Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

LETHE CHALK

Ajax Draven's POV 

We continued traversing our way towards the Plains of Lethe, searching for the chalk on the river. Dito kami naglalakad sa riverbank ng Lethe habang nakatutok ang atensyonsa ilalim ng ilog. According to the books, this river extends to the plains of Lethe and the cave of the personification of sleep, Hypnos. It is said that those destined to spend forever in the Asphodel will drink from this river to forget their previous life.

Mabuti na lamang at wala nang sumunod na atake matapos ang unang laban. Sa palagay ko'y hindi na namin kakayanin pang makipaglaban dahil sa estado namin ngayon. Ubos na ang tubig na dala namin at wala na kaming ibang maaaring inumin mula sa underworld. Kapag mayroon kaming kinain o ininom na kahit na anong galing sa lugar na ito ay hindi na kami makakaalis. Hindi rin maaaring uminom ng tubig sa ilog na ito dahil katulad ng sabi ko, nakakalimot ang sinumang iinom mula sa ilog na ito.

Sa 'di kalayuan ay natatanaw ko ang isang kweba. Iyon na siguro ang kweba ni Hypnos. Tumatagos doon sa kwebang 'yon ang River Lethe kaya kinakailangan naming dumaan doon. Baka rin nasa kwebang 'yon ang chalk na hinahanap namin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang itsura ng Lethe chalk na pinapahanap sa amin. Wala kasing specifications sa mission details na ibinigay ng god of the underworld.

"Lethe-cheng chalk. Saan na naman ba kasi itinago ang bagay na 'yon?" reklamo ni Aidan na makikitaan mo ng pagod sa mata.

"Huwag mo nang sayangin ang energy mo sa pagsasalita ng walang kwentang bagay. I can sense a huge amount of mist on that area," sabi naman ni Ali at tsaka itinuro ang diresyon ng kweba. Baka doon nga nakatago ang chalk na hinahanap namin. Nasabi sa akin ni Aliyah na sa isang kweba rin daw nila nahanap ang goblet na pinapahanap sa kanila ni Poseidon. Hindi nga rin malabo na sa kweba rin itatago ang isang bagay na pagmamay-ari rin ng isa sa big three.

Nang marating namin ang entrance ng kweba ay isang mahinahong paghinga lamang ang narinig ko. Narito ba ngayon si Hypnos?

Pumasok na kami sa loob, at katulad ng inaasahan ko, madilim lamang sa loob ng kweba at tanging ang torch lang sa gilid ang nagbibigay ng liwanag. Nagpatuloy kami sa pagpasok sa loob ng kweba. Alerto lamang kaming nakikiramdam sa paligid dahil anumang oras ay maaari kaming sugurin ng mga kalaban. Wala pa naman silang pinipiling oras at lugar ng pag-atake.

Isang malaking space ang nadatnan namin sa gitna ng kweba. Ang parte na ito ng ilog ay nagmistulang isang batis, isang patay at nakakatakot na batis na mayroong masangsang na amoy. Sa ilalim ng tubig ay may iilang ahas na lumalangoy. Inaasahan ko ang patay na corals sa ilalim ngunit ang nakikita ko lamang ay mga crystal na magkakaiba ang laki. Iyon siguro ang tinitirhan ng mga ahas na 'to.

Ang kaninang mahinang hilik ay nadagdagan pa ng ilan pang mga hilik. Nang tingnan ko ang mga kasama ko'y nakapikit na ang mga ito at nakasandal sa pader ng kweba. Mahimbing silang natutulog. Huh? Paano nangyari 'to? May nap time ba? Bakit hindi ako nasabihan?

Mukhang pagod na pagod na sila at halata sa mukha nila na nahihirapan na sila. Hindi pa rin magaan ang paghinga nilang lahat kaya't pinabayaan ko na silang matulog muna. Nakapagtataka lang na hindi ako naapektuhan ng antok e magkakasama naman kami.

Ako na lamang muna siguro ang maghahanap ng chalk. Sa pagkakatanda ko, sinabi ni Aliyah na may malaking amount ng mist sa lugar na 'to. Dahil hindi ko makita ang ipinapahanap sa amin na chalk ay kailangan ko munang alisin ang mist na bumabalot sa lugar na 'to.

I summoned my sword and made a small cut on the side of my palm. Then, I closed my wounded hand and channeled my vigor from my core to my palms, specifically on my wound. Now that my blood is infused with my magi, I let my blood drop to the floor of the cave and chanted, "valerto encanio." The drop of blood touched the ground, and a mixture of purple and porphyry light filled the whole place. A shining fog fell of like a blanket, revealing a new place. Now that the mist is gone, what's in front of me looks like a paradise inside a cave. Everything looks peaceful. It is like a piece of the heavens in the underworld. The water became clearer, and the snakes were replaced by fish I have never seen before. The crystals became coral reefs. It looks so lively. Napuno rin ng damo ang kaninang tuyot na lupang inaapakan ko. Mayroon pa ngang isang puno sa tabi ng ilog. Sa ilalim ay nakita ko ang isang batong parihaba na nahahati sa dalawang kulay, itim at puti. Nagliliwanag ito at para bang tinatawag ako nito.

Nilingon ko ang mga kasama ko at nakitang mahimbing pa rin silang natutulog. Ayos lamang naman sigurong lumusong sa tubig, ano? Ang mahalaga naman ay hindi ako makakainom ng tubig mula roon. Mabuti na lamang at marunong akong lumangoy.

Lumusong na ako sa tubig at isinarado ang bibig ko. Pinigilan ko na ring huminga para hindi ako mapasukan ng tubig. Alam kong kahit na ganito na kaganda ang ilog ay ganoon pa rin ang epekto nito sa sinumang makakainom ng tubig mula rito. Pagkalubog ng ulo ko sa tubig ay nakita ko ang mga isda na umiikot sa akin.

Sumisid ako hanggang sa malapitan ko na ang chalk, pero bago ko pa man ito mahawakan ay nakarinig ako ng mga boses sa paligid ko, mga boses na matagal ko nang gustong marinig ulit.

"Aji, did you miss Mamu?" I heard her say, my mom, the person I missed the most.

"Let me tell you the story of a man with black wings to help you sleep. Do you want that?" Under the waters, I sobbed. Warm tears started streaming down my eyes as I heard my mother tell me the most familiar story. "The winged man kissed the hands of the lady with his promise." I was so lost in my sorrow and my longing that my real objective slipped off my mind.

I continued crying under the water as I heard her voice. "That's my Aji. Let's go the park? I'll treat my Aji with his favorite ice cream!" Gods, I miss my mother. Can't I be with her again?

'Draven, wake up,' I heard another voice called. It was not from around me. 'Aji, wake up or you will end up forgetting everything about mom!' With that, I was drawn back to reality. I quickly grabbed the chalk and started swimming upwards.

When I reached the surface, I took a deep breath to calm myself. 'Thank you, Thanatos.' It was his voice who called out to me. He was the one who woke me up. Mabuti na lamang. Nang makaahon ako ay ginising ko na silang lahat. Kinakailangan na namin na makabalik sa surface.

"Where are your tickets?" Inilabas namin ang mga ticket namin dahil ito lamang ang magagamit namin para makaalis sa underworld. "Everyone, cover your tickets with your magi and tear it, in three."

'One...' I quickly summoned my vigor to my hands and let it cover the whole ticket. 'Two...Three.'

"Now!" I tore the ticket apart and what happened next was a feeling I would never want to experience again. As soon as the ticket vanished from my hands, a smoke surrounded me. Then, for almost half a minute, my whole body spins in circles like I am in a whirlpool. After that, I just found myself sitting again on the seats of the horror house which are still moving. But it stopped after a few seconds. We seemed to reach the exit.

Tinanggal ko na ang seatbelt at bumaba na habang umiikot pa rin ang paningin ko. Damn that portal. I would never go to the underworld again.

Kinapa ko ang chalk sa bulsa ko at nakahinga ako nang malalim nang maramdaman ko ito roon. Hindi pwedeng masayang ang buwis-buhay naming pagpunta sa impyerno.

Nang makalabas kami ng booth ay dumeretso na kami kaagad sa kotse at nagsimula nang mag-autopilot ang sasakyan. Hindi na kaya ng kahit na sino sa amin ang mag-drive. Pagod na pagod na ang lahat.

Tahimik lamang ang byahe ngunit hindi ko magawang maipikit ang mga mata ko. Malamig na ang simoy ng hangin at ngayon ay madilim na madilim na. Tiningnan ko ang orasan sa harap ng kotse at napag-alamang hatinggabi na. Mahigit dalawang araw pala kaming naglakbay sa impyerno na walang tulog at walang pahinga. Kailangan naming bumawi dahil nasisigurado kong ang magiging mas malala pa kaysa sa mga pinagdaanan namin ngayon ang mga susunod na araw.



Kinabukasan ay nagkita-kita kaming lahat sa harap ng hapag. Katulad lamang ng usual na nangyayari sa umaga ay nagbabasa ng dyaryo si Eli habang ang iba ay mapayapang kumakain. Wala ni isa sa kanila ang umiimik at masyado pa ring halata sa kanila ang pagod.

"Oh my goddess!" Eliora exclaimed suddenly. The attention of all the members turned to her in an instant, waiting for her to continue what she was about to say. "Kuya Draven, Kuya Dei, confirmed! There are mortals reportedly killed because of an unknown drug. It says here, 'there are seventy cases of reported deaths of patients under critical condition from different hospitals who received a new medication that is claimed to extend one's lifespan. The initial reports showed positive results to the patients, as they experienced immediate healing and wellness. However, 30 minutes after the injection, the patients collapsed. The results of the post-examination showed that the red blood cells of patients were disrupted.' See? Our findings are the same!" Nakita ko ang iba na halatang naguguluhan sa mga nangyayari.

"It's weird. Why did the local hospitals approve of something that suspicious?" nagtatakang tanong ni Deion na tumigil panandalian sa pagkain.

"It says here that it was under government's order." Huh? "In the newspaper from the mythological realm, there are reported cases of mortals with the same descriptions. However, there are some complications. The mortals who received the treatments went berserk and caused harm to some people. They said that the victims acquired additional strength like those of the normal demigods."

"Wait, wait. What's happening? Bakit hindi namin 'to alam?" pagsingit ni Aliyah sa usapan.

Sasabihin ko na ba sa kanila ang mga nangyayari? Kailangan na ba nilang malaman ang tunay kong misyon bilang anak ni Thanatos? Huminga ako nang malalim at kinuha ang atensyon nilang lahat.

"I think it's about time I tell you. I have this job as the son of Thanatos. He asked me to replace him for the time being, until all conflicts were resolved. I have a responsibility to send those dying mortals and demigods to their death when it's the right time. That's why aside from our own mission, I also have my own missions where I often go by myself. Last time, when I have a mission in Achilles' Square, I have met a dying mortal who refused to die. He acquired an additional strength that made him live a little longer than what is expected. That night, I couldn't kill my target with one blow like how I usually do it. That is when he drank a gold liquid from a vial," I said. "Upon Eliora's analysis, we found out that the vial contains ichor of the God Ares diluted to a certain percentage. We still don't know what the mechanism of action of the ichor in the body is and how it gives strength to those dying mortals. But we know one thing, it delays the death of the mortals who are supposed to die." Nang tumigil ako sa pagsasalita ay nakita ko ang bahid ng kaseryosohan sa mukha ng mga kasama ko.

"It already happened in the past, but it seems like the experiments have advancements now that they can last for half an hour," dagdag pa ni Eliora sa mga sinabi ko.

Some may view this as a miracle, but this type of experiments defies the law of maintaining the balance between the two realms.

"Since they gain strength like those of the normal demigods', they call them pseudosemideus, the false demigods."

⚔ 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro