Chapter 1
DEATH
Ajax Draven's POV
Napamura ako nang makita ang wall clock pagmulat ng mata ko. 8:45 am na, 8:30 ang simula ng klase ko ngayong araw. Late na naman ako, pero ano pa nga ba ang magagawa ko?
I wore my uniform after taking a quick bath and went outside the house. Habang naglalakad, naisip kong huwag nang magpakapagod dahil alam kong kahit anong gawin ko ay late pa rin naman akong makakarating sa paaralan. Ano pa ang saysay ng pagmamadali ko kung pagdating ko naman doon ay sermon lamang ang aabutin ko?
Balak kong dumaan muna sa isang shop para bumili ng iced coffee at ng tinapay na maaari kong kainin habang naglalakad papunta sa school. I don't care if I won't make it on my first class. The teacher's lectures will only bore me.
Maganda ang panahon ngayong umaga. Hindi gaanong masakit sa balat ang sinag ng araw na humahaplos sa mukha ko at ang hangin nama'y banayad. Ang mga huni ng ibon lamang ang naririnig ko at tila ba wala ako sa syudad dahil napakatahimik ng paligid at wala akong naririnig na busina ng mga sasakyan, maging ang maitim na usok na kadalasang nalalanghap ko ay hindi ko maamoy sa hangin. Bakit parang may kakaiba sa paligid ko? Anong mayroon ngayong araw?
Habang naglalakad, isang maliit na batang babae ang nakaagaw ng pansin ko. Masaya itong naglalakad, bitbit ang isang bulaklak na kulay itim. Tumatalon-talon pa ito habang iwinawasiwas ang bulaklak at kapagkuwan ay humahagikhik. What a weird little girl...
A white van stopped in front of her. Then, two masked men came out of it. One look and you can already tell...those bastards look dangerous.
Hindi ko na lamang ito tinapunan pa ng pansin dahil wala naman akong kinalaman sa kanila. Isa pa, kumakalam na ang sikmura ko dahil nakalimutan kong kumain kagabi. Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit napatigil muli nang marinig ang sigaw at pagngawa ng bata.
Mahigpit ang pagkakahawak ng dalawang tao sa magkabilang braso ng batang babaeng nagpupumiglas. Napailing na lang ako at napapikit nang mariin. Nagpakawala ako ng isang buntonghininga dahil sa pagdadalawang isip.
I will be in big trouble for sure. Anyway...
"Fools!" pagkuha ko sa atensyon ng dalawang lalaki at tsaka ibinato nang malakas ang bag ko sa kanila. Tumama sa mukha ng isa ang bag kong may kabigatan kaya't tumumba ito at nabatiwan ang braso ng bata.
Tinadyakan ko naman ang isa sa tiyan ngunit nahawakan kaagad nito ang paa ko. I jumped and kicked his face hard when he lost the grasp of my leg. Bumagsak ito sa sahig, dahilan para mapasigaw ito nang malakas.
Nang akmang bubuhatin na ng isa pa ang bata, lumapit ako rito at tsaka sinuntok ito sa tagiliran. Sinipa ko rin nang marahas ang binti nito para hindi na makatayo pa.
Nang akmang lalapitan ko na ang bata ay isang sibat ang namuo sa kamay ng lalaking sinipa ko sa mukha. Saan nakuha ng damuhong ito ang sibat?
Tumayo ito kaagad at tumakbo papunta sa kinaroroonan ko. Umilag ako nang ihilig nito ang sibat papunta sa mukha ko. Makinang at halatang matulis ang dulo ng sibat kaya't delikado kung matatamaan ako nito.
Hinigit ko papunta sa likuran ko ang bata para hindi na malapitan ng dalawang asungot na kaharap ko. Imposibleng kidnappers lamang ang dalawang ito. Walang kidnapper ang magdadala ng sibat sa pangunguha ng bata. Tsaka anong klase ng kidnapper ba ang may kakayahang magpalabas ng sandata?
Lumakad ako papalapit sa kanya habang umiiwas sa mga atake niya. Seriously, this one is dumb. Hinawakan ko ang gitna ng sibat ngunit pinagsisihan ko rin nang biglang hinigit ito nang malakas ng kalaban ko.
Napapikit ako nang maramdaman ang matigas na sahig sa likuran ko. What the—
Itinapat ng lalaki sa akin ang sibat kaya't hindi ako makagalaw. Ang isa naman ay mabilis na kinuha ang bata at itinakbo papunta sa sasakyan.
Nakipagtitigan ako sa lalaking mayroong mapupulang mga mata. Adik ba 'to o ano?
Nang makuha ko ang atensyon niya ay napangiti ako bago siya sinipa sa tuhod. Tumayo ako kaagad at inagaw ang sibat sa kanya. Hindi pa ito nakakatayo ngunit sinaksak ko na ito sa likod gamit ang dala niyang sandata.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pangyayari sa harapan ko. Imbis na may tumulong dugo mula sa sugat na ginawa ng sibat, unti-unting nilamon ng naglalagablab na apoy ang kidnapper. Binalot ng kilabot ang katawan ko nang magsisigaw ito at humingi ng tulong, kasabay ng iba pang mga boses na hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari. Para bang nagmula sa impyerno ang mga boses, at hindi ko kailanman gugustuhing marinig itong muli.
Habang gumagapang sa katawan nito ang apoy ay unti-unting nagbabago ang anyo nito. Tumutulis ang mga ngipin at unti-unting tumutubo mula sa likuran nito ang isang pares ng pakpak. Ngunit bago pa man ito tuluyang pumagaspas ay naging abo na ang katawan niya at nilipad ng hangin papalayo sa akin.
What was that?
Nasisiguro kong bakas ang takot at ang pagkabigla sa aking mukha. Ikaw ba naman ang makakita ng halimaw na pangit at makarinig ng mga boses mula sa impyerno. Mabilis ang kabog ng dibdib ko at namumuo na rin ang pawis sa noo ko. Napalunok na lamang ako at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Sana ay panaginip lamang ang lahat ng ito.
"Help!" narinig kong sigaw ng bata. Napailing ako at isinawalang bahala na ang pangyayari sa kidnapper.
Tumakbo ako papunta sa isa ko pang kalaban na malapit nang maabot ang van. Mukhang busy ito dahil hindi niya napansin na nasa likuran na niya ako. Katulad ng ginawa ko kanina ay sinaksak ko ito sa likuran. Unti-unti rin siyang nilamon ng kulay pulang apoy bago naging abo at naglaho na parang bula.
Pinunasan ko ang luha ng bata na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang itim na bulaklak.
"Are you alright?"
Hindi ito sumagot ngunit nakipagtitigan lamang ito sa akin. She has this violet irises and long eyelashes. Kapansin-pansin rin ang kakaibang pagliwanag ng kanyang maputing balat at ng kanyang kulay puting buhok.
Kinilabutan ako nang ngumiti ang bata sa akin. Nabalot ito sa isang nakakasilaw na puting liwanag kaya't nabitawan ko siya at iniharang ang braso ko sa aking mga mata.
Nang tanggalin ko ang ito sa harap ko ay isang matangkad na babae ang tumambad sa harapan ko. She is wearing a white and gold dress under a thin black cloth. On her head, lies a crown made up of black glowing flowers.
"So, you are his son, huh?" sabi nito. Malumanay ang pagkakabigkas niya ngunit kinilabutan ako nang maramdaman ang otoridad dito.
"Son of whom? And who are you?"
"You will find it out soon, Ajax. And you don't need to know who I am. Thank you for saving me," huling sabi niya bago mawala sa paningin ko. Sa kinatatayuan niya ay naiwan ang isang bulaklak na kulay itim, katulad noong nakapatong sa ulo niya.
Hindi makapaniwalang pinulot ko ito at isinilid sa bag ko.
Kahit nababagabag pa rin ako sa pangyayari ay nagpatuloy na ako sa paglalakad at pinasukan ang lahat ng klaseng maaari ko pang pasukan ngayong araw.
• • •
The orange skies above are about to be replaced by the night sky and I'm still walking on this muddy path towards my home. This really is inconvenient for me. Why did my parents think of building a house inside the forest? Ako tuloy ang nahihirapan.
'Draven, come home quick, please. The time is running.' Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang hinihingal na boses ng isang lalaki. It is unfamiliar yet it seems like I know whose voice is that.
Yes, I'm Draven, pero sino ang taong bumanggit ng pangalan ko?
Inilibot ko ang paningin sa paligid ngunit kahit isang anino man lang ay wala akong nahagilap. Wala rin ni anong kaluskos akong naririnig. Isa na naman bang kababalaghan ang nangyayari? O baka naman nababaliw na ako?
Dali-dali akong tumakbo nang makita kong bukas ang ilaw ng bahay ko. Walang ibang makapagbubukas nito dahil wala akong kasama sa bahay at hindi ko iniiwanang bukas ang ilaw rito.
Shit.
Mabilis kong kinuha sa loob ng bulsa ko ang susi at binuksan ang gate. Binilisan ko ang kilos hanggang sa makapasok ako sa loob ng bahay.
I stopped running when I saw a pair of big black wings covering one of my sofas. The pair of wings were deep black and it can almost cover my entire living room. What the hell is this thing?
Mabilis kong kinuha ang baseball bat na nasa tabi ng pinto at tsaka itinutok sa nilalang na nasa harapan ko.
"D-draven?" nanghihinang pagtawag ng taong nakatago sa ilalim ng pakpak sa pangalan ko.
"Sino ka? Anong ginagawa mo rito sa pamamahay ko?" seryosong tanong ko habang nakatutok pa rin sa kanya ang bat. May
"Quite a shame that my son was asking why the owner is inside his house," tugon nito. Dama ko ang pagod at ang hirap na dinaranas niya sa mga sandaling ito dahil sa boses niya.
Son...Owner...
"Show yourself."
Napaatras ako nang bahagyang gumalaw ang kanyang pakpak.Nahulog ang ilang kagamitan dahil sa pwersa na nagawa nito kaya't napairap na lamang ako sa kawalan. Madadagdagan na naman ang linisin ko.
Nang mawala ang pagkakataklob ng mga pakpak, isang sugatang lalaki ang bumungad sa akin.
He is wearing a pair of black pants and shoes. He is not wearing any shirt so the wounds and bruises painted on his torso were exposed. He is a bit taller and bigger than the size of a normal man. His skin is as white as snow and his features, I can say, were like those of the gods, as well as his toned body. Who is he really?
"Of course, you would not recognize your own father..." mapait na saad niya habang nakatingin sa akin ang nagliliwanag niyang mga matang kulay ginto katulad ng dugong lumalabas mula sa mga sugat niya sa katawan.
"I am your father, Draven. I am Thanatos, the personification of Death..." pagpapakilala nito.
Umismid ako bago walang ganang tumingin sa mga mata niya. "My father is dead."
"Your father cannot be dead for he, himself, is death," kontra niya sa sinabi ko.
"Then what do you need, father?" sarkastikong tugon ko. Diniinan ko pa ang pagkakabanggit ng huling salita para madama niya ang pagiging sarkastiko nito.
"I need your help, son. I need you to take this." Inilahad niya ang kamay sa harapan ko. Mula rito ay lumitaw ang isang kulay itim na espada. Kung titingnan mong mabuti, para bang nababalot ito ng lason dahil sa usok na nagmumula rito. Delikado, nakamamatay.
Inismiran ko siya. "And what am I supposed to do with that? Stab myself?"
Napatawa siya nang mahina. "I never knew my son would grow this stupid."
He's badly injured and he can still laugh at this situation?
"I need you to take my position as 'death' here for the meantime."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Tinginan ko siya sa mata at mapait na ngumiti. "Seryoso ka ba?"
Napatawa na lamang ako nang pagak. "I lived all of my life in this unfair world without a father. Now, you're suddenly back and giving me your job? Hindi ba't parang ang kapal naman ng mukha mong gawin sa'kin 'to?"
Nagbabadya na ang luha kong tumulo mula sa mga mata ko sa sandaling ito dahil sa magkakahalong inis, galit, lungkot, at sakit. "Iniwan mo kami ng nanay ko simula noong ipinanganak ako. Wala ka noong lumaki ako. Nasaan ka noong nawala si Mama? Binalikan mo ba ako? Tinulungan mo ba kami?"
Hindi ko na napigilan ang mga luhang nag-uunahang pumatak mula sa mga mata ko habang inaalala ang mga pangyayari noong nawala si mama. "Kung sana'y hindi mo kami iniwan, b-baka sakaling buhay pa si mama sa mga oras na 'to! Baka hindi ko kinailangang mamuhay mag-isa at araw-araw na nasasaktan dahil wala na siya," nanghihinang saad ko habang inaalala ang mga araw na halos mawalan na ako ng luhang mailalabas.
Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Malungkot din ang ngiting nakapinta sa mga labi niya. Walang anu-ano'y hinigit niya ako sa isang mahigpit ngunit komportableng yakap.
"Hush now, my child. I am sorry you had to experience all of those alone," he said as he held my head gently, combing my hair with his fingers.
"I never wanted to be away from both of you, Draven. It was never my intention to leave you and my love alone. They promised me, son, they promised to not hurt you and your mother." I cried silently in his arms like a vulnerable kid who was left alone in the dark.
"I am really sorry. I hope you can still forgive me." After crying , I pulled away from his hug.
Matapos ang ilang sandali ay napapikit ito nang mariin. "They might catch me here any moment from now. I can't afford to lose you, too, my love. I need to go now. I will find you after cleaning this mess, and explain everything to you when I can. Don't worry, you will find them soon," nagmamadaling sabi nito at niyakap akong muli bago siya lamunin ng kulay itim na usok.
"σ' αγαπώ, Ajax Draven."
'Sleep,' I heard him say before my consciousness left me.
Nagising ako nang maramdaman ang mainit na sikat ng araw na tumatama sa aking pisngi. Naramdaman ko ang malamig na sahig na hinihigaan ko. What the hell am I doing here? If I remember correctly, I did not come home drunk, and I have never been drunk in my entire existence.
Iniangat ko ang braso ko ngunit naibaba ko rin kaagad dahil sa isang mabigat na bagay na kapit ko. Tumayo ako at kusang napakunot ang noo ko nang makita ito.
A black sword? Saan naman ito nanggaling?
Memories of yesterday's events came flashing on my mind. Someone who claims to be my father showed himself and gave me a sword and his position as death.
Hindi ba panaginip lamang 'yon? Sinong hibang naman ang maniniwala sa kanya? Paano ko siya naging tatay? Tsaka anong god of death? I do like Greek mythology but I am not stupid to believe it.
But then, I remember his pair of black wings, golden eyes, and gold blood. Naalala ko rin ang babaeng may dalang kulay itim na bulaklak at ang dalawang kidnapper.
What in the underworld is happening to my life?
⚔
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro