Chapter 44
BURN IN FLAMES
Aidan Helios' POV
"Aiofe, sa likod mo!" Ang hirap talaga bigkasin ng pangalan niya. Pwede bang 'Love' na lang ang itawag ko sa kanya?
"Blade of Love: Kiss of death," Aiofe cast as she plunged her sword in front of her. Hindi ko alam kung namalik lang ba ako o may nakita talaga akong hugis labi na lumapit sa mga kalaban niya noong dumampi ang espada niya sa kanila. Isa-isang bumagsak sa lupa ang mga kalaban niya. Lucky daemons. Biro lang, ayoko ng kiss of death ano?
"Thanks, fireboy!" she said and continued killing all the monsters coming after her. Fireboy raw o. May nickname kaagad siya sa akin. Dapat ako rin. Kailan ba ako nagpatalo. "Anytime, Love—este daughter of Love!"
I heard her small laughter. Mabuti na lang talaga at gumagana na sa kanya ang dugo ng nanay niya. Noon kasi ay halos wala siyang confidence sa sarili. Ngayon, nararamdaman ko nang nagbabago siya. Mas lalong gumanda ang anak ni Aphrodite. Para bang bawat segundong lumilipas e nagbabago ang kulay ng mga mata niya. Her eyes change from pink to purple and purple to orange, and then back to pink. Her caramel-colored hair were tied in braids. While her fair skin is glowing. I don't know if it's only her vigor, but she is shining because of her skin. A-ang ganda...
Idagdag mo pa ang galing niya sa pakikipaglaban. Lahat ng sword art niya ay kakaiba, at hindi ko pa siya naririnig gumamit ng basic sword arts.
Nakangiti akong napailing dahil napagtanto kong nasa gitna pala kami ng labanan. Pasensya, hulog sa ngiti e.
Isang nakakikilabot na sensasyon ang naramdaman ko sa batok ko, kasabay ng pagtindi ng init sa paligid. Nararamdaman ko ang pagbubukas ng maraming portal sa paligid. Ito na naman itong mga pangit na kulay abong nilalang na 'to.
I summoned the Azarin and let my vigor bloom before me. My magi appeared like fire dancing all around me, but I quickly channeled it all to my sword. Now, my sword was now leaking with my fire-like magi.
My senses heightened when the portals grew wider. Their heads are already outside the portal. Napakapangit pa rin ng itsura nila. Nakakakilabot. Nang tingnan ko si Belle ay para bang gulat na gulat siya, pero lamang ang pandidiri sa ekspresyon niya. "Mag-ingat ka, mahirap patayin ang mga 'yan."
Before they could completely go out of the portal, I twisted my blade and fixed my stance. Anyone who knows me knows what this attack is. "Azarin: Serpent dance." With my fire blazing more intensely than before, I moved around the area, slashing all their heads off like a serpent harshly biting their heads off.
Kung noon ay nagkaroon pa sila ng tyansa na makapag-regenerate, ngayon ay nasunog na sila nang tuluyan kasama noong red markings sa katawan nila. I trained for this. Na-frustrate kasi ako noon dahil wala akong mapatay ni isa. Pero sa loob ng dalawang buwan, sinanay ko ang sarili ko na gumamit ng mas mainit na apoy. I have searched for different types of flames, how hot they are, and where they can be found. Inaral kong maigi ang mga ito at sinubukan kong gamitin sila sa iba't ibang paraan. Nalaman ko rin kung anong uri ng apoy ang pinaka-effective para sa bawat sword art na alam ko. Hindi lang 'yon, nakagawa rin ako ng sword art na hindi magagaya ng iba. Kayang-kaya kasi nilang gayahin iyong serpent dance.
Napatingin ako sa gawi nina Eliora nang makita kong ginagawa niya ang stance ng sword art na ako ang gumawa. Nakakatuwa at nakaka-proud na makita sila na ginagamit itong art na 'to dahil bukod sa malakas ito at mabisa e mas malawak din ang nasasakop nitong area. "Nahara: Serpent dance." Matapos noon ay hindi ko na nasundan ang mga pangyayari at para bang wala pang isang segundo ay naroon na siya sa kabilang dako. Naiwan na lamang ang ilaw sa dinaanan niya na ngayon ay gumagalaw na parang malaking ahas. Lahat ng dinaanan noo'y bumagsak sa lupa. Teka, ano ba 'yong mga kalaban niya? Mga demigod ba 'yon?
"Eli, that's plagiarism!" I joked. She only laughed at me. Sinasadya niya talagang ipakita sa akin na gagawin niya ang isa sa mga paborito kong sword art. Masaya ako na makita siyang ngumingiti na ulit, lalo na kapag kausap niya ang leader ng Pillars. Halata ang panunumbalik ng saya sa mga mata niya. Mabuti na lamang. Happiness looks good on her.
Kumunot ang noo ko nang maramdaman ang pagbabago ng temperatura sa likuran ko. Narito na ata ang kalaban ko na katulad ng kay Eliora. Nang tapunan ko ito ng tingin ay nalaman ko agad base sa aura niya hindi siya pangkaraniwang demigod. Isa siyang pseudosemideus. Iba kasi ang temperature ng vigor niya. Siguro ay hindi rin galing sa core ang vigor na ginagamit niya. Kung tama ang naiisip ko, sa dugo ng deities nanggagaling ang vigor ng mga nilalang na 'to, hindi katulad namin na core ang pinagmumulan ng vigor.
Nang lingunin ko siya, nakita ko ang nakangising lalaki na katabi ang apat pang mga tao na hindi ko kilala, pero ramdam ko sa kanila ang mahinang koneksyon nila kay Hephaestus. Hindi ko lubos maisip kung kaisa ba si Papa sa kanila, pero sa mga nasaksihan kong sagutan nila kanina, parang hindi. Sana ay hindi. Dahil kung sakali man na isa siya sa mga nagtutulak para matuloy ang curse, hindi ako magdadalawang isip na kwestiyunin siya. Pero may tiwala ako sa kanya. Sa lahat ng mga kilala kong diyos, isa si Papa sa mga rasyonal mag-isip.
'I will never be like those fools who know nothing but to use their power and authority to their advantage,' narinig kong sabi niya sa isip ko. Mabuti naman.
I played with the blade of Azarin, and threw it mightily on the air, as my vigor covered it. Then, I quickly enveloped my fists with magi before attacking towards my five opponents. Naroon lahat ang tingin nila sa espada ko kaya't mabilis ko silang sinugod at isa-isang binigyan ng suntok sa tiyan. Ang iba ay pinaulanan ko ng sipa. Bago pa man bumagsak ang espada ko ay narito na ako at handa itong saluhin. Nang bumagsak ito sa kamay ko ay sumiklab lalo ang apoy sa paligid ko. I wouldn't let them reach me.
Lalong naging madilim ang tingin nila sa akin. Para silang mga leon na gusto akong lapain at gustong pag-agawan ang laman ko. Sumigaw ang lalaking sa tingin ko ay nakakuha ng dugo ni Heph-heph. May hawak siyang dalawang espada, at katulad ko ay binabalot ang mga ito ng apoy. Dalawa sa kanila ay mula kay Ares. Ang isa ay hindi ko alam kung kaninong dugo ang nakuha.
Nang magsimula silang sumugod sa akin ay lumitaw sa likod nila ang mga halimaw na kulay abo ang balat at may pulang marka sa katawan. Nakalawit ang dila ng ilan sa kanila at ang iba naman ay kulang ng isang mata. Hindi ko alam kung sinong gumawa sa kanila, pero deformed lahat ng mukha nila. Ang iba pa ay may kulang na parte ng katawan. Hindi ko nga alam kung zombies ba ang mga ito o ano.
May kung anong bumangga sa likod ko. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Belle. Hanggang ngayon ay fresh pa rin siya. Para bang hindi siya dalawang oras na walang tigil na nakikipaglaban sa mga halimaw at mga daemon. Sa harap niya ay mayroon din siyang limang kalaban na fake semideuses at nasa likod ng mga ito ang orcs. Iyon daw ang tawag sa mga taong ito, sabi ni Eliora.
"Aidan, are they demigods?" turo niya sa limang taong kaharap niya. "They don't have any emotion except anger. Ibang-iba rin 'yung tunog ng heartbeat nila, hindi sila katulad ng demigods."
"They are fake demigods, Belle. The enemies created something against the laws of our realm. They interfered with the balance."
"Kaya pala. Then that means they're weaker than demigods, right?" Tumango na lamang ako. They might be trying to be like us, but our experiences as the children of the deities would never be surpassed by them.
Sumigaw ang isa sa mga kalaban habang nakatutok ang espada na tumakbo papunta sa amin. Lahat sila ay binabalot ng vigor nila na para bang hindi nauubos. Singtindi ng galit nila ang pagsiklab ng magi sa paligid nila.
"Aidan, do a full swing three seconds after my attack," she said and put the blade in front of her, while I channeled my vigor to my spathi. "Agape: River of illusions, flow!"
From her spathi, pink magi came out in a form of glitters as she started running towards our enemies in a circular motion., Her attacks did not leave any wound, but the enemies weren't able to move.
It was my turn now. "Azarin: Flame vortex, full twist." Then, I jumped in the air, slashing my sword in a circular manner continuously. Like a tornado, the fire coming out of my sword intensified as they reached the enemies around us. I controlled the fire's temperature, enough for them to burn to ashes.
Nang masunog sila nang tuluyan ay nawala na rin ang apoy. Sa likod ng apoy ay tumambad sa akin ang isang lalaki. Isa rin siyang pseudosemideus pero bakit parang masyadong malakas ang vigor niya kumpara sa iba?
Nang lingunin ko si Belle ay ganoon din ang kaharap niya. Kapareho niyang kulay pink ang vigor ng kalaban niya na isang babae. Ano 'to, pseudosemideus two point zero? Pseudosemideus pro max?
My enemy summoned his sword, and instantly covered it with fire. I see, another one of my father's, eh? Sumugod ito kaagad kaya't nilaro ko sa kamay ko ang spathi ko. Hindi ko inaasahan ang bilis niya kaya't nadaplisan niya ako braso. Sumeryoso ang mukha ko habang tinatanggal ang apoy na bumalot sa manggas ng suot kong jacket. Lintek na iyan! Kakabili ko lang nito noong isang araw.
Tinanggal ko na rin ang jacket ko, at ngayon ay ang itim na sando na lamang ang suot ko. Sumugod ulit siya at ngayon ay nasalag ko na ang espada niya. Napakabilis niyang kumilos kaya't pinantayan ko siya. Sinasabayan ko ang mga galaw niya at napansin kong lumalakas siya sa bawat hampas niya ng esppada niya. Mas tumitindi rin ang init na nagmumula sa puso niya. Gaano kalaking galit ba ang itinanin ng mga kalaban namin sa puso nila para ibunton sa amin?
We were moving continuously all around the plaza as our blades continued to clank. I can see the others in the same situation as I. They were almost leaving their trails because their movements were so fast.
I stepped back and dodge his blade before catching his arm. With all my might, I threw him in the air and held my blade with both my hands. I jumped as high as I could, my blade burning on my side. "Fire sword: Hell flame, dragon's breath." Then, I swung my blade. A dragon made of fire flew upwards together with my sword. Then, when it reached his body, he growled in pain as he hit the floor.
He received a huge blow but he stood immediately. Matatag ang kupal. Sumugod ulit siya sa akin at mula sa atake niya ay lumabas ang isang ahas na gawa sa apoy. Hindi ako naapektuhan ng atake, pero tumalsik ako papalayo sa kanya. Tumama ang likod ko sa isang puno kaya't naramdaman ko ang pagtunog ng mga buto ko.
Aba, nakakadalawa na 'to.
"Weakling," nang-aasar na sabi niya. Tumayo ako kaagad at hinarap siya. Mabilis akong maasar sa mga ganito. I walked towards him, the Azarin disintegrating on my palm. Ang ayoko sa lahat ay iyong minamaliit ako. Binalot ko ang sarili ko sa vigor ko at hinayaan itong dumaloy sa mga kamao ko. Nakangisi ito habang ang buong katawan niya ay naglalabas ng mas malakas pang enerhiya kaysa kanina.
Sumugod ito sa akin, ganoon pa rin kabilis katulad noong kanina. Nang malapit na ito sa akin ay kumilos ako nang mabilis. Sa isang iglap ay nasa likuran na niya ako. Mukha namang nagtaka siya at lumingon sa akin. Bago pa man siya makakilos ay isinuntok ko sa mukha niya ang kamao ko. Sinundan ko pa ito ng isa hanggang sa bumagsak siya sa lupa. Matapos nito ay sinipa ko siya. I put all my strength on my foot, and I found him flying on the air. I gathered the fire around him and covered both my arms with it. When he is on my reach, I threw the hardest punch I could give before lifting both my hands on the air, palm facing him. I heaved a deep breath and felt my eyes turn to its permanent color, the color of fire. Then, as he plummeted from the sky, I sent a burst of his own flames to him. It was infused with one of my hottest flames, the flames of the underworld. The guy screamed in pain as he turned into ashes.
I would never lose to someone with the same power as me. Because I am the fire's vessel, and no flame would ever burn me.
⚔
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro