Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 29


"Mama?"

Malalim akong napabuntong hininga ng marinig na tinatawag ako ni Xandre, a word MAMA makes me feel so nervous, pakiramdam ko kasi sa tuwing ganyang tawag hahalungkatin niya na naman ang tungkol sa ama niya at magtanong ng magtanong.

"Mamaaaaaaa!"

Itinigil ko ang pagwawalis at tinapunan ng tingin si Xandre na nakadapa sa kama ko. Napaayos ako ng tayo ng makitang dumaloy ang luha niya.

Nababahalang ibinaba ko ang walis sa sahig para lapitan siya, sumampa ako sa kama ng hindi pa rin siya tumigil kakaiyak, hindi simpleng iyak lang na nagwawala, mas gustuhin ko pa siyang makita sa ganu'ng klase na senaryo kaysa ngayong wala siyang boses pero patuloy sa pagdaloy ang luha sa mga mata niya.

It's not just a simple tears.

It's tears of pain.

"Te-tell mama what is it." pinaupo ko siya sa kandungan paharap sa akin. Mas lalo lang akong hindi makahinga ng makita ang sakit sa mga mata niya. Ito ang unang pagkakataong makita ko siya sa ganitong sitwasyon, iiyak lang naman siya kapag natatalo sa laro niya o di kaya kapag badmood siya pagkagising. "Xandre tell me, what's wrong?"

"I- I wanna see my dad, mama!"

My mouth parted hearing the determination in his shaky voice.

"B-bakit ayaw mo po? B-buhay naman pala ang daddy ko."

I swallowed the lump in my throat and reach the tissue box on the bedside table, I wipe his tears gently.

"Ba-bakit po mama? If I die without seeing my dad, sa heaven po kaya, magkikita na kami there?"

Mabilis akong umiling at may luha sa matang niyakap siya ng mahigpit.

"Xan- anak-"

Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko ng kinalas niya ang yakap ko at inilapat niya ang daliri niya sa labi ko at malungkot na ngumiti sa akin, ngiting nagpapangilo sa puso ko.

"Ma-mahirap po ba sayo mama? Ayaw ba ng daddy sa akin? Bakit po gusto ako ng uncles ko, if no accident happened I didn't know I have uncles, and-" natigilan siya at mabilis na pinahid ang luha. "So, maybe if Im dying-"

Mabilis na tinanggal ko ang daliri niya sa labi ko at mahigpit na hinawakan siya sa balikat.

"Stop saying nonsense! It's not funny anymore!" galit na sita ko sa kanya. I gulp in horror seeing him smile bitterly, imbes na takot dismayadong umiling pa siya.

"If it's hard for you then I don't wanna see him anymore, kung ayaw mo po mommy just tell me, Ayoko na rin po sa uncles ko."

I was just gaping on him, kahit ang pagtalon niya sa kama at pagtakbo palabas ng kuwarto hindi ko na napigilan, parang estatwa lang akong nakatingin sa kawalan.

Napabalik lang ako sa katinuan ng marinig ang pagbato ng kung anu-ano sa labas. Mabilis na pinuntahan ko ang nagkakalabugan at ganu'n nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita ang mga iniingatang CD's 'yon ni Xandre.

"Anong-" natigilan si ate Cecil sa hagdan ng ibinato ni Xandre ang mga collection niyang laruan ng mga paboritong movies, kasali na roon ang mga pinamigay sa kanya ng mga tiyuhin niya.

"They're like my dad!" he shouted furiously as he keep throwing his miniature collections. "They're not real!"

"Xandre!" saway ko sa kanya pero napatda lang ako ng makita ang galit sa mga mata niya ng tumingin siya sa akin.

"You're a liar mommy! I hate everything na po!" galit na pabagsak niyang isinara ang pintuan ng playroom at doon na naman sa loob nagwala.

"A-ang susi nga po ate cil." anas ko ng hindi ko mabuksan ang pintuan.
"Xandre! Open the door!" I shouted. "Xandre!"

"No!" malakas na sigaw niya.sabay bato ng kung ano sa loob. "Ayoko na po sayo mama! You're lying to me po! You don't love me po!"

"Let's talk! I will bring you to your dad!" I took a deep breath hoping he will open the door.

"No! It's been so long po! You keep promising mama! Ayoko na po sayo!"

"Anak please?"

Kinabahan ako ng hindi na siya umimik at wala na ring binabato sa loob. Kung anu-ano na tuloy ang nasa isipan ko ngayon.

Mabilis na sinalubong ko si ate cil at kinuha ang susi sa kanya. Bahagya pang nanginig ang kamay ko ng ipasok ko ang suso sa siradura. Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang pag-click sa loob.

"Xand- shit!" mahinang mura ko ng hindi pa rin mabuksan dahil naka-double lock pa pala. "Anak? Talk to mama, sige na oh."

Idinikit ko ang tainga ko sa pintuan at pilit na pinapakinggan abg nangyayari sa loob, mas lalo lang akong natakot ng wala ni isang tunog man lang.

Binalingan ko si ate cil na nasa tabi ko na at nababahala rin sa nangyayari.

"Pakikuha po ng cellphone ko sa kuwarto te." muli akong kumatok at hindi tinitigilan ang pakiki-usap kay Xandre. "Baby? Just please say something? Anak?"

"Ito na Koko." aniya sabay abot ng phone ko. Sumandal ako sa hamba ng pinto at tinawagan si sir Max. Nakahinga lang ako ng magring ang cellphone niya.

"Olivia?"

"911 in my house please."

"What happened? Shit nasa Laguna ako, Tawagan ko nalang sina Phyto."

"Salamat po. Nagkulong kasi si Xandre sa playroom niya."

"Oh, ang ama niya na naman ba? Sabihin mo na kasi kay Ardouz, matalino ang anak mo Olivia. Baka gawin niyang basehan ang nangyari sa in-"

"He already did." I sighed big time.

"On the way na sina Sky and Phyto, kung ako sayo sabihin mo na sa ama niya, walang mangyayari kung timing ang hinahanap mo."

"Salamat po." pinatay ko ang tawag at muling kumatok kay Xandre. "Baby? Open please."

Umupo ako sa sahig at halos mawalan na ako ng pag-asa kakatawag sa kanya, hindi ko alam kung magpapasalamat o magsisi kung bakit ganito na ang mindset ni Xandre sa murang edad, I'm sure hindi naman ako uminom ng kahit anong pampalaglag noong binubuntis ko siya.

Mabilis akong tumayo ng makita ang humahangos na mga tiyuhin niya sa hagdan.

"What happened?" nag-alalang tanong ni sir Sky ng makita su ate cil na nag-aayos ng mga nakakalat. Si sir Phyto naman malakas na kumatok sa pintuan.

"Nag-double lock po eh."

"Saan banda ang double lock?" baling ni sir Phy sa akin bago muling kumatok. "Hey bud!"

"Dito po banda." turo ko sa taas ng siradura, mabilis na bumaba si sir Sky at pagbalik niya may dala na siyang maliit na wood cutter.

"Mabuti at may malapit na hardware dito." ani ni sir Phyto ng simulang sirain ni sir Sky ang pintuan. "We can't kick the door, baka nariyan siya."

Matapos mabutasan ang pinto agad na tinanggal ni sir Sky ang double lock, pumasok ako sa loob kasunod silang dalawa, sabay kamibg tumigil mg makita si Xandre na nakaupo sa ibabaw ng kama habang nakatingin sa labas ng bintana.

Wala man lang siya reaksyon ng bumaling siya sa amin, galit lang ang nasa mga mata niya bago muling tumingin sa labas ng bintana.

"See that?" naririnig kong bulong ni sir Phy. "Ilang buwan sa tiyan ng ina niya nabuhay pero ang mukha mana sa ama, ang ugali mana rin sa ama, nasaan ang hustisya?"

"Gusto ko 'yan." sabad naman ni sir Sky, "Matapang talaga dugo natin, gusto ko kamukha ko rin ang magiging anak ko."

"Baby-"

"No," malamig ang boses na putol niya sa akin, "if it's about my dad, no... Ayoko na po sa kanya, ayaw mo rin naman pong makita ko siya, I will believe that he's dead-"

"Xandre!"

"Xandre!"

Sabay na saway sa kanya ng dalawa.

"You shouldn't talk like that!" mariing turan ni sir Sky sa kanya.

Bumuga ako ng nanatiling galit ang mukha niya.

"Bakit ayaw niyo po dalhin ang daddy ko dito? Bakit ayaw niyo po ako dalhin sa daddy ko? Ayaw niyo bang masaya ako?"

"Huwag mong hintayin na kami pa ang kikilos Olivia." malamig ang boses na bulong ni sir Phyto na nagpakaba sa akin. "Hindi mo gugustuhin at sa oras na kami ang kikilos siguraduhin mong matatag ka, mahabang oras na ang ibinigay namin sayo, huwag mong igaya si Xandre sayo na hindi na nakita ang mga magulang."

"Don't be selfish." bulong ni sir Sky bago nilapitan si Xandre at binuhat. "You maybe right but because you're too young to say such words to oldies, you have to apologize."

"It's not my fault po Uncle Sky, it's all of you fault po, you keep promising tapos wala naman po ang daddy eh."

"Let's go, naghihintay na si lolo, see you again buddy." nilapitan sila ni sir Phyto at bahagyang ginulo ang kulot na buhok ni Xandre. "Huwag mo ng patagalin." baling niya sa akin.

Tumango bago kinuha si Xandre kay sir Sky. "S-salamat po." hinatid ko sila ng tanaw hanggang sa makababa na sila. Karga-karga ang tahimik na si Xandre na pumasok ako sa kuwarto. Inilapag ko siya sa kama bago umupo paharap sa kanya at tiningnan sa mga mata.

"After five days, you will see your dad." puno ng kasiguraduhang sambit ko na nagpaliwanag ng mukha niya.

"Totoo na po ba 'yan mama?"

"Yeah." malungkot na sagot ko. Bahala na kung ano ang mangyari.

Sinapo niya ang mukha ko at pinasadahan ng tingin. "Bakit po sad ang mata niyo?"

"Sorry kung matagal bago nakapagdesisyon si mama ha." hinawi ko ang buhok niya sa noo. "Sa sabado na kayo magkita nasa America pa kasi siya eh."

"Sorry po mama." nakayakap sa leeg ko na bulong niya, may luha sa matang humiga ako sa kama kasama siya. "Sorry po mama, love po kita, I didn't meant what I said earlier, sorry po."

Hindi umiimik na tumango ako. "Gusto mo bang pumunta ng mall bukas?" pag-iiba ko ng usapan.

"Opo, play po ulit kami ng ate Judi ko ng basketball mama ha."

"Sige, we will go malling."

"Absent po tayo?" nanlaki ang matang umupo siya sa tiyan ko. "Okay lang po ba 'yon mama? Diba po may work kayo?"

Tumango ako. "Hayaan mo na, sa daddy mo naman ang pinagtatrabahuan ng mama eh."

"Bad ka po mama!" he pouted. Hindi naman siya galit pero magkasalubong lang ang kilay. "You saw my dad everyday pala eh! Dapat po sama ako sayo sa work place mo mama."

"Hi-hindi pa kasi alam ng daddy mo na may baby kami eh. Pero promise ipapaalam ko na sa kanya."

"Okay po! Yehey! Then we will play basketball, catch twubi and fly kite in Tagaytay! Baka po may swimming pool ang papa, gusto ko po magswimming tayo mama tapos habulan!"

Nalungkot man ako hindi ko nalang pinahalata sa kanya 'yon, masakit sa dibdib marinig ang mga inaasam niyang gagawin na dapat  noong nakaraan niya pa nagawa, hay, pero hindi pala sigurado at baka hindi nga siya tanggap. Bahala na basta sasabihin ko na kay Ardouz sa Sabado.

"Paano kung ayaw ng daddy mo sayo?"

"Why po? Dapat love niya ako kasi baby niya ako, kung ayaw niya okay lang po mama, marami naman ako uncle eh, sabi po ni uncle Max puwedi ko siyang maging daddy kapag ayaw raw po ng daddy sa akin."

Si sir Max talaga, pati ba naman kay Xandre sinabi pa!

"Pero huwag mong tawagin ang uncle Max na daddy kapag kaharap mo na ang daddy mo. Okay?" baka magkapatayan pa ang dalawang 'yon, hindi pa naman sa lahat ng oras magkasama kami.

"Opo mama!"

Hinawakan ko siya sa baywang at pinahiga sa tabi ko, I planted a soft kiss on his temple, "Ayoko ng ginawa mo kanina, ayoko ng maulit 'yon ha."

"Opo, sorry po, masakit po dito eh." aniya sabay turo sa tapat ng puso niya, "Im very mad mama, I can't breath properly, pain makes me mad, sorry po ulit."

"Let's eat icecream." aya ko sa kanya, nagmamadaling bumango siya at tumalon sa sahig, naabutan pa namin sa labas sina ate cil na nag-aayos ng pinagbabto ni Xandre kanina.

Tumakbo si Xandre sa kanila at isa-isa silang niyakap.

"Sorry po ate Judi ko, naynay."

"Okay lang po 'yon, pero huwag palagi ha? Hindi maganda ang nagwawala at nagbabato ng kagamitan." nakangiting paalala ni ate cil sa kanya na tinanguan niya naman agad.

Magkahawak kamay kaming bumaba at dumiretso na sa kusina para kumuha ng ice-cream. Pagkatapos maibalik ang icecream sa freezeer sumunod ako kay Xandre sa sala, naabutan ko siyang binubuksan ang tv at sinunod ang electricfan bago umupo sa tabi ko.

Sumiksik pa siya sa akin habang kumakain, kinuha ko ang remote at tiningnan ang news channel.

"Mama, Animal Planet po please?" nagsusumamong tumingala siya sa akin. "I really like animals."

Ililipat ko na sana ang channel ng makita ko si Marie sa tv.

"Mama-"

"Wait a minute, kumain ka muna ng icecream."

"Kay po."

Ibinalik ko ang atensyon sa tv pagkatapos mailapag ang icecream bowl sa mesa.

"We have an exclusive interview with the famous top model in the country, not just here but she's making it to the other countries too, let's welcome Miss Marie Fuentez."

I gritted my teeth seeing her smiling on the camera, if I can only drag her out of the screen... I swear she's already grunting on the ground with broken teeth.

"Magandang gabi po sa lahat." pilit ang ngiting kumaway siya sa audience na nasa studio at sa harap ng camera.

"We heard that you're agency won't renew your contract and no agencies will get you, how this happen?" the hosted started.

"Actually... Hindi ko po alam, the agency will only renew my contract kung papayag akong sa ibang bansa na branch ako magtatrabaho, it is sad but on the other hand..Im happy because this is my chance to be famous not just here but internationally."

"Well not a bad idea, nakakalito lang kung bakit walang tatanggap sayo na agency no, pero baka nga ito na ang chance na ibinigay ni Lord sayo."

"Let's put it that way Gems."

"At ito ang nakakalungkot na balita we just recieved, ano nga ba katotoong hindi na matutuloy ang kasal niyo ni Mr. Ardouz Montevista? Well narinig lang namin pero wala pang confirmation...."

"Mama breath!"

Pukaw ni Xandre sa akin. I keep on blinking as seconds pass by, What I just heard? The wedding is cancelled?

"Mama! Are you okay?"

"The wedding is cancel!" sunod-sunod akong napapalunok at natatawa na naiiyak. "Oh My God!" hindi makapaniwalang bulong ko.

Masayang niyakap ko si Xandre na halatang naguguluhan sa iginawi ko. He really did it! Mabilis na kinuha ko ang cellphone ko na naiwan ko sa kusina.

I keep walking back and forth as I dial Ardouz number. Muntikan pa akong mauntog sa nakabukas na cabinet ng magring ang kabilang linya.

Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa ribcage ko dahil sa sobrang saya. He really did it!

"Hey baby, how are-"

"I love you." nakapikit na sansala ko sa kanya. I bite my nails hearing nothing from him, mabilis na pinatay ko ang tawag at malakas na sinampal-sampal ang sarili ko. Paano pala kung hindi naman ako ang dahilan ng pagkansela niya sa kasal na 'yon? Paano kung-

"Shit!" mahinang mura ko ng mahulog ang cellphone sa kamay ko ng biglang tumunog 'yon.

Kagat ang labing pinindot ko ang green button ng makitang si Ardouz 'yon.

"What did you do?"

Nailayo ko ang cellphone sa tainga ko ng marinig ang nagpapanic na boses ni sir Rexuz.

"Shit Olivia! Anong ginawa mo? Ikaw lang naman ang kausap niya bakit nawalan 'to ng malay?"

"Se-seryoso po ka-kayo?" napapangiwing tanong ko. Nawalan talaga siya ng malay?

"Fuck!" malakas na mura ni sir Rexuz. "It's not the right time to joke, what will I do? Olivia tell me! Fuck! Dalhin ko nalang sa hospital!"

"Bu-buhusan niyo po ng malamig na tubig." suhistyon ko na sinunod niya naman yata kasi may narinig akong tumakbo at tila may nahulog pa na kung ano, kagat-kagat ang labing pumikit ako ng marinig ang pagbuhos ng tubig.

"Fuck you Rexuz! I will kill-" muli nawala ang boses ni Ardouz at nasundan na naman ng sunod-sunod na mura ni sir Rexuz.

"He fucking pass out again!" natatarantang sigaw niya. "I need a fucking doctor up here- oh wait, he's awake."

"Fuck! it's cold- give me my phone!" narinig kong sigaw ni Ardouz sa pinsan niya.

I smiled nervously as I heard he's catching his breath.

"Makaalis na nga-"

"Don't." hinahapong sansala niya kay sir Rexuz, "I might pass out again."

"Damn you! May date ako."

"O-okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ko ng hindi pa rin bumabalik sa normal ang paghinga niya.

"Ako? Okay lang?" he groaned. "Baby, you just took my breath away! For freaking twice! Bakit ka nanggugu-"

"I love you." sansala ko sa kanya.

"Shit! Ardouz!"

Nawawalan talaga siya ng malay? Halatang natataranta na naman si sir Rexuz eh, Ang weird naman ni Ardouz, sabagay weird naman talaga siya. Hindi na bago 'yon.

"Olivia! Ano ba ang sinabi mo sa kanya! He fucking passed out again!"

"Sinabi ko lang naman po na mahal ko siya." I pouted.

"No wonder!" he tsk. "Nawawalan talaga siya ng malay sa sobrang saya." natatawang pinatay niya ang tawag.

Ako naman may ngiti sa labing binalikan si Xandre sa sala, napalabi pa ako ng makitang wala ng laman ang bowl ko, si Xandre naman nakatuwad na sa sofa habang nanunuod ng animal planet.

"I ate the icecream mama, it's melting eh." ngisi niya sa akin at naglalambing na nag-unan sa hita ko. "You're eyes were sparkling." he mumble making my eyes blink for several times.

I was just smiling as time pass by, yes I'm happy on what's happening now.

Kahit kinakabahan man nagawa ko pa ring ngumiti bago matulog.

Just what I promised to Xandre I didn't go to work the next day, I already texted Ardouz and he's fine with it, may assistant secretary naman na ako.

Gusto ko man siya tawagan pero hindi ko magawa, he doesn't want to answer my call since he's busy on his meeting, ang sira baka raw kasi mawalan na naman siya ng malay sa kalagitnaan ng mga meeting niya, so no call on day light.

Masayang sinamahan ko sina Xandre sa game arcade at nakikipaglaro na rin ng basketball.

"Mama let's try that one!" he pointed the shooting game, may ngiti sa labing pumunta kami roon, the thought of holding a gun excites me. "Yey! Let's kill those zombies Mama!"

We high five as we start the game, I clinch my jaw seeing Marie's disgusting face instead of the zombies on the screen.

"Oh! It's the biggest one mama!" turo ni Xandre sa screen, "Let's shoot him on his head."

"Yeah." tumatangong sagot ko ng makita na naman ang mukha ni Marie. "We will kill that bitch!"

"Badwords po."

Wala sa sariling natampal ko ang noo ko, buwisit na babaeng 'yon, humanda talaga siya sa akin! Bagay lang talaga ang nangyayari sa kanya ngayon!

"Sorry po baby, he scratch us eh." I press my lips together as he doubtfully glance up on me. Fine! He really knows when I lied.

"You can't lie to me mama." he playfully wink on me, nanlaki pa ang mata niya ng makitang natalo kami. "Again! We will kill that madapaka!"

"Xandre!" mulagat ko sa kanya ng marinig ang tawanan ng mga naglalaro malapit sa amin. Itong si Phyto talaga ang pasimuno eh.

"Alien language po 'yon mama." he reasoned out.

"Just don't say that language, that's inappropriate!"

"Okay po. Then let's kill those alien language zombies!" napapasuntok pa sa hanging sigaw niya na nagpatawa sa akin ng malakas, kahit si Judi natawa na rin.

We didn't stop playing until we won against the giant zombie. Sunod na nilaro namin ay street fighter. Habang naglalaro iniisip ko ang pananakit ng katawan ko noong mga nakaraang buwan na ngayon nakasanayan ko na...and thanks to sir Max for that.

"Ma can we buy super hero costume? Maliit na po ang superman ko."

"Sige," binalingan ko si Judi na nakaupo sa pinagkainan namin ng icecream. "Palitan mo na siya ng shirt Jud, papasok tayo sa department store."

Namimili na sila ng magugustuhan ni Xandre at ako naman ng mga damit niya pang alis kasi sumikip na ang iba, he's now gaining weight, paano ba naman araw-araw dinadalhan ng mga tiyuhin niya ng mga paborito niyang pagkain.

Tinitingnan ko ang isang puting shirt ng biglang hablutin 'yon sa kamay ko na nagpasinghap sa akin ng malakas.

"Look who's here."

Mabilis akong napaharap sa nagsalita ng mapagsino ko siya. Marie's eyes hold anger as she stared on me, she look at me with disgust on her face.

"Ikaw!" mariing duro niya sa akin, "Ikaw ang dahilan kung bakit nagkanda-leche-leche ang buhay ko!"

Tinabig ko ang daliri niya at tinaasan siya ng kilay. Okay na ang minsang tinapunan niya ako ng kape. "Ako? Why? Kagagawan ba ng mahal ko ang nangyayari sayo? Well that makes me happy." I smile sweetly on her. "How thoughtful my Ardouz is." dagdag pang-iinis ko sa kanya.

"How dare you!" malakas siyang napasinghap ng hawakan ko siya sa palapulsuhan ng sasampalin niya sana ako. "Bitiwan mo ako!" malakas na sambit niya na nakaagaw pansin sa ilang customer. "Mang-aagaw ka, he's mine! Ako ang mahal ni Ard-"

Nakangiti pa ring binitiwan ko siya. Kung nakakamatay ang tingin baka ulila na si Xandre kanina pa.

"Ako ang mahal niya! Nilandi mo siya-"

"Mahal?" I smirk. This biatch really pulling this devil out of me. "Wanna know what's true love for him?"

"He already told me that!" mariing asik niya. "He said I am his life-"

"His life?" mukhang dalawa na sila ang pag-uuntogin ko nito ah. "The last time I know, he said true love is Karrel Olivia Celis Pag-"

"Damn you!"

Mabilis akong napaurong ng sasampalin niya na naman sana ako.

"Alam mo na siguro ang mangyayari sa oras na malaman ng mahal ko ang ginawa mo ngayon diba?" walang emosyong sambit ko na nagpalunok sa kanya. "At sa oras na malaman niya-"

"Mama! We found one!" excited na sigaw ni Xandre ng tumayo siya sa pagitan namin ni Marie. "We have three mama, I love you po."

"Oh." may banta sa ngiting tiningnan ako ni Marie. "Hindi ko akalaing second hand na pala ang bago ng ex ko, I wonder if he knows about it."

Parang tinakasan ako ng dugo ng marinig ang sinabi niya, patuya pa siyang natawa habang pinag-aaralan ang mukha ko. "So...you have a dirty little secret huh?" she smirk. "Once na malandi always malandi, ano kaya ang reaksyon ni Ardouz sa oras na malaman niya 'to, na ang babae niya iniputan na ng iba at may anak pang bastardo."

"Xandre baby?" nakangiting tumungo ako sa anak ko.

"Po? Okay lang-"

"Can you close your eyes for a minute?"

"Okay po." kinuha siya ni Judi at mabilis na tinakpan ang mata niya.

"No wonder na naagaw mo si Ardouz, ang galing mo siguro sa kam-"

"Bitch!" putol ko sa kanya at malakas na sinampal siya sa magkabilaang pisngi na nagpanganga sa kanya. "Sa susunod ang posteso mo naman ang mawawala sayo." mariing banta ko sa kanya. "Oh wait.. This for pouring coffee and water on me." isang mag-asawang malalakas ulit na sampal ang pinadapo ko sa kanya na nagpaungol sa kanya sa sakit. "Madudurog 'yang pekeng ilong mo kung hindi ka pa aalis sa harapan ko."

Namumula ang mukhang umurong siya. "Malalaman ni Ardouz 'to! Babalik siya sa akin lalo na kung malaman niyang iniputan ka na ng iba!"

Ang balak na paglayo niya hindi na natuloy ng hinila ko ang buhok niya, natawa pa ako ng masama sa kamay ko 'yon dahil clip ons lang pala ang buhok niya. "You sure you're not made in China?" I ask sarcastically. Ibinato ko sa natulalang mukha niya ang clip ons, may nang-uuyam na ngiting hinawakan ko siya sa baba, she gulp in horror as I move closer to her. "I will just give you a little information Fakeness Queen, I only let one man fucked me and that kid you just called bastard is Ardouz flesh and blood, now tell him and face his anger." tinampal ko siya sa namamaga niyang pisngi bago siya patulak na binitiwan, tatalikuran ko na sana siya ng bigla siyang sumigaw.

"You bit-"

"Kung ayaw mong makatikim ng palad ko, mabuti pang umalis ka na Marie."

Marahas akong napalingon ng mapagsino 'yon. Ganu'n nalang ang panlalaki ng mata ko ng makitang binuhat niya si Xandre. "Awww you're too heavy baby."

"Hey Olivia." nakangiting baling niya sa akin.

I gulp nervously.

"Ma'am Divina."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro