CHAPTER 7
"Wala ba siyang fashion sense?"
"Bakit hindi nalang law ang kinuha niya?"
"Or scientist?"
"Ehhh, ang weird naman manamit."
"Jologs amputek."
"Wala namang pakialam si sir sa mga damit natin."
"Titingin pa ba sa iba 'yon eh ganda-ganda ng gf."
"May mga taong manang talaga kung manamit, ang iba kasi tinatabunan ang pilat ng balat nila."
"Sabagay." natatawang sambit ng isa.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko ng marinig ang panlalait at tawanan nila, mapapatay ko na talaga ang weirdo na 'yon! Kasalanan niya 'to kung bakit nagmukha akong nerd.
Nandito ako ngayon sa lobby ng Montevista Holdings Company building na opisina ni sir Weird, ngayon na kasi ako magsisimula bilang secretary niya. At nandito ako sa harap ng elevator napapaligiran ng mga mapagmintas kong bagong ka-opisina.
"Miss, mag-aaply ka ba?"
"Hindi ho." umiiling na sagot ko na nagpa-ahh sa kanila.
"Baka basbasan ang opisina ni sir pogi." pabulong na sabi ng babae sa tabi ko, bumuga ako ng hangin ng marinig ulit ang tawanan nila.
"Madre?"
"Oy si sir!" naririnig kong sambit ng isa pang babae. "Ang aga niya yata?"
"Himala ah." dugtong naman ng isa.
"Bagay na bagay talaga sila ni ma'am Marie no?"
"Nakaka-inggit nga eh."
"Good morning sir!"
Lumingon ako at dahil mas matangkad ako sa kanila nakita ko kaagad si sir na seryosong naglalakad papunta sa kabilang elevator, baka private 'yon, bakit ang tagal naman kasi nitong sa employee elevator eh!
"Good morning sir!" matinis na bati ng matabang babae na nagpalingon kay sir.
"Mor-" natigilang sagot niya ng makita ako. "Olivia come here." tawag niya sa akin na agad kong tinanggihan, baka kung ano pang tsismis ang ipagkalat ng lima na 'to, bago pa lang naman ako rito.
"Olivia!" muling sigaw niya na nagpaiktad sa akin.
"Excuse me." mahinang bulong ko sa mga babaeng natigilan. "Ako yata ang tinatawag ni sir."
Nagmamadaling naglakad ako papunta sa direksiyon niya. Ang guwapo talaga ni sir, weird nga lang talaga.
"Magandang umaga po sir." nakangiting bati ko sa kanya, hindi nga siya umiimik pero pinasadahan naman ako ng tingin.
"Good morning Koko, bagay." seryoso pa ring turan niya habang minumwestra ang damit ko. "Get in." aniya ng bumukas ang elevator, hindi ako nakatinag ng akbayan niya ako at iginiya sa loob, ibinaba niya naman agad ang kamay niya pagkapasok namin.
Kumunot ang noo ko ng makitang tila naging robot ang mga tao sa lobby habang nakatingin sa amin at sa pasara ng elevator.
"You shocked everyone."
"Shocked everyone raw!" Nakangusong bulong ko sa sarili. "Sa tingin niyo ho alin ang nakaka-shock doon, ang pangit kong outfit, ang pag-akbay niyo sa akin, o ang pagsakay ko rito sa private elevator niyo sir?"
"All of the above."
Napapailing nalang ako sa ka-weirduhan niya, ano ba ang nakain niya at ako pa talaga ang pagdiskitihan, ang tahimik na sana ng buhay ko kina ma'am Vina eh.
"Ano ang iniisip mo?"
Nilingon ko siya pero agad rin akong nag-iwas ng tingin ng magtama ang mga mata namin.
"Baka po may mas nakakatakot pa sa pamilya ninyo tapos kunin na naman ako sayo, parang bola na ako noon, pinapatalbog bago ipasa ng player sa kung kanino."
"Nasa kamay na kita Koko at wala akong balak ipasa ka pa sa iba." he muttered firmly that put me in silent. Magsasalita pa sana ako ng bumukas na ang elevator. "Let's go." magka-agapay kaming naglalakad hanggang sa makta ko ang mga empleyadong tila gulat na gulat ng makita si sir, halatang natataranta pa sila sa pagbati sa kanya.
"Magandang umaga po." nakangiting bati ko sa may edad ng babae na kasing edad yata ni ma'am Ortez. Sunod kong binati ang lalaking kasing edad ko lang siguro. "Hello po good-"
"Miss Pagonzaga faster!" galit ang boses na sigaw ni sir na nauna na pala, ang labo naman ni sir, kanina nang-aasar pa, ngayon masungit na.
"Naku, goodluck sayo iha." pabulong na sabi ng ginang, "Masanay ka na na ganyan ang umaga mo."
Bless me Lord, may pagka-bipolar pa pa pala ang weirdo na 'to. Kagat-kagat ang labing nilapitan ko si sir na ngayon madilim na ang mukha habang hinihintay ako.
"Hindi mo naman kailangang batiin ng isa-isa ang mga tao rito." galit pa ring sabi niya.
"Sorry po." nakayukong hingi ko ng paumanhin, kasalanan ko pala kaya nagalit. Gusto ko lang naman na may makasundo rito eh. Pero siguro huwag muna sa araw na 'to.
"Let's go."
Narinig ko pa ang buntong-hininga niya bago muling naglakad. Halos lahat ng empleyado nakatingin sa amin at gaya ng iba parang gulat na gulat sila na nandito si sir, siguro nagmumulto lang sa opisina niya ang weird na 'to.
"This is your place." turo niya sa may sa isang malapad na cubicle, mas malaki naman 'to kaysa doon sa La Bella pero maganda pa rin doon. May itinuro siyang pintuan sa kanang bahagi ng puwesto ko. "That room inside that door is some kitchen essentials, where you will make my coffee, you can also eat there if you just want to, and that's my office." turo niya sa pinto na nasa kaliwang bahagi ko naman.
Hindi umiimik na sinusundan ko lang ng tingin ang mga pinagtuturo niya. Gaano ba siya ka-strikto? Halata namang temperamental siyang tao kaya siguradong mabilis lang akong susuko sa ganitong klase ng atmosphere, parang nakakasakal.
"Nakikinig ka ba?" kunot ang noong baling niya sa akin.
Tumango ako sa kanya. At hindi na nag-abala pang tingnan siya sa mukha, hindi ako sanay makakita ng taong parang may namumuong ulap sa ulo habang naglalakad. Kahit salita siya ng salita hindi ko nalang pinapansin.
"Koko..."
"N-narinig ko po sir." I gave him my fake smile as I put down my bag on the chair. "Sige, gagawa na po ako ng kape."
"Don't gave me that smile."
"Okay po." I nodded. "Binabawi ko na ang smile na 'yon."
"Huwag kang pilosopa-"
"Bakit sir?" diretsang tiningnan ko siya sa mga mata. "Papa-imbistigahan mo ba ako tapos pupulbusin mo rin ang munting paraiso ko?"
Bahagya lang bumuka ang bibig niya pero wala namang namutawi na salita galing sa kanya, tiim bagang tumalikod siya at pabagsak na isinara ang pinto ng opisina niya, halos lahat ng empleyado nakadungaw sa mga cubicle nila at sa direksyon ko lahat sila nakatingin.
Bumagsak ang balikat ko ng makita ang awa sa mga mukha nila. Ang ginang kanina nakangiti sa akin na tila nagsasabing okay lang 'yan, nakangiting tumango ako sa kanya at nag-thumbs up.
Pumunta ako sa sinabi ni sir na kusina para ipagtimpla siya ng kape, black coffee lang naman siguro ang gusto niya kagaya ng request niya roon kina ma'am Vina.
Pagkatapos magtimpla ng kape pumunta na ako sa opisina niya para ibigay 'yon, dalawang beses lang akong kumatok hanggang sa pagbuksan niya ako ng pinto.
"Kape niyo po."
Madilim pa rin ang mukhang kinuha niya ang kape sa kamay ko. Hindi pa man niya nailayo ang kamay niya ng banayad kong pinigil 'yon. It's bleeding again.
"Huwag niyong isara ang pinto gagamutin ko ho ang sugat niyo." mabilis akong tumalikod at kinuha ang medicine kit purse ko, mabuti nalang at hindi niya naman isinara ang pintuan. Bitbit ang purse pumasok ako sa loob at umupo sa sofa kung saan siya nakaupo.
Naiilang man sa mga titig niya hindi ko nalang binigyan ng pansin 'yon, bakit ba ugali nitong saktan ang sarili? Weird nga pala 'to.
He grunted in pain as I wipe the cotton with alcohol on his knuckles. Inangat ko ang kamay niya at inihipan para matigil na ang pagmura niya ng mahina.
Pareho kaming walang imik hanggang sa matapos ko lagyan ng band-aid ang sugat niya.
"Salamat." mahinang bulong niya pagkatapos kong mailigpit ang gamit ko.
"Welcome po." may ngiti sa labing turan ko. "Saka huwag mo na po uulitin sir, mag-isip ka lang ng magagandang bagay kapag galit ka, tiyak makokontrol mo na ang nararamdaman mo, basta huwag mo ng ulitin 'to sir."
"Salamat sa concern-"
"Ang inaalala ko lang naman sir eh baka maubos na ang laman ng alcohol ko, band-aid at cott-"
"Out Koko!" he hissed that made me chuckled. "Tapos tatawa ka-"
"Binibiro lang kita sir, puwedi ka na pong ngumiti!"
"Ayoko- anong.. Koko!" pandidilat niya ng hawakan ko siya sa batok. "Re-remove your hand- fuck!" natatawang napatayo siya ng kilitiin ko siya sa batok. May ngiti sa labing dumistansya ako sa kanya, hay mas lalong pumupogi ang baliw kong boss kapag tumatawa.
"Ayan, edi okay na ang morning natin." nakangising sambit ko ng makitang hapong-hapo siya. Mas tinamisan ko pa ang ngiti ko ng sinamaan niya ako ng tingin. "Bye sir."
"Koko..."
"You're welcome po sir." kumaway ako sa kanya bago ipininid ang pinto. "Hay! Salamat sa lakas ng fighting spirit na ipinagkaloob niyo Lord." nakangiting bulong ko na agad namang natigil ng makita kong nakasilip pa rin ang ilang empleyado sa akin. "Work na po tayo, baka bugahan tayo ng apoy ni sir." parinig ko na agad naman nilang sinunod.
Binuksan ko ang computer at inisa-isang tingnan ang mga files, napangiwi ako ng makita ang ibat-ibang folder na may mga title. May Logistic and freight business pala 'tong si sir, hotels and restaurant, Golden Nest Hotel and Golden Nest Restaurant.
"Sa kanya pala 'yong hotel na pinag-meetingan namin." bulong ko habang inaayos isa-isa ang pagka-file ng dokumento. Mabuti nalang at walang tawag sa araw na ito dahil gusto ni sir na unahin ko muna ang pag-ayos ng files at kailangan ko pang basahin ang mga taong importante sa negosyo niya.
Nasa computer ang atensiyon ko ng biglang tumunog ang intercom na nagpaiktad pa sa akin.
"Just call the Golden Nest hotel for food delivery, I'll have my lunch here, they already know my food." imporma ni sir.
"Copy sir, anything else?"
"Saan ka kakain mamaya?"
Ayieee concern ang weirdo.
"Sa cafeteria ho, I'll try-"
"Mag-order ka nalang din ng say-"
"Salamat nalang ho, pero mas gusto kong subukan muna ang pagkain sa cafeteria."
"Okay."
Ipinilig ko ang ulo ko at muling ibinalik sa computer ang atensiyon ko.
"Excuse me ma'am.."
Napaangat ako ng tingin ng may marinig akong boses ng lalake. Nakita ko ang lalake na halos kasing edad ko lang at may bitbit na folder.
"From Accounting, hinihintay po ni sir ang report na 'yan before lunch."
Kinuha ko ang folder at nginitian siya. "Salamat po."
"Ahm, Im Fred by the way, head of the accounting department." nalakahad ang kamay na pagpapakilala niya.
"Ko- I mean Olivia." mabilis na bawi ko ng maalala ang sinabi ni sir Ardouz noong isang araw, siya lang pala ang tatawag ng Koko sa akin sa opisina niya tsk. "Nice to meet you po." nakangiting tinanggap ko ang kamay niya.
"Same here."
Lihim akong napangiwi ng kinindatan niya ako bago umalis. Tumayo ako bitbit ang folder, isang malakas na katok ang ginawa ko na agad namang narinig ni sir.
"Come in."
Mabilis akong pumasok at dumiretso.na sa mesa niya.
"Ito na po ang report ng accounting sir." ani ko sabay lapag ng white folder sa mesa niya.
"Okay." aniya habang busy sa computer. "Magset ka ng meeting this Friday para sa lahat ng departments head, after lunch."
"Sige po, anything else sir?"
"Nothing."
Tahimik akong lumabas sa opisina niya at agad na tinawagan ang hotel para sa pagkain niya mamaya.
It was 11:20 when the food delivery arrive, inilagay ko lang sa office kitchen 'yon bago inayos ang bag ko sa ilalim ng mesa ko.
"Iha, join us for lunch."
Umayos ako ng tayo ng makita ko ang ginang kanina. Matamis ang ngiting nagpakilala siya sa akin.
"Mrs. Juliet Salome, accountant."
"Nice to meet you po ma'am, Olivia Pagonzaga po." magiliw na tinanggap ko ang kamay niya. "Saan ho ba kayo kakain?"
"Sa cafeteria but if you want-"
"Doon nalang po." mabilis na sagot ko, "Saglit lang ho, iremind ko lang si sir." mabilis na pinindot ko ang intercom. "Sir, nandito na po ang pagkain niyo."
"Okay, thanks, who's with you?"
"Kasama ko po si ma'am Salome, sige po."
"Okay, enjoy your lunch Koko."
"Tara na-" natigil ang paghakbang ko ng makitang natulala si ma'am Salome. "May problema po ba?"
"Wa-ala." nauutal na sagot niya. "Tara na."
Sabay kaming naglakad papuntang elevator kasabay ang ilang empleyado. Isa-isa rin silang nagpakilala sa akin. Masaya na ako at kahit papaano may mabait naman pala na tao rito.
Pumasok kami ng elevator ng bumukas 'yon. "Magandang tanghali ho." nakangiting bati ko sa operator na babae.
"Magandang tanghali rin ma'am." balik ngiting bati niya sa akin.
"Kumain na ho ba kayo ate?"
"Maya po mga alas-dose ma'am, salamat."
Nasa second floor na kami ng tumigil ang elevator at pumasok doon ang mga babaeng may mga fashion sense raw, ang ninipis naman ng kilay.
"Magandang tangahali sa inyo." bati ko sa kanila pero tiningnan lang nila ako ng nakakainsulto.
"Feeling close." pasaring ng isa na sinang-ayunan naman ng mga kasama nito. "May balak pa yatang akitin si sir pogi, pangit naman."
"Matuto kayong rumespeto at huwag niyong hintayin na palayasin kayo ni sir." banta ni ma'am Salome sa kanila pero hindi man lang natinag.
Umurong ako ng kaunti sa tabi ni ma'am Salome na magkasalubong ang kilay habang nakatingin sa mga kapapasok lang. Itinaas ko ang kamay ko at hinaplos ang noo niya.
"Huwag ho kayong stress ma'am." bulong ko sa kanya. "Kayo rin, tatanda kayo niyan agad."
"Ganyan talaga si ma'am Salome kapag may allergy." natatawang sabad naman ni Sheena na nasa likuran ko.
Tumigil na ang elevator sa lobby at agad na naunang lumabas ang lima bago kami. Binalingan ko ang operator at nagpasalamat.
Pumasok kami ng cafeteria kung saan marami ang kumakain, hinila ako ni ma'am Salome papuntang counter.
"Huwag mo ng pansinin ang mga babae na 'yon. Malakas ang loob kasi malakas ang kapit ng mga 'yon sa mapapangasawa ni sir."
Kaya pala, mukhang hindi ako matatahimik nito ah, pero bahala na, basta fighting lang.
Nasa mesa na kaming apat nina ma'am Salome, Sheena at Gladys kumakain ng lumapit sa amin si Fred.
"Sama ako mga madam ha." aniya sabay upo sa tabi ni Gladys. "So, kamag-anak mo si sir, Oli?"
"Hindi-"
"Hindi?" nagtatakang tanong ni Gladys, kahit si Sheena napatigil rin sa pagkain. "Eh, bakit ka niya inakbayan tapos pinasakay pa sa private elevator niya?"
"Totoo Olivia?" baling naman ni ma'am Salome sa akin. "Baka galit ang mga bruha na 'yon dahil nakita ka nila."
"M-may problema ba doon? Hindi naman ako inakbayan, tinulak-"
"Mga malisyosa kayo ha." sabad ni Fred sa usapan. "Kumain nalang tayong lahat, malay niyo may importanteng inutos si boss kay Oli."
Inutos? Parang nang-asar lang naman 'yon.
"Paano kasi para lang sa pamilya ni sir ang elevator na 'yon."
"Huwag niyo naman sana masamain, may- may inutos po si sir at mga importanteng instruction na ibinigay." pagsisinungaling ko para matigil na sila.
"Mga buang kasi." bulong ni Fred na agad namang binatukan ni Sheena. "Pasalamat ka mahal kita Sheena."
"Lahat naman mahal mo, diba Sheng?"
"Oi Glad-"
Natigil sila sa pagbabangayan ng tumikhim si ma'am Salome, hay! nakakawala ng lakas ang ganitong bago pa lang ako rito pero may issue na agad, kasalanan ni sir 'to eh.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro