CHAPTER 6
"I was wondering who's behind this sh*t." nakapangalubabang sambit ni lolo, nasa opisina niya ako ngayon para pirmahan ang mga papeles ng share na nabili ko sa mga itatayo niyang negosyo at naisingit na rin sa usapan ang nangyari kay Divina. "Sayo wala bang threat na-"
"You know me grand." I smirk. "Wala ako sa kinalalagyan ko ngayon kung kaya akong banggain nino man."
"Sabagay, you're the badass in this family after all." umiiling na kinuha niya ang papeles sa harapan ko. "Hindi naman siguro ikaw ang may kagagawan nito?"
"Who knows?" I tilted my head. "I once fooled by my own blood, remember?"
"Wala na ang uncle mo Ardouz, can't you just leave it behind-"
"Madali para sayong sabihin 'yan dahil wala ka sa kinalalagyan ko!" tiim bagang tinitigan ko siya sa mga mata. "I trusted him to manage my business since he's my uncle, but what happened? Bagsak na ang lahat bago ko pa nalaman!"
"Move on Ardouz, ikaw ang pinakamayaman sa bansa ngayon, hayaan mo na ang nakaraan, it will make your shoulder relax."
Bumuga ako ng hangin at tumayo, kinuha ko ang alak na nasa mini bar niya at uminom sa mismong bote, dala-dala ang alak na umupo ako sa sofa.
"Ang aga pa para uminom ng alak-"
"It gives me energy old man, hindi ko naman uubusin."
Umiiling na ibinalik niya sa computer ang mga mata, kahit matanda na hindi pa rin siya napapagod magtrabaho, hindi kagaya ng iba na gusto nalang magrelax sa bahay, I wonder how he convince grandma with this.
"Grand." agaw pansin ko sa kanya. Tinapunan niya lang ako ng tingin at muling ibinalik sa computer ang mga mata. "Bakit pumayag si grandma na magtatrabaho ka?"
"She loves me Ardouz." simpleng sagot niya na nagpatigil sa akin. "She even do anything that makes me happy."
"Even you suck in cooking?" interesadong tanong ko.
"Yeah, she appreciated everything, hindi ako masarap magluto but she still ate my food."
"Dang!" natatawang bulong ko. "Buti buhay pa siya hanggang ngay-"
"You twerp!"
Malakas akong napatawa ng ibato niya sa akin ang hawak niyang ballpen. "Miss old man." I smirk as I pick up the pen from the floor.
"Oo, pangit ang lasa ng luto ko, but it didn't continue that way." sumandal siya habang napapangiti na tila may naalala. "She thought me how to cook, see my boy? Hindi porket mahal niya ako kakainin niya nalang habang buhay ang luto ko kahit pangit ang lasa , instead, she thought me how to cook and now dalawa na kaming nag-eenjoy sa luto ko kasi masarap na, pinasarap ng pagmamahal niya." napangiwi ako ng makitang tila nanaginip siya ng gising habang nakatingin sa kisame.
"That's corny grand, very corn-"
"Hindi mo maintindihan kasi hindi mo pa naranasan ang tunay na pagmamahal, hindi mo pa-"
"Grand! I have Marie now! Malapit na kaming ikaka-"
"Yeah...yeah, you have Marie now, pero hindi pa kita nakikitaan ng senyales na umiibig ka na, love is crazy Ardouz." seryosong turan niya. "Sooo soooo crazy."
"Like how? I love her-"
"Nakitaan na nga pala kita." makahulugan ang mga matang tumingin siya sa direksiyon ko. "And be careful son, you'll go crazy without seeing your true love in a day."
"Lo naman-"
"Go away now Ardouz."
I shook my head with disbelief as I stand up and walk towards the door. Lolo is really corny telling me about love. Huh! I love my Marie.
"Leave that whisky Ardouz! Kaya kami may mga alak sa loob ng opisina namin dahil sayo, tapos ngayon dadalhin mo pa 'yan, put it back."
I groaned inwardly as I glance back. "Grand-"
"Put it back, mamaya ang sekretarya ko na naman ang papagalitan mo."
I sighed big time as I walk back and put the whisky on the bar. "I appreaciate it grand, thanks." tinapik ko ang balikat niya bago tuluyang lumabas ng opisina niya.
Naglakad ako papuntang private elevator at natigil ang balak kong pagpindot ng down button ng makitang umiilaw ang up button, who could it be?
Hinintay ko ang elevator hanggang sa magbukas 'yon, natigilan ako ng makitang si Kuya Max at Phyto ang nasa loob. Kahit silang dalawa nagkatinginan rin ng makita akong nakatayo sa labas ng elevator.
"You bastard!" galit na inilang hakbang ni Max ang pagitan namin at susuntukin na sana ako sa mukha ng pigilan siya ni Phyto. "Don't stop me Phyto! Sumusobra na ang gagong-"
"Chill kuya Max, maybe he has a reason, right cousin?"
"Reason?" galit na bulyaw nito, "Hindi pa rin basehan ng ginawa niya-"
"Anong nangyayari rito?"
Sabay kaming tatlong lumingon ng dumagundong ang boses ni lolo sa hallway, kasama niya ang sekretarya niya na nabalutan ng takot ang mukha.
"Namiss yata ako ni Kuya Max lo." nakangising sagot ko na kay kuya Max pa rin ang mga mata, lalo lang namula ang mukha niya sa galit ng lapitan ko siya. "Sabay-sabay tayong babagsak kapag sinubukan mo ako." malamig ang boses na bulong ko sa kanya sabay bangga sa balikat niya.
"I told you." naririnig kong bulong ni Phyto, "Mas mahirap amuin ang dating mabait na leon na sinugatan kaysa dati ng matapang na leon."
"Maximus! Phyto! Pirmahan niyo na ang mga papeles at lumayas na rin kayo, Im tired of this shit already."
Pumasok ako sa elevator at buong tapang sinalubong ang mata ni Max. They can't blame me, they can't fucking blame me!
Nasa daan na ako ng makatanggap ng text mula kay Koko, she will start working tomorrow with me as my secretary and it fucking excite me.
She really did put me in excitement in any way.
"Ihatid mo nalang ako sa Golden Nest Hotel, mang Erning." utos ko sa driver ko, doon kami magkikita ni Koko para pag-usapan ang trabaho niya, hindi ako magdadalawang isip na kunin siya kay Divina, kahit hindi siya papayag wala naman din siyang choice, kaya kong gawin ang lahat ng paraan mapasaakin lang ang gusto kong makuha.
Pagdating sa hotel agad akong sinalubong ng isang receptionist at iginiya papuntang restaurant. "Serve the food immediately." baling ko sa babae.
"Yes sir." tumungo siya at tuluyan na akong iniwan, I took a deep breath as I loosen up my necktie, I can't really stop my excitement until now, beside her fascinating beauty she looks like a very respectable woman.
I took a deep breath once more as I push the door slowly. I stop my track when I heard her talking over the phone.
"Just for now please? Enough for spicy food already, you can't eat spicy chicken the whole week! Let's talk as I got home, Im on the meeting right- nooooo..." I leaned on the wall hearing her cute chuckles.. "Say it, awww I love you too my attorney, bye."
Sa hindi ko alam na kadahilanan kusa ko nalang naikuyom ang mga kamay ko at madilim ang mukhang naglakad papunta sa mesa namin, nasa labi niya pa rin ang ngiti habang inilagay ang cp sa bag niya.
I cleared my throat when she didn't notice my presence.
"Boyfriend?"
"Good morning sir, anong boyfriend?" balik na tanong niya. I was just gaping on her, I'm not contented on how she greeted me. May kulang. "Bad mood yata kayo sir?"
"May boyfriend ka?" ulit na tanong ko sa malamig na boses habang hinuhuli ang mata niya.
"Narinig niyo ho?"
"Nevermind." iritabling ipinatong ko ang cellphone sa mesa, bakit hindi ko ba naisip na baka may asawa o boyfriend na siya? She's pretty in all and it's possible that she has a lawyer boyfriend. Wala sa sariling tumayo ako at iniwan siya saglit, dumiretso ako ng comfort room at doon pinalabas ang galit na hindi ko alam kung saan nanggaling at kung bakit ako nakakaramdam ng galit sa isiping may boyfriend siya.
My eyes snap on the mirror where I can see my face, I'm mad I can fucking feel and see it in my eyes.
Fuck this beast inside me! Fuck it!
I was in rage when I pick up the flower pot from the corner of the comfort room and slam it on the mirror at the same time. "Why I fucking feel this shit?! Why?!" nilapitan ko ang isa pang salamin at sinuntok 'yon ng malakas dahilan ng pagkabasag nito at pagkasugat ng kamao ko.
I keep clinching my jaw as I wash off the blood off from my knuckles until it didn't bleed anymore. I took a deep calming breath before I walk out.
"Magandang hap-" hindi na naipagpatuloy ng lalakeng maintenance ang sasabihin niya ng makita ang nasa loob. Tinalikuran ko siya at muling bumalik sa puwesto namin.
Nasa mesa na ang mga pagkain pero hindi pa rin ginagalaw ni Koko 'yon, nasa cellphone pa rin ang atensiyon niya. My eyes darted on her right shoulder when something caught my attention, does she has tattoo?
Ibinaba niya lang ang telepono niya ng mapansin ang presensiya ko. She smile but it quickly disappear and her forehead furrow as she stared on my knuckle. "Okay lang ba kayo sir?"
"Yeah." I nodded. Kukunin ko na sana ang table napkin ng dumukwang siya at hinawakan ang kanang kamay ko, I close my eyes as the warmth of her skin against mine travel in my system.
"Sino naman po ang kawawang nilalang ang sinuntok niyo?"
"Ganu'n na ba ako kasama? Akala mo-"
"Hindi po ba?" balik tanong niya na nagpamulat sa akin, hawak niya pa rin ang kamay ko at tinitingnan ang sugat na tila pinag-aaralan 'yon. Lihim akong napaungol protesta ng bitawan niya ang kamay ko. "Sir, pagkatapos niyong takutin 'yong pinsan ninyo, sa tingin mo po, mabait kayo?" nakataas ang kilay na tumayo siya bitbit ang bag niya, is she leaving?
"Where are you-"
I stop talking whe she pull a chair beside me and another chair beside her and landed her bag on it.
"Harap ka sa akin sir, dali."
Parang robot na umayos ako ng upo paharap sa kanya, dahil sa position namin ang natural na mabangong amoy niya na ang naamoy ko, tumigil ang paningin ko sa makinis niyang leeg, dahil nakayuko siya nakikita ko ang maninipis na buhok sa batok niya na parang nang-aakit na halikan.
"F*ck!" ungol ko ng may dumapo na kung ano sa sugat ko. Bumaba ang tingin ko doon pero imbes na sugat ang titingnan ko ang mataray na mukha na ni Koko ang sumalubong sa akin. "What?" nagtatakang tanong ko.
"Kung saan-saan nakatingin 'yang mata niyo sir, parang gusto niyo po akong kagatin sa leeg at batok eh."
"Bakit magpakagat ka ba?"
Mahina akong natawa ng bigla siyang pamulahan ng mukha. Aasarin ko na naman sana siya ng bigla niya na namang binuhusan ng alcohol ang sugat ko.
"Dapat nagwarning ka!" sita ko sa kanya sabay hila ng kamay ko, ang sakit peste! Bakit kanina hindi ko naman naramdaman ang sakit?
"Akin na 'yang kamay niyo sir! Mamaya ma-infect 'yan." tumayo siya at pilit na inaabot ang kamay ko. "Sir! Huwag mo ubusin ang pasensiya- anong-"
She froze when I slid my left hand on her waist pulling her against me. Dahil nakatayo siya bahagyang nakasubsob ang mukha ko sa sikmura niya.
She smell so good and soft against my skin.
"A-ano ang ginagawa mo-"
"Nananching."
"Ah ganun ha?"
"Anong- Koko! Shit shit!" sunod-sunod na ihip ang ginawa ko sa sugat ko ng takpan niya yon ng cotton na basang-basa sa alcohol. "F*ck! It sting so bad!"
"Huh! Buti nga sayo, ginagamot ka na nga nagawa mo pa akong pagatawanan hmp!" hinablot niya ang bag niya at nagdadabog na pumuwesto sa harapan ko. May kinuha siya sa bag niya at ibinato sa akin 'yon. "Ilagay mo sa sugat mo 'yan."
Kinuha ko ang band-aid at tiningnan 'yon, itinabi ko nalang dahil hindi ko naman mailagay, ayoko na rin siyang asarin at baka hindi pa ako sisiputin bukas.
Tiningnan ko siya ng marinig ang palatak niya. "Akin na nga ang kamay mo at band-aid."
May panunukso sa matang kinindatan ko siya sabay bigay ng band-aid, nakairap na inilagay niya ang band-aid at sa inis siguro mahina niya pang tinampal ang sugat ko na nagpangiwi sa akin.
Hindi ko inaalis ang paningin ko sa magandang mukha niya habang kumukuha siya ng grilled barbecue chicken salad.
"Try this one." inilapit ko sa kanya ang buffalo wings. "It's the best."
"Salamat nalang po sir," itinulak niya pabalik ang pagkain. "I have low tolerance when it comes to spicy foods."
"Okay..ayokong nagdadamit ka ng above and below the knee dresses in my building-"
"In short, manang dapat ang dating?"
"Yeah, like that." ayoko kasing nakikita ng iba ang hubog ng katawan mo. Gusto ko sanang idugtong pero magmumukhang gago na ako nu'n. Kumuha ako ng spicy grilled ribs at sinimulan na rin ang pagkain.
"Okay...copy sir, ano pa?"
"Ayokong nakatali pataas ang buhok mo." ayoko dahil nakakatukso, ngayon palang parang gusto ko na siyang markahan sa batok at leeg.
Her brows raise but she never say a word against my rules. She drink her water as she lean back, she look so confuse while waiting for my next rules.
"At ayokong may iba pang tatawag sayo na Koko sa opisina maliban sa akin."
"Maliban sa pagiging weird, blackmailing, ano pa po ang talent niyo sir?"
Hindi ko alam kung matawa ba o mainsulto sa sinabi niya, pero sa bandang huli nakita ko nalang ang sarili kong nakikipagsukatan ng titig sa kanya.
"Gusto mong malaman?" mahinang bulong ko na nagpaurong sa kanya. "Im the best in bed-"
"Bastos ka-"
"Green minded ka pala ano? Nice talent." I chuckled richly. "Ano ba ang nasa isipan mo?"
She flared her nose with annoyance. "Kain nalang ho tayo sir, mas malala na ho kayo, bawal po yata kayo magugutuman."
"Masama talaga kapag ginugutom ako, kumakain kasi ako ng tao."
"Ha-ha funny." she snorted, hindi na mawala-wala ang ngiti sa labi ko hanggang matapos kaming kumain.
"Boyfriend mo ba ang katawagan mo kanina?"
"Secret."
"Koko-"
"Sir naman, sa akin nalang po 'yon, hindi naman na kasali sa trabaho ko ang personal kong buhay."
"Paano kung gusto kong isali?" seryosong tanong ko.
"Hindi mo gagawin 'yon sir." matapang na sinalubong niya ang titig ko.
"You don't know-"
"Sir, kapag pinakialaman mo ang buhay ko baka sabihin ng mapapangasawa mo na inlove ka sa akin, ikaw rin, baka iwan ka nu'n." nakangising sagot niya na nagpatigil sa akin.
What on earth am I doing? What is it with me if she has a boyfriend? Im engage after all and Im going to marry Marie, why Im being so neglectful when Im with this woman?
Umuwi akong lutang at tila wala sa sarili, Im so fucking confuse right now.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro