Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 27


"Ate Mon, tulungan mo naman po ako oh, paano ko ba sasabihin sa ama ni Xandre na may anak siya?" nanghihinang umupo ako sa bermuda grass paharap sa lapida niya. "Paano kung hindi niya tatanggapin? Ka-kahit sinabi niyang mahal niya ako at naramdaman ko naman po 'yon pero nag-aalinlangan po talaga ako eh, baka isipin niyang gold digger ako at gagamitin ko lang si Xandre para- hay ate! Wala na talaga akong alam gagawin! I don't have any one by my side who can give me some advice, bakit kasi iniwan mo ako eh," mabilis na pinahid ko ang luhang nakatakas sa mga mata ko. "Iniluwa lang ako sa mundo tapos iiwan niyo rin na nag-iisa, wala po akong masasandalan eh. Wala."

"Kung talagang mahal ka ng tao kahit ano kapa, kahit sino kapa, tatanggapin ka nu'n." mabilis na napalingon ako ng marinig ang boses ni ate cil, may awa sa mga matang hinaplos niya ang buhok ko, "hindi lang naman puro panglabas na anyo, ugali, estado ng buhay, ang pagiging perpekto mo sa lahat ng oras, hindi puro magagandang naabot at nangyayari sa buhay mo ang basehan ng tunay na pagmamahal-" malungkot na ngumiti siya at umupo sa tabi ko. "Ang tunay na pagmamahal ay unang tinatanggap ang mga kamalian mo, ang pagkukulang mo, ang mga hindi magagandang nangyari sayo, ang mga madidilim na pahina ng buhay mo at higit sa lahat ang hindi pagkaperpekto ng buhay at pagkatao mo."

Tumutulo ang luhang humilig ako sa balikat ni ate Cecil. Mas lalo lang akong nahirapang huminga ng maramdaman ang yakap niya, yakap ng pangako, ang tipo ng yakap na matagal ko ng inaasam na maranasan sa piling ng isang ina, ang yakap ng pangako na minsan ng ibinigay ng ate ko na matagal ko na ring hindi nararanasan.

"Ilabas mo lahat ng luha na matagal mo ng pinipigilan, makakatulong 'yon para mapagaan ang kalooban mo, hindi sa lahat ng oras kailangan mong ngumiti, hindi sa lahat ng oras kailangan mong kalabanin ang totoong nararamdaman mo, minsan kailangan mo ring isigaw ang saloobin mo para maibalik mo muli ang katatagang nawala sayo at sa oras na bumalik 'yon siguradong mas marami na ang dahilan mo para mas magpakatatag pa."

"M-maraming salamat po." yumuyogyog ang balikat na niyakap ko siya. Mabuti nalang at hindi niya kami iniwan ni Xandre, wala akong kaibigan maliban lang sa pamilya ni ate Rose na hindi rin kami pinababayaan.

"Koko siguro kailangan mo ring magalit minsan, huwag mong pigilan ang sarili mo, makakatulong din 'yon."

Umiling ako. "N-natatakot po a-ako na kainin ng galit ang puso ko ate, baka po mahirapan ako kapag nangyari ang ganu'n."

Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin.

"Hay, manang-mana ka talaga sa mga magulang mo, mga anong oras pala tayo uuwi? Baka hinahanap ka na ng munting binata natin."

Mahina akong natawa dahil sa narinig, paano kasi iniwan ko si Xandre sa bahay namin sa Parañaque dahil ayokong makita niyang bumigay ang katatagan ko.

"Mamayang hap-"

Pareho kaming natigilan ni ate cil at nagkatinginan ng sunod-sunod na pumarada ang lima at iba't-ibang klase ng sasakyan hindi kalayuan sa amin.

Kinakabahang napahawak ako sa kamay ni ate cil ng bumukas ang pintuan ng isang itim na hummer, nanlaki ang mata ko ng mapagsino ang lumabas.

I shook my head with disbelief.

They kidnapped my baby again!

"Mamaaaaaa! I know you're here!" tumatakbong sigaw ni Xandre, nakasunod naman sa kanya sina Sky, Phyto, Rexuz at Roldan na maraming dala. "Ma- oh!" natigilang sambit niya bago naglakad ng dahan-dahan papunta sa akin at pinahid ang gilid ng mata ko. "You- you left me because you don't want me to see you crying?" mahinahong tanong niya, napangiwi pa ako ng sumeryoso ang mukha niya. "Did you?"

Umiling ako. Hindi ako nakagalaw ng kumandong siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Mama okay lang po na sad sometimes, dalawang ulit lang po kita nakitang umiyak eh."

"Ikaw tala-"

"Yoh Oli." nakangiting ginulo ni sir Phy ang buhok ko. "Hindi namin siya kinidnap, siya ang kumidnap sa amin."

"Yeahh..." dugtong ni sir Sky na bahagyang nginitian si ate cil na tumayo para ayusin ang dala-dala nila. "Inaantok pa ako nu'ng tumawag sa akin ang munting prinsipe eh."

"Ikaw lang pala, bakit ka nandamay?" nakasimangot na asik ni sir Rexuz sa kanya. "Dapat natutulog pa-"

"Uncle Phy, Uncle Sky, Uncle Rolly, next time po hindi na natin isama si Uncle Half breed, kasi-"

"Sabi sayo, ako palagi ang tatawagan mo kung kailangan mo kami eh." ngisi ni sir Rexuz sa kanya na nagpatawa sa amin. "Hindi naman ako inaantok, okay lang kahit alas tres ng madaling araw mo akong gigisingin."

"Buti nga sayo." naiiling na lumapit si sir Sky kay ate cil at tinulungan siya sa paglatag ng malapad na picnic blanket.

"So...this your mommy Monina's home?" tanong ni sir Phy.

"Opo Uncle Phy, say hi to her." tumayo si Xandre sa pagkakaupo sa kandungan ko. "Tell mama, nakikita niya po ang mommy Monina ko."

Hindi ko mapigilang ang tawa ko ng makita ang takot sa mukha ni sir Phy habang palipat-lipat ng tingin sa akin at sa puntod ni ate.

"Hi daw po ate Mon, sabi ni sir Phy, pakidalaw siya mamayang gabi ha." pagbibiro ko.

"You okay Uncle Phy?" nagtatakang tanong ni Xandre ng makita ang mukha ng uncle niya na tinakasan yata ng pulang dugo ang buong katawan.

"He's dying." natatawang sambit ni sir Roldan. "Duwag!" binatukan niya pa si sir Phyto ng hindi pa rin kumikilos.

"Hindi kaya babangon ang mga patay rito?"

Lumingon ako kay sir Sky at ganu'n nalang ang panlalaki ng mata ko ng makitang may tent at dalawang mahabang portable na mesa na at halos puno ng pagkain ang isa roon..

May mga foldables na upuan na rin!

"Tingnan natin, si Phy lang naman ang duwag eh." pang-aasar ni sir Rex.

Natuon naman ang pansin ko kay Xandre ng hawakan niya ang kamay ni sir Phyto.

"Uncles let's play catch!" aya niya sa apat na natigilan at nagkatinginan, maya-maya pa pareho ng nakangisi at halatang excited.

"Okay." nakangising pagpayag ni sir Rexuz. "Let's start-"

"Oh wait!" Xandre shouted.

Nakamata lang ako sa kanila ng lapitan sila ni Xandre kasama si sir Phyto na hindi pa rin yata natatauhan.

"Let's bato-"

"No uncle..." umiiling na pinatigil ni Xandre sa pagsasalita si sir Rexuz. "Let's play catch but no chasing someone-"

"What? How can we play catch without chasing someone?" naguguluhang sabad ni sir Sky.

"Yeah, because we catch twubi instead of us po."

"Twubi?" lumingon si sir Phyto sa akin. "Ano-"

"Ah..." napapakamot sa batok na tumaaa ng kamay si ate cil. "Tutubi po 'yon sir."

"Ah tutub- a what?!" laglag ang panga na tumingin sa paligid si sir Roldan.

"No thanks." mabilis na umupo si sir Rex.

"If who will catch alot will be my favorite uncle and Im not gonna tell my daddy that you all cursed on my face." pananakot ni Xandre na mukhang tumalab naman kasi namutla pa sila at nagkatinginan.

"What a conniving little man, mana talaga sa amin." proud pa na sabi ni sir Phyto.

"Im so gonna catch 'em all, magkapatayan man." mabilis na tumayo si sir Rexuz at agad na naghanap ng mga tutubing nakadapo sa kung saan.

Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang pinapanuod sila na naghahanap ng tutubi, natatawang umupo si ate cil sa tabi ko habang pinapanuod si sir Rexuz na dahan-dahang lumalapit sa isang tuyong dahon. Huhulihin niya na sana ang tutubi ng biglang binato ni sir Sky ng maliit na bato ang dahon.

"Packing tape kang hayop ka!" galit na sigaw niya sabay habol kay sir Sky na tawa lang ng tawa.

"Tutubi come here babies!" malambing na sambit ni sir Roldan na parang bata lang ang inaamo.

Naiiling na tiningnan ko si Xandre na tuwang-tuwa habang pinapanuod ang mga wala ng pag-asang tiyuhin niya.

"Nakakatuwa naman sila Koko, ganyan sila katakot sa ama ni Xandre?" hindi makapaniwalang tanong ni ate cil habang nasa kanila pa rin ang mga mata.

"Siguro po." kiming sagot ko. "Mabuti nga ho at mabait sila, akala ko husgahan nila ako eh."

"Alam mo dapat mo ng sabihin sa ama niya 'yan, para wala ka ng iisipin."

"Naghahanap pa po ako ng timing ate cil, natatakot po talaga ako eh."

"Hay nakung bata ka," she blow some air. "Kung takot ang paiiralin mo walang mangyayari, tingnan mo 'yang munting anghel natin, ang saya-saya niya na uncle niya pa lang ang mga kasama niya, paano na kaya kung ama niya na." nangingiting turan niya habang tiningnan si Xandre na nanghuhuli na rin ng tutubi. "Ang kaligayahan na ganyan ay hindi nabibili ng pera, wala kang sasayangin na salapi, kung kaya mo lang naman ibigay ang kaligayahang matagal na niya ng inaasam ay ibigay mo nalang, at sa tingin ko naman mahal na mahal ka nu'ng ama."

Malalim akong napabuntong hininga at pinanuod nalang ang mga magpipinsan.

"You're all hopeless po!" nakasimangot na pinagkrus ni Xandre ang braso sa dibdib niya. "Bakit ang ate Judi ko magaling po manghuli ng tutubi!"

"Babae ang hinuhuli namin eh." nakangising hinarap siya ni Phyto. "Pero ngayon, ikaw na!"

Nanlaki ang mga mata niya ng nakapameywang hinarap siya ng mga ito.

"Oo nga, let's pretend that you." sir Rex pointed him. "You're the dragon fly."

"Mama!" malakas na tili niya ng habulin siya ng mga tiyuhin niyang tawa ng tawa habang nagkukunwaring mga zombie. "Mamaaaa!" malakas ang tawang tumakbo siya sa direksyon ko.

"Tell them you're going to tell you're dad." pang-uuto ko sa kanya ng nagtago siya sa likuran ko.

Habol ang hiningang tumayo siya. "I- I will te-tell dad- ahhhh!"malakas na sigaw niya sabay takbo palayo ng hindi natakot ang mga tiyuhin niya at akmang huhulihin siya ni sir Roldan.

"I-Im dying!" madramang sambit niya at humiga sa bermuda grass. He keep giggling as the boys sorrounded his spot while looking down at him. "I- I love you all po!"

Ang kulit talaga.

Hindi umimik ang apat at may ngiti sa labing humiga sa tabi niya.

"I can't believe Im inlove with this kid." naririnig kong sambit ni sir Rex. "Someday he will protect my miniature too."

"Yeah..." tumatangong sagot ni sir Roldan. "he will lead the fourth generation with his fathers power in him."

"Hey!" reklamo ni sir Phy. "Bakit ang ama niya lang? Puwedi rin naman nating paghatian ang power na sinasabi mo!" singhal niya kay sir Roldan sabay hila ng buhok nito na parang babae.

"I wanna see my dad po." malungkot ang boses na saad ni Xandre na nagpasulyap sa kanila sa direksyon ko. "But I will wait when mama will let me."

Im sorry Xandre, pero huwag ka mag-alala, makikita mo na rin siya isa sa mga araw na parating.

"Yeah, you little Einstein really know how to handle such situation." proud na sambit ni sir Sky. "Just like how your mama, handle your father."

"If I can't see yet my papa, puwedi po ba kayo pumunta sa family day ng school ko?"

"Of course! We will win those games-"

"Promise uncle Rex?"

"Promise."

"Yeheeeey! All of you po are my favorite uncles nalang kahit walang tutubi, I will still think if Im gonna tell or not my dad that you people-"

"Don't! Mawawalan ka ng mga guwapong uncles!" protesta ni sir Roldan.

"Okay po, But I'm still thinking though." hirit pa niya na nagpaungol protesta sa mga tiyuhin niya.

Kuntentong nakikinig nalang kami ni ate Cecil sa kanila hanggang sa nag-aya silang kumain.

It was four pm when we all decided to go home, sumabay nalang kami kay sir Sky, at si ate cil naman sa kotse ko na minaneho ng isa sa mga bodyguard nila.

Pagdating sa bahay agad rin silang umalis at may mga gagawin pa raw, kami naman ni Xandre naligo rin kaagad dahil kanina pa siya inaantok hindi lang makatulog dahil hindi siya nakapagpalit ng damit.

Pumasok ako sa walk in closet ko para magbihis, inaantok na kumuha ako ng bra ng at hindi sinasadyang mahulog 'yon, yumukod ako at pinulot ang bra ng matuon ang mata ko sa maliit na drawer na bahagyang nakabukas. Napalunok ako ng masilip ang mga gamit ni ate, this is all where her valuable things are.

Nanginginig ang kamay na binuksan ko 'yon at kinuha ang laman, it's a white cap, a white tee and a white boxer short, a bitter smile appeared on my lips while my trembling hand caress the objects.

Kumunot ang noo ko ng mapansing may tila nakasulat sa loob ng sombrero, I swallowed the lump in my throat as I look at it. Hindi ko alam kung matawa ba o sabunutan ang sarili ko ng mabasa ang nakasulat.

Ang tanga ko! Dapat dati pa tiningnan ko na 'to, hindi na sana sumakit ang ulo ko ng ilang taon. Kahit nanginginig ang labi nagawa ko pa ring ngumiti. If this is not fate or destiny, Im sure I will be crazy looking for the right term.

Tinapos ko ang pagbibihis at bumaba para magkape. Nagtitimpla ako ng kape ng mapadaan si Judi sa likuran ko.

"Jud, may nagdeliver ba ng newspaper?"

"Oho, teka po kunin ko."

"Sa garden lang ako." pahabol na sigaw ko ng makalabas na siya. There's maybe have alot of flat forms where I can watch or hear the news but I'm still into reading a newspaper. Nakasanayan ko ng habang nagkakape may binabasa ako.

Naglakad ako papunta sa lawn at umupo sa isang silya.

"Ito na po ate." ani Judi sabay latag ng newspaper sa mesa.

"Pahingi ako ng apat na toast bread please, saka ang mga sobrang pagkain na dala namin puwedi niyo kainin 'yon Jud ha."

"Sige po, salamat ate."

Tumatangong pinulot ko ang newspaper, kahit alam na nila na iisang pagkain lang kaming lahat, na kahit anong meron sa ref ay puwedi rin nilang kainin, kailangan ko lang sila e-remind baka mamaya nahihiya lang kumuha, sayang din ang pagkain kung masira lang.

Sumimsim ako ng kape at inilapag 'yon sa mesa bago binuklat ang newspaper. I smiled seeing the headlines of the business section it's about the Montevista again.

Pagkatapos basahin ang Article sunod naman na nakita ko ang walang kamatayang sunog na nangyayari sa Manila, mas matindi pa 'tong isang kompanya, sampu lang noong nakaraan ang nasunog tapos ngayon ang ilang branch nan nila sa provinces, na umabot na nga sa korte dahil nagsampa ng kaso ang nasunugan laban sa mga maintenance ng electrical stuff nila.

Kawawa naman, I wonder how they will cope up with this.

"Ito na po ate."

Natigil ang pagbabasa ko ng inilapag ni Judi ang toast bread sa harapan ko, kumuha ako ng isa at agad na kumagat.

"Wala na ba talagang tigil 'tong sunugan na nangyayari?" mahinang bulong ko sa kawalan habang tinitingnan ang letrato ng isang nasusunog na restaurant sa Quezon city at autoshop naman sa Alabang. "Kaloka."

Inilatag ko ang news paper at kumain na muna. I smiled quietly and close my eyes as a strong wind blow in the garden, it feel so refreshing. Nakakagaan sa pakiramdam.

Mabilis na iminulat ko ang mga mata ng may marinig akong tumatakbo palabas, kumunot ang noo ko ng makitang si Judi na habol-habol ang hininga.

"A-ate tawag ka po ni Xandre, ayaw po paawat eh, nagwawala po."

"Okay, ang batang 'yon talaga, nasobrahan yata ng laro." tumayo ako at susunod na sana kay Judi ng maagaw ng pansin ko ang isang letrato sa newspaper na nasa sahig na nakakalat, kinuha ko 'yon at binasa.

It's Marie.

She's ranting against her agency for not letting her to renew her contract, she's one of the top model of the country in different lines of products, especially clothing lines.

Pero hindi naman problema 'yon kasi sikat siya at tiyak maraming agency ang magkandarapang kunin siya.

Inilapag ko muna ang newspaper bago pinuntahan si Xandre, nasa hagdan na ako ng makitang tumatawag si sir Max. Mabilis na sinagot ko 'yon.

"Sir-"

"Hey pretty, I will text you something, and I just wanna warned you to zip your mouth after reading that, wala kang gagawin, understood?"

I gulp nervously as I nod my head, this Montevistas are really scary as hell.

"Lil-"

"O-opo, makakaasa kayo."

"Good."

Nanghihinang napahawak ako sa railings ng hagdan habang hinihintay ang text niya.

I jolted when my phone vibrates, I swallowed the lump in my throat as I read the message.

My body froze seeing the text, a text that unleash the devil I've been controlling from my whole life.

Hindi pa man ako nakabawi ng makitang tumatawag ulit si sir Max. My finger trembled as I press the green button.

"Nasa labas ako ng bahay mo, I know what you feel, dalhin mo na rin ang nagwawala diyan sa taas, I have everything in my house where you can release your anger while learning something at the same time."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro