Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

PEAK

Ajax Draven's POV

"Let her go," Deion's voice echoed through the room. I know it was him. The moment he stepped inside this building, I know it was him. Kahit hindi ako tumalikod para tingnan siya, alam kong siya 'yon. Presensya lamang naman niya ang kakaiba para sa akin.

I stifled a laugh as I tightened the rope to restrain the mayor of this villa. "You mean, I should let the serial murderer go?" Why was he bothered again? What happened this time? He can solve this case within half a day if he wasn't. I sighed silently, fighting the urge to look back at him. I know that once I did that, I would not be turning back, and I can't. Because first of all, I am still on the search list. Kung tama ang pagkakarinig ko'y tumaas pa nga ang bounty ko. Isang bilyon? Ganoon na ako kaimportante sa realm na 'to?

"You're a descendant of the goddess of wisdom, you should figure it out. Listen, son of Zeus."

When I heard several footsteps approaching the room, I quickly summoned the portal to my hideout.

I missed them. I miss Deion...but I can't. Not for now. I still have a lot to learn, and I still have to deal with a lot of things. I need to train, because not long from now, I will be fighting, and I can't afford to lose. Because if I do, who would protect them?

"You're back," Atropos said, as gentle as the wind. Her purple eyes were focused on the cloth she was weaving.

"Opo, tapos ko na e. Ang tanga kasi nung siren, hindi man lang itinago ang masangsang niyang amoy," sabi ko pa at para bang nandiri ako nang maalala ang naamoy ko kanina noong marating ko ang office niya. Mabuti na nga lang din at nauna kong nalaman ang mga bahay na target niya ngayong gabi. Kasi kung hindi, mayroon na namang mga taong mamamatay na hindi pa dapat mamatay. Mula noon pa man ay salot na sa buhay ko iyang mga siren na 'yan.

"Nakita mo siya. Kinilig ba ang tumbong mo?" Dahil sa sinabi niya, naramdaman ko ang pag-angat ng dugo ko sa mga tainga at pisngi ko. "La, kung anu-ano na namang sinasabi mo. Isusumbong kita kay Thanatos e."

"Huwag mo nang itanggi sa akin. Alam mong alam ko kung nasaan ang dulo ng thread mo, apo." Napalunok ako dahil sa sinabi niya. E kung busalan ko rin kaya siya para tumahimik muna siya? Pero sa totoo lang, sobrang miss ko na sila, sobrang miss ko na siya. Kanina nga ay sobra ang pagpipigil na ginawa ko para lang hindi tumakbo papunta sa kanya. Gustong-gusto ko nang tanggalin ang mask na suot ko pero ayoko pang mabuko kami. Hindi maaaring mabulilyaso ang plano namin. Tsaka sa ngayon, sapat na sa akin ang makita silang ligtas.

Maraming beses na akong nagmasid sa kanila at tinutulungan sila nang palihim sa tuwing natatapos ko nang maaga ang responsibility ko bilang anak ni Thanatos. Maraming beses ko na rin silang iniligtas sa mga panganib na lingid sa kaalaman nila. Hindi ko man sila nakakasama ay gusto ko pa rin silang maprotektahan sa mga paraang alam ko. Mukha namang nag-i-improve sila lalo. At kung nakakatakot sila noong makipaglaban e mas nakakatakot na sila ngayon. Parang humihinga na lamang sila tuwing nakikipaglaban at para bang ang bilis na lamang sa kanila na tumalo ng kalaban.

Sana pagkatapos ng lahat ng ito'y hindi pa ako nawawala sa isipan nila. Sana ay kilala pa nila ako.

Narito ako ngayon sa bahay ni Atropos. Dito siya naninirahan mag-isa, at umaalis lamang siya para sa trabaho niya bilang isa sa mga moirai.

Two months have already passed, and I can say that I have changed. Not only physically, but also demigodly. Huh? May ganoon ba? Pero totoong maraming nagbago sa akin. Naramdaman ko ang paglakas ng kapangyarihan ko, gayundin ang paglakas ng katawan ko.

Marami akong pinagdaanan na mabibigat na training mula kay Atropos at kung minsan ay kay Thanatos. Silang dalawa ang kasama ko simula noong makalabas ako sa dungeon. Hindi ko makakalimutan ang pagpapanggap nila sa ministry para maitakas ako sa nakakamuhing lugar na iyon. Puro demonyo ang tao sa lugar na iyon, lalong-lalo na iyong minister. Hinding-hindi ko rin makakalimutan ang mga ngiti niya habang walang habas akong hinahaplit ng latigo sa likuran. Sa tuwing naaalala ko iyo'y nagngingitngit ako sa galit.

Mabuti na lamang talaga at iniligtas nila ako. Mula roon ay tinulungan nila akong magpalakas at magpakatatag. Lahat ng training ko noon mula sa Stellars ay walang binatbat sa paraan ng pagtuturo ng dalawang ito. Maraming beses natapos ang araw na halos hindi ako makagalaw at puno ng galos ang buo kong katawan. Ilang beses din akong halos mamatay dahil sa hingal, at halos maputol ang braso ko sa kakawasiwas ng espada ko. Iyon at marami pang ibang nakamamatay na training ang ipinagawa nila sa akin. Pero ngayong narito na ako, para bang worth it lahat ng nangyaring iyon.

Magaan na para sa akin ang kumilos at kasimbilis na ng pagkurap ang pag-summon ng vigor ko. Mayroon pa nga akong natutunan mula sa kanila na isang klase ng vigor, ang natural vigor. Atropos said that natural vigor is the magical energy of nature. It was the energy that can be borrowed from nature to be used by demigods. It is much stronger than magi vigor, but it can only be used by those of great strength like the gods. They told me that the gods use natural vigor usually, so they don't exhaust their divine magi.

It was so hard to use it at first, but after my training with my grandmother and my father, I can now use it effortlessly using the vigor circle, a magic circle appearing on the quillon of the sword which can amplify a sword art. This circle can only be mastered by those who can use their natural vigor. Isa lamang ito sa mga natutunan ko sa kanila.

Marami rin akong nagawa na bagong sword arts. Hindi ko alam kung existing na ba ang mga 'yon, pero marami na akong nagagamit ngayon, hindi katulad noon na sobrang limited lamang.

I looked at myself in the mirror, and I saw my hair that is now deep black in color. My brown eyes were now porphyry, the color of my vigor. I want to change it back to its original color, but I cannot. Although there were times when it changed to green for some reason. My body has also gotten toned. Hindi na ito katulad noon, mukha kasi akong hanger palagi. Ngayon ay maayos na ang fit ng mga damit ko sa akin.

I summoned the Azrael and examined it. Even my spathi changed its form. Its hilts were still black, but it changes depending on the power that I am using. If I use my powers from Thanatos, the hilts become porphyry. But whenever I use the dark, it changes to a beautiful shade of green. It is only when I met them did I know that I also got an ability as the grandson of Hades.

Everyone was mistaken. I am not the cursed child, and I am not the child of Atropos with a mortal. I am the son of Thanatos with a demigod. My mother, Lisa Gwynn, is the daughter of Atropos with a son of Hades. My mother was never a direct descendant of the king of the underworld, but she is his granddaughter. It means that the cursed child is not me, it was my mother who died seven years ago. It also means that I have the blood of Thanatos and the blood of Hades running through my veins. Pero higit sa lahat, nananalaytay rin sa mga ugat ko ang dugo ni Atropos. This is what gives me the ability to tamper with the life strings of the people, and it also gives me the ability to see the life strings of even the deities. It means that my ability to see one's life string is from Thanatos, but to cut it was from Atropos.

My father told me that both of us had different ways of sending the dying humans to the afterlife. His was to separate the soul from the body through absorbing the mist of death from their chests. He can see the life strings, too, but he cannot cut it...but I can.

"The birth of death births a curse, and the life of the vine costs the life of men, but the death of the dead is life."

The death they were referring to was never me. The prophecy is all about one person, it was not referring to three. Because my mother was the death, the curse, and the vine. The birth of my mother gives rise to a curse, and the life of my mother costs the life of men, but her death means salvation.

Ang hindi ko lamang maintindihan e kung bakit tuloy pa rin ang curse. Ang akala nga rin daw nina lola e matatapos na ang lahat sa oras na mamatay si mama. Pero ngayong taon, kumilos daw muli si Zeus at si Poseidon noong nalaman nila ang existence ko. Nalaman ko na rin na si Poseidon iyong nagtatakang saktan ako. Siya iyong may kulay asul na mga matang laging sumusugod sa akin. Siya rin ang may kagagawan kung bakit nagkaroon ako noong marka ng cursed child sa likuran ko. Ginawa niya iyon noong madakip kami ni Aidan sa domain niya. Kaya ngayon ay mainit din ang dugo ni Papa sa kanya.

"Aji, come here. We're about to eat."

Bumaba na ako sa kusina at doon ay naabutan ko silang dalawa na magkaharap sa mesa. Yumakap ako kay Thanatos bago umupo sa tabi niya. "Nakabalik ka na pala, Pa."

Humarap siya sa akin at hindi ko alam kung bakit parang gulat na gulat siya. I looked at my grandmother, asking what's happening, but her mouth were also slightly open while looking at me. "Anong nangyari sa inyong dalawa? Para kayong nakakita ng multo."

"Aji...your eyes." Huh? E wala naman akong nararamdamang kakaiba sa mga mata ko bukod sa parang mas luminaw ito. Nang mahagip ng paningin ko ang itsura ko sa salamin ay napanganga rin ako at nanlaki ang mga mata ko. Nang kumurap ako ay nakita ko ang pagbabago ng kulay ng mga mata ko. Since when did my eyes bear the crystal blue color? When I blinked again, it turned back to porphyry.

"Your divine blood seems to thrive," Atropos said, and I could feel my heart racing in excitement. "You have reached the peak." 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro