Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 28

CHAPTER 28

Gabi na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, hanggang ngayon wala pa rin akong alam kung bakit ginagawa ng mga pinsan ko ang pagsira sa mga negosyo ng hindi lang isa o dalawa, pero limang pamilya, pinagtugma ko lahat at 'yon ay negosyo ng mga magkakamag-anak lang ng dalawang tao,  ang hindi ko lang mahanap ay ang dahilan kung bakit ganito ang nangyayari sa kanila. Kung bakit galit na galit sila.

Ang mga buwisit kasi hindi makausap ng matino.

I took a deep breath remembering my baby, kahit nagtapat na ako sa kanya pakiramdam ko kulang pa 'yon, I wanna hear something from her but I know I can't force her. Gusto kong kusa niyang sabihin sa akin ang salitang gusto kong marinig. I have to wait for it.

Kulang pa ang ginawa ko para tuluyan siyang maging akin, naguguluhan man ako sa ginagawa ng mga pinsan ko pero malaking tulong na 'yon, unti-unti na ring gumagapang lahat ng galamay ko sa bawat industriya para masiguradong isang bagsakan ang mangyayari sa mga taong minsan ko ng pinagkatiwalaan.

Isa lang naman ang hiling ko na sa oras malaman ni Koko ang lahat sana maiintindihan niya ako, ayoko man magsinungaling pero 'yon na ata ang pinakamabisang gawin para hindi na siya mag-alala at makukunsensya, alam ko kasing hindi siya papatulogin ng kunsensya niya kapag ora mismo kong ipapaalam sa kanya.

Hurt me...it's fine, but hurting my love ones will give you the real definition of hell.

The next day I went straight to my office, I've been very busy lately due to meetings and investing in new companies.

Kagaya ng nakasanayan ko na may dala pa rin akong isang tangkay ng puting rosas para kay Koko, excitement wraps my system as I went up.

Natigil ako sa paglalakad ng makita siyang nakapikit habang nakasandal sa upuan niya, she look so exhausted and tired. There's no cup of coffee on her table either. Lumapit ako sa kanya at ipinatong ang bulaklak sa mesa niya.

"Morning baby." I planted a sof kiss on her forehead uncaring if some of my employees might sees us. "You okay?" nag-alalang tanong ko ng hindi niya man lang iminulat ang mga mata niya.

"So tired." she mumble sleepily as she hug my waist making me took a deep breath trying to control myself not to pull her up and give her a passionate kiss.

"What did you do yesterday?" nagtagakang tanong ko, ang alam ko nasa bahay lang siya eh. Malalim akong napabuntong hininga at binaklas ang braso niya sa baywang ko, pagod na pagod yata hindi man lang nakasagot at nakayupyop lang sa mesa niya. I tilted my head as walk towards the kitchen to make some coffee for us.

I sighed big time seeing her leaning on the chair while closing her eyes again.

"Koko wake up, I made you coffee."

Pupungas-pungas na umupo siya at dahan-dahang nagmulat ng mga mata. I tap my chest where my heart beat rapidly seeing that charming smile.

"Ano ang ginawa mo?" sumandal ako sa mesa niya at inilapit sa kanya ang kape na agad niya namang kinuha at hinipan bago sumimsim.

"Salamat po sa kape, masarap nakakagising po ng tulog na tulog na kaluluwa."

I chuckled richly as I ruffled her hair. "Masarap talaga, may special ingredient 'yan eh."

"Special ingredient?" tinikman niya ulit ang kape at tila nilalasahan pa. "It taste the same-"

"Ubusin mo na nga lang 'yan." naiinis na tinalikuran ko siya bitbit ang kape ko, hindi niya ba naappreciate ang pagtimpla ko sa kanya ng kape sa unang pagkakataon? Nakakainis!

Aga-agang badtrip naman oh, panira ng mood pa talaga ang babaeng- hay babaeng mahal ko, tama. Naiiling na dumiretso ako sa mesa ko at umupo sa swivel chair, binuksan ko ang laptop at agad na tiningnan ang mga emails.

A triumphant smile appeared on my lips seeing the emails from the CEO's of the agencies I talked to last night.

This is it.

Tinapunan ko ng tingin ang pintuan ng bumukas 'yon, hindi na ako nag-abala pang tingnan si Koko at baka asarin pa ako.

"Schedule niyo po, tumawag pala ang future father in law niyo, tawagan mo raw po."

"Ang alam ko patay na ang future in laws ko." mabilis na sagot ko ng maalala ang kuwento ni mama. Halata pa sa mukha niya ang pagkabigla na tila bang minumulto siya.

"Ka-katawag lang-"

"Are you that tired?" I swear she's too slow right now, she's still pretty in all but she's too slow.

Too slow.

She pouted lovingly as she walks towards me. "Yes." tumatangong sagot niya. "Ngayon ko nga lang po napagtanto ang sinabi mo kanina."

I smiled quietly seeing her face that slowly turn red. "With love nga po pala 'yon, kaya masarap."

"Wala ng effect Koko." I groaned.

"Okay." tumatangong tumalikod siya sa akin at may kinuhang papeles sa shelves. "Salamat po pala sa bulaklak."

"You didn't tell me yet, why are you tired? What did you do?"

"Wall climbing po, first time ko kasing ginawa 'yon kaya masakit sa katawan."

"First time." wala sa sariling bulong ko na nagpabalik ng ilang eksena ng nakaraan sa isipan ko. Kahit ang paglabas ni Koko hindi ko na rin napansin pa dahil sa bahagi na 'yon ng buhay ko. "Damn!" galit na tinampal ko ang mesa.

Ang tagal na noon pero hindi pa rin nawawala sa sistema ko ang nangyaring 'yon.

Kinuha ko ang schedule ko at tiningnan 'yon, tiningnan ko ang oras ng makitang may meeting ako ng alas-diyes. Ibinaba ko ang folder at muling itinutok ang mata sa laptop.

Ilang proposal din ang pinag-aralan ko hanggang sa sinabihan ako ni Koko tungkol sa meeting ko ngayong umaga.

"Kasama mo po pala sina sir Sky at sir Phyto sa meeting niyo sa Arevalo Oil Company." imporma niya ng ibigay niya sa akin ang kopya ng memo para mamaya na hiningi ko sa Chairman ng kompanyang 'yon.

"Salamat, can I have a hug?"

Bumagsak ang balikat ko ng umiling siya. "Later, you'll be late-"

"I don't care, I need a hug, I didn't even see you smiling often." nakasimangot na turan ko. "Okay ka lang ba talaga? You don't look fine to me." tumayo ako at binuhat siya paupo sa mesa ko. I hug her tightly while kissing the side of her head. "You're acting weird lately, what's the problem?"

"W-wala naman po." kaila niya na nagpabuntong hininga sa akin.

"Koko, maraming tao na ang nagsinungaling sa akin, please tell me you won't be like them, it will hurt me and I don't know how will I handle it."

I close my eyes as she hug me back, she landed her jaw on my shoulder blade, I know something is bothering her, I can see it in her eyes. I took a deep breath as I cares her back gently. "Tell me baby, what's bothering you."

"A-ang sitwasyon natin." mahinang bulong niya na nagpatigil sa akin. "I really felt so guilty-"

"Sabihin mo lang na hindi mo ako gusto, na hindi mo ako kayang mahalin, na hindi mo akong matutunan mahalin, then I will let you go even it will mess up my life, I already experienced that once.." walang kabuhay-buhay na bulong ko. "At handa akong maranasan ulit 'yon kung hindi ka naman masaya sa akin, kung hindi mo naman ako kayang mahalin, now tell me-" bahagya akong lumayo sa kanya at tinitigan siya sa mga mata, para akong wala ng buhay ng makita ang awa at luhang nagbabadya sa mga mata niya. "Hindi mo kailangan umiyak Koko, hindi ko kailangan ang awa mo," mapait akong ngumiti sa kanya. "Ito na ang pagkakataon na makakalaya ka na sa akin, just tell me that you will never like and love a selfish man like me."

I felt so numb seeing tears falling in her eyes, walang lakas na umupo ako sa swivel chair ng hindi siya umiimik. Baka ngang hindi niya kayang mahalin ang kagaya kong makasarili.

The pain is unbearble that makes me feel so numb.

"You can spread your wings now, go fly and reach your dreams."

A pain of tear escape from my eyes as she went down from my table. My gaze darted on the floor as she take a step.

"I- I can't."

I drag my eyes towards her. Her tears were falling like there's no tomorrow, she was sobbing as she outstretch her two arms.

"I- I already reached my dreams five years ago but I lost it and now I found it again, I don't think I can afford to lost it again this time."

Mapait akong ngumiti. "Good for you, now go and be happy with your dreams."

"Sa-sabi mo ma-mahal mo po ako." garalgal ang boses na bulong niya habang nakadipa pa rin.

"God knows how much I love you Olivia! I love you more than my life!" mariing bulong ko na nagpaiyak lang lalo sa kanya.

"Mo-more than your life?"

She wipe her tears showing the anger in her swollen eyes. It's dangerous and it makes my jaw drop.

"Repeat it!" she bursted.

"Re-repeat what?"

Fuck! Why I felt scared seeing this side of her?

"Na mahal mo ako sobra pa sa buhay mo!"

"Where's the PO?" wala sa sariling tanong ko. Shit! Nakakataranta naman ang babae na 'to kapag galit.

"Uulitin mo o hindi?" galit na pinagkrus niya ang braso niya sa dibdib. Did I just provoked her? Fuck! This woman is quiet dangerous. "At ang PO? wala ako sa bahay, remember? Sabihin mo o-"

"I- I love you more than my life Olivia."

"Ayon naman pala, ang sabi ko guilty ako hindi ko sinabing palayain mo ako! Do you even know the meaning of true love? Ang mga taong nagmamahal hindi sumusuko kaagad! Huh!" nakapameywang na naglakad-lakad siya sa harapan ko, napaurong pa ako ng dinuro niya ako. "How dare you to say you love me more than your life! eh ngayon pa nga lang give up ka nang gago ka!"

"Are you that mad?" napapalunok na tanong ko. Her eyes turn into slit as she walk towards me. She hold my chin with anger that I can even feel the tip of her nails bury in my skin.

"If you really love me you will never fucking give up! Stop that damn wedding so you won't make me feel this way! Oh baka ang bruha na 'yon naman talaga ang mahal mo eh."

I wasn't able to talk hearing her cursed for several times, it may sounds crazy but I love it, it's just like her, it's damn fascinating.

"Ardouz tell me! Stop smiling like an idiot!" naiinis na tinampal niya ang noo ko. "Did you love her? Kaya hindi mo pa kinansela ang kasal niyo? Ha? Tell me!"

"Koko?"

"What? Answer my damn question!" singhal niya ulit.

"You're literally turning me on with those curses, I wonder if you're like that in bed, dang it's so damn hot, you look so- aw!" sinimangutan ko siya ng pitikin niya ang labi ko.

"Galit ako Ardouz!"

"Hmmm." I nodded. "Need hug?"

Umiling siya. "Do you even know the meaning of true love?"

Parang batang tumango ako. "Oo naman po." fuck! Bakit ako na ang nag PO?

"Okay." nakapameywang na tiningnan niya ulit ako ng masama. "Sige, tell me what's true love for you."

May ngiti sa labing umusad ako sa kinatatayuan niya at sinapo ang mukha niya. Galit pa rin ang matang tinitigan niya ako.

"What's true love to you?" pagtataray niya.

"What's true love for me?" I smiled dreamy. "It's Karrel Olivia Celis Pagonzaga." I mumble on her lips.

"Hmmm." her lips stretch into a sweet smile against mine. Nakapikit ang matang inangkin ko ang labi niya na agad niya namang ginantihan ng mas malalim at mainit na halik.

Tumigil ako sa paghalik sa kanya ng may senaryo na naman ng nakaraan ang nakatakas sa memorya ko. Nakapikit ang matang hinaplos ko ang labi niya habang nasa gabing iyon ang isipan ko.

Those kissable soft and warm pouty lips. And my baby lips feels like the same. The way it innocently moves against mine it's the same. I tilted my head shooing those thoughts away, baka nagkakataon lang.

"Koko.." lumayo ako sa kanya at muli siyang pina-upo sa mesa ko, nagtatanong ang matang tumingin siya sa akin. "Alam kong mali para sayo ang sinabi ko, that I give up on you this early, para sa akin kasi mas okay na malaman ko na kaagad bago pa man ako mabaliw, mas mabuting inilabas ko ang tunay na naramdaman at kung ano ang nasa isipan ko, mahirap umasa, mas okay ang sumugal kaysa itago lang ang mga bagay na dapat nalalaman ng ibang tao."

A glintz of guilt cross her eyes that she even bow her head.

"Please fix your life first." she mumble lowly as she glance up on me, sadness registered on her face, "If it's hard for you lalo naman para sa akin, you confessed your love but you're still engaged, wala akong panlaban."

"Kalimutan mo ng engage ako Koko, Im still on process of making everything easier for us."

"What do you mean?" naguguluhang tanong niya, "Are you doing illegal process?"

Mahina akong natawa dahil sa narinig, nanggigil na kinagat ko ang balikat niya. "Illegal talaga? A woman like you don't deserve such process, I have my ways."

"I have my ways." natatawang ulit niya sa sinabi ko. What's funny about it?

"What's funny?" seryosong tanong ko na nagpatigil sa kanya. Nasa mga mata niya pa rin ang kislap ng kasiyahan habang napapangiti.

"May naalala lang po ako." nakangiti pa ring turan niya. "No wonder, mana talaga." mahinang bulong niya na halos hindi ko na maintindihan.

"Can we go for a date-"

"Nope." mabilis na sansala niya na nagpataka sa akin. "There's only two dates left from that auction."

My lips parted. "What?"

"Yes, your cousins use four dates with me-"

"Ano?" napataas ang boses na tanong ko. "Wala kang sinabi! Wow! Sila ba ang kasama mo sa wall?"

"Opo." nakangiting sagot niya na mas nagpainis lalo sa akin, those bastards! Kaya pala palaging late na kung makasagot ng mga tawag! "Walls, picnic-"

"Shut it!" I hissed. "At bakit hindi ako puwedi? Pera ko ang pinambay-"

"Hati raw po kayo ni lolo, kaya sila nalang ang gumamit, tapos the other one, tita Eli and grandma will date me, magsasalon daw po kaming tatlo."

Kahit naiinis hindi ko pa rin napigilang hindi mapangiti, nakuha niya na talaga ang loob ng pamilya ko.

"There's one left-"

"Reserved."

"Kanino naman?" magkasalubong ang kilay na lumayo ako sa kanya. I paid for nothing? Mapapatay ko na talaga ang mga gagong 'yon!

"Sa ating tatlo po."

"Tatlo?"

Tumango siya, "Opo, it's a surprise."
May pagdududang tiningnan ko siya sa mga mata, she was just smiling prettily while Im on a deep thought. Hindi kaya yayain niya si grandpa?

"We will go picnic, basketball and swimming." pagpatuloy niya, naguguluhan man hinayaan ko nalang siya mukhang excited pa naman siya sa date na 'yon. "Saka, hindi mo po kailangang magalit sa mga pinsan mo, mas masaya pa rin po ako kasi araw-araw kitang kasama, nakikita, nayayakap and that's more than a date for me."

"Bumabawi ka." I smiled on her lips and planted a soft kiss on it. "You really know how to melt my anger, I love you sweetheart."

"Thank you po."

I chuckled richly, that was a cute answer though, hindi niya pa man sasabihin mas ramdam ko naman ang pagmamahal niya, action is better than words for everyone, that's better than any words.

"Kamusta pala ang assistant mo?"

"Analy is great, thank you." aniya sabay yakap sa akin. Yes, I hired an assistant for her for the time like this, we don't need to hurry everything because someone's there to answer the call and all.

I give her a passionate kiss that she instantly responded with the same feroricity, ilang minuto kaming magkayakap at natigil lang ng malapit na ang meeting ko.

Happiness keeps rolling in my system right now, hindi rin nakaalpas sa akin ang maya-mayang pagsulyap sa akin ng driver ko. Alam kong nagtataka siya sa nangyayari sa akin dahil hindi naman ako ganito sa ilanv taong pagmamaneho niya sa akin.

Nagsimula na ang meeting ng dumating ako, prente na ring nakaupo sina Sky at Phyto na magkatapat lang ang upuan.

The host guide me towards my sit near the illustration board. My hand turned into fist as I saw Arman, but what surprise me seeing that murderous gaze on me, he looks like he's going to crashed me into pieces, natigil lang siya ng tumikhim ang host.

I trust Kato and I know he never failed, I only once gave Arman his medicine and I have no idea what's happening on their families and relatives businesses, why it all turn into ashes continuesly. But knowing his attitude for sure he has alot of rivalry and enemies who's probably the responsible of doing those shit on there businesses.

After buying a twenty percent stock I walk out first and waited the two gang outside since they're still talking to their friends.

Nakapamulsang hinintay ko sila sa labas, hindi naman kalayuan sa akin ang tatlong alertong bodyguards ko.

"I didn't plan it!" mabilis akong napalingon ng marinig ang galit na boses ni Arman, malamig ang matang sinalubong ko ang galit na nasa mata niya. "Stop ruining my business! My relatives busine-"

"Plan?" magkasalubong ang kilay na tanong ko, what this fucker talking about?

"Hindi ako ang mastermind sa nangyari! Kaya tigilan mo na ang pagsira sa mga negosyo namin!" nanggagalaiting sambit niya, mabilis siyang hinarangan ng bodyguard ko ng akmang lalapit siya sa akin. "You're heartless! Hindi ako ang nag-utos na-"

"Ssssshhhh." nakangiting pigil ni Phyto sa kanya ng makalapit ito at si Sky. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit buhay ka pa ngayon?"

What the fuck is happening? Kahit si Sky nang-uuyam rin ang matang pinihit niya ang mukha ni Arman na tila wala ng buhay ng makita ang dalawa. "Pasalamat ka at kami lang ang nakakaalam, kung hindi baka doble pa ang mga buhay na mawawala sayo."

"What's going on?" I ask confusely as I walk towards them. Hindi sila umimik pero halatang may banta ang mga mata at bawat salitang binibitiwan ni Phyto na mas nagpaputla pa sa kaharap nila.

"If you're ready to lost your love ones, go tell him." tiim bagang sambit ni Phyto sa kanya.

"Be a good dog." Sky smirk, napaungol pa si Arman ng malakas niyang tinampal ang balikat nito.

Si Phyto naman itinulak si Arman ng malakas dahilan ng pagkatumba nito sa sahig.

I wa so confuse while staring on my cousins who are smiling but the danger were visible in their eyes. "What the fuck is-"

"You will pay for this you mother-"

Hinablot ko si Arman sa pagkasubsob sa sahig at sinuntok sa panga ng may maalala ako. "That's for the video I watched!" singhal ko sa kanya at muli siyang tinadyakan sa tagiliran.

"Let's go." aya ni Sky sabay hila sa akin palayo. Tinabig ko ang kamay niya at hinarangan siya at hinawakan ang kuwelyo niya.

"Tell me the fucking reason why all of you destroyed Arman's business!"

Napabaling ako kay Phyto ng marinig ang mahinang tawa niya.
"Let's just say we're protecting your properties."

"Isa ka pa-"

"That's enough." Sky hissed, tinanggal niya ang kamay ko sa kuwelyo niya at parang walang nangyaring umakbay sa akin, "Let's hang out tonight, this past few days were tiring."

Tinanggal ko ang braso niya at iniwan na sila, pasakay na ako sa kotse ng sumigaw si Phyto na nasa kotse niya na rin.

"Congrats nga pala."

I hold on the car's door as I glance back through my shoulder. "For what?" galit na tanong ko, mga buwisit talaga.

"Na hindi ka baog."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro