Chapter 13
DANGER
Ajax Draven's POV
Matapos kong maputulan ng life strings ang dalawa kong target ay nagkaroon pa ako ng apat na targets sa ibang location. Nagpahatid na lamang ako kay Dillon sa location at pinabalik na siya sa base. Nakakahiya naman kasi, nakakasagabal pa ako sa kanya. Tsaka gabi na rin, baka gutom na ang isang 'yon.
Naglalakad na ako ngayon sa pamilyar na gubat dahil tapos ko na ang pang-anim kong target. Binabalak kong bumalik sa bahay para bisitahin man lang ito. Nami-miss ko na rin ang kwarto ko at ang iba kong gamit na naiwan ko rito. Isa pa, maaga pa naman para bumalik ako sa base, it's only quarter to nine.
Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko at nag-send ng text message sa kung sinong contact sa Stellars na una kong makita, except kay Eli at Ali. Kahit malabo namang may mag-alala sa akin doon ay kailangan ko pa rin itong ipaalam sa kanila. Matapos nito ay ibinalik ko na ulit ang phone sa bulsa ko.
Maaliwalas ang gabi at para bang napakatahimik ng paligid. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon, malayong-malayo ito sa kaba na lagi kong nararamdaman simula noong nalaman kong demigod ako. So weird.
Nang makapasok ako sa bahay ay wala naman akong nakita na pinagkaiba nito. Seems like the housekeeper I hired does her job quite well.
Pumasok ako sa kwarto at naligo. Masyado nang malagkit ang katawan ko dahil sa trabaho ko ngayong araw. Nakakahiya rin namang bumalik sa base nang hindi ako fresh, e fresh ang lahat ng taong naroon.
Matapos maligo at magbihis ay umupo muna ako sa sofa at pinagmasdan ang mga bagay sa paligid. Nakaka-miss din pala rito kahit ilang linggo pa lang akong wala sa bahay na 'to.
A sudden throb occurred in my chest, followed by a strong pull. It was so loud that I almost became dizzy. The force was unlike the pulling force I feel whenever I have a target, it was much stronger. I searched for its source, and my eyes landed on my portrait when I was three years old. What's with that?
When everything seems to went back to normal, I stood and went to the portrait. Anong katangahan naman ang gagawin ko? Kinatok-katok ko ang painting na parang isang pinto. Wala naman akong naririnig na ibang tunog. Pinagmukha ko lamang tanga ang sarili ko. Tinanggal ko ito mula sa pagkakasabit at ipinatong sa coffee table. Nang lingunin ko ito ay may tatlong bricks na naiiba ang orientation sa mga nakapaligid sa mga ito. Paano ko naman tatanggalin 'yan? Alangan namang sirain ko?
Kinatok-katok ko ang bricks at laking gulat ko nang tumunog ang mga ito at unti-unting gumalaw. Katulad ng nangyari noon sa gallery ay umikot-ikot ang mga ito hanggang sa maging portal. Ang galing talaga ng mga bagay na ganito. Akala ko ay sa mga palabas ko lamang ito makikita.
Dahil hindi naman ako kasya sa portal na 'to ay isinuot ko na lamang ang kamay ko rito. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong nasa likod ng portal na 'to. Paano kung mapahamak ako? Paano kung may ahas pala rito o tigre? Napailing na lamang ako at maingat na kinapa ang loob ng portal. Hindi naman ako ipapahamak ni mama siguro. Isang matigas na bagay ang nahawakan ko, parang kahon. Dinukot ko ito at inilabas sa portal. Kusa namang nagsarado ang portal at bumalik sa dati nitong itsura. Ibinalik ko muna ang portrait sa pagkakasabit nito sa pader.
Ipinatong ko ang rectangular box sa table at pinagmasdan ito. It was a dark brown wooden box carved with some symbols I don't know the meaning of. Wala akong makitang kahit anong lock nito kaya't sinubukan ko itong buksan, pero para bang naka-glue ang box dahil hindi ko ito mapaghiwalay. Inalog-alog ko rin ito para malaman kung may laman ba 'to o nagsasayang lang ako nang oras. Mukhang may laman naman. Hindi ko naman ito pwedeng ibato sa kung saan o pukpukin ng kung ano. Baka mamaya ay babasagin pala ang nasa loob ng kahon, masabihan pa akong tanga ng nanay ko.
Tinitigan ko na lamang ang box. Bahala ka sa buhay mo—
Natigilan ako nang maramdaman ang isang malakas na tibok ng puso ko. Hindi ito katulad ng nangyayari kapag may target ako, pero alam ko kung ano ang ibig sabihin nito...panganib.
Itinago ko sa bulsa ng hoodie ko ang kahon at tsaka inihanda ang sarili ko. Sa isang kisapmata, nakita ko ang sampung gintong life strings mula sa iba't ibang direksyon. Nasisigurado kong napapalibutan na ako ngayon, at hindi pa ako nagkakamali sa mga kutob ko sa kapahamakan.
Hindi ko sila pwedeng papasukin dito sa bahay dahil sigurado akong masisira ito, demigods ang mga kalaban ko kaya't kailangan kong mag-ingat. Hindi ako sigurado kung makakaya ko ba silang labanan lahat. Dehado ako...
Dumukot ako sa bulsa ko at nag-send ng location ko sa kung sinumang Stellar na available. Bahala na.
Tumakbo ako palabas ng bahay at siniguradong naka-lock ito. Nakakailang hakbang pa lang ako sa labas ng gate ay naramdaman ko agad ang isang kamay sa braso ko. Hinigit ko ito at ibinagsak sa lupa bago nagpatuloy sa pagtakbo. Isang lalaking nakasuot ng mask ang umatake sa akin ngunit hindi ko na siya pinagtuunan pa ng pansin. Nararamdaman ko nang malapit na sila sa kinaroroonan ko kaya inihanda ko na ang sarili ko.
Isang dagger ang bumulusok mula sa kanan ko na kaagad kong naiwasan. Sinundan ito ng ilan pang daggers at shuriken blades. Hindi ko naiwasan ang ilan sa mga ito kaya't nadaplisan ako sa ilang bahagi ng katawan ko. Kung hindi nga naman minamalas, nasugatan pa ako sa kaliwang pisngi. Tiningnan ko ang pinagmumulan ng mga string at nasigurado kong napapalibutan na nila ako sa madilim na gubat na 'to.
Tumalon mula sa magkatabing puno ang dalawa pang taong naka-mask at sumugod papunta sa akin. Sumipa ang isa sa may bandang kanan ko kaya umatras ako ng isang hakbang at sinalo ang paa niya. Hinawakan ko ito nang mahigpit, dahilan para mapasigaw siya. Matapos nito'y inihagis ko siya sa kasama niya. Natumba silang dalawa ngunit nahawakan naman ako ng dalawang tao sa magkabilang kamay.
"So low of the ten of you to ambush someone like me. I'm a novice, as you know, and you didn't have the confidence to send only one to kill me? You need ten, seriously—" Para ba akong masusuka dahil sa lakas ng suntok ng isa sa tiyan ko. Nalasahan ko ang dugo mula sa bibig ko kaya't idinura ko ito sa lupa.
Pinanlisikan ko ng mata ang lalaking sumuntok sa akin. "'Yun na 'yon? Come on, you can do better than that." Nang akmang susuntukin niya muli ako ay ay hinigit ko nang malakas ang kamay ko mula sa dalawa ngunit masyadong mahigpit ang pagkakakapit nila.
I did a somersault and freed myself from them, my feet landing the face of the one who punched me. Buti nga sa'yo! Sinuntok ko sa tagiliran ang isang humawak sa akin. Napadaing naman ito pero nakabawi rin kaagad. Lumapit na rin ang tatlo pa at sumali sa pambubugbog sa akin. Hinawakan muli ng dalawa ang kamay ko. Sinabunutan naman ako ng isa at sinipa ako sa binti ng isa pa. Mga hayop na 'to...
"You should be killed, you low life." Mula sa kamay ng isa ay lumabas ang isang espada.
Thanatos, baka naman maisipan mo akong tulungan.
Isang sampal ang natanggap ko mula sa lalaking tumalon mula sa kung saan. Napakalakas nito na para bang nahilo ako. Nakagat ko rin ang labi ko kaya't damang-dama ko ang pagtulo ng dugo mula rito. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko sa mga hayop na 'to. Wala pa naman akong inaangasan na kahit sino, sa pagkakatanda ko.
Nang makalapit sa akin nang tuluyan ang taong may hawak ng espada ay kumabog nang malakas ang dibdib ko. Hindi maganda 'to. Maaaring mamatay nga ako kung hindi pa ako makakatakas. Nang sinubukan kong magpumiglas ay naramdaman ko lamang ang lalong paghigpit ng mga hawak nila, pati na rin ang pagsabunot sa akin ng isa. Huwag lamang talaga akong makakawala rito, gagantihan ko ang mga 'to.
Itinapat ng lalaki ang tip ng espada sa leeg ko. I felt all my body hair rise when the cold metal touched my skin. It slowly went deeper until I felt something dripped down from it. I groaned because of the pain it is causing me.
Hindi ako pwedeng mamatay rito dahil nakakahiya ang magiging headline sa news papers ng ministry. The Son of Death Died a Horrible Death.
Pumikit ako at pinakiramdaman ang magi na dumadaloy sa core ko. Huminga ako nang malalim kahit na nanginginig na ang buong katawan ko. Nanlalamig na rin ang mga kamay ko. Nang magmulat ko, sumiklab mula sa katawan ko ang vigor ko, kasabay ng paglabas ng espada sa kamay ko. Para bang nagkaroon ako ng karagdagang lakas dahil nakawala ako sa hawak nila. Nakalayo na rin ako sa espada ng lalaking may balak na gilitan ako sa leeg. Pinunasan ko ang dugong tumutulo sa leeg ko gamit ang kamao ko at seryoso silang tiningnan.
Pinagapang ko sa Azrael ang vigor ko hanggang sa kuminang ang mga mata ng dragon.
Ngayon ay kaharap ko na ang sampung taong nang-ambush sa akin. Nakalabas na rin ang mga espada nila, at katulad ko ay nababalot na rin ng vigor ang mga espada nila. Iba't iba ang kulay ng mga ito. Huwag na lang sana akong makaharap ng anak ni Ares, malilintikan talaga ako.
Sabay-sabay silang sumugod papunta sa akin habang nakatutok sa akin ang mga espada nila.
Huminga ako nang malalim at hinawakan nang mahigpit ang espada ko. "Azrael: Death whip." When I slashed my sword towards them, a rope-like light went in their direction and surrounded them. Most of them managed to escape, but the three were captured. The light tightened and the three of them screamed. The others attacked me from different directions so I prepared myself for another attack.
"War blade: Lion's roar." When the sword was about to hit me, a red lion appeared and struck my blade. I felt the strong intensity of the attack that I was almost thrown off the ground.
Isang espada pa ang papunta sa kinaroroonan ko kaya't mabilis kong iwinaksi ang espada ng anak ni Ares. Muntik na akong madali sa tagiliran. Mabuti na lamang at naiharang ko kaagad ang espada rito. Sinipa ko siya sa binti kaya't napaluhod siya, ngunit hindi ko naman naiwasan ang isang atake mula sa likuran ko kaya't napasigaw ako. Isang malaking hiwa ang natamo ko sa likuran ko. Damang-dama ko ang hapding dala ng malaking sugat ngunit ininda ko na lamang ito.
Napasigaw akong muli nang isang espada ang dumaplis sa kanang braso ko. I bit my inner cheek to prevent myself from cursing when another blade hit me. Masyado silang marami. Paano ko sila tatalunin? Sa mga atake nila, halatang matagal na silang nagte-training.
Siyam na lamang sila dahil bagsak na ang isa sa kanila, ngunit hindi pa ito patay. Maliwanag pa ang life string niya. Sabay-sabay na umatake sa akin ang mga natitira ko pang kalaban na nakapalibot sa akin. Kailangan ko silang mapalayo sa kinaroroonan ko sa pamamagitan lamang ng isang sword art dahil hindi ko kayang iwasan nang sabay-sabay ang mga atake nila.
"Die!"
Isang atake ang biglang lumabas sa isip ko nang malapit na sila sa kinaroroonan ko. Hinawakan ko nang mahigpit ang sandata at bumuga ng hangin. "Soul sword: Death wheel." Nabalot ang hilt ng usok na kakulay ng vigor ko, at sa isang iglap ay napalibutan ako ng vigor ko na para bang gulong na iniikutan ako.
Nahagip ang dalawa ng atake ko. Ang iba naman ay nakalayo kaagad.
Kung magpapatuloy ito ay nasisigurado kong mauubusan na ako ng dugo. Masyadong malaki at masakit ang sugat sa likuran ko. Hindi ko ito kayang indahin nang matagal ngunit kailangan kong makatakas sa kanila. Pero paano ko 'yon gagawin kung halos naninigas na ang mga binti ko sa kinatatayuan ko?
Isang dagger ang nararamdaman kong papunta sa kinaroroonan ko kaya't umatras ako para umilag, ngunit hindi ko inaasahan ang isa pang dagger kaya't tumama ito sa balikat ko. Napasigaw ako dahil sa sakit. Para bang pinupunit ang kalamnan ko sa bawat sandaling lumilipas. Para bang ang buong katawan ko'y nababalot na ng kirot.
Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko at hinugot ang dagger. Tumulo ang masaganang dugo mula sa sugat kaya't napahinga ako nang malalim. Walang hiya...mabuhay pa kaya ako pagkatapos ng labanang 'to?
Nang makalapit sa akin ang isa ay isinaksak ko ang dagger sa binti niya. Mabilis ko itong hinugot at sinaksak pa ang kabila niyang binti. Sinipa ko rin siya sa tiyan hanggang sa bumagsak siya sa sahig.
Kaunti na lamang at nararamdaman ko nang babagsak ang katawan ko sa lupa. Wala na akong lakas at namamanhid na ang katawan ko. Unti-unti na ring lumalabo ang paningin ko habang tumutulo ang mga luhang hindi ko alam kung saan nanggaling.
Napaluhod ako sa sahig habang dinadama ang mga dugong tumutulo sa mga sugat ko. Naramdaman ko na ang papalapit na yabag ng mga kalaban ko. Mukhang wala na akong magagawa. Hanggang dito na lamang siguro ako.
"War blade: Eagle's claw—"
I closed my eyes and waited for the attack to rip me up alive. Thanatos, help me.
Suddenly, I heard crackles of lightning as a gust of wind passed by me. It was followed by screams and groans. Then, I heard the splash of water, the sound of something burning, and I caught a glimpse of light.
I smiled weakly before I fell to the ground completely, my energy depleting fast and my breathing heavy. They're here.
"Finish this and don't let anyone escape. I'll drive him to Dr. Smith." I heard as someone put my arms around his shoulders before carrying me. "Hang in there, son of death, don't you give up on me."
⚔
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro