Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

WEIRD

Ajax Draven's POV 

It has been a week since the murder in the laboratory happened, and it's been more than a week since I got the job of the God of Death, my father.

Every day, from dawn to evening, I got my schedules full. Cut strings here, cut strings there, study, take quizzes and long examinations, and do chores, that's how my days went by. I didn't even have any time for enough rest.

My attendance in school is full of blanks already. From half of the week until now, I have four absences already. Mas mabuti pa siguro kung mag-drop out na ako. Wala naman akong matututunan at mapapagod lamang ako kung ipagpapatuloy ko pa ang pag-aaral.

I heard a chuckle inside my head—my father's chuckle. Tatawa-tawa ka r'yan. Antok na antok na ako rito o. Imbis na ipahinga ko ang araw na 'to, nasa labas ako para kumitil ng buhay. Ang saya ng buhay, parang tanga.

Naririto ako sa isang bench ng park na malapit sa malawak na crossroad. I was only wearing a pair of black jeans and a simple black shirt without any print on it.

I've been waiting for 3 hours now. Waiting for the chance to reward death to this old lady who has been suffering a lot in this lifetime of hers.

I opened my mouth for a yawn but was not able to finish it as I felt a throb on my chest. The time has come. The life string of the old lady I have been watching since morning has turned red already. She fell on the rough ground with her hands on her chest. A drop of tear escaped her eye as her breathing became abnormal and her wrinkled face showed the hint of pain.

Heart attack will be the cause of her death.

Nagsimula nang mag-ingay ang mga taong nakapaligid sa matanda. Pinalibutan nila ito at tsaka nagbulungan na tila mga bubuyog. I rolled my eyes at the sight. Useless fools.

Sa loob din ng isang linggong 'yon, naobserbahan ko nang maayos ang iba't ibang reaksyon ng mga taong nakapaligid sa taong mamamatay.

Marami sa kanila ang nagkukunwaring nag-aalala sa namatay pero ang totoo, gusto lamang makitsismis. Ang iba naman ay kinukuhanan pa ng video ang pagkamatay ng taong iyon at tsaka ipo-post sa social media. Madalas ko ring makita ang mga taong tila walang pakialam na nilalampasan lamang ang kaguluhan. Kakaunti pa ang mga taong nakikita kong kumikilos kaagad para makatawag ng ambulansya. Katulad na lamang noong isang babaeng umalalay sa matanda bago tumawag ng ambulansya.

Her bluish gray orbs were emitting faint lights, as well as her hands.

Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay may naramdaman akong kakaiba. This weird feeling stirred on the pit of my stomach. It was like something in me was triggered by her gaze. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ngunit isinawalang-bahala ko na lamang ito at umiwas ako ng tingin dahil kailangan ko nang gawin ang bagay na ipinunta ko rito.

Time to end your suffering, Ma'am.

I made myself invisible in the naked eye of the crowd, then jumped as high as I could. I raised my right hand as the Sword of Thanatos materialized in it. I tightened my grip on the handle when the overwhelming sensation brought by the sword enveloped my palms.

Ipinikit ko ang mga mata ko dahil nakikita ko ang mukha ng babaeng nagmamakaawa na huwag ko munang kuhanin ang buhay niya. I'm so sorry, Ma'am. It was your fate. I cannot disobey destiny, as it was fixed centuries before you were born.

"Death blade," I said as I moved the hilt towards the red life string of my target.

Nang lumapat ang mga paa ko sa kalsada, marahang sumara ang mga mata ng babae. Kasabay ng pagkawala niya ay ang paglalaho ng espada sa aking kanang kamay.

I made myself visible again, for I thought no one noticed me because their attention was focused on the deceased lady, but I was wrong. Someone was giving me death glares, the girl with the bluish gray orbs.

Maya-maya pa ay dumating na ang ambulansya kaya't nahawi ang nakapalibot na tao sa matanda. Tumalikod na ako sa kaguluhan at bumalik na lamang sa park na pinagtatambayan ko kanina. May dalawang oras pa naman ako para sa susunod kong target.

Napaka-hassle ng buhay ko simula nang mahawakan ko ang responsibilidad ni Thanatos. Napakabigat ng responsibilidad na iniatang sa akin kaya't hindi ko ito pwedeng balewalain. Marami ang maaapektuhan kung hindi ko ito gagawin. Maayos sana kung may napapala ako sa ginagawa ko, e wala naman—

Napatigil ako sa pagrereklamo nang makita ang isang pares ng paa na naglalakad papunta sa akin. Nang iangat ko ang tingin ay sinalubong ako ng malamig na mga mata ng babaeng umalalay sa matanda kanina.

Suot niya ang isang itim na fitted shirt at itim din na pantalon. Tiningnan ko ang suot ko at ibinalik ang tingin sa suot niya. Aba, gaya-gaya.

She has these bluish gray orbs that sparkle on every angle you see it. Under the sun, her black locks are emitting bluish glow. Her hair was not black, I was mistaken, it was the darkest shade of blue.

Walang buhay ang mga mata niya, maging ang mga labi ay hindi napipintahan ng matamis na ngiti. Mukhang masungit ang isang 'to. Isa pa, alam kong hindi normal na tao ang babaeng ito, nararamdaman ko na kahit hindi ko pa man nakikita ang kulay ng life string nito. Pero para makasigurado, ipinikit ko ang mga mata at tsaka nagmulat muli para makita ang life strings sa paligid ko.

At her back, the gold string I was expecting is attached. I was right, she's different. She's just like me...a demigod, but who is her parent god?

"Are you Ajax Draven?" katulad ng aura nito ay malamig din ang boses niya.

"And why are you asking me, demigod?" Napaawang nang bahagya ang mga labi nito at tumaas ang isang kilay.

"I saw what you did there."

"Well, congratulations, you have eyes. How does that concern you? It was none of your business, Miss." Dahil sa sinabi ko, lalong dumilim ang ekspresyon sa mukha nito.

"I need you to come with me, son of Thanatos," nagbabantang saad nito.

"My mother taught me not to talk and interact with strangers."

"Do not test my patience, Mister. I will not hesitate to cut your head off of you."

"Pwede bang umalis ka muna sa paningin ko? Ganitong wala pa akong maayos na tulog. May gagawin pa ako after two hours kaya hindi ako pwedeng sumama sa'yo," singhal ko rito.

"Damn, Aliyah. Bahala ka na sa buhay mo," pabulong na sabi nito ngunit rinig na rinig ko naman. Walang sabi-sabing umalis ito nang may mabibigat na mga hakbang. Mabuti naman.

Sumandal ako sa bench at tsaka ipinikit ang mga mata. Gusto ko nang matulog, walang hiya. Kailan ba matatapos ang kapagurang ito?

"Aliyah, I won't do this anymore. Ikaw na ang sumundo sa bwisit na 'yon," narinig ko ang pagmamaktol ng masungit na babae sa 'di kalayuan kaya't iminulat ko na ang mga mata ko. Nakaupo ito sa isa sa mga swing at nakatingala pa habang nakawak sa dalawang bakal sa gilid ng swing.

Maybe I should come with her. Matagal-tagal pa naman ang dalawang oras.

"Hey, let's go," saad ko at tsaka pinitik ang noo niya kaya't kumunot ang noo nito at tumalim pa lalo ang titig.

"Did you just—"

"Tatayo ka o hindi na ako sasama sa'yo? Napakaingay," banta ko. Tumayo ito na halatang labag sa loob ang ginagawa.

"This is the last time I am taking an order from you."

"Ge." Umirap lamang ito at tsaka itinuwid ang tingin sa unahan.

"Where are we going?" tanong ko dahil wala akong kaalam-alam sa pupuntahan namin.

"Just follow where I am going, will you? Ang daming tanong," mataray na sagot nito. Seriously, who can keep up with this girl's attitude?

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa tumigil kami sa gate ng isang abandonadong bahay. Binuksan niya ang gate at nauna nang pumasok kaya sumunod ako sa kanya. Halata sa bahay at loteng ito na hindi ito naalagaan at nalilinis nang maayos dahil sa kulay itim na mga mantsang makikita sa pader ng bahay. Malago rin ang damo sa garden at makalat din ito.

Sayang naman ang bahay na 'to...

Pinihit niya ang door knob at tsaka naunang pumasok. Nang sandaling buksan niya ang pinto, isang malakas at kakaibang aura kaagad ang naramdaman ko. Tumaas lahat ng balahibo ko dahil sa tindi ng enerhiyang nagmumula sa loob. Naririto na naman sa dibdib ko ang kakaibang pakiramdam na hindi ko mahinuha.

"What are you standing there for?"

Huminga muna ako nang malalim bago tumapak sa loob. The weird feeling started to swirl faster when I saw four other people inside the room, including Aliyah.

"CAN ALL OF YOU TONE YOUR VIGOR DOWN?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro