CHAPTER 9
"What happened Judi?" nag-alalang tanong ko kay Judi na nasa entrance ng school, pinatawag ako dito ngayon dahil napa-away raw si Xandre, mabuti nalang at nakahanap ako ng alibay kay sir kaya maaga akong naka-uwi.
"Sinuntok po ni Xandre ang isang kaklase niya ate, nasa principal office po sila kasama ang mommy ni Tristan."
"Sige, salamat." lakad takbo ang ginawa ko hanggang makarating ako sa opisina ng principal, mabilis na itinulak ko ang pintuan, "Good afternoon po." bati ko sa principal at sa babaeng inaalo ang matabang batang lalake na iyak ng iyak sa kandungan nito, napantastikuhan namang lumapit ako kay Xandre na prenteng naka-pandekuwatro pa habang nagbubuklat ng libro.
"Mama!" seryoso ang mukhang sigaw niya pero hindi naman lumapit sa akin, this is it! Lumalabas talaga ang pagka-aroganteng bata ni Xandre kapag ganitong may kinasasangkutan siyang gulo, kung ang ibang bata na kasing edad niya ay iiyak kapag ganito ang nangyari, siya naman taas pa ang noo na akala mo kung matanda na.
"Mabuti at dumating ka Mrs. Pagonzaga, Xandre punch Tristan." imporma ng principal.
"Naku kapag nalaman 'to ng asawa ko, malalagot talaga kayo!" mataray na banta ng babae na nagpapagting naman sa tainga ko.
"Away bata lang naman siguro 'to ma'am, bakit kailangan niyo pang manakot?" seryoso ang mukhang baling ko sa babae.
"Tristan made me mad mama, he push me twice at the hallway, I warned him." sansala naman ni Xandre na nakatingin sa kaklase niyang umiiyak pa rin. "I didn't started it."
"Ask your son what really happened ma'am." suhestiyon ko, "Hindi na siguro natin kailangan pang magtakutan, we can check the footage on the CCTV too."
"We can settle it here Mrs. Alano," the principal butted in, "Away bata lang ang nangyari, siguro we, as a parent we will just give them advice not to hurt anybody nor bully anyone."
"Pasensiya na, mainit lang siguro ang ulo ni Tristan, kulang sa tulog eh." hinging paumanhin ng ginang. "Sorry kung nakapagsalita ako ng ganu'n, na carried away lang ako."
"It's okay, tama si ma'am." tukoy ko sa principal, "let's not stop reminding them not to bully anyone."
"Excuse me mama!" nakataas ang kamay na tumayo si Xandre. "I never start trouble, I punch who will punch me too."
"Xandre, say sorry to Tristan." malambing na utos ko sa kanya pero umiling lang siya. "Sige na, para hindi na siya iiyak oh."
"Ayoko magsorry mama! It's not my fault! He should be the one who will say sorry!" magkasalubong ang kilay na tumayo siya sa harapan ko. "Im right mama, I will say sorry if I started it."
Oh God Xandreon! Why you have this mind set at the young age? Binuhat ko siya at tiningnan sa mga mata. "Magsorry ka o magagalit ako sayo? Kahit mali niya hindi mo siya dapat sinaktan, anak!"
"He hurt me too!" magkasalubong pa rin ang kilay na yumakap siya sa akin. "Let's go home mama."
"Not, unless you say sorry." pagmamatigas ko. "Xan-
"Hayaan mo na Mrs., puwera usog pero ang talas mag-isip ng anak niyo, parang matanda na."
Hindi ko alam kung mahiya, mainsulto o matuwa dahil sa narinig.
Matigas lang naman ang ulo ni Xandre kapag alam niyang nasa tama siya, pero parang iba naman ang dating nu'n sa akin, parang lalabas pa na hindi ko kayang disiplinahin ang limang taong gulang na bata.
Pagkatapos namin mag-usap umuwi na rin kami, panay ang tingin ko kay Xandre sa salamin at base sa mukha niya bad mood pa rin siya, he's upset, he didn't even talk to me since we step out from the principal's office.
"Mama, it's not really my fault!" naririnig kong himutok niya sa likuran.
Sabi ko na nga ba eh, isa lang naman ang paraan para bumalik sa normal ang mood niya. Lumabas muna kami ng village para magdrive-tru sa Jollibee.
Tumigil ako sa tapat ng pag-orderan at nag-order ng isang bucket ng fried chicken.
"Miss, tatlo lang ang spicy ha, the rest regular na."
"Okay ma'am, anything else?"
"Tatlong sundae, pakilagay nalang sa baso ng coke lahat, pagsamahin na, saka isang nakahiwalay rin."
"Okay ma'am, meron pa po ba?"
"Wala na."
"Next window nalang po tayo ma'am."
"Mama, hindi mo dapat ako pinapahingi ng sorry kapag hindi ko kasalanan, saka I never start a fight po."
"Manahimik ka Xandre, sa bahay tayo mag-uusap." saway ko sa kanya. "You shouldn't talk to me like that!" matigas ang boses na baling ko sa kanya.
"Sorry po mama," nakangusong turan niya. "I love you po."
Hindi ko na muna siya pinansin hanggang sa nakuha na namin ang order, itinabi ko muna ang sasakyan at ibinigay sa kanya ang icecream at ang isa naman kay Judi.
"Thanks po mama." matamis na ngiting tumayo siya at hinalikan ako sa noo. "Sorry po ulit."
"You're welcome, but we have to talk, we need to talk after you shower, okay?"
"Opo." tumatangong sagot niya habang nilalantakan ang icecream. Malalim akong napabuntong hininga ng makitang maaliwalas na ulit ang mukha niya.
Pagdating sa bahay agad rin siyang pinaliguan ni Judi, kinausap ko na rin siya tungkol sa nangyari, pero alam ko kahit opo ng opo 'yan, hindi pa rin susunod lalo na kapag nanahimik siya sa isang tabi at pakikialaman.
Siguro ang tapang ng kalahi ng ama niya, kung nandito lang sana si ate siguro hindi ganito ang nangyayari, pero kahit ano pa ang mangyayari palakihin ko pa rin siyang marunong rumespeto sa kapwa.
Patulog na ako ng tumunog ang cellphone ko, buong ingat na binaklas ko ang kamay ni Xandre sa pagkakayakap sa akin para abutin ang cp na nasa sidetable.
Kinuha ko ang eyeglasses ko at tiningnan kung sino ang nagtext, hay ang baliw na naman, ano ba nakain sa weirdo na 'yon at panay text.
It was a simple hi from him, followed by asking if everything is okay.
Muli kong ibinalik ang cp sa mesa at hindi na siya nireplyan, ayokong pati out of work magiging close kami, kahit matagal ko na siyang crush mas okay na 'tong umiwas, lalo na magpapakasal na siya.
Hihiga na sana ako ng marinig ang tunog ng ringtone ko.
"Hmmm mommm!" naiiyak na sambit ni Xandre ng hindi niya ako makapa, pinatay ko ang cellphone at tinabihan siya. "Mamaaa?"
"Ssshh Mommy's here sweetheart." niyakap ko siya at hinaplos ang kulot niyang buhok.
Kinabukasan maaga pa lang nasa lobby na ako ng MHC building, fifteen minutes pa bago mag alas-otso. Kinuha ko ang cp sa bag ko dahil nakalimutan ko palang buksan kanina pagkagising ko.
I walk towards the elevator while waiting for my phone to open, pumasok agad ako ng magbukas ito, napahigit ako ng malalim na hininga ng mapansing ako lang ang sasakay.
Nasa loob na ako ng sunod-sunod na message ang pumasok sa inbox ko. Kusa ng tumaas ang kilay ko ng makitang galing lahat kay sir 'yon.
Weirdo:
Are you okay?
Hey Koko!
Please answer!
Koko!
And the list go on... Wala ba 'yon ibang pagtripan? Ako pa talaga hay. Nanahimik ako eh, bakit kaya hindi nalang ang fiancee niya ang kulitin niya, baka mamaya pagselosan ako nu'n.
Lumabas ako ng elevator at ganu'n nalang ang gulat ko ng makitang may boquet ng red rose sa ibabaw ng mesa ko. Tumingin ako sa paligid pero wala pa namang tao.
Pinulot ko ang bulaklak at sinipat 'yon, mabilis na kinuha ko ang card at binasa ang nakasulat.
"Your smile is like a sunshine, it gives hope and positivity." basa ko sa nakasulat, wala namang pangalan kung saan galing, baka wrong delivery lang. Muli kong sinuri ang card, napabuga ako ng hangin ng makitang may K.H na initial, baka galing kay sir Kato, Harushima ang apelyido nu'n eh.
Itinabi ko ang bulaklak at itinago ang card sa loob ng bag ko. Gamit ang susi na pumasok ako sa opisina ni sir, inihabilin niya sa akin na tuwing umaga ayusin ang mesa niya.
Ang laki talaga ng opisina ni sir, ang mesa niya nasa gitna at malapad na kahoy ang nasa likuran niya, ang mga papeles naman nasa kabinet na nasa gilid ng buong kuwarto, may shelves na puro books lang, may mga glass trophy rin na nasa shelves sa kanang bahagi naman ng kuwarto. Makintab na kahoy naman ang sahig na nagpapaganda lalo sa loob.
Eleganteng tingnan.
Pagkatapos ayusin ang mesa sunod ko na tiningan ang shelves sa likod ng kahoy na dingding. Tumigil ang mga mata ko sa mga nakaglass frame na pictures, family pictures nina sir, nag-iisang anak lang pala siya.
"Hay ang guwapo talaga." mahinang bulong ko habang tinitigan ang isang letrato niya kasama ang ina. Ang kapal ng kilay, tangos ng ilong at ang ngiti pamatay tsk. Tapos ang suplado at aroganteng tingnan ang mukha, he's like a dominant king.
Tumingkayad ako para tingnan ang picture na nasa taas, ngayon ko lang kasi nakita 'ang bahagi na 'to ng opisina ni sir. Kinuha ko ang isang picture, ang ngiting kanina pang nasa labi ko ay unti-unti nawala ng makita ang larawan, parang tinadyakan ako sa dibdib ng paulit-ulit dahil sa kabog ng puso ko.
"Hi-hindi, namamalikmata lang ako." I tried to convince myself, I scratch my eyes as I look at it again, but no, hindi ako namalikmata lang.
"Koko-"
"Oh my God!" gulat na nabitawan ko ang frame dahilan ng pagkabasag nito, mas dumoble ang kaba ko ng lapitan ako ni sir.
"Hey...are you okay? What-"
"H-hindi ko s-sinasadya." natatarantang lumuhod ako para pulutin ang nabasag na salamin, "Hi-hindi ko po si-sinasadya.."
"Hey, hey stand up, it's okay." pinantayan niya ako at sinapo ang mukha ko.
Umiling ako habang nanginginig ang mga kamay na pinupulot ang mga nabasag. "I-it's not okay, I- its not-"
Napatingin ako sa kanya ng hawakan niya ang mga kamay ko at tinanggal ang mga bubog na nandu'n. Dahan-dahan niya akong pinatayo at muntikan pa akong matumba kung hindi niya ako nasalo.
My mind can't process anything, my whole body shivered and I can't barely breath.
"It's just a picture." bulong niya sa tainga ko, mas lalo lang ako nanginig ng mas niyakap niya ako ng mahigpit. "Koko, look at me."
I was catching my breath when cup my face, I slowly move my gaze directly in his eyes, his gentle voice is powerful that I can't move my eyes away from his.
"Shhhh that's enough..." he whispered gently while caressing my face as if it's the most fragile thing he have on his hand. "Relax... Follow me, okay?" my gaze never left his eyes as he keep inhaling and exhaling slowly.
"Your turn, okay?"
I nodded like a kid and follow on what he's doing, how can I calm down when he's the reason why I'm losing my breath?
Kahit nahihirapan akong kumalma pinilit ko pa rin ang sarili ko, si ate Monina, si Xandre, sila ang nasa isipan ko kaya kahit papaano unti-unti ng nawawala ang kaba at panginginig ng katawan ko.
"It's beating fast," lumipat ang kamay niya sa tapat ng puso ko. "Its sound makes my mind, my emotion and my sorroundings calm."
I close my eyes as the heat of his skin slowly invade my body, my sanity, ipinilig ko ang ulo ko ng maramdaman ang palad niya sa mukha ko, kahit kalmado na wala pa rin akong lakas para kalabanin ang kapangyarihan ng mga haplos niya.
His finger trace the contour of my face and my lips. "Im not an artist but it feels like I already painted you."
Iminulat ko ang mga mata ko at hinawakan ang kamay niya sa mukha ko. "P-pasensiya na sa nangyari, hi-hindi ko sinasadya." nakayukong hingi paumanhin ko. "Naalala ko lang noong maliit pa ako na pinalo ako ng tiyang at hindi pinakain dahil nabasag ko ang baso, k-kaya hanggang nga-ngayon may-"
"Hey...it's okay, sigurado ka bang may trauma ka o pinagnanasahan mo lang ang baby picture ko, hindi ka ba phido-"
Sinamaan ko siya ng tingin at inalis ang kamay niya sa mukha ko. "Kayo nga nanantsing, hinawakan niyo kaya ang taas ng dibdib ko!"
"Hindi 'yon tsansing, kapag ako nanantsing siguraduhing kong 'yon mismo ang hahawak- aw!" nakangiwing napahawak siya sa tainga niya ng pingutin ko 'yon.
"Bastos ka talaga sir! Porket guwapo ka akala mo lahat na ng babae sasambahin ka! Hindi ako-"
"There, my feisty Koko is back." nakangiting ginulo niya ang buhok ko. Muntikan naman akong kiligin sa my feisty Koko, naku kong wala lang 'tong fiancee papatulan ko na 'to! "Give me my smile Koko."
Nahihiyang tumungo ako at tatalikuran na sana siya ng hawakan niya ako sa kamay na nagpaiktad sa akin.
"Come on, I need that smile."
Nakangusong binalingan ko siya. "Mamaya na lang, ayaw mo naman po ng fake diba?"
"Yeah," he nodded. "Basta mamaya."
"Sige po, lilinisin ko lang ang-"
"Tawagan mo ang maintenance para maglinis niyan." pinulot niya ang picture at ibinalik 'yon sa shelves. "Let's start with coffee."
"Sige po, saglit." nagmamadaling lumabas ako para ipagtimpla siya ng kape, natigilan ako ng paglabas ko ng mini kitchen ay wala na sa mesa ko ang bulaklak, baka hindi nga sa akin 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro