Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 30


My heart crumpled seeing how happy Xandre while sharing his icecream to ma'am Vina is, from the department store she brought us here in an expensive restaurant and ordered anything for us.

Wala pa siyang nasabi sa akin mula pa kanina dahil kay Xandre lahat ng atensiyon niya, they talk anything nonstop, looks like they know each other for a very long time.

Natuon ang mata ko kay Judi at hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagkamangha sa mukha niya habang nakatitig kay ma'am Vina, kahit ang kasiyahan nasa mga mata niya rin.

"Mommy Div, Im excited to see my papa po!"

"Really? Oh my bad, he's in United States now baby." she pouted.

Tumango si Xandre bago siya sinubuan ng icecream. "Sabi nga po ng mama, tapos sa Sabado po kami magkikita." nagniningning ang matang bumaling si Xandre sa akin. "Right mama?"

"Ye-yes." I nodded nervously.

"Your dad will be happy too." may panggigil na pinisil ni ma'am Vina ang pisngi niya. May kinuha siya sa tote bag niya at inabot 'yon kay Xandre, "Play anything you want, kakausapin ko lang si mama mo."

"I wanna watch movie po mommy Div, you have superman?"

"Everything, just search on this app." binalingan niya si Judi. "Tulungan mo nalang siya ate, doon tayo sa kabilang mesa Oli."

Kinakabahang tumayo ako at pumunta sa mesa na itinuro niya, magkahugpong ang kamay sa kandungan ko habang naghihintay ng sasabihin niya.

"How did you found out?" aniya pagka-upo na pagka-upo sa harapan ko, sumandal siya sa upuan at pinagkrus ang braso sa dibdib niya, it feels like Im a suspect in a crime and she's the attorney of the complainant who's interrorigating me in the court. "Oli?"

"Ahm." I cleared my throat. "Na-nakita ko po ang picture ni Ardouz noong kasing edad niya si Xandre at-"

"Marami ang magkamukha Oli, though hindi naman nga nakakaduda base on my observation, that little fella." he gesture Xandre who's now focusing on the tablet. "Has the brain and attitude that can only see from a Montevista, the way he talks, his voice was firm and he's really sure every word he delivered. That arrogantness is already blooming out of him, except for the looks what else?"

I sighed big time. "Sir Max got his DNA test and it's positive, I still have Ardouz stuff with me the dawn I left him in his penthouse, it has his name on it, pero kung hindi kayo naniniwala-"

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi ka niya hinanap?" seryoso ang mukhang tanong niya na nagpakunot ng noo ko. "He's obsses with you Olivia, he became miserable, bugging me nonstop just to look after you on that day, he hired someone who can invistigate Rose, invistigate his hotel, tracking the CCTV footage but of course inunahan ko na siya." she smiled mischievously. "I hired the best hacker to hack the footage..you know why I did that?"

"B-bakit po?" I clasp my hand hardly on my lap trying to control the emotion inside me, "Pa-paanong obsess siya sa akin?"

"Well, it's kind of bad but ikaw lang kasi ang nakita kong puwedi kong gamitin makaganti man lang sa kanya at-"

"A-ano po ang ibig niyong sabihin?"

"My dad died because of him."

Nanghihinang napasandal ako sa upuan at nakaawang lang ang labing nakamata sa kanya.

"Don't feel bad, lolo told me everything just five months after dad died, itinago kasi nila ang katotohanan mula sa third generation ng angkan, hindi alam ni Ardouz na nalaman ko na 'yon, kasalanan naman ng ama ko eh, pinabagsak niya ang ipinagkatiwala sa kanya ni Ardouz, hindi kayang patakbuhin ni Ardouz ang kompanya niya dahil ang paghahanap sayo ang nasa isipan niya."

Kasalanan ko pala ang lahat. Tama si sir Max, posible ngang ako ang dahilan ng pagkasira ng buhay ni Ardouz.

"At alam ko kung sino ka ng gabi na 'yon Olivia, of course before anything else I got some information from you, pero mali naman ang dumating na information sa akin, that you're a gold digger-"

"Hi-hindi totoo 'yan!" mariing tanggi ko. "Kung naibenta ko man ang sarili ko may malaking dahilan ako!"

"Hindi ko alam kung ano ang dahilan mo, pero alam at ramdam ko naman ang kabutihan ng loob mo, naalala mo bang nagmodelo ka ng isang wax? hindi 'yon nakalabas kahit saan, nakita ni Ardouz ang video na 'yon and-"

"What?" shit! Wala sa sariling sinapo ko ang mukha ko. This is embarrasing!

"Yeah, I accidentally drop the USB in his office, he threatened me at timing lang din na gusto mong ibenta ang katawan mo para sa luho lang. Hindi ka pa man naangkin ng pinsan ko... obssess na siya sayo Olivia at alam kong nasa panganib ang negosyo ko sa oras na malaman niyang may alam ako kung saan ka talaga nakatira, na tinatago ko ang katotohanan sa kanya, pareho nating alam na wala sa kontrata ang malaman ang totoong identity niyo."

Nilunok ko ang laway ko habang tumatango. "Ka-kaya natatakot ako sa maaring reaksyon niya sa oras na malaman niya na ang katotohanan."

"Stop worrying, siguro magalit siya pero sigurado ring hindi ka niya pakakawalan pa." she muttered giving me a reassuring smile. "Max told him already, na kaya ka niyang kunin kay Ardouz sa oras na saktan ka niya and knowing Ardouz.." she smile. "He let you enter his world freely, you're the only one who can control him, kaya hindi na kami natatakot magpinsan sa maaring hakbang niya, alam naming hindi mo siya hahayaang makasira at makapanakit ng iba."

"Ang pagrecommend ba ni ate Rose na maging sec-"

"Oh that, of course it's part of my plan, even your house, kaya mura lang ang benta noon sayo, but don't worry the money is under Xandre's name already."

Hindi na ako nakaimik pa dahil sa rami ng pinoproseso ng utak ko ngayon. There's alot of things that I just know which is connected from my past. Ang problema ko nalang ay ang pagsabi ko ng katotohanan kay Ardouz.

"Nalaman ko rin ang aksidenteng nangyari sa inyo ni Xandre, sa ngayon masuwerte pang nabubuhay ang may pakana nu'n, pero sigurado sa oras na malaman ni Ardouz 'yon, they will  sleep in streets, ngayon pa nga lang halos maubos na ng mga sira-ulong pinsan namin ang negosyo ng dalawang angkan na 'yon."

"Ma-maraming salamat po sa mga sinabi niyo ma'am-"

"Call me Vina, Koko."

"Okay po," nahihiyang ngumiti ako sa kanya. "Ang mga matatandang Montevista-"

"About that, they're waiting for the two of you in my house, kailangan mong kunin ang loob nila para may kakampi ka."

"I- I don't think kailangan ko ng kakampi, suporta nalang po siguro, problema ko 'to at kaya ko pong harapin ang galit ni Ardouz kung sakali, but I still want to see them for their grandson happiness, a happiness that I selfishly took from him since the time he ask about his father."

I sighed big time as Divina patted my shoulder lightly. "He will understand you Koko. Matalino ang anak mo kaya hindi mahirap paliwanagan."

Magkasama kami sa iisang kotse at ang isa sa bodyguard nalang ni Divina ang nagdala ng kotse ko.

"Mommy Divina, I have cousins too? Like my age po?" basag ni Xandre sa katahimikan na nakakandong pa kay Divina habang nilalaro ang buhok nito, "You're pretty like mama po." napasinghap pa si Divina ng ibaon ni Xandre ang mukha sa leeg nito. "Oh. And smells so good too!"

"You're the sweetest guy I ever know baby." natatawang pinugpog niya ng halik sa mukha si Xandre. "And yeah second cousin, all of them are girls, Tala is four years old. Ruixenette is five and Ruixanne si three."

"Oh! I wanna meet them too mommy Div ko."

"On your birthday."

"Yes please? It's next month na po."

Tumigil lang sila sa pag-uusap ng nasa tapat na kami ng isang mataas at malapad na puting pader, dahil sa design ng gate nakikita ko pa rin ang puting mansion na nasa gitna ng malapad na garden. Awtomatikong bumukas ang gate ng umusad ang sasakyan paharap sa gate.

"Wow!"

I glance on Xandre who look so amaze seeing the mansion and the sports cars.

"Is my daddy house like this big too mommy Div?" hindi pa rin nawawala sa boses niya ang pagkamangha sa nakikita.

"Nah, he has the biggest but empty house, he stays with your grandpa and grandma for now."

"Pero kapag sasama na kami sa kanya, doon na po kami uuwi, diba po mama?"

Dahil sa excitement na nakikita ko sa mga mata niya mabilis akong tumango, ayoko ng mawala pa ang kasiyahang nakikita ko ngayon sa kanya.

"Let's go down."

Bumaba kami at agad na humawak siya sa kamay namin ni Divina habang nalalakad. "Wow! GTR!" turo niya sa isang racing car, "You love racing, don't you mommy Div ko?"

"All of us, don't you too?" balik na tanong sa kanya ni Divina.

"Opo, I always play racing games and Marvels and Dc universe games too!"

Pumasok kami sa bahay ng kusang bumukas ang malapad na main door. Pareho kaming tahimik ng pinagbuksan ng dalawang babae ang isang malapad na pintuan.

"Wow! Your house is really huge mom- oh."

Kahit ako parang itinulos din sa kinatatayuan ko ng makita ang mga lola at lolo ni Xandre na parehong natigilan habang nakatingin sa kanya.

"The new prince is here!" masayang anunsiyo ni Divina na nagpabalik sa kanila sa kasalukuyan.

"Why Im seeing my little Ardous." mangiyak-ngiyak na tumayo si tita Eli na sinundan naman ni lola. "Oh my God! I'm not dreaming right?" she keep sobbing as she walk towards our spot, napatingin ako kay Xandre at agad na napangiwi ng makita kung gaano siya kaseryoso habang pinaglipat-lipat ang tingin sa apat.

"Hello my little one." lumuhod si tita Eli at walang sabi-sabing niyakap si Xandre ng mahigpit, ang kaninang tahimik na iyak ngayon hagulhol na ng gantihan siya ng yakap ni Xandre at hinalikan siya sa gilid ng ulo. "Oh my! Just like his papa!" iyak at tawa ang ginawa niya at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa apo niya.

"Life is really full of surprises, right iha?" nakangiting niyakap ako ni lola, a gesture that makes my tears fell down. "Im excited to hear what happened way back then, sa ngayon gusto kong magpasalamat dahil binigyan mo kami ng dagdag na magpapaligaya sa amin, you're a great woman by handling a Montevista, I know how hard it to have a small one of them, maliit pa lang pero matalas na ang isipan."

"Hi-hindi po kayo galit? O-"

"Shhhh." pigil niya sa akin bago dumistansya, pinunasan niya ang luha ko at may matamis na ngiting hinaplos niya ang mukha ko. "Sino kami para magalit? Sa totoo masayang-masaya kami dahil sa nalamang may isa pa raw kaming apo, salamat iha."

"Come here woman."

Sabay kaming napalingon sa Don, seryoso ang mukhang sinenyasan niya akong lumapit sa kanya, bahagya kong sinulyapan si Xandre na yakap-yakap pa rin ng lola at lolo niya.

Naglakad ako papunta sa Don, tumayo siya ng malapit na ako sa kanya at nakaumang ang mga braso sa akin, humihikbing yumakap ako sa kanya.

"Maraming salamat Olivia." bulong niya habang hinahaplos ang likod ko. "Huwag mong isiping galit kami, we're happy that we have you not just you but my grandson pinasaya mo kaming lahat."

Hindi na ako nakapagsalita pa at baka lalakas lang ang pag-iyak ko, sobrang saya na ang bumabalot sa akin dahil sa mainit na pagtanggap nila sa akin at sa anak ko.

Kumalas ako ng yakap kay lolo ng may tumapik sa balikat ko, mabilis na nagpunas ako ng luha ng makita ang ama ni Ardouz.

"Maraming salamat sa pagpalaki sa kanya ng maayos Olivia, sana malalaman agad 'to ng anak ko, hindi ka namin pangungunahan, pero huwag mo ng patagalin."

"O-opo, salamat sa pagtanggap sa anak ko-"

"He's a Montevista and from an amazing woman, sino kami para magalit at husgahan ang babaeng nagpatino sa anak ko?"

Walang pagsidlan ng kaligayang yumakap ako sa kanya, narinig ko pa ang buntong hininga niya at  hinagod ang likod ko bago nilapitan si tita Eli.

"Mamaaaa."

Lumingon ako kay Xandre, nasa kandungan na ngayon ni tito Lorenzo at niyayakap sila pareho ni tita Eli na hindi na matigil-tigil sa pagluha.

"Mama, thank you po for making me super happy!"

Matamis ang ngiting tumango ako sa kanya.

"And also for making my lolos and lolas happy! Im their favorite grandson now! Not my uncles-"

"Hey!"

Sabay kaming napatingin sa pintuan ng may kumontra doon, agad kong nginitian sina sir Phyto, Sky, Roldan at Max na parehong nakasimangot habang tinitingnan si Xandre na tumatawa ng malakas at mabilis na kumandong kay lolo Dominador at hinalikan naman ang lola Margareth niya sa noo.

"Kapag matanda ka na hindi ka na paborito ni lola!" nanghahaba ang ngusong umupo si sir Sky malapit sa kanila.

"That's what lola exactly said to me too!" sabad ni sir Max. "But now hindi na ako ang paborito!"

"Kasi ako na po ang paborito, diba po lola?" nakatingalang paglalambing ni Xandre sa lola niya.

Nilapitan siya ni sir Roldan at ginulo ang buhok. "Sipsip ka sipsip!"

Naiiling na natatawa ako kay sir Roldan. Hindi ko akalaing may ganitong side sila.

"What's sipsip tito Rolly? Another alien language po?" inosenteng tanong ni Xandre. "Dalawa na po kayong half breed?"

"Ah oo." napapakamot sa batok na sago niya. "Pero hindi ako half breed ha."

"Kayo talaga!" pandidilat ni lola sa kanila."Kung anu-ano ang tinuturo niyo sa bata!"

"Hindi na talaga tayo love ni lola eh ." sir Max snorted.

"Tumigil kayo, mana talaga kayo sa lolo niyo, tumatandang paurong!"

"Bakit nadamay ako riyan?" protesta ni lolo na kay Xandre naman ang atensiyon, kahit si tita Eli panay halik rin sa ulo ng apo niya.

Madaling araw na kami nakauwi ni Xandre halos ayaw na kasi kami pauwiin ng lola at lolo, kahit sina tita Eli kasabayan rin namin, mabuti at nasa Alabang lang sina lola nakatira.

If  Xandre is happy, so do I, kahit papaano nabawasan naman ang kaba at nerbiyos na nararamdaman ko, they're maybe the richest family but they still have a heart, they never judge me, instead they thank me for being tough in life and good mother to their prince.

I took a quick shower and as I went out I saw someone is video calling me. Mabilis kong kinuha 'yon ng makita si Ardouz ang natawag bago pumasok sa walk-in closet, sinagot ko ang tawag at nagmamadaling nagbihis.

"Why you're still awake?" naririnig kong tanong niya. "Can't see you baby."

Kinuha ko muna ang eyeglasses ko para hindi niya mahalatang umiyak ako.

"Here!" I bite my lips as we stared on each other. "Hey." I smile shyly.

He was just gaping on me with a sweet smile on his lips. I took a deep breath seeing the longing in his eyes.

"Saan ka?" umupo ako sa carpet at sumandal sa cabinet. He look so tired but still handsome.

"In my hotel room, I miss you so damn much, kung hindi lang-"

"I love you too." mahina akong natawa ng natulala siya at tila natumba sa kama niya. Epic talaga ang reaction eh. "Baby?" nag-aalalang tawag ko pero wala talagang ingay na maririnig.

Don't tell me he pass out again?

Pinatay ko ang tawag ng hindi na siya nagpakita pa, baka naubusan na naman ng oxygen, mabilis na tinawagan ko si Rexuz, mabuti nalang at nagring ang phone niya.

"Yoh Oli-"

"Ahmmm 911?"

"Oh fuck! Stop saying those words kapag wala ka sa tabi niya!" panenermon niya na nagpangiwi sa akin, napalabi pa ako ng pinatay niya ang tawag.

Tumayo ako at tinext nalang si Ardouz bago bumalik sa kama, may ngiti sa labing hinalikan ko sa lips si Xandre at nahiga paharap sa kanya.

"I love you baby." I mumble on his temple as and close my eyes.

Kinabukasan kahit antok na antok pumasok pa rin ako at marami na ang mga tumawag na ako ang kailangang kausapin.

Nasa entrance na ako naglalakad ng makita ko si Marie sa lobby. Mabilis siyang tumayo ng makita ako, agad akong naalarma dahil nasa namamagang mukha niya ang galit na handang pumatay ng tao.

"Ang kapal din ng mukha mong-"

"Makapal?" nang-aasar na kinapa ko ang pisngi ko, "my face is fine, walang retoke 'to eh, ang mukha mo yata ang nangangapal ooh." nguso ko sa mukha niya.

Nagtagis ang bagang niya at mabilis na may kinuha sa bag. I was shocked seeing gun on her hand and it's pointing on me.

"Mas okay ng makulong ako kaysa mapakinabangan mo si Ardouz at ang kayamanan niya!"

Imbes na matakot mahina pa akong natawa. "Hindi ko kailangan ang pera niya."

"Owssss.." patuya siyang tumawa sabay kalabit sa trigger ng baril, "great pretenders eh? Kaya mas okay pangsabay tayong mawala! Sabay-"

I gasp loudly when someone shoot her hand that makes her drop the gun and herself on the floor, mabilis na sinipa ko palayo 'yon na agad namang pinulot ng guwardiyang tumatakbo.

"Fuck it hurts!" Marie grunted in pain. "It's all your fault!" dumudugo ang kamay na duro niya sa akin.

Who shot her?

Lumingon ako at nanlaki ang mata ko ng makita ang butas ng bala sa malapad na salaming dingding. Natuon ang mata ko sa kabilang building at nakita ko doon ang naka-itim na lalake at sumaludo pa sa direksyon ko bago bumaba.

Muling kong binalingan si Marie na hiyaw ng hiyaw habang itinataas ang dumudugong kamay, sa totoo lang daplis lang naman 'yon at siguradong isa sa mga nagbabantay sa amin ni Xandre ang taong bumaril sa kamay niya.

"Help!" she shouted in horror while watching her bleeding hand.  "Damn help! Im bleeding!"

"Pakitawagan ng medic," baling ko sa guard na natulala. "At simula sa araw na 'to,  banned na siya sa MHC building, sabihin mo sa lahat ng kasamahan mo."

"Ye-yes ma'am."

Namimilipit sa sakit si Marie ng lumapit ako sa kanya. "Sa susunod marunong kang lumugar, huwag 'yong pakalat-kalat ka kung saan-saan." panggagaya ko sa sinabi niya noon.

My lips twisted as I remember something, without a second thought I step on her wound making her shouted in so much pain.

"Oppsss sorry I tripped." I mimick her voice making her face redden in so much anger.

"Damn you!"

"Kuya, palabasin nga po siya dito, baka magkalat pa ang bisita natin eh, doon na siya paghintayin sa walang bubong." mabilis ko silang tinalikuran at dumiretso sa elevator ni Ardouz.

Mariin kong ipinikit ang mata ko, so this is me when I got mad? Parang kulang pa ang pagkasalbahe ko. Kulang pa ang ginawa ko sa kanya.

She'll regret provoking me, she will.

Kulang pa ang ginawa ko sa kanya kaysa sa ginawa niya sa akin, interest palang ang sinisingil ko sa ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro