagrupo kong nagsisimula nang umakyat sa stage habang kinakawayan ang mga taong inihihiyaw ang mga pangalan nila.
"Don't obey me, son of death, and I'll make you," may diing sabi nito kaya't nilingon ko ulit siya. Nakipagtagisan lamang ako ng tingin ngunit ilang segundo na ang nakalipas ay hindi pa rin ito nagpapatalo. Nang akmang hahakbang na ito papalapit sa akin ay tumayo na ako.
"Oo na nga. Tara na." Inirapan ko ito at inunahan siyang umakyat sa stage.
"Tch."
Nang makatapak ako sa stage ay pinagmasdan ko ang mga taong natahimik nang makita ako. Marahil ay nagtataka sila kung sino ako.
"Please step on the Gracing circle, Stellars."
Tatapak na sana ako sa platform nang hilahin ako ng isang kamay kaya't muntik na akong madapa. Sinamaan ko ng tingin ang taong humigit sa akin. Tumingin lamang ito sa ibang direksyon at nagpanggap na hindi siya ang gumawa.
Ilang sandali lamang ang lumipas ay nagsimula nang umilaw ang platform. Ngayon ko lamang napansin ang mga letrang nakaukit dito. Gumalaw ang mga ito at bumuo ng mga salitang bago ko pa mabasa ay binalot na ng isang nakakasilaw na liwanag.
Nang magmulat ako ay narito na ako sa isang silid na may kulay itim at gintong disenyo. Sa pader ay mayroong isang portrait ng isang lalaki at isang babae. Nilapitan ko ito at pinagmasdan.
Mama...
I felt an ache inside my chest as I looked upon her image together with Thanatos. I have been longing for her since forever and seeing her in this room that looks just like hers in our house made something inside me empty...yearning.
I found my eyes brimming in tears as I recalled some of my memories with her. I miss feeling her hands caressing my head whenever I cry like this. I miss her warm hugs.
"Ma, I miss you..." I wiped my tears using the hem of my shirt before facing another direction.
Nakita ko ang isang table at doon ay nakita ko ang isang kulay itim na bracelet na may kulay itim na bato sa gitna. Nakapatong ito sa isang cushion. Nang makalapit ako rito ay dinampot ko ang bracelet at isinuot ito sa kaliwang kamay ko. Nang mai-lock ko ito ay biglang umilaw ang kulay itim na bato. Ang kaibahan lang, deep purple ang kulay na inilabas nito. Weird.
'It suits you.' I heard Thanatos' soft voice inside my head. Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ito.
'It's a shame that I cannot meet you at your first gracing ceremony since I must not be tracked.' Napailing ako dahil sa narinig.
'Wala namang bago. Sanay na sanay na ako.'
Nang kumurap ako ay hindi ko alam kung namalikmata lamang ba ako o kung totoong lumitaw si Thanatos at isinuot sa akin ang kulay bronze na pin na may nakalagay na I.
'Babawi ako...Pangako,' huli niyang sabi bago ko maramdaman ang mainit na yakap ng hangin. Pumikit lamang ako at pagmulat ko ay narito na muli ako sa stage. Biglang napuno ng hiyawan ang tahimik na paligid kanina.
Kumunot ang noo ko nang maramdaman na mabigat na ang damit na suot ko. Ang kaninang school uniform na suot ko ay napalitan ng isang pares ng damit na malayong-malayo sa suot ko kanina. I was now wearing a piece of black cloth wrapped around my body, just like those ancient Greek people. A gold belt was hugging my waist, defining my shape, and another piece of sparkling gold fabric was hanging upon my left shoulder which added elegance to what I was wearing. My black shoes were also replaced by a pair of black sandals. I felt cold because my bare right shoulder and half of my back was exposed, as it was not covered by the cloth.
"Everyone, welcome Ajax Draven, the son of Thanatos!" the master of ceremony announced, and once again, the hall was filled with cheers and claps.
Nag-bow lamang kami at bumaba na ng stage.
"Congrats, Draven!" bati nila sa akin. Ang isa naman ay nakatingin lamang sa akin habang naglalakad kaya nagpahuli ako. Dahil mas matangkad siya sa akin ay tumingkayad ako at lumapit sa tainga niya.
"Baka ma-inlove ka niyan, Sir," pang-aasar ko. Itinulak lamang ako nito at tiningnan nang masama. Nakabawi rin.
Wala silang dalang iba ngunit napansin ko ang mga pin nila. Lahat sila ay tumaas ng isang rank. Beta na si Eliora. Alpha II naman sina Dillon, Aliyah, at Aidan. Si Deion ay Alpha I na ngayon. Isang rank na lamang ay maaabot na niya ang pinakamataas na rank. Isa siguro siya sa mga pinakabatang makakatanggap nito.
Ibig ba nitong sabihin ay malakas na malakas na ang taong 'yon?
"With that, the score board for the merits were now reverted back to zero." Mayroong na-project na board sa unahan at ipinakita ang accumulated points ng bawat group na ngayon ay 0 na.
"Stand up, demigods. Let us give praise to the deities." Everyone stood up and unsheathed their swords so I did the same. I summoned the sword, gripped the handle, and held it close to my heart.
Matapos nito ay sunod-sunod na lumabas ang mga demigod mula sa hall. Huli na kaming lumabas dahil kami ang nasa unahan.
"We have no time to lose. Your training will start tomorrow, Ajax. You have a lot to learn. Danger will not wait for you to become strong," Dillon stated as soon as we got inside the car.
Deion smirked. "This realm is no place for the weak. Escape death if you must, son of death."
⚔
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro