CHAPTER 8
"Hon, bukas na ang dating ko, sunduin mo ako sa airport ha?" paglalambing ni Marie sa akin, nasa New York siya ngayon dahil may fashion gala ang kompanya na pinagtatrabahuan niya, apat na araw na siya roon pero minsan lang kami nag-uusap dahil busy siya. "Hon?"
"Yeah, I will, mag-ingat ka riyan, tatawagan nalang kita mamaya, may meeting pa ako with the heads."
"Okay, love you hon."
"Love you too." pinatay ko ang tawag at hinilot ang sentido ko. Ilang araw na siya doon pero hindi ko hinahanap ang presensiya niya. Parang ganito naman na dati pa pero ngayon ko lang napagtuunan ng pansin 'to.
Tumayo ako mula sa pagkaupo sa swivel chair para kumuha ng alak, nilagyan ko ang baso at agad na tinungga 'yon, mariin kong ipinikit ang mga mata ko ng bigla nalang pumasok sa isipan ko ang maaliwalas at nakangiting mukha ni Koko.
Sa totoo lang kakalabas niya lang sa opisina ko para ipa-alam sa akin na nakahanda na ang lahat para sa meeting. Kahit ang mga matatamis niyang ngiti tuwing umaga hinahanap-hanap ko lalo na kapag nakaramdam ako ng pagod.
I like how fascinating her beauty is, kahit manang na ang outfit niya wala pa ring silbi 'yon dahil ang mukha niya pa rin talaga ang nagdala, she has this beauty that will leave any man mezmerize, hindi kasi nakakasawang titigan ang mukha niya.
I tilted my head as I walk out from my office, I stop my track when I saw Koko sipping something hot on her mug.
I took a deep calming breath as I saw her smiling on me. "Nasa conference na po sila sir." mabilis siyang tumayo at iginiya ako sa conference room. Pinigilan ko siya ng itulak niya sana ang malapad na pintuan.
"Let me." I push the door and walk inside, she even wave on me with that charming smile as she leave me behind. What did you do to me Koko?
"Magandang hapon po sir." sabay na bati ng mga nasa loob ng makita ako. Tumango ako sa kanila at tiningnan ang mga papeles na nasa mesa ko.
"Bakit bumaba ang kita ng Golden Nest logistic? By 5 percent? Consistent naman ang taas ng sales noong nakaraang mga buwan, bakit nangyari 'to? Mr. Nenoria?" pabagsak na ibinaba ko ang papeles at hinarap ang white board kung nasan nakikita ang percentage ng kita ng bawat negosyo na pag-aari ko.
"Lumipat po ang dati na nating kliyente sa Easy Shipment Company sir."
My hand turned into fist knowing who's behind this.
"Nakausap na namin ang karamihan ng kliyente natin na bigyan sila ng discount pero nakapagpasya na raw sila na lumipat dahil mas mur-"
"Enough." I muttered firmly. Pinunit ko ang papeles at ibinato sa basurahan 'yon. "Send me a new sales report next month." if this will never change, then I have give that shit what he needs.
"Okay po sir."
Hinarap ko ang head ng accounting.
"Ibigay mo lahat ng lista ng nagastos ngayong buwan, I can't believe we spent millions for this construction maintenance."
"Yes sir, actually kasama na po sa report na naipasa namin, pero bigyan nalang kita ulit at-"
"I need to talk to you later... and you Mr. Punsalan." tawag ko sa head ng finance.
"S-sir-"
"Leave your resignation to the HR." tiim bagang pinunit ko ang report niya.
"B-bakit-"
"Am I that stupid to you?" malamig ang boses na tinitigan ko siya sa mga mata, ang akala niya siguro hindi namin napapansin ni Fred ang leak ng mga pasimpleng paglabas niya ng pera sa kompanya ko na tinatakpan niya ng kung anu-anong pinagamitan ng pera. "Get out! And I'll make sure you won't get work in big companies!"
Namumutlang lumabas siya ng conference room, isa-isa kong tinitigan ang mga nasa loob. "Kapag kayo pumalpak maliit man o malaki na bagay, mas masahol pa sa gagong 'yon," turo ko sa pinaglabasan ni Mr. Nenoria, "ang mangyayari sa inyo!"
"Yes, sir." tumatangong sagot nila.
"At simula sa araw na 'to, babae na ang magbibigay ng report kay miss Pagonzaga."
The meeting adjourned after an hour. I was not in the mood as I walk out, I went straight to the kitchen when I didn't saw Koko on her table.
Nagulat pa ako ng makita ko siyang nagtitimpla ng kape sa loob. Bahagya siyang natigilan ng makita ako pero agad rin siyang nakabawi.
"You want some coffee too sir?"
"Nakakailang kape ka sa isang araw?" pambabalewala ko sa tanong niya, dumiretso ako sa freezer at kumuha ng dark chocolate icecream
na bigay ni mommy. Inilapag ko 'yon sa salaming mesa.
"Two to three cups, kapag inaantok lang po." inilapag niya ang kape niya at kumuha ng saucer, maliit na bowl, teaspoon and icecream scooper. "Badmood kayo sir?"
"Hindi ba halata?"
Nakangusong nilagyan niya ng icecream ang bowl. "Kanina po halata, pero ngayon medyo nalang saka may naalala kasi akong kaibigan na kapag bad mood icecream agad ang hinahanap."
"That's natural for wom-"
"Lalake po siya, kaya ang weird-ahm, basta!"
"Kapag lalake ang kakain ng icecream weird na agad?"
Umiiling na naglakad siya palabas bitbit ang tasa ng kape niya. Nasa labas na siya ng muli siyang magsalita.
"Para lang po sa akin sir, ang weird, pero malay niyo po na hot ang dating noon sa ibang babae, diba?"
"Olivia!" naaasar na sita ko sa kanya na tinawanan niya lang bago isinara ang pinto. "Damn! What I am going to do with your cuteness Koko." nangingiting bulong ko.
Kung kanina badtrip ako ngayon napapangiti nalang mag-isa, hindi siya good girl. Pilya siya. Pilya and I fucking like it, she can make my bad mood disappear just like how lightning speed is.
She has this best humor that can handle different mood very well.
Pagkatapos kainin ang icecream lumabas ako at dumiretso na sa opisina, hindi ko na tiningnan si Koko at baka matatagalan na naman ako makapagtrabaho.
Kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ko para tawagan si Kato, I already warned you Arman, losing one source of income will make you understand how dangerous I am.
"Call me later you bastard!" tila hapong-hapo na sagot niya sa kabilang linya, "I'll kill you for interrup-"
"Powder some business for me, I'll pay-"
"Consider it as a wedding gift and Montevista?"
"Are you fucking some-"
"Fuck you Montevista!" galit na sigaw niya bago pinatay ang tawag. Malay ko bang nasa kalagitnaan siya ng kabaliwan nia. Natatawang ibinaba ko ang cellphone sa mesa at muling binasa ang mga plano ni lolo para sa negosyo niya.
It was six pm when I decided to go home, hindi ko na rin naabutan si Koko sa labas, hindi naman ako nakakaramdam ng kahungkagan na hindi siya naabutan kasi nagpaalam naman siya.
"Ano 'tong nabalitaan ko na sayo na nagtatrabaho ang sekretarya ni Divina?"
Natigil ang balak kong pag-akyat sa hagdan ng makita ko si daddy na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng diyaryo.
"At kailangan pa talagang takutin ang pinsan mo mapasayo lang ang gusto mo." ibinaba niya ang diyaryo at diretsang tiningnan ako sa mata. "What were you thinking? Did you even know how that secretary feels?"
If you only know how she handle my anger management dad. Paakyat na sana ako ulit ng magsalita na naman siya.
"Tandaan mo Ardouz, kahit anong yaman ang meron ka wala pa ring silbi 'yon sa taong hindi silaw sa pera."
"Dad, kung papangaralan niyo lang naman ako, mabuti pang umuwi nalang kayo, stop acting like you didn't know the real me."
Dumiretso na ako sa kuwarto at hindi ko na hinintay na magsalita pa siya. I took a quick bath before I went down to drink some whisky. Bitbit ang alak na pumunta ako ng game room para maglaro ng NBA sa PS4.
I slamp myself on the carpet as I started the game. Malakas na ibinato ko ang controller sa harapan ng matalo ako sa laro, kinuha ko ang cellphone sa mesa at hinanap ang pangalan ni Koko, this is crazy!
Why on earth she keeps bugging my mind? Why on earth I keep thinking about her?
Wala sa sariling nagtype ako ng message at agad na pinindot ang send button. Inilapag ko muna ang cellphone para sumalin ng alak.
Habang umiinom ng alak panay ang sulyap ko sa cellphone, ilang minuto pa ang lumipas bago magvibrate 'yon. Mabilis na tiningnan ko ang screen at agad akong napangiti ng makitang si Koko ang nagreply.
Kokocrunch:
The number you texted is out of reach, try again later!
Mahina akong natawa pagkabasa ng message niya, may ngiti sa labing nireplyan ko siya.
Me:
May I remind you that I am your boss.
Hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa labi na sumanda ako sa upuan habang inip na inip sa ilang segundong paghihintay ng reply niya. I wet my lips as I recieve another message from her.
Kokocrunch:
May I remind you also Mr. Weird that office hour was done, babush!
"Babush? What kind of langguage was that?" naiinis na bulong ko. Mabilis na nagmessage ulit ako sa kanya.
Me:
Can't sleep, is there any joke you know?
Peste ang corny ko yata! Pero sinend ko pa rin sa kanya 'yon at hinintay ang reply niya.
Kokocrunch:
You're hot.
Handsome.
Sexy.
"Fuck!" kagat labing nireplyan ko siya. Why this getting interesting?
Me:
really?
Kokocrunch:
J O K E!
"Peste!" She's really good in ruining moment! Tinawanan pa ako.
Hindi pa ako nakareply ng magtext siya ulit.
Kokocrunch:
Feeling ko ako lang ang natawa sa joke ko na 'yon, ang nakatanggap baka umuusok na ang bumbunan.
Naiinis na nagreply ako sa kanya, naiinis ako pero napapangingiti rin naman, in short...Im now crazy.
Me:
Nice!
Kokocrunch:
IKR... 'wag ka ng istorbo sir, matutulog na ako!
Me:
You make mad, g'night Olivia.
Bumuga ako ng hangin at ibinato ang cp sa tabi ng controller, she doesn't find me hot and handsome? "You're hurting my ego, Koko, you really are."
Natigilan ako ng makitang umiilaw anh screen ng cellphone ko, mabilis na inabot ko 'yon para tingnan kung sino ang tumatawag. Excited man ng makita ang pangalan ni Koko pero hindi ko sinagot ang tawag niya.
Malalim akong napabuntong hininga ng tumigil na ang vibration ng phone ko, I was about to close my eyes when it vibrate again.
It was Marie this time and I wasn't in the mood to answer it either. Bitbit ang cellphone na tumayo ako at muling umakyat sa kuwarto.
It was ten in the morning when I decided to go in my office. Nasa daan na ako ng makatanggap ng tawag mula kay Koko.
"Sir nandito po si sir Kato, kaibigan niyo raw po."
"Just Kato, Oli."
I clinch my jaw with annoyance hearing Kato's voice at the background, what made my mood worst is that first name basis, fuck.
"Pumasok ka sa opisina ko at ayusin mo 'yong filing cabinet."
"Yes sir."
"Ngayon na."
"K-kakatapos ko lang ayusin 'yon--"
"Koko!"
"Sige ho, sir."
Pagdating sa opisina ang nang-aasar na mukha ni Kato agad ang sumalubong sa akin.
"I like her, she look so innocent-"
"Spare her." madiing turan ko, I shot him a muderous glance when he chuckled lowly. "Im serious Kato."
"Seems you have a big problem my friend." he patted my shoulder as we walk towards the conference room. "Tell me about it."
I push the conference door. "That Arman is a prob-"
"Not that asshole." umupo siya sa isang upuan na kaharap ko. "You threatened your cousin because of Olivia, that's not a simple problem." umiiling na sumandal siya sa upuan.
"Nakakagaan ng pakiramdam ang presensiya niya Kato, hanggang doon lang 'yon. I want her to be my secretary because of-"
"Then let me court her, she's worth having, kahit ako na ngayon ko lang siya nakita, gusto ko-"
"Don't push my limit Kato." galit na banta ko sa kanya. "No one can court her in-"
"Stop acting like she's that important to you-"
"Kamusta ang pinapagawa ko sayo?" pag-iiba ko ng usapan at baka hindi ko makontrol ang galit ko at masuntok ko pa siya sa mukha ng wala sa oras.
"Done, it's in the news, let me court your secretar-"
"I already told you Kato!" napipikon na tinampal ko ang mesa. "Kilala mo ako."
"Fine, mag-ingat ka pala, baka isa ka sa pagdududahan ni Arman, pero medyo malabo naman na mangyari 'yon, everything is clean."
"Good." I smirk. "Ang lakas ng loob niyang banggain ako, hindi lang 'to ang mangyayari sa kanya kapag gagawa siya ulit ng hakbang."
"Let's drink tonight, I have meeting to attend to."
Sinabayan ko siya ng tayo at magkaagapay na naglakad kami palabas. Tumigil siya sa paglalakad ng makita si Koko na nasa mesa na nito. Bumaling siya sa akin sabay tapik ng balikat ko.
"Hindi mo pa naman siguro nakakalimutan na malapit ka ng ikakasal, ano? Believe me this situation will put you in trouble."
Hindi umiimik na hinatid ko siya sa elevator, lihim akong napangiti ng hindi niya na tiningnan pa si Koko.
"Sir, may meeting po kayo with small investors this 3pm, sa hotel niyo ho ang venue." nakasunod na imporma ni Koko sa akin. "At tumawag po pala ang fiancee niyo na e-remind ko raw kayo na mamaya ng seven ang dating niya."
"Tawagan mo ang driver, siya na kamo magsundo mamaya, at 'yong sa investors na 'yon, kailangan ba talaga ang presensya ko roon?"
"Kung may awa po kayo sa kanila, kailangan, pero kung wala naman kayong awa sa kanila-"
"I got it Koko, pinapakunsensya mo pa ako." naiiling na hinubad ko ang suit ko. "Ang kape ko."
"Hay, ang suwerte naman ng mapapangasawa niyo sir, ang bait na maawain pa."
Nang-aarok ang matang tiningnan ko siya sa mga mata, tumaas naman ang gilid ng labi niya na tila may sinusupil na ngiti.
"Parang mas suwerte ka." I hissed.
"Masuwerte? Paano mo po nasabi?" nakangusong naglakad siya palabas. "Teka maya ka na sumagot sir, timplahan muna kita ng kape."
"You really made my day Koko, nakakawili kang kausap tsk." nakangiting binuksan ko ang computer para simulan ang trabaho. Maya-maya pa pumasok na si Koko bitbit ang kape ko.
"So.. Sir?"
"Hmm?" I hummed as I sip my coffee.
"Ano po 'yong sagot niyo?"
"Lumabas ka na Koko, malulugi ang kompanya ko sayo eh."
"Okay po."
Tumaas ang kilay ko ng marinig ang buntong hininga niya. "Ano ang problema?"
Umiling siya at tinalikuran ako. "Sir, magtrabaho na tayo, ayoko maging dahilan ng pagkalugi niyo, habang buhay pa akong makunsensya noon eh."
Ang kulit tsk.
Malakas akong napamura ng maalalang malapit na pala ang anniversary ng kompanya ko. Mabilis akong gumawa ng invitation speech at ine-mail kay Koko 'yon.
"Bakit ko ba nakalimutan!"
Pinindot ko ang intercom para papasukin si Koko.
"Sir?"
"Magpagawa ka ng fifty invitation, na sinend ko, tingnan mo nalang ang mga pangalan na nakalista sa record book mo at ipadeliver na kaagad."
"Okay po sir, anything else?"
"At magpagawa ka rin ng puting invitation para sa mga empleyado ng buong kompanya, lahat dapat dadalo, nasa email mo na lahat ng details."
"Copy sir."
"You may go now."
I keep working my ass off until my back hurt, It was 1 pm when I stop working, ngayon lang din ako nakaramdam ng gutom dahil ukopado ng trabaho ang utak ko.
Tinawagan ko nalang si Koko para ipainit ang pagkain, ilang minuto akong pumikit para e-relax ang likod ko. Lumabas ako at dumiretso na sa kusina, naabutan ko si Koko na naglalagay ng tubig sa baso.
"Magandang hapon po sir, kain na ho."
Humila ako ng upuan. "Salamat."
Pagkatapos niyang ilagay ang baso na may tubig sa harapan ko agad rin siyang lumabas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro