Chapter 27
THE UNDERWORLD
Ajax Draven's POV
Three days have passed and now is the day when we are supposed to go to the River Lethe located in the underworld. Apparently, we needed to find another thing for one of the major gods of Greece. We are in search for the Lethe chalk that is lost or hidden in the River Lethe. Hindi ko nga lamang malaman kung paano ba kami makakapasok sa underworld. Katulad ba 'yon noong pagpasok sa domain ng isang deity kung saan may portal lamang kaming dadaanan o ano? 'Wag mong sabihing kailangan din naming mamatay para lamang makapunta sa underworld...
Tatlong araw na ang lumipas at tatlong araw na rin akong hindi pinapatulog ng mga sinabi ng minister. Kahit pa pigilan ko ay alam kong napapansin naman nila ang katahimikan ko nitong mga nakaraang araw. Madalas ay nagkukulong lamang ako sa kwarto o kaya naman ay sa training room. Hindi ko alam kung paano ko ba tatanggapin ang lahat ng mga pangyayari. Kahit ang utak ko ay tila ayaw na sa mga isiping 'to. Wala rin naman akong balita kay Thanatos. Pero sa ngayon ay naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko ang absence niya sa mga oras na 'to.
Sumandal lamang ako sa headrest at pumikit. Wala pa rin akong gana na makipag-usap sa kahit na kanino, pero sumasagot naman ako sa tuwing tinatanong nila ako. Naramdaman kong kumpleto na kami sa loob ng sasakyan. Nagsimula na ring tumakbo ang kotse. Nagmulat ako at tumingin lamang sa labas ng bintana. Maaliwalas ang panahon ngayon, walang nagbabadyang ulan.
Maliwanag man ay hindi ko magawang maramdaman ang sigla ng paligid. Halata naman na hindi maayos ang kalooban ko. Sobrang bigat. At ayoko naman na madamay pa sa mga pasanin kong ito ang mga kasamahan ko. Masyado na silang maraming naitulong sa akin.
Maya-maya pa ay napansin ko ang unti-unting pagdilim ng kalangitan. Para bang bigla na lamang naging madilim ang mga ulap at nagkaroon ng mga mahihinang kidlat at pagkulog sa likod ng mga ito. At sa ilang sandali, nagsimula nang pumatak ang mga butil ng tubig mula sa itaas. Madilim man ang kalangitan ay hindi naman nakakatakot ang tunog ng kidlat at ng kulog, para ngang mahinahon ang mga ito. Dahil doon ay naramdaman ko ang pagkalma ng dibdib ko. Kahit papaano'y gumagaan ang pakiramdam ko dahil sa nakikita ko. Siya ba ang may gawa nito?
Lumingon ako sa tabi ko at doon ko lamang napansin na siya pala ang katabi ko. Nakasandal ito sa headrest at nakahalukipkip. Natutulog pala siya. Sino kaya ang gumawa nito—
Natigilan na lamang ako nang iangat niya ang kamay niya at marahang ipinatong sa mga mata ko. Hindi ko na lamang ito pinansin at ipinikit ang mga ito. Ngayon, ang mahinahong mga kulog na lamang ang naririnig ko. It is so weird how the usually grumbling sound of the thunder are becoming more like a lullaby.
Hindi ko na namalayan na nakatulog ako. Naramdaman ko na lamang na tumigil na ang sasakyan. Nang magmulat ako ay si Eliora ang una kong nakita. Nang mapansin niyang gising na ako ay nginitian niya ako. "Let's go na, Kuya Draven. They're outside na."
Tinanguan ko siya at lumabas na ng kotse. Naabutan ko silang lahat na nasa labas lamang ng kotse at nakamasid. Narito kami ngayon sa isang amusement park. Bakit kami nandito? Dito ba ang daan patungong underworld?
Nang makita nilang lumabas na kami ay nagsimula na rin silang lumakad papasok. Marami kaming nadaraanan na mga stall at booth ng mga pagkain at ng iba't ibang games. Ilang minuto pa kaming naglakad hanggang sa marating namin ang booth ng isang malaking horror house. 'Hell is Here' ang nakalagay sa itaas na bahagi ng entrance.
Bumili muna kami ng tickets at ng pass para sa horror house bago pumasok sa loob. Madilim ang loob ng booth. Ang tanging pinanggagalingan lamang ng ilaw ay ang apoy na nagmumula sa isang torch doon sa isang sulok. Mayroong seats na katulad noong sa roller coaster at sa tingin ko ay doon kami sasakay.
Pinagmasdan ko ang ticket na ibinigay sa akin ni Aliyah. The same letters from the outside is printed on the tickets. 'Hell is Here'. Pero napansin ko ang nakalagay sa baba nito. "Take a peek in the underworld, but don't let them take you," pagbasa ko.
We boarded the seats and the machine immediately started running. The first part of the ride is somewhat boring. There are people playing ghosts and some mythical creatures who, I can say, are trained enough to scare people. Ang problema lang, hindi ako masyadong matatakutin. Kung daemon pa siguro ang iharap sa akin, baka matakot ako.
Five minutes later, I found myself getting uncomfortable. The loud beating of my heart bugs me. It is getting louder as we go deeper into the booth. The lights are also getting dimmer and dimmer as we go. Suddenly, the loud voices of agony and the cries I once heard through the portals started to fill the surrounding. My body hairs started rising, and my hands started trembling. This is one of the things I hate the most. Why must I hear these voices?
The ground where the ride is on formed an illusion of a cliff where lava is on the ground. Muntik na akong mahilo nang sumilip ako sa baba. Palakas nang palakas ang mga boses at pag-iyak na naririnig ko. Nararamdaman ko rin ang unti-unting pag-init ng ng balat ko dahil sa paligid. Ilusyon pa ba 'to o totoong lava na nga ba ang nasa ilalim namin?
"This is the portal to the underworld. Everyone, jump!" Deion ordered. The others jumped without hesitation. Eliora's and Aliyah's screams echoed from below. "Draven, go."
Pumikit ako at nag-aalinlangang tinanggal ang belt mula sa upuan. Huminga ako nang malalim at tsaka tumalon pababa. Naramdaman ko ang unti-unting pagkahulog ko sa kawalan habang ang paligid ay painit nang painit. Para bang kaunti na lamang ay masusunog na ang balat ko.
Inaasahan ko ang pagbagsak ko sa lava ngunit isang malambot na higaan ang binagsakan ko. When I opened my eyes, I saw a waterbed below me. I looked at Dillon who is also looking at my direction. I mouthed my thanks which she answered with a nod.
Tumayo na ako at sumunod sa kanila. "Are we in the underworld na?" tanong ni Eliora habang pinagmamasdan ang paligid. "No. We still need to pass through that cave and meet the ferryman. The ferryman will take us there."
Ngayon ko lang napansin ang itsura ng paligid. Malayo sa inaasahan ko ang nakita ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang liwanag ngunit kahit papaano ay mayroon pa rin makikita sa paligid. Everything looks monotonous. Ang daan papunta sa underworld ay parang isang disyerto, patay at walang kulay. Tuyot na tuyot ang kulay abong lupa at makikita sa mga ito ang mga bitak-bitak dahil sa kakulangan ng tubig. Para bang mabibiyak ang lupa sa tuwing tinatapakan. Wala ring buhay ang mga puno sa paligid. Tanging ang mga sanga lamang ang nakatayo at wala ni isang dahon sa mga ito.
Ilang minuto ang lumipas at malapit na kami sa kweba. Kanina pa kami naglalakad pero wala kaming nakakasalubong kahit isang tao o kaluluwa man lang.
When we stepped foot inside the cave, I inhaled a strong smell of rotting flesh, making me cough. I covered my nose with my handkerchief and proceeded. At this point, there literally is no light coming from anywhere. Eliora went to the front and from here, I can see her body glow.
We continued walking until we reached a stagnant body of water. Like the soil we stepped foot on earlier, the water looks dead. It is dark green in color. Siguro ay punong-puno ito ng microorganisms.
"The river Acheron," a voice speaks out of nowhere. River Acheron, the river of woe and pain. It is said to be the most prominent river among the five known rivers of the underworld. This river serves as a divider between the mortal world and the underworld. Sabi nila, hindi raw makakatawid sa ilog na ito ang mga mortal dahil hindi sila papayagan ng ferryman.
"Mortals, what brings you here?" A man standing on a boat arrived a few seconds after. He is wearing a long, black coat that extends to his feet. Its hood covers his whole face. He must be Charon, the ferryman who helps the souls cross the river Acheron to go to the underworld. Isang mahalagang bagay na tatandaan kapag kailangan mong pumunta sa underworld e ang bayad na kailangan mong ibigay kay Charon. Lahat kasi ng mga kaluluwa na hindi makakapagbigay ng bayad na gusto ng ferryman ay hindi makakatawid sa Acheron. Those souls will wander around Acheron and they become the ghosts that lurks around the mortal world. Ito ba ang dahilan kung bakit naglalagay ang mga kamag-anak ng pera sa katawan ng mga namamatay nilang mahal sa buhay?
"We need to go to the River Lethe as per his highness's, Hades, request," Deion answered.
Inilabas nito ang isang envelope na mayroong laman na signed document mula kay Hades, kasama ang isang mamahaling bato na kulay itim. Inabot ng ferryman ang gem at itinago sa loob ng suot na cloak. "Very well." Ganoon lamang naman pala kabilis makipag-usap sa ferryman.
Mapayapa ang naging paglalakbay namin sa bangka, pero bawat segundong lumilipas ay nararamdaman ko na ang napakabigat na aura ng underworld. Maging ang nakakasukang amoy ay unti-unti ko na ring nalalanghap.
When we reached the riverbank, we got off the boat and thanked Charon. He only answered us with a nod before returning to the other side.
Now, we need to go to the Lethe. As we stepped foot in the underworld, I felt my limbs weaken. The air here is too hot to breathe. Para bang sinusunog ang baga ko sa tuwing humihinga ako. Malala rin ang init dito na para bang dahan-dahan nitong inuubos ang lakas ko. Nang tumingin ako sa mga kasama ko ay nakita ko sa mukha nila na nahihirapan din sila. Pero kahit ganoon ay nagpatuloy lamang sila sa paglalakad. "The plains of Lethe is about three kilometers away from here. Refrain from talking and just follow me. Conserve your energy."
The travel was unusually peaceful. Bukod sa mga paghingi ng tulong na naririnig ko sa paligid at sa mainit na kapaligiran ay wala nang iba pang problema. Malayong-malayo ito sa inaasahan ko. Buong pag-aakala ko'y sasalubungin kami ng mga halimaw at maya't maya kami makikipaglaban sa mga daemon. Pero kataka-taka na wala pa kaming nakakasalubong ni isa. Pinagmasdan ko ang mga kasama ko na lahat ay pinagpapawisan na. Basang-basa na ang damit ng ilan sa kanila dahil sa pawis at tagakltak pa rin ang pawis sa mukha at leeg nila. Nakahubad na nga ngayon ng damit ang anak ni Hephaestus.
Mahigit isang oras na kaming naglalakad at alam kong malapit na kami sa Lethe dahil nakikita ko na ang signage nito. Lethe Plains...
When we reached the plains, a sudden throb occurred in my chest. Something feels wrong. Like we know what each other thinks, everyone stopped moving at once. We formed a circle, back facing each other's. Sinasabi ko na nga ba at hindi lilipas ang araw na ito na wala kaming kakaharaping kalaban.
In a blink, our spathis appeaered in our grasps. I almost groaned when pain surged in my palms as soon as the Azrael touched my skin. But it only lasted for a few seconds.
There are no daemons this time, only those gray-skinned monsters with their weapons and a few spiders. I wonder if we can survive this. There are hundreds of them, and there are only the six of us. Ang mahirap pa, mahihirapan kaming lumaban dahil sa tindi ng init ng paligid, maging ang hangin...
Natigilan ako nang ma-realize na hindi na ako masyadong naaapektuhan ng init, maging ang paghinga ko ay hindi na rin ganoon kabigat. Ngunit kahit ganoon, hindi pa rin nawawala ang uncomfortable na feeling sa loob ko. Tiningnan ko sila kung ganoon din ba ang nararamdaman ngunit katulad kanina ay halos nakangiwi pa rin silang lahat, pinagpapawisan at mabibigat ang paghinga. Huh?
Tatnaungin ko na sana sila pero nauna na ang pagbulusok ng mga sandata ng kalaban papunta sa amin. Mabilis lamang naming naiwasan ang mga ito. Humiwalay kami nang kaunti sa isa't isa at hinarap ang mga kalaban na papunta na sa direksyon namin. Kailangan naming matapos ang labang ito sa lalong madaling panahon dahil hindi maaaring ma-expose nang matagal ang katawan namin sa decomposing aura ng underworld.
The field was filled with the sound of lightning, splashes of water, flesh burning, and weapons clashing. I can hear the members' groans from time to time. Halata sa kanila na nahihirpan sila, lalong-lalo na sina Eliora at Aliyah. They have no source of light here. The moon and the sun don't shine here so they have limited magi.
"Sea sword: Still ocean, clear." The ground where we stood became a body of water. Everything became so calm and clear, even the surroundings fell in silence. Our opponents looked bewildered. "Now!" As soon as we heard Dillon, different attacks went to different directions.
"Fyodor: Lightning gash, tenfold."
"Azarin: Serpent dance."
"Nahara: Invading light slash."
"Luna: Exploding mist."
I let my vigor circulate on the blades of my spathi before looking at my opponents. "Azrael: Soul-gripping chain, octa." Eight tentacle-looking chains bloomed from the hilts of my sword and travelled towards our opponents. The chains wrapped around the bodies of the monsters and tightly held them in its grip. I can feel them fighting my restraints, so I held my sword tightly. I should finish this for them. Halatang-halata na ang panghihina sa mukha nila. Kahit na malakas na silang mga demigod ay hindi pa rin sila uubra sa energy-sucking capacity ng underworld. This place is the place for suffering, at hindi dapat kami ang magdusa. Ang dapat na magdusa ay ang mga halimaw na wala nang ibang ginawa kundi ang manggulo at magdala ng panganib.
I closed my eyes and felt the presence of my deity. 'Thanatos, for once, let me borrow your sword.' Then, I summoned the sword I once was using, the sword of my father, the real sword of death. When I opened my eyes, I saw a hint of porphyry covering my eyes. Then, I felt the sword on my left hand. I heaved a deep breath and called upon my magi vigor. "Sword of Death: Death slash, eight blades." I slashed my father's sword once, and eight waves of porphyry light travelled across the plains where the enemies are held by my chains.
Within a blink, all the remaining monsters burned before our eyes. Their disgusting bodies burned, and so is their souls.
⚔
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro