Chapter 22
REWARD
Ajax Draven's POV
The nightmares dissipated, and now, I am staring into nothingness, pitch black and silent. I don't know where I am, nor what I am doing here. It might have stopped showing, but the memories remains like it was carved in my mind. Walang hiyang sirenang pangit, idinamay pa si Thanatos. Ang diyos na iyon nga lamang ang mayroon ako sa buhay na 'to, papatayin niya pa sa bangungot ko. Buwisit!
Hindi ko pa rin mapigilan ang mga luha sa pagpatak. Para bang naging bagong sugat ang mga noo'y naghilom nang mga alaala tungkol sa pagkamatay ng aking ina. Pilit ko mang kinakalimutan ay para bang habang-buhay na itong nakatanim sa isipan ko.
"Ma..." I sobbed. Mukha akong tangang umiiyak sa mga bagay na wala naman na akong magagawa.
Walang anu-ano'y nagbago ang paligid ko at mula sa likod ko'y lumabas ang isang babaeng kamukha ng nanay ko. Siya ang babaeng nagtangkang sumaksak sa akin kanina gamit ang isang gunting. Siya ang nakakatakot na version ni mama.
Nakakapit sa leeg ko ang matutulis niyang mga kuko at para bang kaunti na lang ay tutusok na ang mga ito sa balat ko. Ang isa niya namang kamay ay hawak-hawak pa rin ang gunting at nakatutok sa dibdib ko.
"Draven, my sweet child," she whispered, voice deep, eerie, and creepy. It was far from her voice that I used to love.
I flinched when her long nails started digging through my skin. "Stop! Ma, please, 'wag..." nanghihinang pakiusap ko. Kasabay nito ang unti-unti na ring pagbaon ng gunting sa dibdib ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang unti-unting pagtulo ng dugo sa leeg at dibdib ko.
A voiceless scream escaped my mouth. I am slowly losing all the energy I have left in me. All the strength I have been keeping seems to leave me like this. How can I fight someone who looks just like her?
"Help!" I tried shouting, but failed.
"Deion, please, help me," I cried as I close my eyes.
A voice suddenly rang in my ears, calling my name. "Ajax, wake up. I'm here, I'm here. Ajax."
Like I was pulled out of a deep ocean, I found myself gasping for air. Para bang uhaw na uhaw ako sa hangin at halos langhapin ko na lahat ng hangin na malalanghap ko sa paligid. Tagaktak din ang pawis sa mukha ko at sa buong katawan ko.
Mahigpit ang pagkakakapit ko sa tanging taong kasama ko sa kwarto at kulang na lang ay yakapin ko siya dahil sa lapit naming dalawa sa isa't isa. "S-sorry..."
"How are you feeling?" tanong nito habang nagsasalin ng tubig. Iniabot niya ito sa akin kaya't dali-dali ko itong kinuha't ininom. Para bang tuyot na tuyot ang lalamunan ko at na-dehydrate ako dahil sa bangungot na 'yon. Hay nako, ano ba talaga ang ginawa ko sa past life ko at ako ang nakararanas ng mga ganitong bagay?
Matapos kong makaramdam ng ginhawa sa katawan ay para bang nawalan ako ng lakas at nagsimulang umikot ang paningin ko kaya't napapikit na lamang ako. Naramdaman ko naman ang isang kamay na pumatong sa noo ko. Hindi na ako nagmulat pa at humiga na lamang nang marahan habang inaalalayan niya ako. "Your temperature's high. Rest there. I'll get you basin and towel."
Nakapikit man ako ay naramdaman ko ang paglabas niya ng kwarto. Wala rin akong nararamdaman na ibang Stellar na malapit sa kinaroroonan namin. Tanging si Deion lang ang narito? At bakit naman ang kidlat na 'yon ang nagbabantay sa akin?
Maya-maya pa ay nakabalik na ito sa kwarto, dala ang dalawang tuwalya at isang palangganang may lamang tubig. Inilapag nito sa bedside table ang mga dala niya't umupo sa sofa sa kabilang dako ng silid. Bumangon ako nang bahagya at nagpiga ng isang towel.
Sinimulan ko nang punasan ang sarili ko nang marahan, iniiwasang madiinan ang mga parteng mayroong sugat. Napakarami ng sugat sa katawan ko. Malalaki ang mga ito at malalim. Pakiramdam ko nga e mahapdi ang buong katawan ko. "I tried feeding you ambrosia a while ago, but it seems like it did not work completely, so you need to tolerate the pain if you must. Eliora's not here yet, they are looking for new missions." Tumango-tango na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa katawan ko.
Matapos ko rito ay inabutan niya ako ng isang damit. Tinitigan ko lamang siya at ang damit na hawak niya. "How would you expect me to put it on by myself?" Tinaasan ko siya ng kilay. Sinagot naman ako nito ng isang irap at isang malalim na hininga. "You'll owe me one for this, Ajax. Ginagawa mo akong alila."
Inismiran ko lamang siya at hinayaan na siyang isuot sa akin ang damit. "Tange, baliktad oh. Gusto mo ba akong sakalin?" reklamo ko.
"Actually..." Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa naging sagot nito. Ganito ba talaga ang ugali ng lahat ng anak ni Zeus?
Deion bent a little to fix the back of the shirt and before he could finish fixing it, the door opened wide, revealing the other Stellars. Halata ang gulat sa mukha ng iba nang makita ang ginagawa ni Deion.
"Hep, hep, hep! What is happening here?"
Umayos lamang ng tindig si kidlat bago lumabas ng silid. "Kayo na ang bahala sa pasyenteng 'yan. He's bothered me enough." Kumaway pa ito bago tuluyang makalabas.
"Hindi mo naman sinabi na nagkakamabutihan pala kayong dalawa!" hirit ni Aliyah. Inismiran ko lang siya at inayos ang damit ko.
"Hello there, Kuya Draven!" Lumapit si Eli sa akin at itinapat ang kamay sa dibdib ko.
Mabilis lamang naman ang pagpapagaling ni Eliora dahil kahit na marami pa akong sugat ay hindi gaanong malalim ang mga ito dahil sa paunang lunas ni Deion. Maging ang temperature ko ay bumaba na rin. Ang bilis namang mawala ng lagnat ko.
I really don't understand why I am the only one who is always in danger. Napapansin ko na sa tuwing may ganitong mga pangyayari ay ako lagi ang napupuruhan. Para bang ako palagi ang target ng mga kalaban. Noong una ay ang ambush sa bahay ko. Sinadya nilang umatake noong wala akong kasama na stellar. Ngayon naman ay ako pa rin ang pinupuntirya ng siren. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang sinabi niya. "Actually, hindi ka namin kailangan. Idinamay ka lang namin para hindi maging lonely ang friend mo."
Mga walang hiya talaga. Wala naman akong naaalala na ginawan ko ng masamang bagay sa realm na ito. O baka naman may kinalaman kay Thanatos ang lahat ng mga pangyayaring ito. Paano kung mayroon pala siyang asawang goddess na gustong maghiganti sa mga anak ni Thanatos sa ibang babae? O baka naman mayroon akong kapatid na galit na galit sa akin kaya niya nagagawa ang mga 'to? Ang babaw naman niya kung ganoon.
"Oo nga pala, Draven, pinapasabi ni Dei na itutuloy na mamaya ang daily trainings mo. Maghanda ka na dahil siguradong mas mabigat na ang trainings mo, lalo na ngayon at pinupuntirya ka ng ibang kalaban," pagbibigay-alam ni Aidan at hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa sinabi niya. Kung hindi pa mabigat iyong dating training ko, hindi ko na halos maisip kung gaano kahirap pa ang susunod kong dadanasin.
"Five more laps!" Napangiwi ako nang marinig ang sigaw ni Aidan. Nakakalabimpitong ikot na ako rito sa park at ngayon ay dadagdagan pa niya ito ng limang ikot? Hindi ba niya nakikitang halos lumawit na ang dila ko sa pagod?
Tiningnan ko siya nang masama at ngayon ay nakangisi lang ito dahil alam niyang wala akong magagawa. Napabuga na lamang ako ng hangin bago iiling-iling na nagpatuloy sa pagtakbo. Nang makaikot pa ako nang tatlo ay nakaramdam ako ng isang malakas na tibok ng dibdib ko.
Napapikit ako at pinakiramdaman ang paligid ko. The target is 15 kilometers away from me, and he is about to die in three hours and forty-eight minutes. Binilisan ko ang pagtakbo hanggang matapos ko ang natitirang laps. Kailangan ko ring matapos kaagad ang training kasama si Deion dahil may kalayuan mula sa akin ang target ko.
"Let's start the training. I have a target in three hours," bungad ko pagkapasok ko pa lamang sa pinto at nang makita ang magtuturo sa akin.
"No, Kuya Draven. You rest for 30 minutes. You look pale," komento ni Eli.
Magsasalita pa sana ako ngunit sumandal lamang si Deion sa upuan niya at pumikit. "The boss says no."
Napahinga na lamang ako nang maluwag at dumeretso sa kwarto ko para magpalit ng isang simpleng damit. Huwag na lang siguro muna akong mag-training ngayon. Bukod sa pagod na ako e kinakabahan din akong ma-late sa life string cutting appointment ko. Nakakahiya naman kay Thanatos kung hindi ko magagawa ang simpleng bagay na 'to nang maayos.
Nalaman ko nito lamang na kung hindi ko mapuputol ang life string ng isang tao sa takdang oras ay maaaring maglaho ang kaluluwa, gayundin ang katawan ng target ko at hindi na ito makikita kailanman. They will vanish from the Earth and all the depths of the underworld and the Elysium completely. This will prevent them from their possible reincarnation. Konsensiya ko pa kung hindi na sila mabubuhay ulit dito sa mundo.
Napansin kong 30 minutes na kaagad ang lumipas kaya lumabas na ako ng room. Wala akong ibang nadatnan doon kundi si Eli na nakahiga habang nanonood sa television. "You can go na raw, Kuya Draven. Mamayang gabi na lang daw kayo mag-training. Kuya Dei is also waiting for you sa car."
Tinanguan ko na lamang siya bago tuluyang lumabas ng bahay. Nakaparada na sa tapat ng bahay ang isang kulay itim na kotse na hindi pamilyar sa akin. Nakakapagtakang ibang kotse ang narito at naka-park lamang ang malaking kotseng palagi naming ginagamit. Kanino namang kotse 'to?
Nasagot ang tanong ko nang bumukas nang kusa ang pintuan sa passenger seat. Nakita ko ang anak ni Zeus na nakaupo sa driver's seat at nakahawak na sa manibela. Napakayaman naman talaga ng taong ito. "What are you waiting for? Get in."
Hindi na lang ako sumagot pa at sumunod na lang sa sinabi niya. Parang bagong-bago pa ang sasakyan dahil sa linis at kintab nito. Nakakahiya namang tumapak dito. Palagay ko'y milyon-milyon ang ginastos ng mokong para sa sasakyang ito.
"My target is in Achilles Square," pagbibigay-alam ko na sinagot niya lamang ng isang tango. Achilles Square is one of the well-known villas here in the country. It is owned and inhabited by rich people. Even the largest hotel, mall, and casino is located in that square. Hindi ko nga alam kung makakapasok ang isang dukhang katulad ko sa loob ng lugar na 'yon.
Hindi ko pa alam kung saan ang eksaktong kinaroroonan ng target ko dahil masyado pang matagal bago ang nakatakdang oras niya. Ang totoo, hindi ko naman talaga kinakailangang makita siya o ang kinaroroonan niya. Ang mahalaga ay makita ko ang kanyang life string. Pinipili ko lamang na makita ang target ko, nang sa gayon ay makapagpaalam sa kanila o kaya naman ay maihatid ang gusto nilang sabihin sa naiwan nilang minamahal. Corny man pakinggan ay ito talaga ang dahilan ko. Alam ko kasi kung paano mawalan ng minamahal nang biglaan. Alam na alam ko kung anong mararamdaman ng mga naiwang tao dahil dati na rin akong nawalan nang biglaan.
Sa hindi ko malamang dahilan ay biglang dumilim ang kalangitan at ang katahimikan ng paligid ay nasira ng isang kulog na nagmula sa langit, kasabay ng paglabas ng mga kidlat. Sumandal ako sa headrest ng seat at pinagmasdan ang mga patak ng ulan ma unti-unti nang nahuhulog mula sa mga ulap.
Hindi ko alam kung anong nangyayari pero para bang gumagaan ang pakiramdam ko habang bumibigat naman ang talukap ko. Lihim akong napangiti bago tuluyang ipikit ang mga mata. Mahaba-haba pa naman ang byahe. Ayos lamang naman sigurong itulog muna ito.
Naging maayos naman ang byahe. Payapa ito kaya mahimbing ang tulog ko. Inabot yata kami ng dalawang oras dahil sa traffic. Ngayon ay wala na ang ulan. Wala rin ang driver ko, pero mayroong note na naka-flash sa dashboard ng kotse. 'I'll buy something.'
Lumabas ako ng kotse at pinagmasdan ang paligid. Namangha ako nang makita ang kabilaang hotels na narito. Iba't iba rin ang mga magagandang sasakyan na narito. Isang tingin lamang ay malalaman mo kaagad na nasa isang mamahaling lugar ka. Ang alam ko ay kailangan mo ng ID ng membership ng villa para makapasok sa lugar na ito. Hindi ko lamang alam kung paano kami nakapasok dito. Posible kayang may bahay rito si Deion?
Napatingin ako sa orasan ko at napag-alamang mahigit isang oras pa akong maghihintay. Naroon sa park sa gitna ng villa ang target ko. Nakikita ko na rin mula rito sa kinaroroonan ko ang string niya na unti-unti nang naglalaho.
"You're up." Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at doon ay nakita ko ang driver ko ngayong araw. May bitbit itong inumin sa kabilang kamay at sa kabila naman ay hindi ko alam. Baka pagkain din.
Dumeretso siya sa isang bench kaya't sinundan ko siya. Naupo kaming dalawa sa isang bench at nasa gitna namin ngayon ang mga pagkain. He handed me a cup of hot coffee and a tub. I think it is a slice of cheesecake.
"Thank you." Humigop ako sa kape habang nakatingin sa malayo.
"You owe me a lot of things now, Ajax. I am your savior, maid, nurse, and now I am your driver? Ha!" reklamo nito kaya natawa ako. Oo nga naman. Sa loob lamang ng ilang araw ay kung ano-ano nang naipapagawa ko kay Deion. "Oh, ano bang gusto mong kapalit? Huwag lang pera ah. Wala na atang laman ang bank account ko." Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya.
"You are really clueless. You see, demigods...especially us, receive a great amount of money even before we have our annual gracing ceremony. So there is no way you don't have money. Here is your card. You can check your money anytime."
Isang kulay itim na card ang iniabot niya sa akin. Nakaukit dito ang pangalan ko, at sa ilalim nito ang Greek characters ng deity ko. Makintab ito kahit hindi nasisinagan ng araw. Nang itapat ko ito sa araw ay sumibol mula rito ang kulay ng vigor ko. "Poseidon also gave us all the treasures we found in the cave where we sought for the goblet. He gave it in cash. The total is $95,329,197.62 so we will get $15,888,199.603 each." What? 15 million dollars? E nahimatay nga lang ako sa paghahanap na 'yon. Pero okay, kailan ba ako tumanggi sa blessings?
Itinago ko na ang card sa wallet ko at inubos na ang cheesecake. Mayroon na lamang kasi akong tatlumpung minuto. Matapos ko rito ay binitbit ko na lamang ang kape ko at naglakad papunta sa park. "Tara na."
Ngayon ko lamang napansin ang kulay pink na inumin ni Deion kaya napangiti ako. Napakaraming nakakagulat na bagay ang nalalaman ko tungkol sa taong ito. Alam kaya iyon ng iba?
Nang marating namin ang park ay wala masyadong tao. Anim na tao lamang ang narito. Pumikit ako at nang imulat ko ulit ang mata ko ay nakita ko ang mist of death sa ulo ng lalaki na may kausap na isa pang lalaki. Seryoso ang pinag-uusapan nila ngunit hindi ko marinig ito dahil may kalayuan sila sa amin. Nagsisimula nang mag-blink ang string niya dahil isang minuto na lamang ang mayroon siya.
I hid behind a tree and summoned my father's sword in my hand. When I felt its surging power circulating around the blade, I started walking towards him while counting inside my head.
Five...
Four...
Three...
May iniabot sa kanya ang taong kausap niya na isang maliit na vial na agad namang binuksan ng target ko at dali-daling ininom.
Two...
'Sword of Thanatos: Death blade.' My eyes widened in surprise when the blade bounced back after touching the string. I tried once again, but the same thing happened. The life string of my target became as hard as steel. What in the underworld is happening?
When I looked at him, I saw his form starting to change. His body becomes bigger as black lines appear in his arms and face. Fangs started to grow from his mouth, while his eyes shone together with the last ray of the setting sun. His brown eyes were now red, radiating danger and bloodlust.
With all due respect, what the absolute fuck?
⚔
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro