Chapter 38
KILLING MELODY
Aidan Helios' POV
"Guys, here's what I found about the past case. My father wrote a paper about a dark magic that kills demigods in their sleep. He said that it already happened in the past, and it killed about four thousand people. It is basically a serial killing and murder case. It can even be considered a massacre. In the past, they called it the killing melody. Killing melody is a graceful song that is like a lullaby, but instead of leading people to sleep, this song leads people to their death," mahabang litanya ni Eliora na ngayon ay seryoso ang ekspresyon, hindi katulad ng normal niyang gamit.
"Nahuli naman daw ang pumapatay? Tsaka ano raw instrument ang ginamit?" tanong ko dahil interesado akong malaman ang kasong ito. Isa pa, kasama namin ngayon ang anak ni Aphrodite. Narito siya ngayon dahil bukod sa natatakot daw siya e pwede raw niya kaming matulungan.
"No. Until now, the perpetrators were not known. There were also no records of the main suspects of the past case. The paper said that the instrument sounds like a harp. However, none of them saw what the instrument looked like, but they heard it."
Nakuha ng case na ito ang atensyon naming lahat. Kanina pa namin ito pinag-uusapan. Hapon na ngayon at hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin kami tungkol sa details ng mission. Pinag-uusapan din namin ang mga nakalap naming impormasyon mula sa mga tao na tinanong namin kanina.
Dalawa ang bahay na inatake kagabi. Ang isa sa mga ito ay may limang miyembro, at ang isa naman ay dalawa. Mula sa dalawang bahay ay tigalawang tao lamang ang nakaligtas, ang iba ay nasawi na sa pagpatay. Ika nila, nagising sila bago sumapit ang alas dose ng hatinggabi. Pero noong sumapit daw ang alas dose, nagsimula raw tumunog ang isang instrumento na hindi raw nila alam kung ano. Pero malamlam daw ang musikang tinutugtog at para nga raw silang inihehele nito. Pero kasabay raw ng malumanay na tugtog e nagsimulang bangungutin ang iba nilang kasama sa bahay na tulog noong mga sandaling 'yon. Nagsisigaw raw ang mga ito at ang iba'y umiiyak at humihingi ng tulong. Pero isang minuto ang makalipas ay kumalma na raw sila. Kumalma sila pero tumigil na rin sila sa paghinga.
Ang dalawang nakaligtas ay parehong balisa at halos hindi na namin makausap sa mga oras na 'to kaya't minabuti muna namin na ihabilin sila sa head ng villa. Sino nga ba naman kasi ang mag-aakala na ang malumanay na musikang 'yon ay kasinglupit pala ng kamandag ng ahas? Alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng minamahal sa buhay. Isa lamang ang nawala sa akin pero parang gumuho na ang mundo ko, ano pa kaya ang nararamdaman noong isa na namatayan ng apat na kasama sa bahay?
It is already night time when the autopsy of the deceased victims were released. There were no wounds nor traces of chemicals and potions in their bodies. Wala raw kahit na anong galos ang mga biktima sa labas at loob kaya mas lalo lang tumindi ang suspicions namin na dulot nga ito ng dark magic na sinasabi ni Eliora.
"Tonight, we'll be patrolling the whole villa, the Stellars and the Pillars. Gaddiel, you can invite your teammates over here," sabi ni Deion.
"It's fine. I'll instruct them later about their roles. Ako na lang muna."
"There are four streets in this villa, and there are several houses on each street. Gaddiel, you cover Phase 1 and Phase 2, the rest would be on us. We can send three members for each villa, and when we find something, let us meet back here in the inn. If there's an emergency, send us a signal." Ibinigay na ni Deion ang designations ng dalawang grupo na sinang-ayunan din naman ng head ng Pillars na si Gaddiel, ang fiance ni Eli. Matapos nito ay nagpaalam na si Gaddiel at umalis na dahil bibigyan pa raw niya ng instructions ang members niya.
Si Deion naman ay nagpatuloy sa pagbibigay ng tasks sa amin. Nang matapos siya ay tumayo na rin siya at nagpaalam. "Prepare yourselves now, and meet everyone outside at exactly 11 o'clock."
Si Belle at Aliyah ang makakasama ko mamaya sa pagpapatrol. Si Dillon naman ang kasama ni Deion, habang si Eliora raw ay si Gaddiel ang kasama.
Lumabas na rin ako at sumunod kay Deion. Sa tingin ko ay may iba siyang pupuntahan. Alam ko namang kaya na niyang protektahan ang sarili niya pero gusto ko pa ring sumama dahil gusto kong makahanap ng clues mula sa case na ito.
"Dei, hintay!" sigaw ko na nagpatigil sa kanya. Nang makalapit ako ay tinanong ko kung saan siya pupunta. "I will just talk to the head of the villa. We can't patrol here unless we got permission."
"Sama ako." Tumango lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Malapit lamang sa inn ang office ng mayor ng Middego. Ilang minuto lang kaming naglakad at narating na namin ito kaagad.
The mayor is a beautiful woman, probably on her early thirties. Elegante ang itsura niya. Maging ang ngiti sa labi niya ay parang kagalang-galang.
"Good evening, mayor," bati namin. Sinuklian lamang kami ng ngiti bago nagsalita. "What can I do for you?" tanong nito matapos kaming paupuin sa harap ng table niya. Even her speaking voice is beautiful.
Inilibot ko sa paligid ang paningin ko at pinagmasdan ang buong kwarto. Malinis ang apat na sulok nito at ito masyadong masikip. Kung tutuusin nga ay malawak na ito para sa isang office ng isang tao. Sa isang pader ay nakadikit ang litrato ng mga dating mayor ng villa. Napansin ko na halos lahat sila ay babae. Wow, girl power! Sa gitna ng mga ito nakalagay ang kay Mayor Kris. Sa isang part naman ay mga certificate ang nakapaskil. Mayroon ding isang medyo malaking halaman doon sa isang sulok. Sa likod naman niya ay nakalagay ang dalawang instrumento, isang flute, at isang ancient drum na maliit. Pareho itong nakalagay sa glass box at nakapatong sa red cushion. Ang ganda.
Mabango rin ang silid pero parang may naaamoy akong mahinang amoy na napakaweirdo para sa ilong ko. O baka guni-guni ko lamang 'yon? Nawala rin kasi kaagad matapos kong sabihin. Baka hininga ko lamang, gutom na ako e.
"We will just ask for permission to patrol the whole villa today. This is a letter from the ministry," sabi naman ni Deion at iniabot ang scroll. Binasa ito ni Mayor Kris at tumango-tango. "I see, this is because of the incident last night, right?"
"You see, this also happened before. In the past, a lot of people died in several villas because of the same cause, the killing melody." Then, she smiled bitterly. "It cost me both my parents and little brother. Bata pa lamang ako no'n, at hindi ako makatulog dahil birthday ko na kinabukasan. Tapos, nakarinig ako ng magandang tugtog na nanggagaling sa kwarto nina papa kung saan din natutulog ang kapatid ko. Akala ko ay babatiin nila ako nang saktong alas dose noong pumunta ako sa kwarto nila. I was surprised, actually, but it was not because of a cake I was expecting, but because of my parents and my brother not breathing." Matapos niyang ikwento ang nangyari noon ay nakita ko ang isang luhang pumatak mula sa mata niya.
"I'm sorry to hear that. Don't worry, we will make sure to find the culprit this time to avenge for your family's death, and to give justice to everyone who died that time. We will try to protect everyone here," Deion said reassuringly. Ganon ang sinasabi niya pero walang kaemo-emosyon ang mukha niya. Paano siya paniniwalaan ng mayor?
"Thank you, demigods."
Nang sumapit ang alas onse ng gabi ay nagkita-kita kami sa gitna ng villa. Naghabilin lamang si Deion at si Gaddiel ng mga dapat naming tandaan. Matapos nito ay umalis na kami at naghiwa-hiwalay ng daan. Kasama ko ngayon si Belle at si Aliyah na naglalakad nang magkahawak ang kamay. Kainggit naman, kailan ko rin kaya mahahawakan ang kamay ni Belle?
"Tinitingin-tingin mo riyan, Aidan? Inggit ka 'no?" pang-aasar ni Aliyah. Pasalamat siya at hindi ako makikipagsagutan sa kanya ngayon. Baka kasi ma-turnoff si Belle.
Papunta kami ngayon sa Phase 3. Dito 'yung bahay noong dalawa na naunang biktima. Sa tingin ko'y malabo nang ito ulit ang i-target nila dahil alam nilang magiging mainit na ito sa mata ng karamihan. Pero hindi pa rin ito sigurado. Lahat ng taong may kagustuhang pumatay ay gagawa at gagawa ng paraan para maituloy ang binabalak nila. Walang anumang makapipigil sa pusong binalot na ng kadiliman.
Thirty minutes more before midnight strikes. Binalaan na namin kanina ang mga tao sa mga posibleng mangyari kaya ngayon ay nakadepende na sa kanila kung ano ang mangyayari sa kanila. Nagpatulong kami sa mayor para magawa ito dahil siya ang mayroong contact sa lahat ng owners ng mga bahay na narito.
Binalaan ko ang dalawa kong kasama dahil sa mga kaluskos na naririnig ko sa paligid. Teka, bakit parang maraming tao ang narito sa paligid namin? Nararamdaman ko ang unti-unting pagtaas ng temperatura sa paligid. Ito na naman, mukhang mapapalaban na naman kami.
Wala pang sampung segundo ang lumilipas nang bumulusok papunta sa amin ang arrows at daggers na kung saan-saan nanggaling. "Watch out!" Azarin appeared in my hand, and it was quickly covered by my vigor. "Azarin: Dome of flames." Itinusok ko ang espada sa lupa at mula roon ay sumibol ang masaganang apoy na bumalot sa paligid namin. I controlled the heat inside to avoid the two from burning. Nang maramdaman kong nasunog na ang mga weapon sa labas ay tinanggal ko na ang apoy. Nang tuluyan itong maglaho ay nakita ko ang walong kalaban na nakapalibot sa amin.
Paglingon ko sa dalawa kong kasama ay nakalabas na rin sa kamay nila ang espada nila. I was in awe when I saw how beautiful Belle's sword and vigor are. Her sword has a pink flower for its quillon, while its handle is black in color. The hilts of her sword were in a red to pink gradient. Her vigor is also pink in color, like the shade of her eyes as it glows.
Natigilan ako nang mapagmasdan ko ang itsura niya. It was only now that I noticed that her glasses disappeared, and her hair was flowing smoothly on her shoulders. Kailan pa nangyari ito? Maganda na siya kanina, pero hindi ko inakalang may mas igaganda pa ang anak ni Aphrodite. Para siyang napaliligiran ng mga bulaklak.
Mula sa kawalan ay lumitaw ang isang kulay puting kalapati at tumigil ito sa balikat niya. "Hello there, Saku." Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin pero naging mas malumanay ang boses niya. "Saku, enchant." Then, the bird started chirping. The two masked strangers stopped moving, and their swords dropped on the ground. "Agape: Heart breaker." She swung her sword, and the pink waves formed a heart shape that caught the two opponents together, and with a slash, the heart broke and her two enemies fell into the ground. Bakit napakaganda ng bawat galaw niya?
Bago pa man ako tuluyang ma-distract ay hinarap ko nang muli ang mga kalaban. Anim na lang sila 'no—ha? Bakit parang nadoble ang bilang nila?
"Daemons!" Pagkasigaw ni Aliyah ay lumabas ang pitong daemons mula sa kung saan-saan. Ito ba iyong mga upgraded na daemons?
'Azarin: Fire top.'
'Serpent dance.' As soon as the spinning top made of fire left my blade, I cast another art. I felt my limbs getting lighter and my arms stronger. Then, with a few steps, I found myself on the other side of the road. And when I looked back, I saw my opponents on the ground, burnt. Anim na lamang ngayon ang natitira dahil natalo na rin ng dalawa pa ang iba naming kalaban. Kailangan namin itong matapos agad dahil kailangan pa naming bantayan ang paligid—
Nang tumunog ang orasan ay naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Kasunod nito ay narinig ko ang isang tunog na ngayon ko lamang narinig. Isang banayad na musikang hindi pamilyar sa aking pandinig. Para bang nakakahikayat ito, at para bang anong oras ay maipipikit ko ang aking mga mata.
Nanglalabo na ang paningin ko. Ganito na ba ako kapagod?
"Agape: Ballad of the heart, first tempo." Then, the music changed. From a soft one to a tone that is like a love song. Matapos nito ay naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa dalawa kong pisngi. "Aidan, wake up." Belle's enchanting voice woke me up. Her soft hands were still on my cheeks.
Nang mahimasmasan ako ay patuloy ko pa ring naririnig ang tunog na galing sa espada ni Belle. I don't know how it happened but I suddenly felt my cheeks burning and my lips forming a smile. It wasn't me, I swear. Hindi ko mapigilan ang sarili ko at parang kilig na kilig ako sa mga sandaling ito. "Don't worry, it's just a love song. It won't hurt you."
"Hoy, hunghang! Bakit mo naman pinakinggan iyong kanina? Gusto mo bang mamatay?"
Nang pumatak na ang oras isang minuto matapos ang hatinggabi ay nawala na rin iyong nanggagaling mula kay Belle. Kung hindi ako naapektuhan ng killing melody dahil kay Belle, umaasa ako na lahat ng nakarinig noon ay hindi rin maaapektuhan nito.
Isang hiyaw ang nanggaling sa isang bahay na hindi kalayuan sa amin. Tumakbo kami papunta roon. Kinatok namin ang bahay, at doon namin nakita ang tatlong taong nasa iisang kwarto. Aaakalain mong mahimbing lamang silang natutulog, ngunit lahat sila ay hindi na humihinga.
Hindi pa rin napigilan iyon? Pero wala akong naramdaman sa paligid na maaaring magpatugtog noon? Saan naman nagtatago ang tumutugtog noong instrumento? At ilan ba ang binabalak niyang maging biktima gamit ito?
⚔
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro