Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

MOIRAI

Ajax Draven's POV 

We entered the greenhouse and observed the surroundings. It was just like the two houses where a table is on the center. Anong puzzle na naman kaya ang narito? Sana naman ay hindi ganoon kahirap ang isang 'to. Kung mahirap man, bahala na siguro 'yung dalawa. Kaya na nila 'yon. Malalaki na sila.

We walked near the table and there, I saw a circle carved on its surface. In its center, there is a needle with two flat metals of different lengths. They were resting flat on the table.

Napailing ako dahil ako na naman ang kailangang mag-alay ng dugo. Inilapit ko ang hintuturo ko sa needle at akmang itutusok ko na ito sa tip ng daliri ko nang isang kamay ang pumigil sa akin. Hinawi niya ako nang marahan sa harap ng table at sinugatan ang daliri niya sa karayom. Wow, may awa pa pala ang taong ito.

Nang tumulo ang dugo niya sa mesa ay lumabas ang mga numero sa loob ng bilog. One to twelve...a clock. Then, I noticed a crescent moon drawn in black on the side of the table, under a red sun symbol. Since this is about time, is it possible that those two symbolizes the a.m. and p.m.?

Ang kaninang bakal na gawa sa pilak ay naging pula at mula sa 12 ay lumipat ang maliit na kamay ng orasan sa malaking number 3 at ang maliit sa gitna ng 12 at 1. Matapos nito ay naging itim naman ang mga kamay ng orasan bago umikot. Tumigil sa 8 ang maliit na kamay nito at ang mahabang kamay naman ay tumigil sa 12.

3:03 a.m., 8:00 p.m.

The next color of the hands is red. It started spinning again and stopped at 6:06. Then, the hands turned black again and showed 8:07 p.m.. It continued changing colors and spinning until we got a list of all the given times.

3:03 a.m., 8:00 p.m.

6:06 a.m., 8:07 p.m.

09:09 a.m., 8:14 p.m.

The hands changed back to red but it did not move this time. This means that the next pair of hours would be our call. The patterns for the a.m. and p.m. time are quite easy so this would be a no brainer. The two categories have different patterns. For a.m., the difference is three hours and three minutes. For p.m., on the other hand, the difference is only seven minutes.

"Let me answer this. It's 12:12, right?" Pumunta si Aliyah sa gitna at sinimulang ikutin ang kamay ng orasan. Matapos nito ay nawala na ang simbolo ng araw sa gilid at naging kulay itim na muli ang bakal. Pinihit ulit ito ni Aliyah hanggang tumigil sa 8:21.

12:12 a.m., 8:21 p.m.

I prepared myself for another gust of wind, in case of another attack, but it did not happen. Instead, a sound came out of the table. When I opened my eyes, I saw its top on the ground. Sinilip ko ang loob nito at nakita ang isang spindle. Kulay ginto ito ngunit walang thread na nakalagay rito. E ano pang silbi ng spindle na 'to kung walang pisi?

Napaisip ako. Pero sabagay, thread of life nga pala ang nakalagay rito. Pumikit ako at in-activate ang life string-seeing ability ko. Nang magmulat ako, nakita ang kulay puting thread na nakabalot sa spindle. The string are even more beautiful up close. Its glow is still gold when it was in the spindle. It was like the sun's rays.

Kinuha ni Aliyah ang spindle at nauna nang lumabas. "In order to summon the fates, we need to get a hold of three of the most important things for them. And today, I guess they wanted to be summoned through answering the riddles and puzzles first. Every correct answer will grant us one of those things. Pero bakit naman tayo pinatalsik sa dalawang bahay?" Mahabang litanya niya. Sinagot ko lamang siya ng isang kibit-balikat. Malay ko ba.

"Since we got a hold of the spindle first, we need to know which of the two remaining should be solved first. We need to guess which house has the staff first. There's a possibility that there would be complications if we mess up the second time so we need to be sure of our next move," ani Deion habang deretsong nakatingin sa daan.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang tapat ng pulang bahay. Hindi ko alam kung bakit, pero parang mali kung dito kami pupunta. "Should we go to the yellow house first?" tanong ko na tinanguan lamang ni Deion.

"Sure ba?" Tumingin-tingin pa si Aliyah sa bahay.

"These house colors might signify the colors of the traffic lights—red, green, and yellow. The red means stop, yellow means you should know when to stop, and green means go. We can relate it to the life of the demigods and mortals. The green house is where Clotho lives. She's the one who spins, that's why we saw her spindle on the green house. If my guess is correct, then Lachesis probably lives in the yellow house. She's the apportioner of lots, and she knows when to stop spinning the thread. The red house is for Atropos, the one who cuts the thread. The red is the stop signal, it's where the life of one ends. Ewan ko lang ah, hula lang naman 'to e. Kung mali man ako, patawarin niyo na lang ako." Matapos nito ay nagpatuloy ako paglalakad. Ganoon din naman sila kaya hindi ko na sila nilingon. Pinagkakatiwalaan ba talaga ako ng dalawang 'to?

"It's a surprise to me that you could actually think as far as that. I was quite impressed." Napaismid ako sa sinabi ni Deion. Napakayabang naman talaga ng lalaking 'to. Hindi ko naman siya inaano.

"Ang yabang mo talaga. Sana hindi mo na lang ako isinama," nakairap na sabi ko.

"Kaya nga kita isinama sa amin para hindi ka maging pabigat sa kabilang group."

Sinamaan ko siya ng tingin at tinabihan sa paglalakad si Aliyah. Napakayabang. Akala mo naman talaga. Naiirita na naman ako sa kanya pero hindi ako makapagsalita nang masama dahil iniligtas niya ako kagabi. Kung wala lang akong utang na loob sa mokong na 'to, baka kanina ko pa 'to binatukan.

"Ang cute niyong dalawa. Lagi kayong nagbabangayan," komento ni Ali na nakangiti.

"Nakakairita kamo." Tinawanan naman niya ako.

Tahimik naming narating ang kulay dilaw na bahay at katulad noong unang punta namin dito ay ganoon pa rin ang ayos ng bahay. Maliwanag pa rin ito kahit malapit nang dumilim. Si Deion pa rin ang naglagay ng dugo rito at siya na rin ang sumagot. Mukhang tama naman ang sagot namin dahil bumukas muli ang table at mula roon ay nakuha namin ang isang staff na kung susumahin ay nasa isang metro siguro ang haba. Kulay ginto rin ito katulad ng spindle. Mayroon itong isang kulay itim na bato sa tuktok na para bang kapag tinitigan mo ay naroon ang langit kapag gabi. Mayroon ding nakaukit na kung anu-anong symbols sa katawan ng staff. Kung ano man ang ibig sabihin ng mga 'yon, hindi ko alam at wala na akong balak alamin.

"Let's go to the last house. If we finish this today, we'll go back to the base tonight. I'll drive."

Sana naman nga ay matapos namin ito ngayong araw dahil kung hindi, hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko nang matulog dahil kahit magaling na ang mga sugat ko ay may kirot pa rin akong nararamdaman mula sa mga 'to. Lintek na mga demigod na 'yon talaga. Babawi talaga ako kapag nagkataon. I wasn't even prepared for fighting yesterday since I was tired. Pinagsamantalahan nila ang pagod ko. Pero kahit naman siguro hindi ako pagod kahapon ay hindi ko pa rin sila makakayang labanan. They were skilled.

Hindi ko talaga sila mapapatawad kung magkakaroon man ako ng malalaking peklat sa katawan.

Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng pulang bahay. Nang mapatingin ako sa pinto nito ay hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. May kapahamakan ba sa likod ng pintong 'yon?

Nagpatuloy kami sa pagpasok sa gate. Para bang nag-aalangan ako sa kung anong sasalubong sa amin sa loob ng bahay. Nasa loob ba ng bahay na 'yan ang fates?

I can feel an overwhelming aura coming from the house, a heavy and intimidating aura. It was something that wants me to kneel on the ground. Nang lingunin ko ang dalawa ay parang wala lang ito sa kanila.

Ipinikit ko ang mga mata ko at in-activate muli ang life string-seeing ability ko. Baka may halimaw sa loob, mahirap na. Nakahinga ako nang maluwag nang wala akong makitang ibang life string sa paligid, bukod sa mga kasama ko.

Pumasok na kami sa loob ng bahay at ngayon ay mas madilim na ito kumpara kanina dahil madilim na rin sa labas. Si Deion pa rin ang nag-alay ng kaunting dugo at siya na rin ang nagsagot ng puzzle. Kaya niya naman 'to nang solo e. Dinamay niya pa kami. E descendant din ata 'to ni Athena e. Ang talino ba naman.

Bumukas ang table, at mula roon ay nakita namin ang isang gunting. Hindi ito katulad ng normal na gunting o 'yung gunting na ginagamit sa mga hospital. Katulad ng dalawa pang gamit ay kulay ginto ito. Mayroong kulay pulang gem stones sa dalawang handle nito na hugis paruparo. Dinampot ko ito para mapagmasdan nang mas maayos. Pwede ko bang gamitin 'to pagputol ng life strings—

Natigilan ako nang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Mula sa gunting ay naramdaman ko muli ang pwersa na naramdaman ko bago pumasok sabahay na 'to. Hindi sa tao nagmumula ang aura na 'yon?

Kuminang ang mga batong nakalagay rito sa 'di ko malamang dahilan, kasabay ng pagkawala ng mabigat na pwersa sa paligid.

Kinuha ni Deion mula sa kamay ko ang gunting at ipinatong ito sa ibabaw ng mesa kung saan nakalagay ang staff at ang spindle. Matapos nito ay inabutan siya ni Aliyah ng isang dagger. Sinugatan niya ang palad niya at ipinatak ang dugo sa tatlong bagay na pagmamay-ari ng fates. "Though death is inevitable to those who was given life, souls remain and so does power. Through birth, life, and death, Moirai, we summon you."

The candle light disappeared as the wind inside the room howled and raged. Then, the torches on the wall suddenly flared, revealing everything inside the once dark room.

Wow, the room was actually quite cozy. Everything inside is organized, clean, and almost sparkling. It looks like a normal house to me.

I heard snickers out of nowhere. Then, three ladies came on sight. They were sitting on the sofa, having tea. They all look like middle-aged women who were popular in their college days. Maganda silang lahat at hindi mo aakalaing sila ang fates na ipinunta namin dito. Bakit parang iba? Hindi ba't pangit daw ang fates? I've read somewhere that they were not blessed with beauty. Mukhang iyon ay isa nga talagang myth.

They all have black hair and a red pair of eyes. Their looks resemble one another, but their styles are completely different. One of them is holding the spindle—Clotho. Clotho wears a cream-colored chiton with a gold belt. Her hair is only shoulder-length and it was as straight. Lachesis, on the other hand, holds her staff. She is wearing a white chiton with colored threads encircling her waist. She also has large gold earrings. Unlike Clotho, Lachesis has curly hair. The last of them is a woman with wavy jet black hair cascading down her shoulders. On her head, lies a gold laurel that stands out with her hair color. She is wearing a black chiton with a gold belt. A gold sheer shawl was also draped across her shoulders. Isn't she familiar? Why does she look so much like her?

"Why were we summoned?" Lachesis asked.

"The ministry sent us," tipid na sagot naman ni Deion.

"You're here to ask for the prophecy...why don't you seek Apollo? It is him who can give you what you yearn to gain from us," sabi naman ni Clotho.

Nagkibit-balikat lamang kaming tatlo at hinintay ang kasunod nilang sasabihin ngunit ilang sandali na ang lumipas at wala pa rin silang sinasabi. Nagtinginan silang tatlo at sabay-sabay na tumango. "We can only give you a warning."

Biglang namatay ang sindi ng mga torch at sa pangalawang pagkakataon ay nagwala ang hangin sa loob ng silid. Nawala rin ang lahat ng liwanag at ngayon ay ang tatlong pares ng kulay pulang mga mata na lamang ang makikita sa paligid.

Bumigat na naman ang pakiramdam ko at parang kahit anong sandali ay mapapaluhod na ako. Masyadong malakas ang vigor na nakapaligid sa amin at para bang anumang sandali ay lalamunin kami nito.

"The birth of death births a curse..." Clotho said. A cold gust of wind enveloped me as Clotho's cold voice rings in my ear.

"And the life of the vine costs the life of men," Lachesis followed. Their words sank deep into my skin and sent shivers down my spine. From where in the underworld does this chilling aura come from?

I froze on where I stood when I met the eyes of Atropos as she spoke. "But the death of the dead is life."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro