CHAPTER 4
"Okay ka lang ba anak?"
"Yeah." tango ko kay mommy na kakaupo lang sa harapan ko, sinalubong ko ang titig niya ng dumako ang mata niya sa mukha ko, "I'm fine mom." pangungubinsi ko sa kanya ng tila binabasa niya pa rin ang expression ng mukha ko. I swear she's acting weird.
Ipinilig niya ang ulo habang umiiling. "Hindi mo ako naging ina para lang sa wala Ardouz, okay na ba kayo ng Kuya Max mo?"
"We're good." I answered shortly.
"Then what is it?" pangungulit niya ulit sa akin, sumandal siya sa pang-isang sofa na hindi inaalis ang mga mata sa akin, "Ard-"
"Saan mo na naman ba nakuha ang ideyang hindi ako okay ma?" wala sa sariling naihilamos ko ang palad sa mukha ko. "Pagod lang siguro ako."
"Nakikita mo ba ang sarili mo?" nang-uusig na pinaglipat-lipat niya ang mata sa akin at sa bote ng alak sa harapan ko. "Ilang taon kang lugmok, why I am seeing you in the same situation again? Nag-away ba kayo ng babae na 'yon?"
"She has a name ma. It's Marie!" pagalit na sumalin ako ng alak sa baso sabay inom, pabagsak na ibinaba ko ang baso pero hindi man lang siya natinag. "Akala ko ba okay na kayo? She was beyond perfect for me ma, why you're acting like you never approve her as the love of my life?"
"You know already Ardouz." matigas ang boses na tumayo siya.
"Mom naman! Oo may mga nakaraan si Marie pero siya lang ang nagpabalik ng buhay-"
"Aalis na ako." pambabalewala niya sa sinasabi ko bago tumayo at naglakad papuntang pintuan.
"Ma-"
"Pinapunta ako rito ng ama mo para kamustahin ka, hindi ka na raw pumapasok."
"I need rest mom, kakauwi ko lang galing America." I took a deep breath as I follow her towards the door.
"Sa bahay ka muna umuwi hanggang sa araw ng kasal mo."
May ngiti sa labing inakbayan ko siya. "Kaya pala nagagalit kay Marie kasi nga wala ka ng baby sa bahay."
Malakas akong natawa ng inirapan niya ako, naglalambing na hinalikan ko siya sa ulo. "Okay, starting today I will stay in our house at dapat ikaw nagluluto ng pagkain ko ha? Mamimiss ko 'yon."
"Fine, basta bigyan mo agad kami ng apo. Para hindi na boring sa bahay."
"Maybe after a year-"
"What?" naguguluhang tanong niya.
"Marie was in the peak of her career mom, pero don't worry, I'll convince her."
Napipilitang tumango siya. "Kapag hindi. Kakalbuhin kita."
"That's funny mom." I chuckled. "Way too funny." hinatid ko siya sa sasakyan niya bago muling bumalik sa loob ng mansiyon ko. Hindi ko masisi si mommy na hindi magalit kay Marie, pero ako naman ang nagmamahal hindi siya kaya hindi niya ako maintindihan.
Pero tama siya, hindi si Marie ang problema ko, hindi ko nga alam kung problema ba 'to. Divina's secretary keeps bugging my mind. I don't wanna think about her, I keep myself busy but I can't neglect her in my mind. Maybe this is just an infatuation. Nakakaagaw pansin lang talaga siguro ang maganda at masayahing mukha niya kaya parang naging magaan ang atmospera kapag kaharap siya.
Muli kong binalikan ang alak ko sa sala at dinala 'yon sa gilid ng pool, matagal ng panahon ang nangyari pero hindi pa rin mawala sa isipan ko ang buong gabi na 'yon.
My head snap behind me when someone tapped my shoulder. "Hon?" wala sa sariling bulong ko ng makita si Marie na nakasimangot.
"Nakakainis ka, kanina pa ako rito pero hindi mo man lang naramdaman!" nagtatampong tinalikuran niya ako at umupo sa lounging chair.
Hinatak ko siya patayo at naglalambing na niyakap siya ng mahigpit. "I'm sorry, akala ko ba may photo shoot ka?"
"At akala ko ba susunduin mo ako?"
Sunduin? "Shit! I forgot, bakit hindi mo ako tinawagan? Bakit-"
"Anong bakit?!" galit na itinulak niya ako. "Nasaan ba ang cellphone mo?" nakataas ang kilay na usisa niya. "My God! Nasa mesa sa sala katabi ng alak mo! Paanong hindi mo napansing kanina pa akong tumataw-" she stop her sentence when I pull her into a hug.
"Sorry hon, dumating kasi si mommy, may pinag-uusapan kami eh, kaya siguro hindi ko napansin."
"Okay, sa susunod kasi lagyan mo na ng ringtone 'yang cellphone mo, not just the vibration but with the-"
"Okay...okay." sansala ko sa kanya. "How about I cook you dinner and-"
"Hindi ka marunong magluto mister." paalala niya sa akin. "Don't you remember the last time you cook? I can't swallow it." nakangiwing turan niya na akala mo ay nalasahan niya ulit ang niluto ko noon. "Kaya may dala akong pagkain sa loob."
"Let's go eat then." napahiyaw pa siya ng bigla ko siyang binuhat, I planted a soft kiss on her forehead as I walk inside the house. "Salamat hon." bulong ko ng ibaba ko siya sa dining. "Sino pala ang sumundo sayo?"
"A-ang driver ko." umiiwas ang matang sagot niya, hindi ko nalang pinansin 'yon at pinahanda nalang sa kusinera ang pagkaing binili niya. "Bakit mo pala sinibak ang assistant mo?"
Pinaghila ko siya ng upuan. "Pabaya siya-"
"Pabaya?" nakatingalang tanong niya, "Beth works for you for almost three years, paano siya naging pabaya?"
"Drop the topic, saka hindi ba nagsabi sayo?" may pagdududa sa boses na tiningnan ko siya sa mga mata.
"Hi-hindi naman." nauutal na sagot niya, inabot ko sa kanya ang tubig ng baso na agad niya namang ininom. "S-salamat hon."
Tahimik na ipinagpatuloy namin ang pagkain, halos hating gabi na ng ihatid ko siya sa bahay nila kaya naisipan ko nalang na dumaan sa bar ni Kato na isa sa mga matalik kong kaibigan, uminom akong mag-isa dahil nasa ibang bansa pa siya at sa sunod na linggo pa ang balik.
It was nine in the morning when I left the house, instead of going in my office I found myself driving towards the La Bella building.
I park my car just outside the entrance and made my way in.
"Magandang umaga po sir." nakasaludong bati sa akin ng dalawang guwadiya ng pagbuksan nila ako ng pinto, tango lang ang sagot ko sa kanila bago dumiretso sa elevator.
"Good morning sir." may ngiti sa labing salubong sa akin ng elevator operator.
"Likewise.".
"Kay ma'am po?" tanong at handa niya ng pindutin ang floor number.
"Ate Yen wait!" naririnig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Mabilis na pinindot ng operator ang open button. "Sasabay na po-" bigla itong natigilan ng makita ako sa loob.
"Mamaya ka na Koko ha, VIP kas-"
"Get in." seryosong utos ko kay Olivia pero parang wala siya sa sarili na nakamata lang sa akin. I took a deep breath as I walk towards her pulling her inside gently. Kahit nasa loob na kami hindi ko pa rin mabawi-bawi ang kamay ko na nasa palapulsuhan niya. It feel so damn warm.
"S-salamat p-po sir." nakangiting binaklas niya ang kamay ko sabay layo sa akin at doon pumuwesto sa gilid ng operator. Pero maya-maya lumingon rin siya sa akin. "Wala po si ma'am ngayon sir, nasa France po."
"I know." tumatangong sagot ko habang tinitigan ang maaliwalas niyang mukha "What's your name?"
"Karrel Olivia po." kiming sagot niya at muling tumalikod sa akin. "Pero Koko ang palayaw ko-"
"Koko..." my lips twisted with amusement. "I like it."
"P-po? May sinasabi kayo sir?" kunot ang noong baling niya sa akin. "Ay sorry po.." natatarantang inakbayan niya ang operator na kanina pang tulala. "Behave Koko!" mahina akong natawa ng sampal-sampalin niya ang mukha niya. "Ang FC mo naman!"
"Okay lang kayo ma'am?"
"O-oho. Saka ate Yen, Koko nalang po ang itawag niyo sa akin, huwag na ho ma'am."
"Sorry." bulong nito. "Nakakataranta eh."
Tumigil ang elevator sa floor ni Divina at nakasenyas na pinauna ako ni Koko, KOKO... why it sounds so fascinating?
"Why won't you go first?" I mumble with annoyance.
"Labas na kasi Koko."
"O-oho, salamat po ate Yen."
Sumunod ako sa kanya at umupo sa sofa na nakaharap sa mesa niya. Palihim ko siyang inoobserbahan habang binubuksan niya ang computer.
Sumikdo ang dibdib ko ng makitang tumingin siya sa akin at kiming ngumiti, ngiting nagpawala ng pagod at antok na kanina ko pa nararamdaman.
"Gusto niyo po ng maiinom sir? Tatawagan ko ho si ma'am-"
"Black coffee will do, don't call Divina, nag-usap na kami."
"Ah, sige po." nakasunod pa rin ang mga mata ko sa kanya hanggang sa mailapag niya ang kape sa mesa na nasa harapan ko. "Sabihin niyo lang ho kung may kukunin kayong papeles or kung ano man po ang kailangan niyo, may gagawin na po ako."
She walk back on her table with a cup of coffee beside her laptop. Nakamasid lang ako sa kanya habang panay ang tipa niya sa computer. Ito ang unang pagkakataon na nakasalamuha ako ng isang ordinaryong babae na hindi ko man lang nakitaan ng pagkailang sa presensiya ko. She was just normal doing her job in silence like no one is watching her, how lucky Divina for having her in this company.
"Sir okay lang ba kayo riyan?" untag niya nagpatigil sa akin. Okay lang ako? With that charming smile? Of course Im okay. Tumayo siya at may kinuhang libro sa shelves. "Ito lang meron ako, baka kung gusto niyo po ng mapaglibangan puwedi naman ito," inilapag niya ang dalawang libro sa harapan ko. "But I personally recomend you this one." turo niya sa puting libro na may tittle na The Purpose Driven life.
Tinapunan ko lang ng tingin ang libro at hindi ko na inabala ang sarili kong basahin 'yon, kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa para tawagan ang sekretarya ko.
I massage my forehead waiting for my secretary to answer.
"Good morning sir, may meeting po-"
"Cancel it all."
"Yes sir."
Ibinalik ko ang telepono sa bulsa ko bago sumandal sa sofa. What the fuck am I doing here? Bakit parang lutang ang utak ko ngayon?
Sumimsim ako ng kape at muling itinuon ang mata kay Koko na nakapangalumbaba sa harap ng laptop. My eyes travel on her lips, I cleared my throat seeing her biting it like she's having trouble on what's in the screen, the shape of her lips feels like I already draw it.
Napaayos ako ng upo ng biglang tumunog ang telepono sa mesa niya, mabilis niya itong sinagot habang hinihilot ang kaliwang braso.
"La Bella Salon, how may I help you?...Yes sir? Nandito po." kunot ang noong sagot niya sabay tingin sa akin. "Daddy niyo po sir." she mouthed.
What he need this time? I stand up lazily and get the phone from her.
"Dad."
"Ngayon ang usapan natin tungkol sa hotel mo, ano ang ginagawa mo sa opisina ni Divina?"
"Run some errands, we can talk about that tomorrow," ibinaba ko ang telepono at wala sa sariling hinawakan sa baba si Koko na napasinghap ng malakas. "Ano bang meron sayo?"
Natatarantang umiling siya. "Si-sir, na- natatakot p-po a-ako, wala ho akong gina-"
I brush my hair frustratedly as I let go of her chin. Parang tinadyakan ako sa sikmura ng makita ang takot sa mga mata niyang nakatitig lang sa akin.
"I'm sorry." I sighed big time. "I didn't mean to scare-" naputol ang paghingi ko ng paumanhin ng biglang may nagsalita sa pintuan.
"Hey Olive oil- you okay?" usisa ng ka-officemate niyang lalake, agad rin itong natigilan ng makita akong nakapamulsa malapit kay Koko. "Good morning sir, okay ka lang ba?" muling tanong nito sa kanya, hahawakan na sana nito si Koko sa balikat ng tumikhim ako.
"Pull back your hand and leave." nag-iisang linya ang kilay na utos ko sa lalake. Tinalikuran ko sila para kumuha ng tubig na nasa bote at binuksan 'yon, wala pa ring imik si Koko hanggat sa mailapag ko ang nakabukas ng tubig sa mesa niya. "Drink."
Naikuyom ko ang kamao ko ng makitang nanginginig ang kamay niya ng abutin niya ang tubig, nakatingin lang ako sa kanya hanggang maubos niya ang laman ng miniral water.
"A-ano ba ang nangyari sayo sir? Tinakot niyo naman ako eh, may anger management ba kayo? Para po sa susunod hindi na ako matatakot."
I look at her with disbelief, is she for real? She looks normal now, she's even pressing her lips together. "Pero kinabahan po talaga ako sa nangyari, okay na po ba kayo?"
"Ikaw, okay ka naba?"
"Ehhh.." napapakamot sa batok na tiningnan niya ako sa mga mata, halos hindi ako makahinga ng matamis na naman siyang ngumiti. "Okay na po, nabigla lang ako kanina, bakit niyo ba 'yon ginawa sir?"
"Be my assistant." diretsahang turan ko na ikinalaki ng mga mata niya, it took a minute for her to react and her reaction caught me offguard. "Do I look like a clown?" kunwa'y naiinis na tanong ko ng hindi pa rin siya tumitigil kakatawa ng mahina.
I tilted my head realizing that I am enjoying the view.
"S-sorry po." namumula ang mukhang tumingala siya sa akin, "O-okay lang po ba talaga kayo sir? Sa totoo lang naweweirduhan na ako sa-"
"Now Im weird." I muttered with disbelief. Tumango siya na animo'y batang hindi marunong magsinungaling. "I'm serious Koko. Be my assistant, I'll double your salary-"
"Salamat nalang po sa offer, pero mas komportable po akong maging sekretarya. Saka wala naman po akong problema kay ma'am Div-"
"How thoughtful." sansala ko sa kanya. "I'll pay you triple than-"
"Sir naman-" bumuga siya ng hangin at tila napipika na. "I'll stay. Hindi po mahalaga sa akin ang pera na inooffer niyo, mabait si ma'am kaya walang dahilan na iwan ko siya lalo na kung para lang sa per-"
"I don't f*cking care." matigas ang boses na dumukwang ako sa mesa niya. "I want you-"
"Why me? B-bakit ako?" naguguluhang putol niya sa sinasabi ko. Nabaling ang mga mata ko sa kamay niyang nakakuyom na dahil siguro sa inis.
"Since when did you learn how to forced women?"
"Ask Divina." walang kabuhay-buhay na sagot ko kay kuya Max. Tinaasan niya ako ng kilay ng magtama ang mga mata namin. "At huwag mo akong subukan." banta ko sa kanya.
He shook his head with disbelief as he made his way towards us, "I need the documents Miss Pagonzaga." naririnig kong bulong niya kay Koko na hanggang ngayon halatang naguguluhan pa rin sa nangyayari. "Ano ang ginagawa mo rito?" nang-uuyam na baling niya sa akin.
Hindi umiimik na sinalubong ko ang nang-uusig na titig niya. Kung sa katigasan lang ng ulo ang pag-uusapan ako na ang may hawak ng korona nu'n, I always got what I want which they already know that. Umiwas siya ng tingin ng hindi ako tumitinag sa kinatatayuan ko.
"I-ito na po sir."
Tiningnan ko ang papeles sa kamay ni Koko at ng akmang kunin 'yon ni kuya Max inunahan ko na siya.
"What the f*ck Ard-"
"Here." pabagsak na inabot ko sa kanya ang papeles. "Kung wala ka ng kailangan umalis ka na, may pag-uusapan pa kaming importanteng bagay."
"Hindi ko na nagugustuhan 'yang ugali mo Ardouz!" mataas ang boses na bulyaw niya sa akin na kinibitan ko lang ng balikat at lalo nagpagalit sa kanya. "Wala ka ng respet-"
"Oh come on Maximus." I chuckled nonchalantly. "Just leave and-" my words were cut off when Koko cover my mouth lightly.
"Naku pasensiya na ho sir Max." nakayukong hinging paumanhin niya kay Kuya Max na patuyang tumatawa ng mahina habang nakatitig sa akin at sa malambot na palad ni Koko na nasa bibig ko. "May problema po yata si sir ahm- basta si sir-" nakangiting muwestra niya sa akin. "Okay na po 'yang papel-"
"Mukha ngang may problema, hindi lang simple kundi napakalaking problema." ngisi ni kuya Max sa akin. "Siya nga pala Miss Pagonzaga, you're amazing, beautiful and-" my hand turned into fist when he malisciously stared on Koko's body. "-sexy."
"You fuck-" muli akong natameme ng nilakumos ni Koko ang bibig ko.
"Salamat po sir, kayo rin guwapo." she giggle like a kid making me furious. Hinawakan ko ang kamay niya at susugurin sana si kuya ng bigla nalang siyang humarang. "Sige na ho sir, salamat ho ulit."
"Asshole." paismid na bulong nito bago tumalikod. Hindi pa man nakalayo ng tumigil si kuya sa paglalakad at binalingan si Koko. "Bye baby." anito sabay lakad ng mabilis.
"That asshole!" mariing bulong ko at galit na tiningnan si Koko. "Bakit ka ba paharang-harang?"
"Sir naman! Kung hindi ko ginawa 'yon edi nagpatayan na kayo rito, pero infairness mabait naman pala kayo-."
"Mabait lang?"
"Oh sige, weird din." painosenteng sagot niya, hindi maipinta ang mukhang kinuha ko ang libro sa mesa at nagmamadaling lumabas. Naririnig ko pa siyang sumisigaw pero pinilit ko nalang ang sarili ko na huwag mahulog sa malamyos niyang boses.
"Nakakainis!" nakasimangot na pinindot ko ang down button ng elevator. "Mabait at weird? Pero si kuya Max guwapo? F*ck!" naghihimutok na tinadyakan ko ang pinto ng elevator. "Guwapo my ass tsss!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro