CHAPTER 5
"A-ate, masaya ako dahil may trabaho na ako, p-pero ngayon pa-parang gusto ko nalang maghanap ulit ng pagtatrabahuan, kung nakikita mo ang nangyayari sa amin siguradong pareho tayo ng iniisip ngayon..." itinigil ko ang pagkuskos ng puntod ni ate Monina at huminga ng malalim. "Natatakot po ako ate eh, siguro magreresign nalang ako kay ma'am Divina, parang ayoko na sa dati ko pang pinapangarap na mangyari, ngayong nakakakita na ako ng mga senyales bigla nalang ako nakaramdam ng takot at-"
Natigil ako sa pagsasalita ng marinig ang boses ni Xandre sa likuran ko.
"Mommy, nakikita mo po ang mommy Monina ko? Say hi to her please and tell her I love her too!"
"Okay, baby." nakangiting baling ko sa kanya.
"Thanks mama!" he shouted with a flying kiss towards me. We both giggles when I pretend of catching his kiss and bring it to my lips. "I love you mama."
"Narinig mo 'yon ate? Nakakaproud talaga ang batang 'yan, pilosopo nga lang minsan, mana yata sa akin."
Itinabi ko muna ang brush at naghugas ng kamay, ibabad ko muna sa zonrox ang maduming bahagi ng puntod para mabilis na mamaya kuskusin.
Pagod na umupo ako sa lilim ng puno kung saan naroroon ang picnic blanket namin at mga pagkain, tinapunan ko ng tingin si Xandre na busy sa pagkain ng spicy chicken at spicy fries, ewan ko ba sa batang 'to ang hilig sa maanghang, ang bata-bata pa eh.
"Kain na muna tayo ate Cil." tawag ko kay ate Cecil na nagdadamo sa paligid ng puntod ni ate. "Judi, kain muna tayo." baling ko kay Judi na nakaupo sa tabi ni Xandre habang nagcecellphone.
Nandito kami ngayon sa Tagaytay kung saan nakalibing ang ate Monina ko, tuwing sabado ng hapon kami umuuwi sa luma naming bahay dito at babalik lang ng Parañaque kinabukasan dahil may pasok na ako at si Xandreon pagdating ng Lunes.
"Yummmy!" nakangiting itinaas ni Xandre ang isang chicken wings at pinapakagat sa akin. "Bite mom."
Umiling ako sa kanya kasi hindi ko talaga trip ang maanghang na pagkain. "It's yummy kaya, diba ate?" baling niya kay Judi na kumakain rin ng maanghang na fried chicken.
"Opo, masarap, pero mas masarap 'tong broccolli mo, say ahh baby."
Lahat kami natawa ng ibinuka ni Xandreon ng malaki ang bunganga niya. "And healthy!" napapasuntok pa sa hangin na sigaw niya habang ngumunguya ng gulay.
Malaki na rin ang pasasalamat ko dahil kumakain siya ng gulay kahit piling-pili lang. Ayoko rin naman siyang sanayin sa mga preservatives food at baka lolobo lang siya lalo, isa pa masama rin sa kalusugan ang ganu'n.
"Mamimili ako mamaya ng sariwang gulay doon sa kaibigan ko Koko ha." basag ni ate Cecil sa katahimikan. "Mas okay 'yon kasi walang lason na ginagamit pangspray sa insekto."
"May pambili pa po ba kayo te?"
Tumango siya bago ipinagpatuloy ang pagkain, nilapitan naman ako ni Xandre at sinubuan ng broccolli. "Maaga ka matutulog mamaya, we will hear mass tomorrow, okay?"
"Opo. Tapos punta tayo doon sa park. Diba po?"
Ginulo ko ang buhok niya sabay hila sa kanya paupo sa kandungan ko paharap sa akin. I trace the contour of his face gently, my hand landed on his curly hair. Kasabay ng pagtama ng mga mata namin ay ang pagsalakay ng kaba sa dibdib ko.
Bakit ngayon ko lang napapansin 'to? "B-baby, can you smile for me?"
"Like this?" aniya sabay hawak ng dalawang daliri sa magkabilang gilid ng labi niya. "Or this." nakangiti at kumikindat na sambit niya.
"Huwag na nga, mana ka sa akin at sa mommy Monina." nakangiting pinaglapat ko ang ilong ko sa matangos niyang ilong. "Even the nose."
"Eh, ang daddy ko po, hindi ko kamukha?"
Bigla akong natigilan at muli siyang tinitigan sa mukha, paano ko naman sasabihin sa kanya eh hindi ko nga alam kung sino ang ama niya, ang alam ko lang kaibigan ni ma'am Divina 'yon.
"Mom-"
"O-oo," nakapikit na pagsisinungaling ko. "Kamukha mo rin siya." hay Diyos ko po patawad, wala naman akong magagawa kundi ang magsinungaling, hay ate ang hirap na po, ang talino naman kasi ng makulit na 'to eh.
"S-sana sa birthday ko makita ko na si daddy, or the one that you said you will find even not my real dad, right mama?"
"Hay, sumalakay na naman 'yang anak mo." bulong ni ate cil na nasa tabi ko. "Judi, tulungan mo si Xandre, manghuli kayo ng tutubi doon."
"Twubi nanay?" kunot ang noong tanong ni Xandre sa kanya. "What's that?"
"That one!" turo ko sa tutubi na dumapo sa isang dahon hindi kalayuan sa amin. "Go, catch it."
"P-pero- hala!" his eyes widen like a saucer seeing Judi catch one of the dragon fly. "Nahuli mo ate Judi?" pumapalakpak na tumakbo siya kay Judi. "There's more!" excited na turo niya sa mga tutubing lumilipad sa paligid habang hawak-hawak ang kawawang tutubi.
"Salamat ate cil, minsan talaga hindi ko na alam ang isasagot sa kanya eh, basta-basta nalang nagtatanong tungkol sa ama niya, hay."
Pareho kaming pinapanuod ang dalawang enjoy na enjoy sa panghahabol ng tutubi.
"Lumalaki na siya Koko, hindi talaga maiwasan na magtanong 'yan kasi nakikita niya ang mga kaklase niyang may ama," may ngiti sa labing binalingan niya ako. "Maganda ka, mabait, matalino, bakit hindi ka mag-asawa? 27 ka na, buksan mo ang-"
"May Xandreon na sa buhay ko ate, hindi ko na kailangan ang lalake, siya na ang naging tropeyo namin ng ate at gusto kong sa kanya lang ang pagmamahal ko." nakangiting tumayo ako para balikan ang puntod ni ate.
"Mag-asawa? Ayoko na ate, saka natatakot akong husgahan ng mga tao, sigurado naman akong maintindihan din ni Xandre 'yon." malalim akong napabuntong hininga at sinimulang linisin ang may zonrox na.
Halos alas singko na kami nakauwi, si Xandre pagkatapos maligo natulog na rin, ako naman nandito lang sa likod ng bahay at nagkakape habang nagbabasa ng news.
Nasa entertainment page ako ng makita ko ang isang familiar na mukha, si sir Ardouz at may kasamang magandang babae.
'The young succesful and well known businessman Ardouz Montevista with his fiancee Marie Fuentes.'
"Ang suwerte naman ng babae, guwapo na, mayaman pa, kaya lang weird." hindi ko na mapigilan ang pag-alpas ng mahinang tawa sa labi ko ng maalala ko ang eksena nilang dalawa ni sir Max, ngayon ko lang napagtanto kung paano at kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para harangan at takpan ang bibig ni sir Ardouz, nakakahiya lang kasi hindi naman kami magkalevel tapos 'yon pa ang ginawa ko.
Ang mas nakapagpagulo ng isipan ko ay kung bakit sa dinami-rami ng nag-aapply ng trabaho ako talaga ang pagdiskitihan niya, pero ayoko nga, mas okay na ako kay ma'am Vina.
Dahil sa pagod ko ngayong araw maaga akong nakatulog at maaga ring nagising kinabukasan, kahit nanakit ang katawan ko pumunta pa rin kaming apat sa simabahan at gaya ng gusto ni Xandre namasyal kami sa park, gabi na rin kami nakarating sa bahay.
Kakatapos ko lang maligo ng naisipan kong bumaba, nasa hagdan na ako ng makasalubong ko si Judi bitbit ang gatas ni Xandre.
"Judi, bukas ko nalang ibigay ang sahod mo ha, iwan ko nalang kay ate cil."
"Okay po, salamat te." kiming nginitian niya ako.
"Salamat din, huwag ka mag-alala dagdagan ko ang sahod mo sa susunod na buwan."
"Naku salamat po! Pero kahit hindi na okay lang din, ate, mabait naman kayo eh, hindi naman mahirap alagaan si Xandre."
"Salamat Jud, pero kailangan mo rin kumita ng malaki, may pamilya ka rin."
"Kayo po ang bahala ate, basta okay lang din naman kahit hindi na."
"Sige." marahan ko siyang tinapik sa balikat. "Tapusin mo na 'yan at magpahinga ka na."
"Okay po."
Kumuha ako ng gatas sa ref at muling bumalik sa kuwarto ko.
Hay Lunes na naman bukas, mabuti nalang at may private na kinder at prep school dito sa loob ng village namin kaya naglalakad nalang ang magyaya papunta at pauwi, kung tinatamad si Xandre may tric naman na matatawag sa gate ng village. Hindi naman kami puweding sumabay kasi panghapon ang schedule niya.
Kinabukasan maaga pa lang ginising na ako ni ate cil kasi hindi ko naririnig ang alarm ko dahil na rin siguro sa pagod kahapon.
Malapit na ako sa opisina ng makatanggap ako ng tawag mula kay ma'am Ortez, itinabi ko muna ang kotse bago sinagot ang tawag.
"Mag-"
"Nasa opisina ka na ba?"
Napakunot noo ako ng mahimigan ang takot sa boses niya. "Malapit na po, may problema po-"
"Sa basement ka dumaan, may mga reporter sa entrance ng opisina."
"Sige ho, salamat."
"Dumiretso ka na sa opisina ni ma'am, dito na siya natulog eh."
Hindi na ako nakasagot dahil ibinaba niya na ang tawag. Gaya ng sinabi ni ma'am Ortez sa basement na ako dumaan.
"Good morning po ate Yen." bati ko kay Ate Yena pagkabukas ng elevator. "Marami raw reporter?"
"Ah, oo, pagdating ko naririyan na sila eh, rinig ko sa ilang empleyado na nasa balita raw na may bomb threat ang limang branch ng salon dito sa Manila at sa Davao, kaya pinasara muna ang mga 'yon."
Kaya pala, may nagtatangka sa buhay ni ma'am? Kawawa naman siya. "Sige ho, salamat." kumaway ako sa kanya pagkabukas ng elevator at dumiretso na sa puwesto ko, pagkapasok ko palang ang nag-alalang mukha na ni ma'am Ortez ang sumalubong sa akin.
"Akin na 'yang bag mo, pasok ka doon bilis."
Naguguluhan man pumasok pa rin ako sa opisina ni ma'am Divina, naabutan ko siyang palakad-lakad sa loob. Halatang galit at problemado, malalim pa yata ang iniisip dahil hindi man lang ako napansin.
Tumikhim ako na nagpatigil sa kanya, hindi ko na ring nagawang ngumiti ng makita ang mukha niya, ang dilim ng anyo na tila handa makipagsuntukan.
"Have a sit Olivia."
Mabilis akong umupo sa visitor chair at hinihintay siyang magsalita.
"Limang branch ng salon ang pinagbantaang pasabugin at alam ko hindi na banta ang mangyayari, can you do me some favor Olivia?"
"S-sige ho, kahit ano basta makatulong ako."
"Send your resignation let-"
"Po?" hindi makapaniwalang tanong ko, wala naman akong ginawang mali pero bakit ako paalisin ni ma'am? Nagmamakaawang tumingin ako sa kanya, kung kailangan kong lumuhod gagawin ko hindi niya lang ako sisantihin, gusto kong magresign pero hindi naman ganito kabilis, "M-may ginawa ba akong mali ma'am? S-sabihin niyo naman oh." mabilis kong pinunasan ang luhang nakaalpas sa mga mata ko. "Ba-bakit-"
"I need you in my company Olivia. I really do need you-"
"P-pero bakit po? Bakit-"
"It's Ardouz."
Mas lalo lang akong naguguluhan dahil sa narinig, ano naman ang kinalaman ko sa mga nangyayari at bakit nadawit ang pinsan niya?
"Ano po ang ibig niyong sabihin ma'am?" naguguluhan pa ring tanong ko.
Sasagot na sana siya ng bigla nalang nagring ang cellphone niya. Tahimik lang ako habang hinihintay na sagutin ni ma'am ang tawag.
Hindi ko alam pero inilagay niya sa loudspeaker ang tawag bago ito sinagot. "Hey lovely cousin."
Inilapag ni ma'am ang cellphone, kung hindi ako magkakamali boses 'yon ni sir Weirdo, malalim at baritono kaya madali lang makilala.
"This is not funny Ardouz! You know I can sue you for-"
"Sue me? Simple lang naman ang hinihiling ko brat, dalawang araw nalang at alam mo na ang mangyayari."
May pagkabahalang tumingin si ma'am sa akin bago pinatay ang tawag. "Ardouz never play games Olivia, please help me with this?"
"A-ano po ba 'yon ma'am? Naguguluhan na po ako, bakit kailangan kong magresign-"
"He wants you to be his secretary." nakapikit na turan niya na nagpanganga naman sa akin. Ano ba ang nangyayari?
"Ho? Eh bakit-"
"Simula noong makita ka niya hindi na ako tinitigilan, at magiging abo lahat ng Salon ko kung hindi mo ako matutulungan Olivia." ginagap niya ang kamay ko at pinisil 'yon. "I know him Olivia, he's the kind of person you don't wanna know."
I swallowed the lump in my throat nervously. "Naguguluhan po ako ma'am, bakit ako po? Marami namang-"
"You have the charm Olivia, a charm that can help him control his self."
Hay weird nga pala talaga!
"Sige po, magreresign ako rito pero hindi ho ako magtatrabaho sa kanya kung 'yon ang gusto niyang-"
"Im sorry to tell you this but he won't stop bugging you, it's you he want, not your resignation here."
I took a deep breath while clasping my hand. I need to calm down, hindi ko kailangang matakot, baka nanakot lang si Mr. Weird kasi wala na siyang makuhang iba na magtatagal sa kanya.
I'll just leave it that way.
Kailangan ko lang maging positibo at magpakatatag para sa amin ng prinsipe ko.
"Don't think of working some-"
"Sige ho, pumapayag na ako ma'am, ang weird po talaga ni sir Ardouz eh."
"O-okay lang sayo?" hindi makapaniwalang tanong niya sabay tampal sa noo niya. "That makes me breath again." huminga siya ng malalim at walang sabi-sabing hinatak ako patayo at niyakap ng mahigpit. "Salamat Koko, I swear sobrang kailangan kita, I like how you work, I like how dedicated you are, I like seeing your smiling face every morning kasi nakakagaan ng pakiramdam, sorry kung wala akong magawa para ipaglaban ka sa pinsan ko na 'yon."
Bahagya akong kumalas sa yakap niya at matamis na ngumiti sa kanya. Hay ang ganda na ulit ng mukha ni ma'am. Pinisil ko ang kamay niya ng bahagya.
"Sobrang saya rin po ako na naging boss ko kayo ma'am, hayaan mo kapag ako napika kay sir Weird ang building niya ang pupulbusin ko pati ang guwapo niyang mukha."
"Loka." mahina siyang natawa ng muli siyang umupo sa upuan niya. "Mr. Weird ha? Hindi ka natakot sa kanya?"
Umiling ako. "Hindi niya naman siguro ako papatayin, saka opo, ang weird niya, bigla nagagalit at napapangiti parang baliw ho, ganu'n."
She look at me with disbelief. "You're indeed a one of a kind Olivia, basta huwag kang mag-alala palagi pa rin tayong magkikita, okay?"
"Oho ma'am." may ngiti sa labing nagpaalam ako sa kanya.
"Umuwi ka nalang, hayaan mo na si Nelly riyan, expect a two month salary in your ATM-"
"Ma'am sobra na-"
"Thank you Olivia, you save everything that I have."
"Hay...mamimiss ko kaya ma'am." malungkot na yumuko ako. Hindi ko na napigilan ang luhang dumaloy sa pisngi ko ng yakapin niya ako ng mahigpit. Ang malas, wala talaga kaming forever ni ma'am. Ang bait niya pa naman.
"Same here, you have a golden heart Olivia, let's keep in touch okay?"
Tumango ako at nagpaalam na sa kanya, kahit si ma'am Ortez nalungkot rin sa nangyari.
"Iwan mo na kami Koko?" humihikbing niyakap ako ni ate Yena ng sinabi ko sa kanya ang pagresign ko. "Mag-ingat ka palagi ha? Magkikita pa tayo sa awa ng Dios."
"Oo naman ate Yen, may number naman po kayo sa akin eh, mag-ingat rin ho kayo."
Muli ko siyang niyakap ng nasa basement na ang elevator. "Salamat po ate."
Naluluhang tumalikod ako ng makita ang pag-iyak niya. Kasalanan kasi ng weird na 'yon eh. Pero sana kasing bait niya si ma'am. Ngek...hindi pala siya mabait kasi bombahan niya nga ang salon ni ma'am, basta ang weird niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro