CHAPTER 38
"Ate..." mabilis ko na pinunasan ang luha ng kasiyahan sa mga mata ko. "Sorry po, palagi nalang akong umiiyak kapag binibisita kita, pero ngayon po luha na ng kasiyahan 'tong nakikita mo." nanginginig ang kamay na hinaplos ko ang puntod niya. "Sob- sobrang saya ko po na okay na ang lahat ngayon, sobrang gaan na po ng pakiramdam ko, kompleto na po kami ate, may ama at ina na si Xandre, sobrang saya niya po ngayon, halos hindi na nga po makatulog dahil palagi nalang nakayakap sa ama niya, ayaw na nga ring pumasok at baka raw wala na naman siyang uwian na ama, bahala na ate, hindi ko na muna siya pinapasok kasi gusto ko pong makabawi na silang dalawa sa anim na taong hindi sila nagkasama."
Huminga ako ng malalim para madaanan ulit ng hangin ang lalamunan ko. "Pangako po na ibigay ko ang lahat ng pagmamahal ko bilang ina at bilang asawa sa kanila, maraming salamat po sa lahat ha, mahal na mahal kita ate, sobrang miss na po kita, saka natuto na rin po akong lumaban ate," sunod-sunod na pagpunas ng luha ang ginawa ko ng hindi na 'yon tumigil kakalabas sa mga mata ko.
"Apat na buwan nalang, magpapakasal na po kami, pe-pero-" impit akong napahagulhol. "P-pero wala pong pa-pamilya ko na- na ma-maghahatid sa akin sa-sa a-altar, ma-masaya akong ma-magpapakasal na kami ng mahal ko pero sa- sa tuwing pumapasok po sa- sa isipan kong wa-walang magha-hatid sa akin sa altar parang tinutusok po ng punyal ang puso ko sa sobrang sakit ate, kaya pangako pong mananatiling buo ang pamilya ko, ayoko pong ma-maranasan nila ang naranasan ko." nanlalabo ang matang niyakap ko ang puntod niya.
"A-ate, i-ihahatid mo po a-ako ha, hi-hindi man po kita na-nakikita, ma-magkunwari nalang po a-akong na-nasa ta-tabi kita sa a-araw na 'yon at ma-masayang iha-ihahatid ako sa altar at-" luhaang napalingon ako g may mainit na kamay na humahaplos sa likod ko. "Baby." umiiyak na anas ko ng makita si Ardouz.
Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit na nagpaiyak lang lalo sa akin. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon ibinuhos ng ibinuhos ang luha ko, ang isiping 'yon ang nagpapaiyak sa akin, pero susubukan kong kalmahin ang sarili ko sa tuwing sasagi sa isipan ko 'yon.
"Hmmmm is that a happy tears, mahal ko?" nababahalang bulong niya sa ulo ko. "Happy tears or not it's suffocating me, but I understand you, dito lang ako palagi para sayo, para sa pamilya natin."
"Mama? Are you okay po?" naririnig kong tanong ni Xandre. "Mama tama na po ang iyak, before, I thought you don't know how to cry po, bakit ngayon mama palagi po kayong umiiyak? Your tears tighten my chest po, I can't breath."
"Okay lang si mama baby, miss na miss niya lang ang mommy Monina mo."
"Okay po papa, kiss ko nalang po si mama." I squeeze Ardouz back as I feel Xandre's lips on my hair. "Stop na po mama ha."
"I- I will baby." tumatangong tugon ko.
"Papa!" napa-angat ako ng tingin at tiningnan si Xandre na parang koala kung makakapit sa likod ng ama niya. Tumingala ako kay Ardouz na masuyong ngiti sa mga labi habang hinihigpitan ang pagyakap sa akin. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang yakap-yakap ko na ang lalakeng pinangarap ko at lalakeng ama anak ko.
Dahil sa bugso ng nararamdaman kinagat ko siya sa dibdib at nanggigil na niyakap pa siya ng mas mahigpit.
Si Xandre naman wala na sa likod niya at ng tingnan ko ang paligid nakita ko nalang siyang nanghuhuli ng tutubi kasama ang ilan sa mga bodyguards niya na tuwang-tuwa pa habang nanghuhuli.
I took a deep breath remembering Marie, the boys did threatened them to be part of that kidnapping, sa ngayon bumalik na siya sa pagmomodelo at ang lalakeng kasama niya naman bumalik na rin sa pagnenegosyo at nangakong hindi na gagawa ng kahit anong hakbang laban sa amin at alam niya naman ang mangyayari sa kanya dahil may mga tao pa ring nakamanman sa bawat galaw nila.
My man has a trust issue and he just can't leave them freely.
"Are you sore?"
Bigla nalang nag-init ang pisngi ko dahil sa tanong na 'yon, mahina siyang natawa ng suntukin ko ang likod niya.
"Are you?" ulit niya. Kumalas ako ng yakap sa kanya at umupo sa kandungan niya patalikod sa kanya.
"I can't still adjust." nahihiyang pag-aamin ko, sumandal ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya na nasa tiyan ko. "Kung hindi siguro dahil sa alak noon baka nawalan pa ako ng malay sa laki ng beast mo baby."
"Hmmm..." I close my eyes when his warm breath keeps fanning on my neck. "I wonder if you still remember all the wild things I thought you that night."
Bahagya ko siyang siniko. "Manahimik ka Ardouz, mamaya babangon ang mga patay dito."
"Am I too rough on you?" pagpatuloy niya na nagpailing sa akin, ang lalakeng 'to talaga. "Baby am I rough to you?"
"I don't know." kibit-balikat na sagot ko. I bite my lips when his warm and soft lips descended on my neck. "Hindi ko pa naman naranasan kung paano ang gentle sayo."
Napapangiti ako ng yumuyog ang balikat niya at nasundan ng mahinang tawa. "Im rough then, I don't know kung kaya kong maging gentle sayo."
"Bakit naman? Mahirap ba 'yon?" inosenting tanong ko. "Dapat nga hindi pala kasi nga gentle lang."
"Gusto mo bang idaan natin ang anak natin kina mommy? We're just sneaking baby, being gentle takes time but I like being rough on you, I love how you gasp in pain, how you suck and hold your breath everytime I fuck you so deep and long."
Hindi nalang ako umimik at baka nga babangon pa ang mga patay sa kahalayan ng mahal ko, I press my lips together when his breath getting thicker and heavier on my neck.
"Talk about sex again and I'll leave you with your hard on here so everyone can see-"
"I love you." putol niya sa akin, nakangiting dinala ko ang magkahugpong na kamay namin sa labi ko at hinalikan ang kamay niya. "Sana babae ang sunod na baby natin, tapos kamukha mo na, pero dapat may dimples din para pareho sila ng kuya niya."
"Hmmm I like that, saka mata-"
"Dapat mata mo." sansala niya sa akin, "Damn! I can imagine how her eyes will sparkles while begging for something from me, what do you think mahal ko?"
"I think you will spoiled her." naiiling na sagot ko.
"Of course! Kung hihingi siya ng hotel papatayuan ko siya, I won't hesitate to spoil them baby, but of course we will control their attitude."
"Okay lang na kamukha mo ang mga anak natin, but dear God, give them my attitude."
Sinamaan ko siya ng tingin ng tumawa siya. "What's funny?"
"Baby mabait ka sa mabait, but damn you're a badass when you're provoked, just imagine our babies will have that attitude, baka araw-araw tayong ipapatawag sa school."
"When provoke lang naman, kaya okay lang 'yong manuntok sila."
"Savage." he chuckled richly. "But I love that."
Tumango ako. "Me too baby, me too.
"Mahal ko?"
"Hmmm?" kunot ang noong binalingan ko siya. Hindi na ako nakahuma ng siilin niya ako ng halik na agad niya ring itinigil. "Bakit po?"
He stared deeply into my eyes with so much love in it. "Thank you sa lahat mga sakripisyo na ginawa mo para sa aming mga mahal mo, nauubusan na ako ng salita, kung paano ka pasasalamatan sa lahat-lahat at-"
"Just say you love me and that's so much already for me, mahal ko." puno ng emosyong turan ko, tumingkayad ako at hinalikan siya sa baba.
Magkahinang ang mga mata namin ng magsalita siya. "Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita, mahal ko and that's forever. I will be a good husband and father it's not a promise but I will do my best for all of us."
A lone of tear fell down on my cheek that he instantly kiss it.
I lost out of words hearing those from a Montevista heir, the beast for others but a loving and caring person to me, sinapo ko ang tapat ng puso ko ng maalala kung gaano siya kabaliw, gaano siya kainin ng insecurities niya, gaano siya ka-possessive pagdating sa akin.
Naalala ko pa kung ano ang itsura niya sa tuwing magtatanong siya kung guwapo ba ang mga taong pinagsasabi niya, he's the cutest man I've ever seen when jealousy and insecurity strike him together.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin malubos maisip na marupok pala akong tao, lahat ng gesture niya hindi ko matanggihan, kahit may fiancee pa siya noon hinahayaan ko siyang lambingin ako, simula noong araw na nakita ko ang anger management isa lang ang nasa isipan ko noon, that this man hugging me needs me, to the thought that he threatened his own cousin I can't feel any fear to him.
My heart and my mind really knows how to handle this guy, pinaglaruan man kami ng tadhana ng hindi patas naipanalo naman namin ang laro na 'yon, kahit masakit at mahirap tahakin ang daang pinatatahakan sa amin nakayanan pa rin namin 'yon.
Ang kailangan lang ay katatagan, tunay na pagmamahalan, tiwala at higit sa lahat kailangan din ng galaw at gawa, hindi rin puweding hintayin ang kapalaran na mag-ayos ng gulo sa isang relasyon dahil nasa tao pa rin ang desisyon, 'yan ang natutunan ko sa anak ko.
He told his uncles to do what in his mind, he already fed up of waiting for so long for my action. Kailangan lang ng lakas ng loob at hindi mag-aalinlangang sabihin ang mga kailangan sabihin ang saloobin, kailangan lang tanggapin kung ano ang maaring konsekwensya pagkatapos sabihin ang lahat.
We need to be brave to face the truth than doubting the consequences if we didn't try to confess first.
Life is full of surprises and what we need to do is be ready always, we live to drive our lives but we have to fight the challenge of life itself to live and survive with the people who love us.
God give us life and it's with us how to drive it on the path that he already chose for us.
========!!========
Four months later...........
Nabalot ng ulap ang dapat asul na kalangitan habang nasa daan kami kanina papuntang simbahan, ngayon ang araw ng kasal namin ni Ardouz.
Pagdating sa simbahan parang ayoko nalang bumaba pero kailangan ako ng mahal ko.
Ang bigat ng bawat hakbang ko habang papasok sa simbahan, my tears feel down seeing the round white flowers decoration outside the church.
Bawat hakbang ay pabigat ng pabigat, napuno ng maraming hugis pabilog na bulaklak ang loob, nakakabinging katahimikan din ang sumalubong sa akin, malungkot kong pinasadahan ang mga taong tanging naka-itim at puting damit lang ang mga suot at lahat malungkot ang matang tumingin sa direksyon namin.
Lahat ng Montevista nasa gitna at lahat nagdadalamhati at luhaan habang nakamasid sa dalawang ataul na nasa gitna.
Habang palapit ng palapit sa kinaroroonan nila pahigpit rin ng pahigpit ang hawak ng mahal ko sa kamay ko, I am his strenght right now, lahat apektado sa pagkawala ng reyna at hari ng mga Montevista pero para sa akin ang mahal ko ang lubos na apektado.
Ilang beses ko siyang nahuhuling tahimik na lumuluha, alam kong ayaw niyang makita ang ganu'ng eksena pero dumating ako sa buhay niya hindi lang para sa kasiyahan, dumating ako para damayan siya sa lahat ng bagay, sa kahinaan niya at sa kadiliman ng buhay niya.
Hindi namin siya iniiwan ni Xandre dahil ayokong buo ang atensyon niya sa pagkawala ng mag-asawa, mahirap man paniwalaan pero sabay silang nawala at magkahawak pa ang kamay ng makita silang wala ng buhay sa kama nila.
Max tried to do some test but he didn't saw anything that may cause their death.
Ngayon na rin ang araw ng libing nila kaya nandito kami ngayon sa simbahan para ihatid sila sa huling hantungan nila.
Binigyan kami ng daan ng iba para makalapit na kami sa dalawang ataul.
"Papa I wanna see lolo and lola po." nagpapabuhat na sambit ni Xandre, yumukod si Ardouz at binuhat siya. "I- I won't see them again, right papa?" malungkot ang boses na tanong niya sa ama niya, iniyakap ko ang mga braso ko sa baywang ni Ardouz ng malungkot na tumango siya kay Xandre. "I will miss my lolo and lola, pero diba po kami nina Tala, Ruixenette and Ruixanne pa rin ang paboritong apo nila? Hindi ang mga uncles nam-"
"Hey!" sabay na protesta ng mga kalalakihang apo ng dalawa, kahit umiiyak ang iba nagawa pa rin nilang tumawa ng mahina.
Tumikhim si Phyto. "Kami ang paborito ng lola, diba guys?" nagpapakampi na baling niya sa mga pinsan niya na agad namang tumango. "See kami ang-"
"Kami po eh! I have my ways uncle Phy, tell them that the kids are the favorite grandchildren of our lolo and lola." Xandre commanded making me groaned inwardly.
Naku! gumana na naman ang utak ni Xandre.
"Hindi maaari." pagmamatigas ni Phyto. "Kami ang pab-"
"Lolo and lola I love you po, samahan niyo po palagi si Uncle Phy sa-"
"O-oo na, kayo na ang paborito." namumutlang sansala ni Phy na nagpatawa sa amin. Tumingala ako sa mahal ko at parang hinaplos ang puso ko ng makitang napangiti siya at tinaasan ng kilay si Phyto na may masamang tingin sa kanya.
"You mess up on the wrong person." proud na sabi ni Ardouz. "Gumawa na rin kayo ng Xandre niyo baka sakaling sa kanya magmana."
"La, lo, ang bully po ng mag-ama oh." nakangusong pagsusumbong ni Sky sa dalawa. "Pakibisita nga po si Phyto mamaya."
"B-bakit a-ako?" takot na tanong ni Phy kay Sky na sumasabay sa tawa ng mga taong nasa paligid . "G-gago ka-"
"Ikaw ang paborito sabi mo kanina-"
"Binawi ko na!"
Napakamot sa batok si Rexuz na nilapitan ang dalawang ataul. "Mahal na mahal po namin kayo, kaya pakibisita po si Phy."
"Baka mawalan ng malay si Phyto, tigilan niyo na 'yan." natatawang saway ni dad sa kanila.
Lumapit silang lima sa amin at ginulo ang buhok ng anak ko.
"You already know how to divert our attention." may ngiti sa labing turan ni Max. Mabilis ko namang nilakumos ang gilid ng mahal ko ng makita ang selos sa mata niya. Nakangusong inabot niya si Xandre kay Max na malapad namang ikinangiti ng huli. "Sal-"
"Huwag ka ng magpa-cute sa mahal ko, nasa sayo na nga ang baby namin eh." magkasalubong ang kilay na asik niya kay Max.
"Grand inaaway ako ni Ardouz oh, bisitahin niyo nga po si Phyto."
"Maximus!" Phyto hissed with annoyance, naiiling nalang kami na muling sinilip sina lola. Iniyakap naman ng mahal ko ang braso niya sa balikat ko at bahagyang pinisil 'yon kaya napatingin ako sa kanya.
"Thank you." he mouthed with a sad smile, apektado ako sa ngiting 'yon pero ako ang lakas niya ngayon kaya ayokong ipakita 'yon sa kanya.
I hug him tightly letting him know that Im always here for him. "I love you too, mahal ko."
Pagkatapos ng libing ng mga mahal namin nanatili muna kaming lahat na magpamilya ng ilang oras sa puntod nila bago umuwi.
Pababa na kami ng sasakyan ng makitang sunod-sunod na dumating ang mga pinsan ni Ardouz, sa mga nakalipas na buwan ginagawa na nilang hideout ang bahay namin, basta kung sino lang ang bored sa kanila sa bahay agad ang tungo nila, to piss my man and to play with my son.
Pero kahit sinusungitan niya ang mga pinsan hindi naman apektado ang mga ito dahil nakahanap sila ng kakampi sa akin at kahit magpikunan pa sila ang ending din naman nila ay inuman.
Hindi naman na ako nagtataka, hindi lang naman ang mahal ko ang weird, sila rin lahat.
Inalalayan ako ni Ardouz makababa at karga-karga niya naman si Xandre.
Humihikab na pumasok kami sa bahay, nakasunod naman sa amin ang limang nagbababgayan na naman yata.
"Maligo muna tayo." aya ko sa kanilang dalawa. Kagaya ng pangarap ni Xandre na ang ama niya magpapaligo sa kanya nakamtan niya na 'yon, tatlo pa kaming sabay na naliligo at naglalaro ng bubbles sa jacuzzi na nasa loob ng banyo, pero may harang na salamin nga lang para hindi tatalsik ang tubig sa kabila.
Pero dahil sa antok ko mas nauna na ako sa kanila at nagbihis agad at nahiga sa kama, naramdaman ko nalang ang pagdapo ng mainit na hangin sa ulo ko, kapag ganitong hindi ko kaya ang antok si Ardouz na ang nagpapatuyo ng buhok ko gamit ang blower.
Dahil siguro sa pagod at antok alas-nueve na ako nagising kinabukasan, bigla nalang akong napasimangot ng wala na ang dalawa sa tabi ko, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis na nagpaiyak pa sa akin.
Humihikbi pa ako ng bumukas ang pintuan at iniluwa roon ang dalawang pareho natigilan ng makita ako.
"What happened?" nag-alalang tanong ni Ardouz, kahit si Xandreon sa kama na rin nagpababa at nakatingin lang sa akin. "Baby-"
"Wala!" pagsusungit ko, nagkatinginan pa silang dalawa at tila nag-iisip ng kung ano.
"Mama okay lang po-"
"Huwag niyo akong kausapin." humihikbing tumalukbong ako ng kumot at nakikinig sa bulongan nila.
"Papa, did you fight?"
"Nope, that will never happen."
"Then why mama's mad?"
"Don't know yet, let's ask-"
"Umalis kayong dalawa! Palagi nalang kayong umaalis at iniiwan ako!" humihikbing sumbat ko sa kanila, bakit ba ako naiinis ganito naman palagi ang nangyayari eh. Ang engot ko naman umiiyak sa walang kuwentang bagay.
"We ate mama, sorry po, you too papa, say sorry."
"Sorry ba-"
"Umalis kayo!"
"Ano ang problema mahal ko? Okay ka lang ba? Why-"
"May umiiyak bang okay? Umalis nga kayo!"
"Papa, tara na po muna, mamaya nalang natin kausapin si mama, baka po bad dreams."
"Okay, babalik nalang kami baby, we love you."
Mas humikbi pa ako ng marinig ang paglalakad nila palabas, mabilis na inalis ko ang comforter sa ulo ko at tiningnan sila na malapit na sa pintuan.
"S-saan kayo?" parang tangang tanong ko na nagpabaling sa dalawa sa akin, parehong naguguluhan at nagkatinginan.
"Sa-sabi mo aalis kami ba-"
"Tapos iwan niyo akong umiiyak? Na-nasaan ang konsensya niyo?" bigla rin akong natigilan ng mapagtanto ang nangyayari. Ako pala ang may kasalanan. "Sige alis na kayo, o-okay lang ako."
"Baby naman, we can't decide, gusto mong umalis kami tapos kapag aalis na kami magtatanong ka, tapos paalisin mo na naman kami pero hayan oh, lumalakas ang hagulhol mo, okay ka lang ba mahal ko?"
"Okay lang a-" mabilis akong bumaba ng kama at dumiretso sa lababo ng tila hinalukay ang tiyan ko.
"Mama!"
Yumuko ako sa lababo at suka ng suka pero wala namang lumalabas.
"Let's bring you to the hospital." nag-alalang hinawakan ako ni Ardouz sa balikat pero tinabig ko lang ang kamay niya. "Baby, dalhin na kita sa hospital."
Tumigil ako sa pagsusuka ng may maalala akong senaryo.
"Mama, okay ka lang po?"
"Baby, lets bring you to the hospital."
Hindi ko na sila pinansin, kusa ng bumaba ang kamay ko sa puson ko at hinaplos 'yon.
"Olivia, sige na, I'll carry-"
"Im okay, ganito rin ako noong pinagbubuntis ko si Xandre pero mas okay na ngayon kasi may nagmamahal at nag-aalaga na sa akin, kaya pasensyahan niyo na kung nagsusungit ako sa inyo kanina at-"
"Papa!" malakas na sigaw ni Xandre na nagpatigil sa akin sa pagsasalita na hindi ko naman yata naintindihan, binalingan ko si Ardouz at ganu'n nalang ang pagkataranta ko ng makitang nakahandusay na siya sa sahig. "Mama si papa! Papa huwag mo po akong iwan!" atungal ni Xandre. "Lolo! lola! Huwag niyo po isama ang papa ko! Akin lang siya!" patuloy na hagulhol niya habang yakap-yakap sa ulo ang ama niya at ginigising. "Paapaaa!"
Wala sa sariling inabot ko ang flower vase na may tubig at ibinuhos kay Ardouz 'yon.
Ano ba ang nangyayari sa kanya?
Muli kong nilagyan ng maraming tubig ang vase at ibinuhos sa mukha niya 'yon, kaya ayan dalawa na silang basa ng anak niya.
"Fuck!" malakas na singhap niya, si Xandre naman umiiyak pa ring niyakap siya ng mahigpit.
"Papa! Okay lang po kayo?"
"Ano ang nangyari sayo?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Mabilis siyang tumayo at niyakap ako ng mahigpit. "Hoy! Ano ang nangyayari sayo? Bakit nawalan ka ng malay?"
"Baby naman! Pinagloloko mo ba ako?" kunot ang noong binuhat niya si Xandre.
"Kung ayaw mong tumama ang kamao ko sa pagmumukha mo Ardouz umayos ka, magtatanong ba ako kung alam ko?"
"Kapag sobrang saya lang ako nawawalan ng malay diba?"
Tumango ako. "Ano ang nagpasaya sayo? Nanalo ka sa lotto ng milyones? O anong-"
"Sabi mo kasi natural lang ang naramdaman mo ngayon kasi ganyan ka rin noong pinagbubuntis mo si Xandre." masayang sambit niya at hinapit pa ako ng mahigpit.
"Oo nga, ganito ako noong pinagbubuntis-" my eyes widen realizing what I just said. "Bu-buntis a-ako?" nauutal na itinuro ko ang sarili ko. "B-buntis a-ako." may luha sa matang sinapo ko ang mukha ni Ardouz at siniil siya ng mainit na halik. "Im pregnant." I mumble on his lips. Saka lang din pumasok sa isipan kong delayed na ako ng tatlong linggo.
"What happen po mama? Papa?"
Kahit may luha nakangiti pa ring hinalikan ko si Xandre, "we're having a baby, there's baby in mama's tummy."
Nanlaki ang matang tiningnan niya ang tiyan ko. "Im okay with babies now! Papa go down! Go down!"
Mabilis siyang ibinaba ni Ardouz sa sahig at hinarap ang tiyan ko.
"Hello po baby," aniya sabay halik sa tiyan ko. "I am Xandre your kuya, grow fast okay? So we can punch the bad guys together! I love you." aniya sabay halik sa tiyan ko.
Pareho kaming natawa ni Ardouz dahil sa narinig.
"I love you my Koko, thanks for making me the happiest man in the world." he stated with full of emotion.
Masayang tumango ako. "Hindi man natuloy ang kasal natin pero may napakalaking regalo namang ibinigay sa atin ang Diyos."
Muli niyang binuhat si Xandre at niyakap niya kaming dalawa ng mahigpit.
"We made it here." he mumble on my temple. "We had an unsettled past but fate bring us back together to settled everything before we could have a happy life, you-" hinalikan niya si Xandre sa pisngi. "-you will protect all your little ones and I will always there to guide you, and you my lovely Koko-" I smile when he kiss the tip of the nose. "Will rule our world and will always the best woman in the world."
"I love you too, don't worry I will rule and rock your world baby." naiiyak na natatawang mas hinapit ko sila.
We stay on that position for a while and I know we will always be like this, I will rule but I will balance their world too.
Im a woman who will lead this family with the help of the man of my life, I will make sure this is not just an ephemeral happiness, I will give them, pampered them with my uncoditional and undying love forever and ever.
=THE END=
==============!!!!!!===========
Author's Note:
Wait.... May epilogue pa!
Sa lahat po ng nag-aabang ng update nito maraming salamat sa paghihintay. Sana nagustuhan niyo ang kinalabasan ng story.
date started: April 21 2020
date finished: May 21 2020
❤❤❤❤❤❤
LOVELOTS:
-EYEBiTES
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro