Chapter 3
DAUGHTER OF ARTEMIS
Ajax Draven's POV
The black sword vanished as soon as my feet touched the ground. It easily disintegrated on my palms, like a bubble bursting. The invisibility has now worn off, as I do not hold the sword anymore. I'm glad that the people's attention was drawn to the accident, they would not notice me appearing out of nowhere.
Tiningnan ko sa huling pagkakataon ang batang lalaki bago ito tinalikuran at dumeretso papunta sa paaralan. Isang napakagandang pangyayari nga naman para simulan ang araw. Bumigat lamang ang kalooban ko dahil sa ginawa ko. Hindi ko lubos maisip kung paano ko sasanayin ang sarili sa mga ganitong tagpo. Mabuti na lamang at wala ako ni isang kaibigan o kamag-anak man na kailangan kong putulan ng buhay. Baka hindi ko kayanin.
Ngayong hindi ko nga kadugo o kaano-ano ang pinutulan ko ng life string, nanlulumo na ako. Paano pa kaya kung isang taong malapit sa akin 'yon? May maganda talagang naidudulot ang pagiging mapag-isa.
Nang marating ko ang gate ng paaralan ay may napansin akong kakaiba na nagpakunot ng noo ko. Sa lahat ng life string na nakikita ko, bukod tangi ang nagliliwanag na kulay gintong pisi. Ito lamang ang kapansin-pansin sa paligid ko.
'Thanatos, what does that gold life string signify?'
'Hindi na sana ako dapat sasagot dahil kailangan ko na talagang umalis, pero kailangan kong bumawi man lang sa'yo. The owner of that string is a being like you...a demigod,' sagot nito.
Hindi ko na lamang pinansin ang unang sinabi niya. Bahala ka r'yan. Dahil sa kuryosidad, sinundan ko ang direksyong pinanggagalingan ng pisi, ngunit kahit ganoon, patuloy ko pa ring pinagmamasdan ang ibang mga pisi na kung saan-saan nagmumula. Baka magkaroon na naman ng kulay pula, ayoko na muna. Sapat na ang isang buhay sa ngayon.
Dinala ako ng gintong life string sa garden na nasa likod na bahagi ng paaralan at doon, nakita ko ang life string na lumampas sa isang malagong halaman. Nilapitan ko ito para tingnan kung sino ang demigod na nagmamay-ari nito.
Isang likod ng babaeng may kulay abong buhok ang bumungad sa akin nang hawiin ko ang halaman. Pamilyar ang kulay abo nitong buhok at para bang nakita ko na siya sa kung saan, hindi ko lamang maalala.
"What are you doing here?" tanong ko rito. Nakita ko kung paano tumaas ang magkabilang balikat nito, nagulat ko ata.
Tumayo ito at marahang humarap sa akin. "Hi? " nag-aalangang bati nito na mayroong pilit na ngiti sa labi.
"Who are you?"
"Aliyah...your classmate?" Tinaasan ko lamang ito ng isang kilay dahil sa sagot niya.
Bumuntong-hininga ito na tila alam ang tinutukoy ko at tsaka umirap. "Aliyah Esmeray, daughter of Artemis, the goddess of the moon. Masaya ka na ba? Sasabihin ko pa ba kung kailan ang birthday ko? Kung sino ang tatay ko? Kung ilang taon na ako?" tuloy-tuloy na bigkas nito na hindi ko na lamang pinansin.
"So the gods and goddesses are real, after all."
"Oh my gods! Bakit ngayon ka lang naliwanagan, Ajax?" Kusang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"You knew who I was?"
"Of course 'no. Una pa lang, alam ko nang kakaiba ka rin. Itsura pa lang oh," saad nito.
Aliyah is a maiden blessed with eyes which resemble the moon. Her ash-colored locks are flowing smoothly down her shoulders, and it somehow glows with the sun's touch, like how the moon glows as it reflects the light coming from the sun. She also has this fair skin which complements her hair and her eyes. She's beautiful, but that's not surprising at all, as she is a daughter of a goddess.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Teka, teka. Interview ba 'to? 'Di naman ako na-inform," sagot niya kaya't binigyan ko siya ng isang walang ganang tingin.
"Joke lang, ito naman. May naghahabol na naman kasi sa'kin don sa labas, yung mga admirer ko," sagot nito.
"Okay," sabi ko nalang at tumalikod na sa kanya. Baka ma-late pa ako sa klase ko. Hindi pa man ako nakakahakbang ay may naramdaman na akong paghila mula sa likuran ko.
"Wait, wait. Tulungan mo 'ko," sabi nito na may nagpapaawang ekspresyon sa mukha.
"Tulungan mo akong takasan ang mga ungas na 'yon, please."
Huminga ako nang malalim bago ko siya tamad na tiningnan. "Fine. But please wipe that look on your face off. You look stupid."
"You're road," komento nito at tsaka umirap.
Sabay kaming naglakad patungo sa classroom, nakakawit sa braso ko ang kamay nito kaya't pinagtitinginan kami ng ibang estudyante. Nang madaanan namin ang cafeteria ay kitang-kita ko ang pagsunod ng tingin sa kanya ng mga lalaking tila naging giraffe na dahil sa haba ng leeg at tarsier dahil sa laki ng mga mata. Ang mga 'yon siguro ang dahilan kung bakit nagtatago ang isang 'to at pinili na ang sumabay sa akin. Katakot-takot naman kasi talaga ang itsura ng mga 'ungas' na tinutukoy ni Aliyah.
"May I ask you? Paano mo ako nahanap?" tanong niya at tsaka kumalas sa pagkakakapit sa braso ko.
"That information is private, I can't share it with you," diretsang sagot ko bago pinihit ang door knob ng classroom namin.
"Edi huwag."
Patuloy akong naglakad papunta sa pinakadulong bahagi ng silid, sa tabi ng bintana. As usual, maingay na naman ang mga kaklase ko na tila mga pato na sabay-sabay pinapakain ng tagapag-alaga nila.
Mayroon pa namang ilang minuto bago magsimula ang klase kaya't ipinasak ko muna sa tainga ko ang airpods at tsaka nagpatugtog. Pumikit na lamang ako at tsaka sumandal sa bintana na tila walang pakialam sa kung ano mang nangyayari sa paligid ko.
Nagtaka ako nang ilang kanta na ang lumipas ngunit hindi pa rin dumarating ang guro. Aksayado masyado sa oras. Siya pa naman ang paborito kong guro dahil sa galing niyang magturo.
Sana pala ay late nalang ulit akong pumasok.
Tumayo na lamang ako at binitbit muli ang bag. Kailangan ko nang umuwi dahil may nararamdaman na naman akong hindi maganda. Isang pwersa na naman ang tila humihigit sa akin. Mas malala pa ito kaysa sa nararamdaman ko kaninang umaga. Tsk. Mukhang may kailangan na naman akong putulan ng buhay.
Dalawa sa isang araw ah, ayos.
Tumakbo ako habang pinapakiramdaman ang isang malakas na pwersang humihila sa akin papunta sa direksyong iyon ng laboratoryo. Masama ang kutob ko rito.
Hinayaan ko lamang na tangayin ako ng pwersa hanggang sa unti-unti nang nagiging malinaw sa akin ang isang pulang life string. Binilisan ko pa ang pagtakbo kaya't hinihingal ako nang tumigil ako sa silid kung saan napakalakas ng pwersa na humihigit sa akin. Dito rin nanggagaling ang life string.
Walang silbi ang bintana dahil nakababa ang blinds nito. Nakakandado rin ang pinto kaya't wala akong ibang nagawa kundi ang kumuha ng isang malaking bato at ipukpok dito. Nang masira ang door knob ay kaagad kong pinasok ang silid at inilibot ang paningin para hanapin ang taong pinagmumulan ng life string.
Kusang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kaawa-awang lagay ng isang babae, ang guro na kanina pa namin hinihintay.
Umaagos mula sa isang sugat sa tiyan nito ang masaganang dugo. Nakabukas ang bibig nito at tila gulat na gulat na binawian ng buhay.
Ngayon ko lamang napansin na naging purong pula na ang life string ng aming guro.
"Ajax—" hindi natapos ni Aliyah ang sasabihin at napatakip na lamang ng kanyang bibig nang makita ang bangkay.
"Aliyah, call the guards, now! Our teacher has been murdered," utos ko na agad nitong sinunod.
I closed my eyes and summoned the sword of Thanatos. I need to cut her life string before the guards arrive. I felt a tingling sensation in my hands and after a few seconds, it was replaced by a heavy object. Hinawakan kong mabuti ang itim na espada at tsaka ito iwinasiwas nang ilang beses.
"Sword of Thanatos: Death blade!" bigkas ko at tsaka itinapat ito sa pulang life string. Paalam, Ma'am Cynthia.
I can't believe that my job will be a lot harder than what I have expected. Unang araw ko palang, pinapahirapan kaagad ako. Paano pa kaya kapag tumagal-tagal pa 'to?
⚔
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro