Chapter 2
MIST AND STRINGS
Ajax Draven's POV
Nang maalala ko ang lahat ng pangyayari ay nakaramdam ako ng pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan. Simula pa lamang sa pagmulat ng mga mata ko ay naramdaman ko na ang mga pagbabago sa akin. Alam ko at nararamdaman ko na simula ngayon ay hindi na magiging normal ang buhay ko.
Tumayo ako at tinungo ang kwarto ni Mama. Pagkabukas ko nito ay naamoy ko na kaagad ang halimuyak ng air freshener na hindi kailanman nilisan ang kwarto niya. Pinanatili ko ang amoy nito para kahit sana sa bagay na ito ay maalala ko si mama.
Binuksan ko ang kahoy na cabinet at tinago rito ang itim na espada ni Thanatos. Sa tingin ko naman ay hindi ito mawawala rito. Hindi naman pwedeng bitbitin ko ito kung saan-saan, mapagkakamalan lamang akong baliw na may dalang sandata.
Dumako ang tingin ko sa larawan na nakasabit sa pader. It was the picture we took the year before she died. I was so happy back then, not knowing that the smile and the color of this world will fade the following year. A deep sigh escaped my mouth. I miss her already. It's been seven years since that tragedy happened.
I can't forget how frustrating and heartbreaking that day was. My mom was the only one I have since my father was gone. And now that she's dead, someone who claims to be my father showed himself in front of me, giving me confusion about myself.
'Son, you're stressing yourself too much. Don't you have any class to attend to? You'll be late,' paalala niya na narinig ko lamang sa isipan ko.
Oh, right. May klase nga pala.
Mabilis lamang akong natapos sa pag-aayos kaya't lumabas na ako ng bahay. Pagkasarado ko ng gate ay isang malamig at nakakikilabot na simoy ng hangin ang humampas sa balat ko. Mataas na ang kinalalagyan ng araw kaya't nakapagtataka kung saan nanggaling ang malamig na simoy na iyon ng hangin. Tila ba binabalaan ako nito sa anumang masamang pangyayari.
Nakababahala man, isinawalang bahala ko na lamang ito. Kung tatay ko nga si kamatayan, hindi ko na dapat pang alalahanin ang mga panganib sa paligid ko. Siguro naman hindi niya ako pababayaan ulit.
'Draven, it is me who relies on you. It is your help which I need.'
'Seriously, if it is true that you're a god, why would you rely on a mere mortal like me?' tanong ko rito. gods are known to be powerful. Matutugunan niya dapat ang lahat ng responsibilidad niya. Isa pa, hindi ba't parang ang kapal naman ng mukha niyang balikan ang anak niyang inabandona niya nang ilang taon para lang hingian ng pabor?
'The underworld is in chaos and I need someone as a substitute. You are the only child I have in this realm, Draven. It is only you whom I can give my responsibilities temporarily. It is the right time for you to train for this realm because soon, an inevitable catastrophe will arise. You and the others would be needed for this realm and the mythological realms to be saved. Also, Draven, let me make it up to you after everything. I'll guide you when I can, son.'
Hindi ko na lamang siya pinansin at ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa shop na madalas kong binibilhan ng kape at ng makakain. Hindi ako male-late ngayon dahil tanghali pa naman ang klase ko.
Nang marating ko ang parke ay isang nakakalunod na bugso ng hangin ang sumalubong sa akin, dahilan para mapatakip ako ng mga mata ko. Pinakiramdaman ko ang paligid at tinanggal na ang takip sa mukha ko nang maramdaman na wala na ang hangin.
Kusang kumunot ang noo ko nang mapansin ang mga puting tali na nakaharang sa daan. Saan naman nanggaling ang mga ito? Hindi ko mawari kung saan ba nagmumula ang mga tali dahil kung saan-saang direksiyon ko nakikita ang mga ito. Ang nakapagtataka pa ay hindi nagkakabuhol-buhol ang mga ito kahit na magkakasalubong ang karamihan. Nilalampasan lamang din ito ng mga taong dumaraan na para bang hindi nila ito nakikita.
Nilapitan ko ang isa at pinagmasdang mabuti. Sinubukan ko itong abutin para malaman kung mahahawakan ko ba ito ngunit nang malapit na itong maabot ng kamay ko ay gumalaw ito papalayo. What the—
Inilapit kong muli ang kamay ko rito ngunit nang malapit ko na itong mahawakan ay gumalaw ulit ang tali. Pusang gala.
Sa pangatlong pagkakataon ay nabigo akong mahawakan ang tali. Napapikit ako bago tumakbo para habulin ito ngunit napayuko nang makasalubong ang isa pang kulay puti na string.
Tumigil na ako sa paghabol sa string na hinahabol ko kanina at sinubukang hawakan ang isang kaharap ko ngayon. Nang tuluyan ko itong mahawakan ay lumampas lamang ito sa mga kamay ko. Noon ko nalaman na ang mga string na nakikita ko ay gawa lamang sa liwanag. Ano naman ang mga ito?
Sinundan ko ng tingin ang string hanggang sa makita ang likod ng isang matanda na kasama ang isang maliit na bata. Tiningnan ko ang nakatalikod na bata at nakita ang string na nakakabit sa likuran niya na nagmula naman sa ibang direksyon. Sinasabi ko na nga ba, hindi na normal ang buhay ko magmula nang magmulat ako ngayong araw.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapayuko dahil sa mga string. Minsan ay iniaangat ko pa ang paa ko at inililihis ko ang katawan ko para maiwasan na madali ang mga ito. Siguro ay mukha na akong tanga para sa mga nakakakita sa akin. Hindi rin naman nila ako masisisi, nakakailang makakita ng maraming strings at aakalain mong madadapa ka o sasabit ka sa mga ito anumang sandali.
'Thanatos?' Naghintay ako ng ilang sandali ngunit wala akong natamong sagot.
Paano ko malalaman at maiintindihan ang mga pagbabagong ito sa akin kung hindi niya ipapaalam sa akin? Magbibigay na nga lang ng responsibilidad, hindi pa ipinapaliwanag ang lahat ng kailangan kong malaman.
Hassle.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad hanggang sa marating ko ang shop. Bumili muna ako ng makakain bago tumuloy papunta sa school.
Pinagmasdan ko ang mga taong nakakasalubong ko. Lahat naman ay pare-pareho ang kulay ng string...puti. Wala akong nakikitang kakaiba ang kulay.
'Ibig sabihin, walang tao sa paligid mo ang malapit nang mamatay,' biglang sulpot ng diyos ng kamatayan sa aking isipan.
'Your natural ability seems to bloom, Draven. You can see the strings now.'
'Yeah. What are those?'
'Those threads around you are known as life strings. They represent one's life. Once it turns red, the owner of the string shall die. I, as the god of death, was the one responsible of sending people to the afterlife. For the meantime, that job would be yours.'
Hindi ako sumagot sa kanya at pinagmasdan na lamang ang aking paligid para sanayin ang sarili na huwag nang iwasan ang mga string na nadaraanan ko. I'm still bothered.
I was sipping my coffee when a loud and high-pitched sound of a car's horn rang, making me flinch. I stopped on my tracks and became aware of my surroundings when an unknown pulling force appeared in front. Even my palms are tingling. Weird.
Tumunghay ako at hinanap ang pinanggagalingan ng pwersa. Kusang lumaki ang mga mata ko nang makita ang isang batang nakaratay sa kalsada at nababalot ng sarili niyang dugo. Sa noo niya ay nakapalibot ang kulay itim na usok na tila ba apoy na nagliliyab.
'Mist of Death.' Dinig ko.
Makikita pa rin ang pag-angat at pagbaba ng dibdib niya kaya't alam kong buhay pa siya. Marami na ang nakapaligid sa bata at nakikiusisa sa mga pangyayari ngunit ni isa ay wala akong nakita na kumuha man lang ng cellphone upang tumawag ng ambulansya.
Inuna pa talaga ng mga ito ang chismis.
Kukuhanin ko na sana mula sa bulsa ko ang cellphone ko nang isang babae ang dali-daling tumakbo papunta sa kinaroroonan ng bata bago kuhanin ang cellphone at nag-dial.
Finally, mayroon nang dumating na may kwenta. I'm not needed here anymore. Ipagpapatuloy ko na sana ang paglalakad ngunit napatigil akong muli nang mas lumakas ang pwersa na humihigit sa akin. Tila dinadala ako nito papalapit sa bata.
'It's time, Draven. You need to end his life now.' Doon ko lamang napansin ang kulay pulang string na nakakonekta sa kanya.
"Once it turns red, the owner of the string shall die," pag-ulit ko sa sinabi ni Thanatos kanina.
'But how?'
'Use my sword,' sagot nito.
'And how to get your sword? Iniwan ko 'yon sa cabinet ni mama.'
'Summon it. I know you can feel some tingling sensation in your palms. Just imagine my sword in your grasp.'
Pumikit ako at inalala ang itsura ng espada niya na inilagay ko sa loob ng cabinet ni mama. Inisip ko lamang na nasa kamay ko ito. Hindi ba't parang napakaimposible naman ng ipinagagawa niya—
Natigilan ako nang biglang mapalitan ng bigat ang kiliti sa kanang palad ko. Nang tingnan ko ang kamay ko ay hawak ko na nga ang itim na espada ni Thanatos. Huh? Paano naman nangyari?
'O, tapos?'
'Malamang puputulin mo yung life string,' napatango ako. Oo nga naman.
'Bakit ba kasi espada pa? Pwede namang gunting,' reklamo ko. Kapag nakita ako ng mga tao na may hawak ng espada, baka mapagkamalan akong cosplayer.
'They won't see you whenever you are holding my sword, for it grants you mist that can make you hidden from the naked eye of a normal human being.' Tumango-tango na lamang ako.
'You can now do it on your own, Draven. I trust you. Not long from now, you will find them.'
Tumunghay ako at marahang naglakad papalapit sa kinaroroonan ng mga taong nakapaligid sa bata. Tila tumahimik ang buong paligid. Naririnig ko ang tunog ng pagtama ng sapatos ko sa magaspang na kalsada at damang-dama ko ang kapangyarihan na nagmumula sa espada na hawak ko.
Napakalinaw ng paningin ko sa mga oras na 'to, maging ang pandinig at pakiramdam ko ay matalas. Nawala ang ibang string na nakapalibot sa akin at tanging ang kulay pulang string lang na nakakonekta sa batang lalaki ang nakikita ko.
Marahan kong pinagapang ang palad ko sa espada at minasdan ang kagandahan nito. Hindi nga kataka-taka na pagmamay-ari ito ng isang diyos.
Nang malapit na ako sa kinaroroonan nila ay tumalon ako nang mataas. Tinantsa ko ang pwersa na dapat kong gamitin dahil alam kong kahit ganito lamang kanipis ang string na ito ay kasing tatag pa rin ito ng isang malapad na lubid.
"Death blade." I plunged my sword towards the red life string. I watched as the blade swiftly slashed through it like it was nothing, and just like that, the color of the string died.
As my feet touched the ground, a loud siren echoed around the street. The police and the ambulance were here.
I looked back to the deceased boy for the last time and sighed before turning my back against him.
The boy was dead...and I'm the one who ended his life.
⚔
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro