Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

SIREN

Ajax Draven's POV 

Hindi ko pa man naiimulat ang mga mata ko ay dama ko na kaagaad ang matinding pagkahilo. Ramdam ko rin na wala akong lakas sa katawan. Para bang ang lahat ng enerhiya ko ay na-drain ng needle na tumama sa leeg ko. Walang hiyang needle 'yon.

Malakas ang pakiramdam ko sa paligid at alam kong napapaligiran ako sa mga sandaling ito. Mataas din ang posibilidad na panganib ang nakapaligid sa akin. Ganitong-ganito ang nadama ko noong napapaligiran ako sa bahay namin, noong na-ambush ako. Pusang gala naman oh. Ganito ba kapag anak ni kamatayan? Role ko bang laging madisgrasya?

Masangsang ang amoy ng paligid at amoy tubig-dagat—amoy isda at malansa. Para bang nasa palengke ako, ang kaibahan nga lang, walang tumatawag sa akin ng pogi rito. 'Pogi, anong hanap mo?' mga ganoong banat ba.

I heard a grunt from someone not far from me. It was a low grunt. Kung sino man ang taong iyon ay sigurado akong nanghihina na siya. Halata ito sa mabibigat niyang paghinga.

"Oh, look! Gising na pala ang isang preso natin. How lovely!" Someone with a very sweet and gentle voice spoke. I opened my eyes slightly to have a clue of what was happening around me. It was dark here and the only light source were the torches on the walls. I don't exactly know where we are but I'm guessing this is a dungeon.

"Anong kailangan niyo sa amin?" That's Aidan. His voice is so hoarse, weak, and lifeless. Para bang pagod na pagod siya.

"Actually, hindi ka namin kailangan. Idinamay ka lang namin para hindi maging lonely ang friend mo. Gising na rin siya!" Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi ng babae. Paano niya nalamang gising na ako? Nakapikit na ako ah?

Nagmulat ako kaagad ng mata at umupo. Nanghihina pa rin ang katawan ko ngunit hindi ko pwedeng ipakita sa kanila na nanghihina ako dahil ayokong makita ang satisfaction sa mukha nila.

Nang makapag-adjust ang mga mata ko sa paligid ay nakumpirma ko ang mga hinala ko. Tama nga ako, nasa dungeon nga kami ni Aidan. Apat na tao lamang, bukod sa amin, ang narito sa loob ng cell. Isa sa mga ito ay babae. Siya marahil ang nagsasalita kanina. The girl was wearing a long green skirt and a brassiere made of huge clams. Her black hair was falling smoothly on her shoulders. I was expecting her to be beautiful because of her voice, but I saw teeth as sharp as a lion's fang and eyes like those of a snake. Is this what a siren looks like? Ang pangit!

"Look at me~" she sang. Her voice seethed deep inside my ears. Napakaganda ng tinig niya, malayong-malayo ito sa nakakatakot niyang itsura. "My enchanting eyes yearn for your gaze, my lovely, look at me," she continued. Like she's pulling a string connected to my body, my control towards myself was stolen from me. Wala akong ibang nagawa kundi ang humarap sa kanya at tumingin sa mga mata niyang lumiliwanag na para bang isang perlas na nasisinagan ng araw.

"Open thy wounds time has healed, and give birth to new ones, those that is deep as the ocean floor and wide as the seas."

I let out a loud scream as wounds started blooming upon my skin. The wounds are deep and wide, like what she sang. Every moment passing, the pain coming from the wounds intensified threefold. I groaned as tears started streaming down my eyes. The pain worsens every second and it's like my skin is slowly being cut by a bread knife. "Stop! Help!"

"Draven! Bitiwan niyo ako!" narinig kong sigaw ni Aidan bago siya sumigaw na para bang nasasaktan.

"Hush, and let the nightmare engulf you." After the verse, I heard a loud thud somewhere. When I tried to open my eyes, I saw Aidan on the floor, eyes closed.

I gritted my teeth when a wave of pain enveloped my body again. I need to get out of this prison. I need to fight them somehow. I closed my eyes tightly and felt the radiating pain all over my body.

From my core, I tried to channel my vigor all over my body to lessen the painful impact of each wound towards my body, but it seems like it is a wrong move. Napahiyaw muli ako sa sakit nang maramdaman ang pagtindi ng sakit ng mga sugat ko, kasabay ng pagtawa ng mga kalabang nasa loob din ng kulungan. Huminga ako nang malalim at pumikit, umaasang sa panahong magmulat ako ay wala na ang lahat ng paghihirap at sakit na nararamdaman ko sa mga sandaling ito, ngunit nang pumikit ako, nakita ko ang mga alaaalang matagal ko nang sinusubukang ibaon sa limot.

"M-ma..." Isang hikbi ang kumawala mula sa mga labi ko nang makita ang isang pamilyar na tagpo. "Mama..." Sa pangalawang pagkakataon ay nag-uunahang tumulo mula sa aking mga mata ang mga luhang akala ko ay mauubos na sa akin. Sa harapan ko ay kitang-kita ko ang duguang bangkay ni mama habang nakasakay pa sa kotseng halos hindi na mamukhaan dahil sa pagkasira.

"Tulungan niyo ang mama ko! Tulong!" Sinubukan kong haplusin ang pisngi niya ngunit para bang may kung anong nakaharang sa pagitan naming dalawa kung kaya't hindi ko siya mahawakan.

"Thanatos! Tulungan mo si mama! Pa!" I desperately called.

Lalong lumubha ang sakit sa dibdib ko nang makita ang unti-unting paggapang ng apoy sa katawan ng nanay ko, kasabay ng pagtubo muli ng mga sugat sa iba't ibang parte ng katawan ko.

Nakuha ng isang kaluskos mula sa likod ng isang malaking puno ang atensyon ko. Mula roon ay nakatayo ang isang babaeng nakasuot ng isang kulay itim na chiton at nababalutan ng isang kulay itim na veil ang mukha. Tanging ang mga mata lamang nito ang makikita. Hindi ko malaman kung pula ba ito o lila dahil sa labo ng paningin kong natatakpan ng mga luhang patuloy na tumutulo mula sa mga mata ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tumakbo papunta sa kinaroroonan ng babae, ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay binalot na ito ng dilim bago tuluyang naglaho mula sa paningin ko. Sino siya? At anong kinalaman niya sa pagkamatay ng nanay ko? Ibig bang sabihin nito ay hindi normal na aksidente lang ang pagkamatay ni mama? O gawa-gawa lamang ba ito ng siren?

Nagbago muli ang tagpo at ngayon ay nakahiga ako sa isang kama habang nakatingin sa akin si mama at hinahaplos ang pisngi ko. Katulad noon ay malumanay pa rin itong kumilos at palaging matamis ang ngiti sa labi. "Let the dreams become nightmares and the sweet memories turn to sorrowful and bitter hymns," awit nito. Unti-unting napalitan ng ngisi ang matamis na ngiti niya at napuno ng galit ang maamo niyang mukha. Hawak nito ang isang gunting na nakatutok sa akin habang unti-unting nagiging pula ang mga mata.

Hindi, hindi ito si mama. Hindi ganito ang nanay ko! Napapikit ako nang isang nakakikilabot na himno ang lumabas mula sa bibig niya. Bawat nota ay para bang sinasakal ako at inaagawan ng hininga. "M-ma!"

Pagmulat ko, nakita ko ang gunting na nakataas na. "Mamatay ka na!" bigkas niya at para bang bumagal ang oras sa mga sandaling papalapit na sa aking dibdib ang matulis na gunting. Mas lalong sumikip ang dibdib ko at nawawalan na ako ng lakas. Hindi ko man lang magawang igalaw ang mga kamay ko o kahit ang mga daliri sa paa ko.

"Tulong..." Isa na lamang ang taong pumapasok sa isip ko na alam kong makakapagligtas sa akin sa bangungot na ito. D-Deion."

Aidan Helios' POV

My senses heightened when I heard sobs from Draven. Hindi ko na muna iminulat ang mga mata ko dahil maaaring malaman pa ng mga kalaban na may malay na ako, delikado na. Kinakailangan kong makaatake sa kanila.

Kasabay ng isang mallim na hininga ay sinubukan kong i-summon ang vigor sa core ko. Napangiti ako nang bahagya nang maramdaman na masagana pa rin ang daloy nito sa katawan ko. I need to buy time for Deion. He's coming, I can feel it.

Narinig ko ang mga yapak na papalapit sa kinaroroonan ko. Pumunta ito sa kaliwang bahagi ko, kung saan natanggal ang isang posas na nakakonekta sa kamay ko at sa pader. Ito na siguro ang tamang pagkakataon.

I summoned the Azarin, and quickly enveloped my body with my vigor. Kinakailangan ko ng mas maraming vigor para magkaroon ako ng karagdagang lakas, gayundin ng enerhiya. Kanina ko pa nadarama na mababa na ang stamina ko kaya't matatalo ako kung hindi ako gagamit ng mas malaking amount ng magi.

Nang yumuko at akmang hahawakan na ng isang dugong ang kamay ko para ibalik ang pagkakaposas ko ay mabilis kong itinusok sa dibdib niya ang espada ko. Hinugot ko ito at buong pwersang itinulak ang katawan ko patayo.

"Azarin: Fire wheel." Agad na bumalot sa sandata ang naglalagablab na apoy na para bang handa nang lumamon ng buhay. Hay, ang hot ko talaga.

Iwinasiwas ko ang espada ko papunta sa kanya at mula roon ay lumabas ang isang gulong na gawa sa apoy na sinubukan niyang iwasan, ngunit dahil sa bilis nito'y hindi na niya nailagan. Akala mo ah...

Napangisi ako nang makita ang nasusunog nitong katawan na nahati sa dalawa. Gusto mo 'yon, hindi ka naman papel pero nahati ka, lengthwise.

Tumakbo ako papunta sa isa pang kalaban habang binabalot pa rin ng apoy ang blade ng Azarin. Napalunok ito at takot na napaatras. Naduwag na ata ang damuhong ito. May hawak siyang isang kalasag at isang malaking baston na puno ng lumot. Itinuon niya ang isang paa sa pader at itinulak ang sarili gamit ang isang malakas na pwersa papunta sa akin. Bumulusok siya papunta sa akin. Itinaas nito ang baston at nagtangkang hampasin ako. Inihanda ko ang espada ko, maging ang sarili ko dahil 'di hamak na mas malaki kumpara sa akin ang halimaw na ito.

Sinalubong ko ang baston niya at napapikit ako sa impact ng pagtama nito sa espada ko. Malas. Iwinaksi ko ang baston niya at iwinasiwas papunta sa kanya ang espada. "Azarin: Serpent dance!"

I felt my limbs lighten and my senses became sharp. With a smirk, I moved like a snake while wielding my sword licking with fire. A snake-like fire travelled fast with me, slicing everything that was on my way. When I reached the other two enemies, I let my vigor rest. Mahihina naman pala ang mga 'to.

Hinarap ko ang natitirang kalaban na naka-focus kay Draven. Nakatalikod ito sa akin at nakataas ang kamay habang hawak ang isang punyal na nakatutok sa nakahigang binata.

"Tulong!" narinig kong sigaw ni Draven habang patuloy na tumutulo ang luha mula sa mga nakapikit nitong mata. Shit! Pinaapoy ko muli ang espada at tumakbo papunta sa kinaroroonan nila.

"Stop, make thy limbs weak, thy energy low. May the waves of pain wash over you."

Nagkukunwaring sumigaw ako at ibinagsak ang sarili ko sa sahig. Akala siguro ng gaga e maloloko niya akong muli. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang paligid. Oh damn...parang hindi siya aabot.

Maraming kalaban na naman ang papunta rito!

Tumayo ako at dali-daling tumakbo para putulin ang ulo ang siren. Alam ko namang hindi ito mamamatay kaagad pero kahit papaaano ay kailangan ko siyang patigilin.

Akmang pupugutin ko na ang ulo niya nang dumaan ang isang liwanag sa harapan ko. Walang anu-ano'y bumagsak sa sahig at gumulong papunta sa pader ang ulo ng siren. Tila ba natusta ang sugat na nagawa ng ilaw...o kidlat.

Sa isang sulok ay nakita ko ang natutulog na si Draven na hanggang ngayon ay humihikbi pa rin at makikitaan mo ng lubhang panghihina. Nakasandal siya sa pader at nasa harapan niya lalaking nakatalikod sa akin, ang siyang may kagagawan sa tustadong ulo ng siren. Hay nako, mang-aagaw ng kill! KS!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro