Chapter 18
REPORTS
Ajax Draven's POV
It was almost morning when we reached the base. Magliliwanag na rin kaya't naligo na lang muna ako at napagdesisyunang bumaba muna sa kusina dahil nagugutom ako. Gusto ko rin sanang uminom ng gatas para mas mahimbing ang tulog ko. Hindi pa naman namin kailangang mag-report dahil wala pa rito 'yung isang group. Sana lang tulog na iyong dalawa, para tahimik akong makapagkape. Kung hindi naman, sana si Aliyah na lang ang makita kong gising. Kapag ang mokong na 'yon ay alam kong madadagdagan lang ang stress ko at baka hindi ko na lang ituloy ang pagkain ko.
Hindi pa man ako nakakababa nang tuluyan sa hagdan ay naramdaman ko kaagad ang presensya niya sa sala. Napamasahe ako sa sintido ko at pinag-isipang mabuti kung tutuloy pa ba ako. Nasagot ang katanungan ko nang kumalam ang sikmura ko. Bahala na nga.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang pinupunasan pa rin ng towel ang buhok ko na medyo basa pa.
Habang naglalakad ay hindi ko inaasahan ang nakita ko. Nakahiga siya sa sofa habang katabi niya ang isang bowl ng gem biscuits at nanonood ng cartoons. Pupungay-pungay ang mata niya habang nakatingin sa television at sinisipsip ang ibabaw ng gem biscuit. Mayroon ding isang baso ng gatas sa coffee table.
Napangisi ako sa nasaksihan ko. Parang bata rin naman pala talaga ang isang 'to. Sino nga bang mag-aakala na ang cold, masungit, at mayabang na anak ni Zeus ay mahilig manood ng cartoons at favorite ang gem biscuits?
Hinugot ko sa bulsa ko ang cellphone at kinuhanan siya ng litrato. Hindi ko alam kung bakit tila hindi niya ako napapansin. Dahil ba patay ang ilaw? Ha! Kidlat, may panlaban na ako sa'yo. Hintayin mo lang.
Kumuha na ako ng pagkain sa ref at nagsalin na rin ako ng gatas sa isang baso. Napagpasyahan kong dito na lamang kumain sa kusina para maiwasan ang nakakairitang komento ng anak ni Zeus.
Unti-unti na akong nasasanay sa bagong mundong ginagalawan ko. Hindi ko man maamin pero alam ko sa sarili kong sa mundong ito talaga ako nababagay. Ito ang puwang sa buhay ko na hindi ko mapunan sa buhay ko noong namumuhay pa ako nang normal. Akala ko noon ay hindi lamang talaga ako marunong makihalubilo sa iba, pero ang totoo pala, hindi ko kauri ang mga taong nakasalamuha ko noon. Magulo sa realm na 'to, pero alam kong ipinangak ako para umayos ng gulo, ipinanganak ako para magampanan ang tungkulin ko rito.
Nang matapos akong kumain ay inubos ko na rin ang gatas. Maghuhugas na sana ako ng kinainan ko nang mahagip ng mata ko ang lalaking nakasandal sa pader malapit sa mesa. Kailan pa 'to narito?
"Tuwang-tuwa ka namang pagmasdan ako. Crush mo ba ako? Ha?" Tinaasan ko pa siya ng kilay bago tumalikod at hinugasan na ang pinggan. Hindi man ako lumilingon ay alam kong ganoon pa rin ang posisyon niya. "Ibigay mo na sa'kin ang basong ginamit mo, tsaka iyong bowl na nilagyan mo ng gem biscuits mo." Diniinan ko pa ang pagkakasabi ng gem biscuits para asarin siya. Para bang nasamid ito dahil naubo siya. Nang lumingon ako sa kanya ay nakita ko ang seryoso niyang mukha at ang mga tainga niyang namumula. Gem biscuits lang pala ang magpapatiklop sa taong 'to.
Nang makabawi siya ay inilagay niya sa lababo ang mga kinainan niya.
"Ikaw ah, favorite mo pala ang gem biscuits."
Inismiran ako nito at pinitik sa noo. "Shut up. Get done with it and rest."
Matapos ko ngang maghugas ay bumalik na ako sa kwarto ko dahil antok na ako. Siguro naman ay narito na sina Eli paggising namin.
Nagising ako nang marinig ang magkakasunod na katok ng taong halatang naiinip na. "Get up or I'll break this door, son of Thanatos."
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang pagbabanta niya. Napabuntonghininga na lamang ako. Bakit ba mabilis mairita ang taong 'to? Edi sana hindi siya ang gumising sa akin. Pwede namang si Aliyah.
"Oo na, gising na! Maliligo na nga!"
"You better be down in fifteen minutes or you'll take the bus to the ministry."
Binilisan ko na ang kilos dahil alam ko namang hindi nagbibiro ang Kidlat na 'yon. Kapag na-late ako ay alam kong hindi ko na sila aabutan doon. Siya na ang pinakamainipin, pinakaseryoso, at pinakamayabang na taong kilala ko.
Nagsuot lamang ako ng isang kulay dilaw na shirt na mayroong isang chest pocket with an embroidered duck. This is one of my favorite shirts. Bukod sa maginhawa itong isuot ay paborito ko ang kulay na ito. Nakasuot naman ako ng isang faded na maong pants na may iilang rip. Pinatuyo ko na rin ang buhok ko para hindi hassle at isinuot ang bracelet na ibinigay ni Thanatos. Nagpisik na rin ako ng pabango at naglagay ng kaunting lipbalm sa labi kong nanunuyo na.
Nang makababa ako ay nakatayo na silang lahat at palabas na sa pinto. Ang sasama talaga ng ugali ng mga 'to. Unang lumingon si Eli sa akin at ngumiti. "Ayun! Abot ka pa, Kuya Draven!"
"Muntik niyo na nga akong iwan," reklamo ko bago sumunod sa kanila.
Nang makasakay kami ay si Dillon ang pumunta sa driver's seat. Lahat kami ay sa likod na umupo at bumilog sa table. Kailangan pa ata naming pag-usapan ang mga nangyari sa mission.
"Eliora, report."
"We did not find Aureus Polo from the coordinates because he was long dead. It turns out, he is my father—A. Polo. He did not say anything to important to me about our mission, but he told me that a storm is brewing and that our realm will be in chaos. He also told me something weird like, 'the vines that sprouted from an infected vine should be pruned to prevent death and avoid chaos.'" Muntik na akong matawa nang ibahin niya ang boses niya noong binabanggit niya ang sinabi ni Apollo. Ang kulit talaga ng isang 'to. Pero at least cute ang pagiging makulit niya.
Pero ang weird naman. Bakit sasabihin ni Apollo 'yon? Anong ibig niyang sabihin? May kailangan bang mamatay? Aware ako na isa sa mga sakop ni Apollo ang prophecies kaya't hindi malabo na ang mga sinabi niya ay kasali sa prophecy.
"Kayo ba?" tanong ni Aidan.
Ikinuwento ni Aliyah lahat ng nangyari sa mission, mula sa pulang bahay hanggang sa ma-solve namin ang lahat, maging ang sinabi ng mga fates sa amin. "The birth of death births a curse, and the life of the vine costs the life of men, but the death of the dead is life," pag-uulit ni Ali sa sinabi ng fates.
"Those two were somehow connected. Look at what Lachesis and papa said. They both mentioned a vine." Humawak pa sa baba niya si Eliora habang nag-iisip.
"A vine that costs the life of men and should therefore be pruned. We need to kill that vine?" narinig ko namang komento ni Dillon.
"Pero mayroon ding death and the dead na sinabi e. Posible ba na tatlong tao ang kasali sa mga sinabi nila o isang tao lang ang lahat ng 'yan?" pagkatanong ko nito ay tumingin silang lahat sa akin at kumibit-balikat.
Sa palagay ko ay ang ministry lang at ang mga diyos ang makakasagot ng mga tanong namin.
Naging tahimik ang byahe at lahat ay nag-iisip. Halos hindi ko na nga namalayan na narito na kami sa parking area ng ministry.
"Fix yourselves."
Sumakay kami ng elevator hanggang sa marating namin ang floor na kailangan naming puntahan. Pumasok na rin kami sa room D80 para mag-report. Katulad noong unang pasok ko sa room ay naramdaman ko ulit ang pagpasok ko sa ibang dimensyon. Hindi kami ngayon dumeretso sa stage. Hindi lang pala ang hall ang narito, ang mga office din ng higher ups ay narito sa D80.
Tumigil kami sa tapat ng office na may nakalagay na 'Office of the Minister.' Pumasok na kami sa loob at kakatapak ko pa lamang ay dama ko na kaagad ang lakas ng vigor sa buong silid. Masyado namang ma-pride ang taong 'to. Hindi naman siya inaano. It's not like I would submit to her. Akala niya ba ay mai-intimidate ako sa kanya? Ang mga taong kasama kong pumasok sa silid na ito lamang ang demigods na kayang magpatayo ng balahibo ko sa katawan.
The minister is a woman in her late 60s, and by the looks of it, she's danger. Hindi ko alam ngunit dama ko sa kanya ang panganib. She looks like those wicked and ruthless heads of organizations that I see in movies, those who smiles sweetly while slitting your neck or whipping your back with thorned whip. She looks like she can plot murder and not leave any trace. She's Minister Marissa Silverii, according to her golden name plate.
I get this feeling that she will be one of of the problems I might face in this realm. Ngunit ano't ano pa man, ngumiti ako at yumuko nang bahagya. Binati namin siya ngunit sinenyasan lamang niya kami na umupo sa furniture sa tapat ng table niya. "Stellars, my favorite group. What do you have for me today?"
Hindi nagsalita si Deion at iniabot niya lang ang isang scroll sa minister. Doon nakalagay ang summary ng reports namin. Isinulat ito kanina ni Eliora habang nasa byahe kami.
Binuksan naman ng matanda ang drawer at kumuha ng reading glasses. Binuksan niya ang scroll at nagsimula nang magbasa. Kapag kuwan ay tumataas ang kilay niya at napapangisi rin siya.
Matapos niyang magbasa ay umiling-iling lamang siya at ibinababa ang scroll sa mesa. Hinubad na rin niya ang glasses niya bago kami tingnan isa-isa. "Very well. You may go now. You did better than I've expected. Good work, Stellars. Wait for the memo I'll send through your messengers." Ngumiti siya nang matamis, sobrang tamis na para bang kung sinong tumingin ay magkakaroon ng diabetes. Nakakasura ang mukha ng minister na iyon. Parang bang sa halip na nakakahinahon ang ngiting ibinigay niya ay nakakasakal ito.
Walang nagsalita sa amin at tahimik lamang kaming lumabas ng office. Ganoon din nang makalabas kami ng hall.
"Ih! Nakakatakot talaga ang ngiti niya. It's so creepy!" reklamo ni Eliora at umaktong nanginginig.
"And did you see her eyes? Parang nakatingin siya sa lahat," dagdag pa ni Aliyah.
"Mas mabuti pa nga atang pumasok sa dungeons kaysa sa office na 'yon," komento naman ni Aidan.
Para bang gumaan ang loob ko nang ma-realize na hindi lamang pala ako ang nakakaramdam ng ganoon sa minister. Mas maaatim ko pa ata na makakita ng daemon kaysa sa nakangiting mukha niya. Nyay!
Bago pa man kami tuluyang makalabas ng building ay bumalik si Deion sa commission board. Baka mayroon na namang missions na pwede naming kuhanin. Sayang din naman ang merit points.
"Mayroon ba?" tanong ko nang makalapit sa kanya. Gusto kong makita kung paano nga ba sila tumatanggap ng quests. Hindi na sumunod ang iba sa amin dahil dederetso na raw sila sa kotse.
Mayroong pinindot na kung anu-ano si Deion sa screen ng commission boards hanggang sa makita ko ang quests sa screen. Nakalagay roon ang Greek letters ng kung sinumang deity and nag-request ng commission at kung anong type ng mission ang ibinibigay nila. This board is quite beginner friendly dahil mayroong choices ng language at mayroong ding tutorials na nakalagay sa gilid.
Pinindot ni Deion ang pinakaunang quest na lumabas na mayroong kulay light blue na name—Ποσειδώνας. Mag kakaiba ang kulay ng names ng mga deity na naroon. Ang karamihan ay gold, at ang iba naman ay light blue. Hindi ko alam kung anong pinagkaiba noong dalawa.
Maya-maya pa ay tumunog ang board at mula sa ilalim na compartment ay lumabas ang isang scroll. Ang galing naman ng machine na 'to. Nagiging printer din pala.
"We got one from Poseidon."
Tinanguan ko lamang siya at sabay kaming naglakad nang mabilis sa kotse habang binabasa niya ang laman ng scroll. Ano kayang ire-request ng diyos ng karagatan? Hindi ba't isa siya sa big three? Bakit kailangan niya ng tulong ng demigods? Sa lahat ng deities, sina Poseidon, Hades, at Zeus ang hindi ko inaasahan na hihingi ng tulong namin.
"Poseidon posted a commission. The portal coordinates points to an island in the East. We'll be leaving after getting our things. Back to the base, now."
⚔
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro