Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 25


Matamis ang ngiting umupo ako sa swivel chair ng makita ang isang stem ng puting rosas na nakapatong  sa ibabaw ng mesa.

Araw-araw ganito palagi ang nabubungaran ko pagdating dito sa opisina, isang tangkay lang na nagpapaganda lalo ng araw ko.

Kahit hindi man siya makapasok dumadaan naman siya dito tuwing gabi para mag-iwan ng bulaklak.

Sa buong buhay ko dito lang ako nakakatanggap ng bulaklak na galing sa lalake, though my lil superman gives me often from our garden but I can't still believe the feeling will be different. Nakakataba ng puso.

Pinulot ko ang tangkay at nakapikit na inamoy 'yon, agad namang sumikdo ang puso ko ng maalala ang pagtatapat niya ng nararamdaman para sa akin. Mahirap man ang sitwasyon namin sa ngayon pero binibigyan niya ng pag-asa ang nakaraang malapit ng tumigil sa panggugulo ng isipan ko.

Pero hanggang ngayon naduduwag pa rin akong sabihin sa kanya ang tungkol kay Xandre, paano kung hindi niya matanggap? Na wala naman talaga siyang pakialam sa nakaraan?

Malalim akong napabuntong hinga at tumayo para magtimpla ng kape, ang matagal ko ng hinihintay na pagkakataon dumating na pero hindi ko akalain na ganito pala kahirap harapin ang katotohanan.

Mabilis akong lumabas sa kusina ng marinig ko ang sunod-sunod na tunog ng telepono.

"Montevis-"

"Olivia."

"Sir Sky? Good morning po."

"Nandito kami ngayon sa bahay mo-"

"Ho?" nanalalaki ang matang napaupo ako. "Bak-"

"He wanna go for a swim with us, don't worry sa bahay ni Max kami pupunta, ibabalik lang namin before five."

"Pero sir." nag-aalinlangang sambit ko. "Baka-"

"Trust us, hindi kami mangingialam sa issue niyo, as an uncle we're just fullfilling our duties that we didn't comply through his life."

"Sige po." natatakot na pagpayag ko, hindi rin naman ako makatanggi dahil ayokong pati sila lalayo na sa akin. Nailayo ko ang telepono ko sa tainga ko ng marinig ang matinis na boses ni Xandre.

"Mama? I will be a good boy po, uncle Max has a really really big swimming pool! It's so cold mama!"

Cold?

"Are you there already?!" malakas ang boses na tanong ko. Wala sa sariling napahilot ako sa sentido ko. Nagpaalam pa!

"Opo mama! Bye po! I love you!"

"Xand-"

"It's Max idea, we will send him home before you know it."

Hindi na ako nakapagsalita pa ng ibaba ni sir Sky ang telepono. The perks of only little boy in new generation. Kinikidnap nalang basta-basta ang anak ko.

Kahit papaano panatag naman ang loob ko dahil alam kong may isang salita din naman sila.

Muli kong hinarap ang trabaho hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras.

"Miss Pagonzaga?"

Mabilis kong itinigil ang pag-aayos ng papeles ng may kumatok, kumunot ang noo ko ng makitang delivery man 'yon at kasama ang guard ng building.

"A-ako po 'yon sir."

"May delivery po para sa inyo ma'am." aniya sabay abot ng isang boquet ng white roses at box ng mamahaling chocolate. "Pakipirma nalang po." wala sa sariling kinuha ko ang papel at pinirmahan 'yon.

"Salamat po."

Bumalik ako sa pagkakaupo at tiningnan ang card. "Have a great day sunshine." basa ko sa card na wala namang nakasulat kung kanino galing, sino naman kaya 'to, hindi naman na siguro nagkamali ng pagdeliveran 'yong tao, kagaya noong nakaraan na para siguro sa ibang kasamahan ko 'yon. Iniwan ko nalang ang bulaklak sa mesa para kumain.

Halos alas singko na ako nakauwi at pakiramdam ko drain na drain ang energy ko dahil sa traffic.

Hindi na rin ako namroblema kay Xandre kasi hinatid pa siya ni sir Max sa school.

"Mama!" malakas na sigaw ni Xandre ng makita akong pababa ng kotse, tumatawang tumakbo siya papunta sa akin, isinara ko ang pintuan at ibinigay kay Judi ang bag ko. "Mama up! Up!"

"Ikaw talaga hmm!" hinalikan ko siya sa leeg na nagpahagikhik sa kanya bago ko siya binuhat. "Miss mo ba si mommy, hmm?"

Humigpit ang yakap niya sa leeg habang sunod-sunod na tumango. "Mama, friend na po kami ni Tristan!"

"Really?" I asked with disbelief, "Very good naman ng baby ko." 

"Opo! Hindi na kami mag-aaway dalawa." he smile boyishly when he distance his self from me. "Dalawa na kami ang susuntok sa bad classmates namin hehe!"

Muntikan na ako mabulunan ng laway dahil sa kalokohan ng anak ko, okay na sana eh, mas pinalala pa ang ending.

"Pero, we won't start trouble naman!" ngisi niya ng makita ang mukha ko. Naku Xandre! Mukhang walang duda na may dugo kang Montevista, manang-mana ka doon sa kamukha mo! sigaw ng isipan ko na nagpatigil sa akin.

Dumapo ang hintuturo ko sa biloy niya at sa mga mata, hindi ko kasi nakita ngayong araw sa opisina ang mga 'to eh.

Pumasok kami sa loob ng bahay at umupo sa sofa, siya naman nanatiling nakayakap sa akin at inaamoy ang balikat ko. Ito lang talaga ang masayang parte ng buhay ko araw-araw eh..may taga tanggal ng pagod ko.

"You smell good mama!" he giggle while snuggling on my neck, naglalambing na niyakap ko siya ng mahigpit at banayad na tinatampal ang pang-upo niya.

"What did you do in school today?"

"Drawing po and we sang ABCD, are you tired mama?"

I shook my head. "Not anymore, you hug and kiss me na eh."

Halos hindi ako nakatulog ng buong gabi dahil umatake na naman ang dysmenorrhea ko, kahit ang pagdrive hindi ko rin magawa kaya nagtaxi nalang ako papuntang opisina.

"Magandang umaga ma'am!" magiliw na bati ng guard sa akin ng makita ako palapit sa entrance.

Sumaludo ako sa kanya. "Morning too kuya, mag-ingat po."

Dumiretso ako sa elevator at laking pasasalamat ko ng wala akong nakasabay maliban kay ate Belinda na nag-ooperate ng elevator.

"Magandang umaga po ate Bel." kiming bati ko sa kanya bago pumuwesto sa likuran. Ipinikit ko ang mga mata ko at napakagat labi ng biglang pumintig ang puson ko. Hindi naman ganito dati 'to eh, pero bigla nagbago.

"Okay lang kayo ma'am?"

Nanatili akong nakapikit habang tumatango. "Buwanang dalaw ate, ang hirap hay."

"Ganyan talaga, try mo kumain ng maraming tsokolate at magtimpla ka rin ng chocolate drink, ganu'n ginagawa ng panganay ko."

Tumango ako ng maalala ang chocolate na ibinigay kahapon sa akin, maghahanap nalang ako ng chocolate drink sa pantry ng opisina, baka meron doon.

"Salamat ate Bel." yumukod ako at lumabas ng elevator.

"Morning Oliv-" natigilan pa si ma'am Salome ng magtama ang mata namin.  "Okay ka lang ba? Bakit namumutla ka?" may pag-alala sa boses na sinapo niya ang noo ko. "Wala ka namang lagnat."

"Okay lang po ako," kiming ngumiti ako, nagpaalam ako sa kanya at ipinatong ang bag sa mesa ko bago pumunta sa kusina. Tiningnan ko ang mga nasa loob at laking pasasalamat ko ng may chocolate drink sa loob, mabilis akong nagtimpla at agad na lumabas.

I take a few sip before I walk inside his office, inayos ko ang mesa niya at  tiniyak kong  okay na ang lahat bago lumabas.

I was fixing the on going and out going files when the telephone ring, I pick up the phone immediately.

"Montevista Holdings Comp-"

"Olivia!"

"Ma'am Divina? Magandang umaga po."

"Yeah it's me, how are you? Okay ka naman ba riyan?" sunod-sunod na tanong niya nagpangiti sa akin.

"Okay naman po, buhay pa." pagbibiro ko na sabay naming tinawanan. "Kayo po?"

"Im fine, nariyan ba ang weirdo mong boss?"

"Mamaya pa raw po mga ten ma'am, sabihin ko nalang po na-"

"I'll call him, saka huwag mo kalimutang pulbuhin ang building niya kapag inaway ka ha."

Panay lang ang hagikhik ko habang kausap si ma'am, ang bait talaga niya.

"Takot naman po sa akin 'yon ma'am, pero huwag niyo sabihin sa kanya, hindi niya po alam-" natigil ang pagsasalita ko ng biglang may galit na nagsalita.

"Ah, kaya pala hindi matatawagan dito kasi nagtetelebabad ka diyan! Kanina pa ako tawag ng tawag!"

"Is that Marie?"

Naririnig kong tanong ni ma'am Vina.

"Opo ma'am, sige ho-"

"Banggitin mo ang pangalan ko habang nagbabye, that witch!" nailayo ko ang telepono ng bigla nalang nagmura si ma'am. "And Olivia?"

"Po? Bak-"

"Ano ba! Hindi ka titigil? Binabayaran ka dito para magtrabaho, hindi par-"

"Bye po ma'am Divina!" may kalakasan ang boses na sabi ko na nagpanganga kay Marie. "Opo, sige po, sabihin ko po kay sir."

"I like you to be Ardouz girl, that woman there is a bitch that Ardouz never notice."

Kahit nababa ko na ang telepono hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig kay ma'am, his girl? Tumingin ako kay Marie pero ganu'n pa rin siya, tulala pa rin.

"S-si Di-Divina 'yon?" nauutal na tanong niya sa akin. Tumango ako at ganu'n nalang ang pagsalubong ng kilay niya "Dapat sinabi mo kaagad!" singhal niya sa akin habang panay lakad sa loob.

Napapala ng hindi nag-iisip hmp! Buti nga sa mataray na 'to! Bad image na siya kay ma'am Divina.

"Ano nalang ang sasabihin niya? Shit!"

Hinayaan ko nalang siya sa kamiserablehan niya, ipinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko.

"Make me some coffee! At anong oras papasok ang FIANCE ko?" she askes while emphasizing the word fiance, banta ba ako para sa kanya? Fiance na, pero hindi alam kung ano ang nangyayari kay sir.

"Ten am. po ma'am, excuse ho, gawan kita ng kape." nagmamadaling tumayo ako pumasok sa kusina. Huminga ako ng malalim ng mas lumala ang sakit ng puson ko.

Lumabas ako at ipinatong ko ang kape sa center table. "Nandito na po."

Tinapunan niya lang ng tingin ang kape at panay pa rin ang text at tawag niya sa kung sino man 'yon.

"Tawagan mo nga 'yang boss mo sa cellphone!"

Gamit ang cellphone ng kompanya na tinawagan ko si sir. Pero ring lang ng ring.

"Hindi po sumasagot eh."

"Shit!" mura niya bago kinuha ang bag sa mesa at padabog na inilapag ang tasa ng kape sa mesa ko na naging dahilan ng pagkatapon ng laman nu'n sa damit ko. 

Mabilis na hinila ko ang blouse sa loob para hindi masunog ang balat ko.

"I'm warning you." malamig ang boses na dumukwang siya. "You're getting into my nerves at sa oras na malaman kong nilalandi mo ang fiance ko malalagot ka sa akin!"

Pinili ko nalang ang manahimik at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa oras na magbitiw ako ng salita.

"Ang dami na nagbago sa amin simula ng dumating ka dito! Palagi siyang wala sa sarili at kitang-kita ko kung paano ka niya titigan!"

Malakas akong napasinghap ng isinaboy niya sa akin ang natirang kape dahilan ng pagkabasa ng pantaas na damit ko, mahina pa akong napahiyaw ng tumama sa balat ko ang init nu'n.

"Hindi lang ganito ang mararanasan mo! Sa susunod asedo na ang gagamitin ko! So know your limit!" she muttered angrily as she walk out with heavy foot steps.

"Olivia! Okay ka lang ba? Hindi ka ba napaso?"

"Hi-hindi naman po siguro." nakayukong sagot ko kay ma'am.Salome.

"Sobra na ang ginagawa ng maldita na 'yon! Hindi na maka-"

"Hayaan mo na po ma'am, o-okay lang ako, sige na ho, bibihis lang ako."

Hindi ko na napigilan ang luhang kanina ko pa pinipigilan, ayoko na ng ganitong sitwasyon, I don't deserve this, ang ayoko sa lahat ang apak-apakan at insultuhin ang pagkatao ko.

Maybe it's time to use my savings while I'm applying for a new job.

Ang balak kong pagbihis hindi ko na nagawa, ayoko ng magulong buhay, hindi ko kaya. Lumabas ako ng banyo at kinuha ang bag ko at ilang personal na gamit bago naglakad palabas.

Nanatiling walang emosyon ang mukha ko kahit pinagtitingnan na ako ng mga katrabaho ko.

"Oli saan ka pupunta?" nagtatakang hinarang ako ni Fred. "Bakit basa 'yang damit mo?"

"Wala naman, sige ha." nagmamadaling sumakay ako ng elevator, ni batiin si ate Bel hindi ko na nagawa dahil sumasakit na ang lalamunan ko kakapigil na huwag maiyak. "Sa HR po ako ate Bel."

"Okay lang kayo ma'am? Bakit kayo umiyak?"

"Hindi ko lang kaya ang sakit ng puson ko, sige po."

"Okay, nandito na tayo."

Nagpasalamat ako sa kanya bago dumiretso sa HR para ibigay ang resignation letter ko na dati pang nakahanda sa bag ko.

"Magreresign kayo ma'am?!" gulat na sabi ng babae ng mabasa ang papel. "Sayang naman po."

Tahimik na bumalik ako sa elevator at hinihintay na bumaba 'yon.

Palabas na ako ng harangin ako ng guwardiya.

"Pasensiya na po ma'am, inutos ni sir na hindi po kayo puwedi lumabas ng building na 'to, hintayin niyo raw po siya."

"Manong please? Gusto ko ng umuwi, nagpasa na ako ng resignation, please?" pumiyok ang boses na pakikiusap ko sa kanya.

"Ma'am, hintayin nalang po natin si sir, kami po ang mawawalan ng trabaho kapag pinalabas kita, pamilyadong tao po ako, sana maintindihan niyo."

Nanghihinang tumango ako sa kanya.

"Salamat sa pang-unawa ma'am."

Sapo ang mukhang umupo ako sa isang upuan sa recieving area, hindi ko lang maatim na may mga tao na kapag galit sa iba nila inilalabas ang galit na 'yon.

Bumaba ang tingin ko sa puting longsleeve blouse na suot ko, ang dumi-dumi ng tingnan, bahagya kong sinilip ang balat ko sa dibdib, mahina akong napaungol ng makitang namumula kahit hindi naman napaso pero namula pa rin, mabuti at may kapalan ang tela, dahil nasa damit ko ang atensiyon ko hindi ko na napansin ang biglang pagpreno ng sasakyan sa entrance.

"Koko!"

Napaangat ako ng tingin ng marinig ang boses ni Ardouz, kahit nakapajama at puting shirt lang ang suot ang guwapo pa ring tingnan.

"What happened?" rumehistro sa guwapo niyang mukha ang pagkabigla ng makita ang suot ko. "Anong nangyari? Bakit ka magreresign?"

"W-wala po, aksi-"

"Tell me the fucking truth!" mataas ang boses na sigaw niya na nagpalingon sa mga tao na nasa lobby. Pagalit na isinuklay niya ang daliri sa buhok niya ng hindi ako sumasagot, natuon nalang ang mga mata ko sa tiles na sahig.

Napaurong ako ng upo ng lumuhod siya sa harapan ko sabay hawak sa baba ko at pilit na pinapatingin sa kanya. "Koko look at me!"

"H-hayaan mo nalang a-akong magresign," nakikiusap ang matang nakipagtitigan ako sa kanya, bumuka ang bibig niya pero muli ring itinikom, naguguluhan ang matang tiningnan niya ang suot ko. "S-sige na, makakahanap din kayo ng mas magaling kaysa sa akin-"

"No!" he muttered firmly. "Sa opisina tayo mag-usap, I don't need you as a secretary, I need you in my life! Got it?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro