Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

MOTHERS

Ajax Draven's POV

When I gained enough energy to stand up, I opened the door and weakly brought myself to the nearest sofa. I just want to lie down and rest until I gain all the energy I have lost. Para akong nakipaglaban sa giyera dahil sa panghihina ko. Ilang minuto lamang iyon ng pakikipaglaban sa kanya ngunit halos maubos na ang lahat ng lakas na mayroon ako. Paano pa kaya kung dumating ang araw na makaharap ko ulit siya? Panigurado'y hindi na ako makakatakas pa nang buhay, lalo na't nadungisan ko ang perpekto niyang anyo. Gods are known to be prideful dahil sa mga papuring natatanggap nila sa mga tagasunod nila, kaya hindi malabo na magalit sa akin ang diyos na 'yon. Alam kong sa ginawa ko ay nayurakan ko ang pride at ang ego niya. Kasalan ko ba 'yun? Pinrotektahan ko lang naman ang sarili ko dahil gusto niya akong patayin.

"Ajax? What happened?" Nakita ko sa hagdan si Dillon na nakasuot ng pajamas. Mag-aalas dos na ng umaga. Bakit kaya nagising nang ganito kaaga ang babaeng 'to?

"I just came across a god who wants to kill me." Nagtaka ako nang tumalikod ito sa akin at pumanhik muli sa taas. Ang pangit naman kausap ng isang 'yon.

Pipikit na sana ako nang makita kong bumalik siya sa sala. Bitbit niya ang isang kulay puting kahon. "Here. Patch your wounds up. Your neck is bleeding."

"Salamat."

"You should never make an enemy out of a deity, Ajax. They will never stop until your soul perishes in the underworld." Matapos nito ay bumalik na siya sa kwarto niya. What's wrong with her? Hindi niya nga alam kung ano ang nangyari. Sino bang gugustuhin na mapagdiskitahan ng isang diyos? Isang tiyak na hangal lang ang taong maghahamon ng deity.

Sinimulan ko nang linisin ang mga sugat ko. Hindi ko mapigilang mapadaing sa tuwing dadampi ang bulak na mayroong alcohol sa mga sugat. Mabuti na lamang at walang ugat na natamaan ang diyos na iyon sa leeg ko. Kung nagkataon man at ako'y minalas lalo, baka ngayon ay sinusundo na ako ni Thanatos...

Natigilan ako nang maalala ang mga ipinakita sa akin ng deity kanina. Nagsimula na namang bumigat ang loob ko dahil sa mga katotohanang nakita ko kanina. Maaaring ilusyon lamang ang mga 'yon, pero paano kung totoo nga na iyon ang nangyari? Kinakailangan kong makausap si Thanatos. Kailangang magpaliwanag sa akin ang diyos na iyon bago ko pa man siya itakwil bilang ama ko—

Isang kamay ang pumigil sa akin sa paglilinis ng sugat ko. "You are hurting yourself." Ngayon ko lamang naramdaman na masyadong madiin na pala ang pagkakadampi ng bulak sa sugat ko. Tumutulo na rin ang dugo mula rito. "What happened, Draven? Why are you full of wounds?" Kinuha niya sa akin ang bulak at ipinatong sa table bago kumuha ulit ng bago at ginamit sa paglilinis ng sugat ko.

"Does this hurt?" Tanong niya habang marahang idinadampi sa sugat ko ang bulak. His hands were so careful and gentle while cleaning and dressing my wounds. I can feel that he is really trying his best to make his hand as light as possible, as I don't feel pain that much, and his eyes were really focused on my deep wound.

Umiling lamang ako dahil wala akong ganang magsalita. Baka mamaya ay masira lamang ang composure ko at mag-umiyak ako rito sa sala.

Pero sa totoo lang, ang laki na ng ipinagbago ng pakikitungo sa akin ng anak ni Zeus. Kahit masungit pa rin ito at mahilig mang-asar e palagi naman siyang nariyan sa tuwing kinakailangan ko ng tulong. Kahit pa hindi ako humingi ng tulong e para bang alam na alam niya kung ano ang kailangan niyang gawin. Siya rin ang laging tumutulong at nagliligtas sa akin sa tuwing nasa bingit na ako ng kamatayan. Maging sa mga case trials ko nga ay siya pa rin ang katulong ko. He was the first to do things for me without being asked for, after my mom passed away. It sounds so cringe, but when I realized all of this, I felt my heart ache.

"Kidlat..." Iniangat ko ang tingin sa kanya at pinunasan ang mga luhang hindi ko alam na dumadaloy na pala mula sa mga mata ko. "May nagtatangka sa buhay ko." Alam kong mapapahiya lamang ako sa kanya dahil sa ginagawa ko at maaari pa ngang tawanan niya ako dahil nakikita niya akong umiiyak, pero hindi ko na kayang kimkimin. "Deion, gusto niya akong patayin." Mas nangingibabaw sa akin ngayon ang takot at ang lungkot, at dahil sa mga nagawa ni Deion para sa akin, may pag-asa sa dibdib ko na hindi ako pababayaan ng taong 'to, na ililigtas niya pa rin ako kahit anong mangyari.

"Who are you talking about, Draven? Which deity is it?" Did I hear worry in his voice?

"Hindi ko alam. Hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya. Wala akong nagawa kundi tanggapin ang espada niya sa leeg ko. Natatakot ako, Kidlat, ni hindi ako makagalaw kanina."

Patuloy lamang na tumutulo ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sa sahig. "Ano bang nagawa ko? Bakit parang kalaban ko ang lahat? Bakit parang gusto akong pabagsakin ng mga tao? May malaking kasalanan ba akong nagawa? May mali ba sa akin kaya walang kumakampi sa akin—"

Hindi ko na naituloy kung anumang sasabihin ko dahil sa pagtakip ng kamay ni Deion sa mga mata ko. Naamoy ko ang kung anong mabangong amoy sa palad ng anak ni Zeus. The scent was relaxing. "Breathe, Draven. Calm down". Like I was hypnotized by his voice, I started breathing in a relaxed manner.

He helped me lay down the couch, palm still covering my eyes. Hindi ako makapaniwala na hinayaan niyang mabasa ng mga luha ko ang kamay niya.

Hindi na ako nagsalita muli at ipinikit na lamang ang mga mata. Bago pa man ako makatulog nang tuluyan ay narinig ko siyang magsalita. "The world may turn its back on you, but the stellars would not leave your side. Don't worry about things too much..." Tinanggal niya ang palad niya mula sa mga mata ko at pinunasan ang mga luhang natira sa pisngi ko.

"You always have me, Uwak."

Nang magising ako ay natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng kwarto ko. Napansin ko na maayos akong nakasuot sa ilalim ng kumot at nakasuot pa ako ng isang knitted sweater. Wala akong maalala na may suot akong sweater kagabi. Ang alam ko lamang e isang duguang damit ang suot ko. I should thank Deion. Siya lamang naman ang posibleng gumawa nito sa akin. Siya rin naman kasi ang huli kong nakita bago ako nakatulog. Isa pa, kaamoy niya ang sweater. It smells like white peach with a subtle hint of citrus, fresh and light, just like my preference in fragrances.

Malamig nga ang panahon ngayon, hindi katulad kahapon na mainit. Tumayo na ako at iniangat ang blinds. Mula sa bintana ay nakita ko ang makulimlim na kalangitan. Hindi naman umuulan, pero wala ring sinag ng araw sa paligid. Masyadong madilim para sa umaga.

Nang dumako ang tingin ko sa kalendaryo ay ngayon ko lamang na-realize kung anong araw na ngayon. Napangiti ako nang mapait at pinagmasdan muli ang langit. September 9...the day I lost everything I have, the day I lost my mother. So it has been seven years now, huh?

Tumalikod na ako at ginawa na ang lahat ng kailangan kong gawin. I will talk to Deion and inform him that I will not be taking missions for the day. Bibisitahin ko muna si mama.

Nang matapos ako ay naabutan ko silang lahat sa sala. Nakabihis na sila at halatang paalis na sila para mag-accept ng missions ngayong araw. "Good morning, Kuya Draven!" masiglang bati ni Eliora kaya binati ko rin siya.

"Hindi muna ako—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang magpaalam na silang lahat na aalis na. Naguluhan ako na para bang alam nilang lahat na sa mga plano ko ngayong araw. "Deion, pwede bang hindi muna ako mag-accept ng mission ngayong araw—"

"Let's go." Naguguluhan man ay sinundan ko siya papunta sa kotse niya. Umupo ako sa passenger seat at siya naman sa driver's. "Teka. Bakit mo pinapatakbo? Pupuntahan ko si mama—" Kanina pa ako naiirita sa mga tao dahil hindi ko lagi natatapos ang mga sasabihin ko. Wala pa akong nabubuo kahit isang sentence ngayong araw!

"I know."

Huh? Sinasabi nito? "It's her seventh death anniversary, isn't it?"

"You knew?"

"Of course I do." He then looked in front, a small smile plastered on his lips.

The drive was silent. It was a comfortable silence. Mabuti na lamang dahil wala pa akong gana na magsalita masyado. Bukod sa death anniversary ni mama e naiisip ko rin ang nalalapit na second trial. Hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman ko sa second hearing na 'yon. Malaki ang posibilidad na hindi na ako umabot sa ikatlo kung matatalo man ako sa pangalawa pa lamang. Masyadong mabigat ang dalawang charges na 'yon. Kung matatalo man ako sa isa at maipapanalo ang isa ay tiyak na hindi pa rin ako titigilan ng mga taong gusto akong hilahin pababa. At kung sakali man na matalo ako sa parehong hearing, sigurado na ang kamatayan ko.

"We're here." Tumigil ang kotse sa parking ng sementeryo.

Pinagmasdan ko ang paligid, at kusang bumigat ang pakiramdam ko nang maalala ang unang panahon na tumapak ako sa lugar na ito. Miss ko na si mama...

Naramdaman ko ang isang kamay na pumatong sa balikat ko. Bitbit ni Deion ang mga bulaklak na binili namin kanina. Kasama noon ang ilan pang bulaklak na hindi ko alam kung saan nanggaling.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad sa damuhan hanggang sa marating namin ang puntod ni mama. Doon ay nakapatong ang kulay itim at puting mga bulaklak, katulad lamang ng mga bulaklak na nakikita ko sa tuwing bumibisita ako rito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung kanino ito nanggaling.

Ipinatong ni Deion sa harap ng puntod ang bulaklak na dala namin. Nakakatuwang isipin na naghanda siya ng bulaklak para kay mama. Ni hindi ko pa nga rin alam kung bakit alam niya ang death anniversary ni mama e wala pa naman akong pinagsasabihan sa kanila.

Umupo ako sa harap ng puntod at sinindihan ang kandilang dala ko. Matapos ay tumingin ako sa langit at ngumiti. 'Ma, miss na kita. Kailan kaya tayo magkikita ulit? Miss ko na ang mga luto mo. Pati na ang pagtawag mo sa akin ng Aji. Kailan ko kaya ulit mararamdaman ang yakap mo?'

Tumabi sa akin si Deion at inilahad sa akin ang panyong dala niya. May tumutulo na naman palang mga luha sa mata ko, hindi ko na naman napansin. Masyado na akong nasasanay na maging ganito ka-vulnerable sa harap ng taong 'to.

"Tita is a great woman," he said while looking at my mother's grave. Kanina pa ako nalilito. 'Yung totoo, kilala niya ba ang mama ko? "My mother introduced me to Tita Lisa when I was still a kid. I witnessed how awesome she is as a demigod. My mom told me stories of their adventures together. They were in the same group, together with Eliora's mother." Wait...what? My mother was a demigod?

He snickered. "You didn't know? Your mother is a daughter and a direct descendant of Hades. My mother told me she does her job so well, but she left the group after you were born, it was the same for my mom." Why did I never know my mother is a daughter of Hades?

"They were best friends. Maybe you have met my mother once."

I tried to recall everything when I was a child. Come to think of it, my mother has brought only two friends home before, Tita Franz and Tita Penelope. Who is Deion's mother though? The one with green irises is Tita Franz, and the one with brown ones is Tita Penelope. Deion is also a descendant of Athena, meaning that his mother is the direct descendant of the goddess. "Is it Tita Franz?"

Deion smiled before looking at the sky, he leaned with both his hands placed on the ground behind him. Unlike the usual stern look on his face, Deion is relaxed. This might be the first time I have seen him so peaceful since I have stepped foot in the Stellar's base. Bagay naman pala sa isang 'to ang hindi masungit o kaya ay nang-aasar. He sighed before closing his eyes. "Yes, she is my mother. She passed away after Hera attacked our home, trying to kill both of us. That goddess is one heck of a jealous wife."

"I'm so sorry to hear that, Kidlat." So, Tita Franz died also...and it is because of a deity? Normal ba na maging target ng deities ang demigods? "Deion, did you know, that deity who is trying to kill me showed me something I did not see in the past."

Napamulat ito at napatingin sa akin. "My father was there when my mother is dying. Tsaka ang babaeng nagligtas sa akin kagabi. They were there, watching my mother die slowly." I tasted bitterness while speaking. Hindi ko pa rin matanggap na pinanood lamang ni Thanatos na mamatay si mama.

"Thanatos might be there to escort your mother to the afterlife."

I shrugged. "I don't know, Deion, my mother's life string wasn't even red at that time. She wasn't supposed to die that time yet."

"Did you see your father cut her life string like what you do?" Deion's question made my heart's pace increase. He did not...I did not see Thanatos cut my mother's life string, and I did not see the mist of death bloom on her forehead.

A cold wind passed, and I felt a shiver down my spine. Then, behind the trees not far from where we sat, I saw the lady watching us, her eyes intense as she gazed upon us. 'The enemies will try to bring one down, but one shall resist. The son of death cannot die.' 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro