Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 36


"Olivia? Olivia wake-up... Koko? Wake up baby, come on."

I grunted in so much pain that I am feeling in my whole body, I felt so dizzy that I can even heard some weird noises.

"Koko...wake-up, Olivia-"

I was shot- malakas akong napasinghap ng maalala ang nangyari kagabi. Binaril ako ni Marie!
Nahihilong gumalaw ako at umupo, napaungol pa ako ng nakatali pala ang dalawang kamay sa likod ko.

"Koko-"

"A-am I dreaming?" wala sa sariling tanong ko ng may marinig akong boses sa nanlalabong katinuan ko.

"Olivia open your eyes, come on Koko."

Malakas na kinagat ko ang dila ko para masiguradong hindi ako nanaginip. Mahina pa akong napaungol sa sakit ng nasugatan ko ang dila ko.

"Koko..."

Mabilis na iminulat ko ang mga mata ko at ganu'n nalang ang gulat ko ng makita si Ardouz na nakatali sa kabilang poste ng higaan, nakaupo rin siya sa sahig at parehong nakatali ang mga kamay niya.

My eyes watered seeing him with bruises all over his body, wala siyang pantaas na damit at tanging blue faded jeans lang ang suot niya.

"D-don't cry please." daing niya at sinusubukang kalasin ang kadena sa kamay niya. "I'm so sorry, I was mad enough to did and said such stupid things to you."

Iniwas ko ang mga mata sa kanya at nanatiling walang imik, sumalakay na naman ang sakit na nararamdaman ko, pagak akong natawa sa isiping kung hindi pa kami kinidnap ni Marie hindi pa siya magsosorry.

"Koko please, listen baby-"

"I'm Miss Pagonzaga to you, hindi ko kilala ang pinagsasabi mo." malamig ang boses at hindi tumitinging turan ko sa kanya. "Masyado kang selfish."

"I know and I'm sorry-"

Patuya akong natawa at galit na binalingan siya. "Destiny nga talaga tayo oh, sabay tayong mamatay."

"I deserve that." umuungol sa sakit na sagot niya. "But please, listen to me, hindi ko alam kung saan ako magsisimula-"

"That- that night." I gulp. "Let's start at that night bago pa tayo mawala sa mundo."

"Divina already told you, wala na akong makuwento- fuck."

Mabilis akong napalingon sa kanya ng tila hindi niya na mainda ang sakit na nararamdaman niya. He look so exhausted and weak. Pero hindi naman halatang pumangit siya o nangayayat man lang, nagda-drama lang yata 'to noong nakaraan, kung wala siyang mga pasa baka masabihan pang wala siyang problema.

Ganyan ba ka-unfair ang dugong Montevista? Mabilis akong umiwas ng tingin ng makita ang ngiti sa labi niya, peste! Na-kidnap na kami lahat-lahat nagawa niya pang ngumiti at ang salawahan kong puso nangisay naman sa kilig.

"Koko, what happened before and after that night, why did you sold your vir-"

"Shut up." sinamaan ko siya ng tingin, kailangan niya talagang isali ang virginity? Buwisit. "Mag-isip ka ng paraan kung paano tayo makatakas-" nanghihinang napasandal ako ng maalala si Xandre. "A-anong araw na?" wala sa sariling tanong ko.

"May relo sa lamesita baka makita mo-"

"No!" my tears fell down seeing it's 5am and its Saturday, it's my little one's birthday. "I have to get out!" mariing bulong ko, tumutulo ang luhang sinusubukan kong kalasin ang kadena.

"Stop it Olivia, mawawalan ka lang ng lakas."

Galit na nilingon ko siya. "A-ayokong iwan ang anak ko-"

"We will figure this out." kalmadong turan niya habang inilibot ang paningin sa paligid. His shoulder slump seeing nothing that will help us inside the room. "Fuck! Isa nalang ang pag-asa natin."

"A-ano?" kahit papaano nabuhayan ako ng loob dahil sa narinig.

"My phone, may tracking device 'yon pagdating dito sa Pinas, it's with me- fuck! They got it, sana nakabukas lang 'yon."

I took a deep breath trying to calm myself. I close my eyes begging to God to help me and this bastard out of this and to protect my son, he has only Max now, but the thought of he's heavily guarded makes me lighten my fear a little.

"Koko?"

"Ano na naman?" pagtataray ko sa kanya. "Nag-iisip ako."

"You answered.." the disbelief in his voice makes me glance on his direction, kahit nanghihina ang aura niya nakikita ko naman sa mata niya ang kaligayahan, anong meron kung sinagot ko siya? Pati ba naman sa ganitong sitwasyon nadadala niya ang pagkaweird niya?

"You really answered-"

"You asked of course I have to answer!" what this bastard trying to say?

"Okay, I love you too."

"Ewan ko-"

"Wala ng bawian, you're my Koko again, I called you Koko and you answered, puwedi na akong mamatay."

"Gago!" dahil nakakagalaw naman ang paa ko at naiikot ang kadena hinarap ko siya at tinadyakan sa binti, pero agad rin akong natigilan ng bumalandra sa muka niya ang sakit. "S-sorry, I didn't mean it."

"You're savage when you're mad." umuungol pa rin sa sakit na umayos siya ng upo. "And you look so damn hot."

"Stop provoking me-"

"What we did that night, the every details remain in my system, I wonder if you're still that wild-"

"Fuck you!" hindi ko na napigilang murahin siya. The nerve with this guy for shaming me about that night!

"Yeah, I am so fucked up." buntong hininga niya, magda-drama pa yata. Hindi ko nalang siya pinansin at muli siyang tinalikuran, hindi ako mamatay sa bala pero sa kahihiyan malapit na!

"Bakit mo ibinenta ang katawan mo?" seryoso na ang boses na tanong niya. "Sabi ni Divina dahil daw sa luho, but I can't see that on you, ano ang dahilan?"

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko, siguro ito na ang pagkakataong sabihin ko sa kanya ang lahat bago pa man kami mapatay ng mga hayop na 'yon.

"My ate Monina love me so much, give me everything that I need, kahit ang pagmamahal ng mga hindi ko na nakitang mga magulang ko ibinigay niya sa akin, hindi niya pinaparamdam na wala kaming magulang, kaya noong nagkasakit siya- " I swallowed the lump in my throat before I continue. "-I need money for her, she suffered from a bone cancer at paubos na ang pera namin kaya wala na akong maisipang pantustos sa mga gamot at chemo niya, kaya kahit mahirap at masakit gawin ang desisyon ko ginawa ko pa rin, ayoko kasing iwan niya rin ako, hindi ko na nga nakita ang mga magulang ko pati ba naman siya mawala pa." my tears keeps falling down remembering how long her battle before she lost it.

"Koko, let me touch your feet."

Nanlalabo ang matang bumaling ako sa kanya. "O-okay lang ako, I survived, tapos ngayon pipilitin ko ring maka-survive, I have to live for my son, I have reason to survive kahit anong pagsubok pa ang dumating." mapait ang ngiting iniwas ko ang mata sa kanya. "Totoo bang kayo ang dahilan ng pagkasunog ng mga negosyo?"

"The boys, ang sa mga agency lang ang ginawa ko para hindi dito makapagtrabaho si Marie, hindi ko alam kung bakit ganu'n ang galit nila-"

"Muntikan ng mawala ang anak ko dahil sa kanya, pinagplanuhan niya akong patayin, pinaabangan niya ang kotse ko mabuti at dumating sina sir Phyto, hi-hindi ko alam kung- kung buhay pa ang mga taong bumangga sa kotse ko, pinaimbestigahan lahat ni Max, ang sabi niya Arman at si Marie ang sinabi ng mga nahuli."

"Hmmm." tanging sagot niya kaya napabaling ako sa kanya, natigilan ako ng makita na naman ang galit sa mga mata niya. "Kulang pa ang ginawa nina Phyto kung ganu'n." tiim bagang turan niya habang matiim na nakatitig sa kawalan, "silang dalawa rin ang may pakana nitong lahat. Ilang beses na silang pumunta rito."

"Revenge versus Revenge, kailan kayo titigil? Kapag maraming buhay na ang nawala? Kapag-"

"Im sorry baby but hurting a family member will be hell for them."

"Hindi mo na kailangang gumanti sa kanila." walang kabuhay-buhay na turan ko.

"They hurted you-"

"Hurted." I chuckled nonchalantly. "Nakalimutan mo yatang hindi na ako bahagi ng buhay mo Mr. Montevista."

"This Montevista can always got what he want baby and his heart shouted that he wants you in his life."

Inirapan ko siya. "Sige, masaya ka naman siguro kung walang pagmamahalan sa pagitan natin diba? Malamig pa sa Northpole ang pagsasama natin kapag nangyari 'yon."

"I can set the NorthPole on fire, not literally but like I'll make love to you every  day and night, promise baby, our body can do alot kung init lang naman ang kailangan mo-"

"Bastos ka!" nag-iinit ang mukhang binalingan ko siya at tatadyakan na naman sana, kaya lang traidor ang katawan ko eh. Nakasimangot na tiningnan ko siya ng inipit niya ang mga binti ko sa mga binti niya.

"Traidor din pala ang katawan natin no?" malungkot ang ngiting ginalaw niya ang binti niya. "That's what happened to me too, I can't even break a single shot glass, paano kasi-"

"The happy memories?"

Tumungo ako ng umiling siya,  tatanggalin ko na sana ang binti ko sa kanya kaya lang umungol na naman siya sa sakit, pero pakiramdam ko nagda-drama lang ang buwisit na 'to eh.

"Hindi naman memories eh." napangiwi ako ng mas hinigpitan niya ang pag-ipit sa mga binti ko kaya napatingin na rin ako sa kanya. "That." nguso niya sa mukha ko.

"May uling ba ang mukha ko?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Tumaas ang kilay ko ng umiling siya.

"Ang mukha mo ang laging rumerehistro sa isipan ko kapag sinusubukan kung humawak ng kung ano na puweding itapon."

Lihim naman akong napangiti dahil doon, mabuti nalang talaga at naiwan si Koko sa kanya. 

"We're destined to be one." naririnig kong anas niya, "Fate toyed us for a long period of time, It started from that USB, that-"

"Kapag hindi ka tumigil hindi na kita kakausapin." walang kabuhay-buhay na turan ko at tinapunan siya ng malamig na tingin.

May panunukso sa labing tumango siya. Kailan pa kaya babalik ang mga hayop na 'yon ng mabugbog ko na ang damuho na 'to sa kabilang mundo.

"Kung hindi pa tayo nakidnap nina Marie hindi ka pa magsosorry, sabagay sabi nga ni Xandre Regrets are useless." I sighed big time and lean on the bed post. This man is really hopeless.

"I was calling you but you blocked me, when I got home I was kidnapped, kaya ako umuwi para kausapin ka. Para maghingin ng sorry."

"Wala naman na kuwenta ang lahat, atleast naranasan kong magkaroon ng mga lalake sa buhay ko."

"I- ilan ang lalakeng dumaan sa buhay mo?" he asked with firm voice.

"Dalawa." walang kagatol-gatol na sagot ko.

"Me and your son father?"

"Parang ganu'n na nga."

"Olivia!" matigas ang boses na ginalaw niya ang binti ko. "Taga saan ang ama niya? Bakit hindi ka niya pinakasalan?"

"Kung pinakasalan ko 'yon edi wala ng Koko sa buhay mo, teka nga-" I opened my eyes, muntikan pa akong matawa ng makita ang selos sa mukha niya. "Bakit ikaw? Ilan ba ang naka-ano mo simula noong gabi na- Damn you!" naiinis na malakas kong hinila ang binti ko ng malakas siyang natawa.

Hindi pa rin siya tumitigil kaya naiinis lang ako lalo. Buwisit talaga, ngayon pa talaga kami ganito kung kailan nasa hukay na ang mga paa namin.

"Ano ba ang naka-ano?" natatawa pa ring tanong niya. "Say it baby, say sex."

"Read my finger you bastard." I hissed.

"Stop showing that sweet dirty finger of yours Olivia, nakakahiya naman kung papasok silang tinitigasan ako, makikita pa nila ang BEAST ko."

Sana binaril nalang talaga ako eh, oo nga, dapat may tama ako ng bala sa leeg! Mabilis na ipinilig ko ng pakaliwa at pakanan ang ulo ko, napangiwi ako ng nasa bandang kanan ng leeg pala ang sugat ko.

"Baby."

Pakiramdam ko naninggas na ang buong katawan ko sa kahihiyan, dagdagan pa ba niya? Humanda lang siya sa akin kapag makatakas kami rito, pero ang labo yata, ang lalaking mga mama ang kasama ni Marie kagabi eh, tapos wala pang bintana ang kuwarto na 'to.

"Bati na tayo Koko, sige na, kapag hindi mo ako kakausapin kidnappin ko ang anak mo at hindi mo na makikita pa."

Ang anak ko. Mabilis akong tumalikod kay Ardouz at tahimik na umiiyak ng maalala si Xandre, kung kailan naman nandito na ang ama niya, saka naman nangyari 'to, sobrang laro na ng kapalaran sa aming tatlo 'to eh.

Wala na nga ang papa niya, wala pa ang mama niya, kailan kaya sasaya ang anak ko? Siguro kapag namatay kami ni Ardouz dito kasusuklaman niya ako dahil sa kadamutan ko sa kanya.

"Koko, hindi pa naman huli ang lahat sa atin diba? We can start-"

Mabilis akong umiling. "Nawalan na ako ng pag-asa, sa ginawa niyo kina Marie baka nga bagay lang sa atin 'to-"

"I'm doing it for you, for us-"

"That's too much! Kawawa naman sila, puwedi namang pakasuhan nalang!"

"I'm a Montevis-"

"Stop using your name! Ano kung Montevista ka? Porket mayaman kayo puro kayo banta sa mga maliliit na tao?"

"Muntikan ng mawala ang buhay-"

"Tama na." humihikbing pigil ko sa kanya. "Sa oras na makatakas ako dito hindi mo na ako makita pa, kung kailangan kong mawala sa mundo okay lang kaysa ganyan ka, saan ang puso mo?"

"Puso ko? Akala ko dala-dala mo."

"Be serious Ardouz!" bulyaw ko sa kanya. Buwisit hindi talaga matino kausap.

"Baby bati na tayo, malay mo baka kapag bati na tayo may himalang darating para iligtas tayo."

"Kapag ayaw na kasi ng tao sa akin, ayaw ko na rin, at kapag ayaw ko na wala ng magbabago." tingnan nga natin. "Hindi naman ako bobo para hindi maintindihan ang sinabi mong -I only trust people once Miss Pagonzaga," panggagaya ko sa kanya, "tapos ngayon makipagbati ka? Well Mr. Montevista one word is enough for me too."

"Sige, humarap ka sa akin at sabihin mo ngang hindi mo na ako mahal, kapag hindi ka nagsabi within three seconds ibig sabihin patay na patay ka sa akin, kapag nagsabi ka naman ng buo, hindi na kita kukulitin kailan man, pangako 'yan mahal ko, hinding-hindi na talaga kita gugulihin, mamatay man ako ngayon."

Buwisit talaga! Mag-ama nga sila.

Sige nga tingnan natin. Seryoso ang mukhang hinarap ko siya at diretsang tinitigan siya sa mga mata.

"Hindi na kita mahal Ardouz!"

"Opps..." he grinned evily. "kanina pa tapos ang three seconds-"

"Sa haba ba naman ng kondisyon mo!" inirapan ko siya at muling tinlikuran. "Saan na ba ang kumidnap sa atin, patay kung patay, kasama naman ng anak ko si Max, hindi naman siya siguro-"

"Baby naman! Bati na tayo oh, parang teenager tayo na nagmamahalan tapos nagkatampuhan tapos nagkabati ulit, tapos sweet na ulit, loving loving na ulit-"

"Naglalaro pa ako ng chinese garter noong teenager ako kaya wala akong naiintindihan sa mga pinagsasabi mo! Palibhasa babaero." pasaring ko sa kanya.

"Olivia Im losing my patience, masyado ka ng pakipot halata namang mahal na mahal mo ako, saka ikaw lang ang huling babaeng nagalaw ko, kaya excited akong makatakas dito to settled our past with a steamy, sexy, hot, passionate but wild sex!"

"Manyakis ka talaga at ano naman kung pakipot ako? Edi maghanap ka ng hindi pakipot, maghanap din ako ng maginoong-"

"Aw..." he groaned as if in pain, "kung sinabi mo 'yan kanina pa."

"Bakit may magbabago ba?"

"Opo."

Mabilis akong lumingon sa kanya, nang-aasar ba siya? May banta ang matang tinitigan ko siya. May pilyong ngiti sa labing kinindatan niya ako.

"Excited po akong makatakas dito, to settled our past po with a steamy, sexy, hot, passionate but wild sex po."

"Anong nagbago doon? Tunog manyakis pa rin." irap ko sa kanya.

"Baby sabi mo maghanap ka ng maginoong bastos, kaya kahit bastos ang sinabi ko, maginoo pa rin, kasi nga may PO, diba po?"

Umuusok ang tainga at ilong na umikot ako at tinadyakan  siya, nawala na ang awa ko sa kanya, bahala siyang mamimilipit sa sakit. Buwisit talaga!

"I love you."

Natigil ang pag-usok ng bumbunan ko ng marinig ko kung gaano kaseryoso at ka-puno ng emosyon ang binitiwan niyang salita.

"Im glad na kahit papaano hindi nakafocus ang atensyon mo sa sitwasyon natin ngayon." puno ng pagsuyo ang matang tinitigan niya ako. "I love you Koko, sorry sa ginawa ko, pinagsisihan ko na 'yon, kung hindi mo ako mapatawad araw-araw pa rin kitang liligawan ng walang halong pagbabanta, kung ayaw mo sa akin o hindi na maibabalik pa ang pagmamahal mo sa akin, liligawan pa rin kita, hindi ko hahayaang may iba pang maliligaw sayo, kapag meron man, hindi ko sila pagbabantaan, diretso hukay na sila."

"You're hopeless, mas malala pa kaysa banta ang pinagsasabi mo."

"You're all mine remember? Tapos sabi mo you'll always remember na mahal na mahal kita, kahit hindi mo na ako mahal-"

"Hindi naman ako kagaya mo na madaling sumuko, siyempre mahal na mahal pa rin kita, pero sana sa susunod- oh shit!"  napakagat labi ako ng makitang lumupaypay ang ulo niya. Bakit ko ba nakalimutan! "Ardouz oi!" mahina ko siyang tinadyakan pero wala talaga.

Bigla akong kinabahan ng tila may bumubukas ng pintuan. "Ardouz, baby!" natatarantang tinatadyakan ko siya. "Baby wake up! Someone's coming! Ardouz!" malakas na sigaw ko sa kanya.

"Hu-huwag ka kasing nanggugulat Koko! Ano ba 'yon?" kunot ang noong tanong niya.

"Someone is coming! Ardouz Im scared, baka hinihintay lang nila akong magising! Paano na ang anak ko?"

"Don't lost hope baby, please? Sigurado akong na-trace na tayo-"

Pareho kaming natigilan ng dahan-dahang inikot ang doorknob. Halos hindi na ako makahinga ng itinulak ng pabalya ang pintuan. Naninggas ang katawan ko ng makita ang kidnapper at may hawak-hawak na baril.

"Hello!" the kidnapper grinned evily.

================================
A/N:

Three chapters left, saka na ako magpasalamat kapag tapos na tapos na💙💙💙

-EYEBiTES

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro