Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

SERINE ISLAND

Ajax Draven's POV 

We boarded the car once more after preparing our things. Even though the drive will be long and the mission might take a while to be completed, we only brought a few things, one backpack each. Sa tingin ko ay alam nilang hindi sila aabutin nang matagal sa misyon na 'to. Sabagay, hindi nga tumatagal sa kanila yung missions kahit may expected dates and dues. No wonder they were ranked first.

    The supposed portal was in the Serine Island, on the far east. It is the most secluded island known in the Green Ocean, the largest ocean existing that the mortals do not know. Legends has it that whoever steps foot on that island will never find their way home. Hindi ko alam kung totoo nga ba 'yon o legend nga lamang.

    Tumingin ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga ulap na unti-unti nang dumidilim. Nagtitipun-tipon ang mga ito sa isang parte ng kalangitan at para bang nagbabadya na ng malakas na pag-ulan. Madilim naman na ngayon dahil 8 o'clock na pero mas madilim ang parteng iyon.

"We'll get there by midnight. Sleep if you want," ani Deion na nakasandal na ang ulo sa headrest ng driver's seat habang nagmamaneho. Ganoon ba talaga kalayo ang daungan ng barko mula rito? Four hours? Hindi pa considered ang traffic sa four hours na 'yon ah.

Sumandal ako sa headrest at hinayaan ang sarili ko na lamunin ng dilim.

Pagmulat ko, narito na ako sa isang madilim na kalsada. Malayo pa mula rito ang poste ng ilaw. Hindi ko maisip kung bakit parang pamilyar ang lugar na ito sa akin. Hindi pa naman ako dumadaan dito...

A blinding light bloomed from my left side as a loud honk of what I supposed was a huge vehicle rang through my ears. My eyes widened in horror when the truck continued moving towards my direction. My heart started beating loudly and my mind went blank. I cannot move an inch as I was stoned to where I stood. Shit! Shit! Shit!

I was only able to close my eyes out of panic. Kung totoong pangyayari 'to, malamang sa malamang ay wala na akong buhay. Sino ba naman kasi ang uunahing tumulala e mababangga na?

Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa paligid.

Pagmulat ko, nakita ko ang isang isang sirang kotse na nasa harap ng truck na kanina lamang ay babangga na sa akin. Napagpasyahan kong lapitan ito at tingnan kung sino ang laman ng sasakyan. Mabibigat ang mga hakbang ko at malalim ang mga hiningang pinapakawalan ko. Hindi ko malaman kung bakit kinakabahan akong malaman kung sino ang nasa loob nito.

Isang babae ang nakasubsob sa manibela ng sasakyan, tumutulo ang dugo mula sa noo niya at ang luha mula sa mga mata niya. Napatakip ako ng bibig nang maliwanagan sa itsura ng babae. Ang pamilyar niyang mga mata na matagal ko nang hindi nakikita, at ang ngiting hindi ko kailanman malilimutan. "M-ma?"

Tears started streaming down my eyes as I observed her state. That's why this street is familiar. It was the same street where the accident happened—the accident where I lost her. I quickly opened the car door and hugged my dying mother. "Tulong...tulong! Tulungan niyo ang mama ko!" I cried desperately even though I know no one would hear me.

She raised her hand and touched my cheek with her bloody hand. "A-Aji?" She smiled as she looks at me lovingly, making my tears fall even harder and sobs escape my mouth.

"You'll be safe now," was the last thing she said before her eyes closed completely. "Ma, no! Don't leave me!"

"Draven? Draven, wake up," Aliyah's voice woke me up.

Naghahabol ako ng hininga nang magmulat ako. Tumutulo ang pawis mula sa noo ko at naramdaman ko ang basang-basang mga mata ko.

"Are you alright?"

Tumango lamang ako at ininom ang tubig na inalok niya. "S-salamat. Nasaan sila?"

"Bumibili sila ng dinner. Nine o'clock na e."

Sumandal na lamang ako sa headrest at tumingin sa labas. Matagal ko nang hidni napapanaginipan ang pagkamatay ni mama. Bakit bumabalik ang mga ito ngayon? It's been seven years. Hindi ba pwedeng makalimutan ko na lang ang napanood ko sa dashcam ng kotse ni mama?

Natauhan ako nang biglang bumukas ang pinto sa tabi ko. Nakita ko sa Eliora na nakangiti sa akin habang ibinibigay ang isang bar ng chocolate. Ngumiti ako sa kanya at tsaka ito kinuha. Binuksan ko na rin ito at sinimulang kainin.

Umupo sa tabi ko si Eliora habang ibinibigay ni Dillon ang mga pagkain namin. Tumingin ulit siya sa akin at ngumiti na para bang nang-aasar. "Eat it well. Malaking energy rin ang nabawas sa'yo because of what happened. Also..." Tumingin siya sa unahan at ngumisi bago inilapit ang bibig sa tainga ko. "It was Kuya Deion who bought that and told me to give it to you. He said you'll need it."

I shrugged and continued eating. Mabuti naman at may kabutihan pang natitira sa taong 'yon.

Lumipas ang halos tatlong oras at narating na namin ang daungan ng barko. Malamig sa mga oras na 'to kaya't isinuot ko ang kulay dilaw kong hoodie bago lumabas ng sasakyan.

Kinuha namin ang ticket na ipina-reserve nila kanina kaya't dere-deretso lamang ang pag-board namin ng barko. Napansin ko na parehas lamang ang entrance na pinasukan namin at ng mga mortal na kasabay namin. Huh? Iisa lamang ba ang barkong—

Hindi ko na naituloy ang pag-iisip ko nang maramdaman ang kakaibang sensasyon sa balat ko nang lumampas kami sa pintuan. Nawala na ang ingay ng mga taong kasabay namin kanina. Napalitan ito ng isang tahimik na daungan ng barko. Ang kaninang apat na barkong nakikita ko ay iisa na lamang. Kakulay ng isang itim na perlas ang barko. Ang sinag ng buwan na tumatama rito ay nagbibigay ng kinang sa barko. Sa gilid nito'y nakalagay ang 'Serine Cruise'.

Pumanhik na kami rito at dumeretso sa cabin na designated sa group namin. They booked a large room that will fit all of us. 10:00 a.m. pa ang expected arrival namin sa island kaya mabuti na ring magkaroon kami ng comfortable room.

Humiga na kaagad sila sa kanya-kanyang kama matapos magpalit ng damit kaya ganoon din ang ginawa ko hanggang sa abutin ako ng alas tres ng umaga na nakatitig sa kisame. Hindi ako makatulog dahil natatakot ako na makitang muli ang panaginip ko kanina. Hindi ko na gugustuhin na masaksihan muli 'yon. Ayokong magising na umiiyak na naman. Nakakahiya na sa mga kasama ko.

Tumayo ako at lumabas ng cabin. I think I will need to feel the sea breeze to calm my mind. Pinagmasdan ko ang karagatang dinaraanan ng barko. May mga isdang umiilaw sa ilalim ng tubig, gayon din ang ibang coral reefs.

Hinayaan kong tumama sa mukha ko ang malamig na haplos ng hangin.

"You can't sleep?" I heard a voice came from behind. She's awake?

"Yeah. Ikaw rin ba?"

Tumabi ito sa akin at sumandal sa railings habang nakatingin sa malayo. "Going to my father's lair is not as exciting for me as before," she faked a laugh.

Napansin kong hindi siya nakasuot ng jacket. Siguro'y sanay na sanay na ang isang 'to sa lamig. "Care to tell?"

"It's just the same story like the other father-child relationship where I do everything to make him proud. I'm his least favorite, after all."

Iyon ba ang rason kung bakit lagi siyang nagpapakahirap? Kaya pala halos hindi ko mahagilap ang babaeng 'to sa base. She's even more workaholic than that son of a lightning.

"How about you? Why are you here at this hour?"

I shrugged. "I was just thinking of my mother."

"I know you miss her and it feels empty, but don't let that feeling of emptiness consume you or you'll find yourself on the brink of death. Better sleep, it will be exhausting." Matapos nito ay tumalikod na siya sa akin at bumalik sa loob ng cabin.

I didn't expect Dillon to tell me anything about her. Ang sama naman pala talaga ng ugali ng ibang gods. Kahit papaano, parang mabuti pa rin naman si Thanatos sa akin. Kahit iniwanan niya ako ng ilang taon.

It was past 10 o'clock when we stepped foot on the shore. The island is very majestic. It looks like an expensive resort. Napakalayo ng itsura nito sa isla na inaasahan ko. Ang nasa isip ko kahapon ay isa itong nakakatakot na isla dahil wala ngang taong nakakabalik kapag pumunta rito. Isa pala itong magandang paraiso.

    Isang white sand beach ang bumungad sa amin kung saan ang paligid ay walang kahit anong dumi. Napakalinis. Ang mga alon din ay mahinahon at payapa.

    Naglakad kami papasok sa loob ng isla hanggang sa marating namin ang isang hotel. Si Dillon ang nangunguna sa amin dahil siya ang may alam nito. Maraming tao rito sa isla. Ito marahil ang mga taong hindi na nakakabalik sa lupa. Mukha naman silang normal sa akin.

    Si Dillon ang nag-handle ng lahat hanggang sa marating namin ang top floor ng hotel. Sabi niya, ang pinakadulong room daw sa topmost floor ng hotel ang portal papunta sa domain ni Poseidon. Somehow, nae-excite ako na makita ang domain niya. Dahil isa siya sa big three, sa tingin ko ay isa ang domain niya sa mga pinakamaganda at pinakaeleganteng domain.

    Tatlong guards ang humarang sa amin nang marating namin ang pinakadulong floow. Lahat ng mga ito ay nakasuot ng black tuxedo at nakasuot din ng shades.

    "We have a mission from Poseidon." Iniabot ni Deion ang scroll sa isa sa mga guard na agad naman nitong tinanggap.

    Binuksan nito ang scroll at nagsimulang basahin. "I see...but only four of you shall enter. Strict orders from Lord Poseidon. You must leave two of you here in this island."

    Huh? E bakit hindi sinabi ni Poseidon na hindi naman pala kami makakapasok lahat sa domain niya. Sana nagpaiwan na lang ako sa base. Ako lamang naman ang magiging pabigat sa mga ito kung sakaling may labanan. Hindi ko pa rin nararamdaman na naibalik na lahat ng lakas ko mula sa mga atake. "Ako na ang maiiwan."

    "Me too." Pinangunutan ko ng noo si Deion dahil sa pagpresinta niya. Hindi siya pwedeng maiwan dito dahil kailangan siya doon kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan.

"No, Dei. We need you there. It would be easy to negotiate if you're with us," sabi naman ni Dillon.

"Ako na lang, tol. Wala naman sigurong masamang mangyayaring masama sa amin ni Draven." Napatingin ako kay Aidan na nakangisi kay Deion.

Tumango lang si Deion bago tumalikod sa amin. Wala naman sigurong magtatangkang umatake sa amin dito. Tsaka wala ring magiging problema kung si Aidan ang makakasama ko. Siya siguro ang pangalawa sa pinakamalakas sa grupo kaya't hindi ako dapat mangamba. Ngayon ay kulang na kulang pa ang skills ko para maging kampante ako sa paligid.

Pumasok na sila sa portal na nakabukas habang kumakaway sa amin. Nang akmang isasarado na ang pinto ay nakita ko ang paglabas ni Deion mula sa portal. "Oh, bakit ka naman bumalik?"

Binuksan nito ang bag at hinalungkat ito. "Catch," saad nito at inihagis sa akin ang isang kahon bago bumalik sa portal.

Nang masalo ko ang kahon ay napag-alaman kong ito ang kahon na nakuha ko noong gabing 'yon sa bahay namin. Hindi pa rin ito bukas hanggang ngayon.

"Kanino nanggaling ang box na 'yan? Hindi mo ba alam kung paano buksan?"

Umiling-iling ako. Kinuha naman ito ni Aidan mula sa kamay ko at sinuri ang bawat side nito. Maya-maya pa ay tumaas ang kilay nito habang hinahawakan ang isang parte ng box. "Here. We need a drop of your blood to open this." Inilabas niya ang isang dagger at iniabot sa akin.

Dahil kaunting drop lamang ang kailangan, gumawa ako ng isang maliit na sugat sa palad ko at tsaka ito pinisil. Nang may dugo nang lumabas mula rito ay itinapat ko ito sa parteng itinuro ni Aidan sa akin. Ilang sandali pa ay nawala ang dugo mula sa parteng iyon at umilaw panandalian ang mga nakaukit na simbolo rito. Nang tumunog ang kahon ay bumukas ito nang kusa.

A black snake made of metal appeared before my eyes. It was as dark as my sword. But its eyes is dark green in color. It was a necklace that is like a pair with my bracelet given by Thanatos on the gracing ceremony.

"That's a—" Napalingon ako sa kinaroroonan ni Aidan nang marinig ang pagtigil niya sa pagsasalita.

Nang lingunin ko siya ay nakahiga na ito sa sahig, walang malay. Sa leeg niya ay may isang maliit na dart na nakatusok.

Lumuhod ako at tinanggal ito mula sa leeg niya ngunit napahawak ako sa sarili kong leeg nang maramdaman ang kirot mula rito. Nakaramdam ako ng kaba habang inilalapit ko ang kamay ko sa parteng 'yon. Nagsimula nang lumabo ang paningin ko at para ba akong hinehele nang marinig ang isang magandang tinig.

Oh, shit...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro