CHAPTER 23
"Koko, anong oras na oh, baka mahuli ka sa birthday ng dati mong boss." pukaw sa akin ni ate Cecil.
"Nakakaasiwa naman kasi 'tong damit na pinadala ni ma'am Divina ate cil eh." malalim akong napabuntong hininga habang pinapasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin.
Tumayo sa tabi ko si ate cil at tiningnan ang suot kong black choked up beaded bandage dress na pinadala ni ma'am Divina para raw suotin ko sa birthday niya, ayoko sanang suotin dahil hindi naman ako sanay magsuot ng ganitong klase ng damit, I do wear fitted dresses but not this, hanggang taas lang ng tuhod at may maiksing slit pa.
"Bagay naman sayo ah, ang sexy sexy mo pa, tingnan mo 'to." napaiktad ako ng hawakan niya ako sa baywang. "Kitang-kita ang kurba ng katawan mo, basta ang ganda-ganda mo lalo, bagay sayo Koko, at ikaw rin baka magtampo ang dati mong boss."
"Mukha tuloy akong attention seeker eh, baka isipin ng mga nandu'n na gusto ko makabingwit ng mayayaman! mga kilalang personalidad pa naman ang mga invited!"
"Tumigil ka nga!" sita niya sa akin. "Kahit anong suotin mo maganda ka pa rin, saka hayaan mo kung ano man ang iisipin nila, ang importante hindi ganu'n ang intensyon mo!"
"Hay, kahit na-"
Natigil ako sa pagsasalita ng marinig ang sunod-sunod na busina sa baba, patay si sir Max na yata.
"Bilisan mo na at sundo mo na yata 'yan." nagmamadaling lumabas siya ng kuwarto ko at hindi na isinara ang pinto.
Malalim akong napabuntong hininga habang inaabot ang black flap channel bag ko na nasa kama, muli akong bumalik sa salamin para tingnan ang sarili sa huling pagkakataon.
My hand travel on the lower part of my right shoulder blade where my small date tattoo is, it's expose now, maliit pero nakakatawag pa rin ng pansin dahil maputi ang balat ko at itim naman ang tattoo.
Bago bumaba hinalikan ko muna si Xandre sa noo, mabuti nalang at tulog na siya, pero nakapagpaalam naman ako sa kanya kanina.
Nasa hagdan na ako ng makasalubong ko si ate cil. "Sa kuwarto na kayo matutulog te cil, baka kina ate Rose ako mamaya magpapalipas ng gabi, uwi nalang ako ng maaga." mas mabuti na 'tong nag-iingat.
"Enjoy Koko, mag-ingat ka ha."
"Sige po, salamat."
Lumabas ako ng bahay bitbit ang regalo ko kay ma'am Vina, agad akong kinabihan ng prenteng nakasandal sa itim na Ferrari si sir Max at matiim na nakatitig sa akin. Hindi na ako nagulat kung gaano siya ka-guwapo ngayon pero hindi ko pa rin maiwasang hindi siya hangaan, nakatali pa talaga ang buhok niya na nagpadagdag lalo ng lakas ng sex appeal niya. Admiration flaunt in his gray eyes as I stop my track a few steps away from him.
I gulp nervously when he didn't move, he was just gaping on me as if I'm a ghost.
"G-good evening po sir Max." nauutal sa nerbiyos na bati ko sa kanya.
"Who- who are you?" pabulong na tanong niya na ikinangiwi ko, grabe naman sa reaksyon si sir, gusto ko na tuloy magpalamon sa lupa. Pinasadahan niya pa ulit ako ng tingin bago nagsalita. "I'm so damn proud as your date tonight." he tilted his head. "You're really are a true beauty lil charmer."
"Salamat, ikaw rin po guwapo." I bite my lips when he stared on me, napaurong pa ako ng haplusin niya ang labi ko. "Si-sir-"
"Why life is so damn unfair?" may bahid ng lungkot at panghihinayang ang boses na ibinaba ang daliri niya na nasa labi ko. I press my lips together avoiding my eyes. "Sana noon pa kita nakilala Olivia."
"M-ma-makakahanap din po kayo ng para sa inyo-" natigil ako ng pagak siyang natawa ng mahina.
"That bastard is indeed lucky,tandaan mo ito Olivia..." malungkot ang matang hinaplos niya ang buhok ko, ano ba ang nangyayari sa kanya? "Sa oras na saktan ka niya, Im always here for you, kahit pinsan ko pa siya handa kitang ipaglaban Olivia, because a woman like you deserve a guy who will love you unconditionally, kung hindi niya man kayang gawin 'yon, nandito lang ako at handang ibigay ang pagmamahal na nararapat para sayo." puno ng emosyong sambit niya, nakatanga lang ako sa kanya kasi hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Tumikhim ako at sinubukang maghanap ng salitang para sa pinagsasabi niya. "Sir-"
"You don't need to say a thing Olivia, hindi mo kailangang magpaliwanag, tara na."
Inalalayan niya akong makaupo sa kabila at hindi na ako nakagalaw pa ng siya na mismo ang naglagay ng seatbelt ko.
"Ma-maraming salamat po."
"You're welcome lil charmer." he smile before he close the door. Pinaghugpong ko ang palad ko sa kandungan habang hinihintay siyang makapasok.
Agad niyang pinasibad ang sasakyan ng maayos na ang lahat.
"S-sir Max, huwag mo po e-mention kay ma'am Divina ang totoong address ko ha." nakikiusap na baling ko sa kanya, tinapunan niya lang ako nagtatakang ng tingin at tahimik lang habang nagmamaneho, natatakot ako na baka sundan ako ni sir, saka dati pa adress na ni ate Rose ang gamit ko para na rin sa kapakanan namin.
"Takot ka ba?" tanong niya na tinanguan ko. "Kailangan mong sabihin kay Ardouz 'to lil charmer bago niya pa malaman, he's still wounded."
"Naghahanap pa po ako ng timing."
Tumigil ang sasakyan ng nagkulay pula ang stopligh, sa hotel kasi ni sir Ardouz sa Makati ang venue kaya medyo matagal at ma-traffic, malapit na kami sa skyway pero ang bagal ng daloy ng trapiko.
Pareho kaming walang imik hanggang sa bumilis ulit ang takbo ng mga sasakyan.
Alas otso ang start ng party at halos ilang minuto nalang 'yon pero palusong palang kami galing sa skyway, napahaba ang nguso ko ng makitang bumper to bumper din ang traffic kahit malapit na sana.
I bite my lips remembering how Ardouz blushed with my words. Ilang minuto rin siyang natulala bago nakabawi, hindi ko alam na napakalalim ng insecurities niya lalo na kay Xandre.
"Do you put make-up?"
With confusion I drag my eyes to sir Max. "Foundation lang po, nangangati kasi ang-"
"Ah." tumatangong putol niya sa akin. "So tell me.." he cleared his throat. "What's in your mind?"
"Huh? W-wala naman." kagat labing tumingin ako sa labas ng bintana. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagbaba niya ng salamin sa harapan ko.
"Tingnan mo ang mukha mo sa salamin, if it's not make up then I suppose you're blushing."
Nanlaki ang matang tiningnan ko ang mukha ko at nakangangang itiniklop ang salamin, ganu'n ako kabulgar magblush? Nakakahiya!
"You're cute Olivia, pero ano ba 'yon?" may panunudyo sa boses na tanong niya, ako naman gusto ko ng tumalon palabas ng bintana dahil sa kahihiyan! "Parang teenager ka na hinalikan ng crush mo sa-"
"Stop it po sir Max." nahihiyang saway ko sa kanya. Nakakainis ka Koko! Bakit ba kasi pumasok pa sa isipan ko ang eksena na 'yon eh.
"We're here." bulong niya ng mamataan na namin ang hotel. "And so the assholes are." anas niya habang tinitingnan ang mga magagarang sports car na nasa harapan namin.
I will be very thankful if I will jusf stay the whole night inside sir Max car, I was trembling quietly seeing the Montevista's bachelor with their pretty and sexy partners.
I felt so numb seeing Ardouz with his fiancee looking so happy while camera's flashing nonstop on them, kung expression lang ng mukha ang pagbabasehan ang saya niya, sayang nagpigil ng hininga ko dahil sa kirot na bumalatay sa bawat himaymay ng katawan ko.
I can't believe seeing the man who doesn't stop praising you with other woman will be hurt like this, the pain keeps suffocating everytime my eyes landed on his arms that wraps Marie's waist.
Hindi ko dapat nararamdaman 'to, I should gather my thoughts to help me wake up from this dream, I shouldn't forget the reality that he has someone else.
"Masakit?"
Masakit ang lalamunang nilingon ko si sir Max na nakatitig na pala sa akin. Walang emosyon ang mga matang tumingin siya sa labas.
"Know what's painful?"
Yumuko ako ng makita ang pait sa mga mata niya. Kung puwedi lang sana turuan ang puso, I would rather stay with this guy but I know I will just deceive myself, it will just put us together in pain.
"Mas masakit 'yong makita mo ang taong mahal mong nasasaktan habang pinapanuod ang taong mahal niya na may kasamang iba, sa edad ko ngayon ko lang masabi kung gaano ka-unfair ang buhay ng tao, I have wealth but I can't buy feelings, that money can't buy anything." puno ng hungkag ang boses na sambit niya, what's happening with him always put me in a deep thought, hindi ko nga inaasahang may gusto pala siya sa akin, hay buhay...ang hirap.
Nanatili akong nakayuko hanggang sa maramdaman ko nalang na hinaplos niya ang buhok ko.
"Let's go."
I took a deep breath as he walk out, camera started to flash on our spots that makes the other Montevista's stop their track and glance on our direction, umikot siya sa side ko at bahagyang yumukod ng mabuksan niya ang pinto.
"Let's enjoy the night, okay?"
Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Yes boss."
"And I just want to say that Im so honored to be a date of the most amazing woman I've ever know."
"Walang halong bola?" paninigurado ko.
Umiling siya at nakangiting inilahad ang kamay niya sa harapan ko. Tama siya, we will enjoy this night despite of pain I have in my system right now.
I hold on his hand and bite my lips as cameras never stop of flashing as I step out.
"Give them that sweet charming smile Olivia." bulong niya sa akin, hindi na ako nakahuma ng iniyakap niya ang isang braso niya sa baywang ko. Kung proud siya mas proud din akong kasama ang isa sa pinakamayaman at kilalang tao ngayong gabi.
Lihim akong napabuga ng hangin ng makita sina Ardouz. My eyes darted on their hands, hindi ko alam parang may bumara sa lalamunan ko habang tinitingnan ang kamay ni sir na may hawak na ibang babae at parang ang sarap sabunutan ni Marie.
Wala sa sariling napatingin ako sa mukha niya at pakiramdam ko may pumigil ng hininga ko ng magtama ang mga mata namin. He look so calm outside but his eyes were shouting what really his emotion inside him.
His eyes look so dark and dangerous as we held our gaze.
I press my lips together as his gaze darted on sir Max arms where my hand is. Mabilis akong umiwas ng tingin at nagtago ng mukha sa dibdib ni sir Max ng makitang lilingon si Marie sa direksiyon namin.
"Yoh, pretty!" nakangiting yumuko si sir Phyto sa akin. "Where's my little pill?" nakangiting tanong niya sabay tampal sa balikat ni sir Max. "You're dead." inginuso niya ang direksyon nina Ardouz, tahimik lang si sir Max at hindi na pinansin ang sinabi niya.
"Tulog na po." kiming sagot ko.
"Ah..may date kami nu'n sa court niyo ngayong sabado."
"Sinabi nga po, nagpaalam na." natigil kami sa pag-uusap ng lumapit sa amin sina sir Sky at inaya na kaming pumasok, ang regalo ko naman pinaiwan na ni sir Max sa kotse niya.
Bumitiw ako sa braso ni sir Max at nakisabayan nalang ng lakad sa kanya.
"Olivia!"
Pareho kaming napalingon ni sir Max kay sir Sky na naglalakad mag-isa at sa likuran niya naman nakasunod ang walang emosyong si sir Ardouz, ang ayoko lang makita ang itsura ni Marie.
"Can you hold my hand too?"
"Bastard!" sir Max hissed snatching my hand back to his arms.
"Dapat ako nalang Olivia eh, dapat ako nalang." madramang turan niya na nagpatawa sa akin ng mahina. Sira ulo rin.
Pumasok kami sa venue at hindi na pinansin si sir Sky na nagpaparinig pa rin, nagkunwari na rin akong walang Ardouz na malapit ng masiraan ng bait. Ramdam na ramdam ko ang galit niya ang nakakatawa lang wala siyang magawa para kastiguhin si sir Max kasi kasama niya naman ang fiancee niya.
Lahat kami pumunta sa malaking mesa kung nasaan ang mga pamilya ng Montevista.
"Olivia!"
Hindi na ako nakahuma ng yakapin ako ni tita Eli at agad na hinila papunta sa mga matatanda, sina sir Max naman umalis at pumunta ng bar.
"Magandang gabi po." nahihiyang ngumiti ako sa kanila. Naiilang na pinaghugpong ko ang mga kamay ko ng tingnan ako ng dalawang matanda, kung hindi ako magkamali asawa ni Don Dominador ang mestizang katabi niya.
Ang mga padre de pamilya naman nasa magkasama ring nag-uusap sa kabilang panig ng mesa, kaya kaming apat lang din ang nandito sa kabilang side.
"So..." the old woman stared on me. "You are Olivia?"
"O-opo ma'am." nauutal na sagot ko.
"She's the one." masayang sambit ni tita Eli na tumayo at kumuha ng mga pagkain at inilapit sa akin 'yon. "Eat sweetheart."
"No wonder why my three boys fighting over her, but I want her for my prince only." seryosong turan ng babae na nagpanerbiyos lalo sa akin. "Im Margaretha iha, come here." she motioned me, nahihiya man tumayo na rin ako at nilapitan siya.
Nahigit ko ang hininga ko ng yakapin niya ako sa baywang habang nakaupo siya, may pinagmanahan pala talaga ang lalake na 'yon.
"Love my Ardouz, we all know he's getting married but me and Eli is against it, so...agawin mo ang apo ko ha."
"Ho? Ma'am-"
"Call me lola." ungot niya na nagpatigil sa akin, she release the hug and grab my two hands, I nervously look down on her. "Please do-"
"Hindi niya na kailangang agawin ang prinsipe mo." sabad ni Don Dominador habang nakatitig sa akin. "Ang prinsipe mo mismo ang kusang lumalapit kay Olivia."
Muntik na akong mabulunan ng sariling laway ko dahil sa narinig. Ano ba ang nangyayari sa kanila? Mabait naman siguro ang Marie na 'yon.
"Tama si dad, mom," sabad ni tita Eli. "wala namang problema, I can see how Ardouz change. Believe me, palagi na siya sa kuwarto namin ng ama niya at parang batang doon tumtambay at nakikinuod ng Netflix." masayang kuwento niya, kahit ang mga mata niya kumikislap din sa kasiyahan.
Humila nalang ako ng upuan at pumuwesto sa pagitan nilang dalawa, ang Don naman lumipat sa mga anak niya at nakisali rin sa kuwentuhan.
Magana kaming kumakain habang masayang nag-uusap tungkol sa kabataan ni sir Ardouz.
"How about you iha? Im sure your parents are so proud of you, you're kind and good woman, I wanna meet them this-"
"W-wala na po sila, hi-hindi ko po sila nakitang buhay." malungkot na turan ko na nagpatigil sa kanila, sabay rin nilang pinisil ang kamay ko at may simpatiya sa mga matang tiningnan ako sa mukha.
"Im sorry to hear that iha." lola Marga mumble sadly. "Who's with you now?"
"Wa-wala po, namatay na rin kasi ang ate ko."
"Oh My God!" mabilis na tumayo si tita Eli at niyakap ako. "Im sorry for your lost iha, mabuti at nakayanan mo 'yon, all of them were so proud how strong you are."
"S-salamat po at-"
"Pinaiyak niyo ang date ko!" napalingon kami kay sir Max na nakaupo na sa kabilang side ni lola.
"Kay Ardouz siya-"
"Handa akong agawin si Olivia sa oras na saktan siya ng anak niyo tita."
"Lumayas ka dito, kami ang date ni Olivia." matigas ang boses na saway ng matandang babae sa kanya.
Nakasimangot na niyakap niya ang matanda sa likuran. "Ako kaya ang paborito mo noon."
"Noon 'yon, ngayon ang mga mumunting anghel ko na!"
Mahina kaming natawa ni tita Eli ng dumilim ang mukha niya. "See you around Olivia, inaaway na ako ni lola eh."
"S-sige po, enjoy."
"Don't you find them weird?" untag ni tita Eli sa akin.
"They are tita, lalo na po ang anak niyo, panay sigaw sa akin na akala mo kung napaano na, 'yon pala naiinsecure lang."
"Insecure?" gulat na tanong ni lola na agad kong tinanguan. "Sa itsura nita, insecure pa-"
"Baka kasi daming guwapo na nakita si Oli mom, alam mo naman ang apo niyong 'yon."
"Ah, nagseselos." the old fella shook her head with disbelief.
Tumayo ako at nag-excuse para gumamit ng batroom.
After doing my thing I wash my hand, I sighed big time seeing myself on the mirror, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang magkahugpong na kamay nila ni Marie. Bakit ba naiinis ako? Akala ko hindi ako marunong mainis o magalit! Haist, ano ba 'to.
Lalabas na sana ako ng marinig ko ang pagpasok ng kung sino, bigla akong sinalakay ng kaba ng marinig kong inilock ang pintuan. Wala pa namang ibang tao dito! Dahil sa takot hindi na ako nakakilos pa, nasa salamin nalang ang mga mata ko, paano kung si Marie 'to at sasaktan na naman ako? Paano- natigil ang pag-iisip ko ng makita ko sa gilid ng mga mata ko kung sino 'yon.
Hindi nga si Marie pero mas lalo lang akong hindi makahinga ng makita ang madilim na mukha ni sir Ardouz habang nakatingin sa akin. Parang mas nakakatakot pa 'to eh.
"You really know how to piss me off Olivia." walang emosyon ang mukhang nilapitan niya ako, dahil sa takot hindi na ako nakalayo pa sa kanya, hinawakan niya ako sa baba at agad na nagtama ang mga mata namin sa salamin, he look so furious. "Bakit ganito ang suot mo? At bakit ka nakahawak sa braso ng lalakeng 'yon?"
Ang kaninang takot na naramdaman ko bigla nalang naglaho ng mahimigan ang selos sa boses niya, "Hindi po ba bagay?" napapalabing humarap ako sa kanya. Galit pa rin ang mukha niya pero alam ko namang maya-maya wala na 'yan. "Hindi po ba bagay?" ulit ko habang nakadipang umatras ako ng kaunti sa kanya.
I smile quietly seeing his adams apple move like he's drinking some water. His hot stare travel on my body making me feel so nervous. "Nope, hindi bagay, pangit-"
"Okay lang. Maganda at sexy naman daw ako sabi ni-" I gulped in horror when he lifted me up like a leaf and now Im sitting on the sink clean counter and now he's standing between my legs! "S-sir naman! Lalabas na ako," I tried to escape from him but he already jailed me between his strong arms.
Nahigit ko ang hininga ko ng ipatong niya ang baba niya sa balikat ko, "I hate it seeing you wearing this, I hate seeing you being so sweet with that asshole, I hate it seeing you holding someones hand." he muttered possessively, "Akin ka lang Koko, palagi mong tandaan 'yan." may bahid ng galit ang boses na bulong niya habang inuulan ng munting halik ang balikat ko. "You smell so good." he whispered while nuzzling my shoulder. Bipolar talaga, kanina galit tapos ngayon nananching na naman.
Pareho lang sila ng anak niya kung maglambing.
Kumunot ang noo ko ng maramdamang tila natigilan siya, maya-maya naramdaman ko nalang na hinahaplos niya ang tattoo ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ang bahagyang pagnginig ng boses niya. "Wha-what's this date for you?"
"Birthday ko po, saka alis nga po riyan, baba na ako." I tried to push him but it didn't bother him. Kaunting galaw nalang at masisilipan na ako nito eh. Teka! Baka may papasok! Malaking eskandalo 'to! "Sir hoy!" pukaw ko sa kanya ng hinahaplos niya pa rin ang tattoo ko. "Baka may papasok!" natatarantang itinulak ko siya pero hindi man lang siya natinag dahil nasa tattoo ko pa rin ang atensiyon niya.
Ano ba ang nangyari sa kanya? Naiinis na sinapo ko ang mukha niya, tila nagulat pa siya sa ginawa ko.
"Baka po may papasok dito-" I stop my sentence when he touch my lips, his eyes darted where the slit of my dress is. "Sir binobosohan niyo na ako at baka may papasok po dito!" napalunok ako ng bumalik ang atensyon niya sa labi ko, he rolled his tongue on his lips as he keep caressing mine. "Sir! Minamanyak niyo na naman-"
"Baby?"
Pakiramdam ko bigla nalang lumayo ang kaluluwa ng katawan ko dahil sa narinig, baby? Why it made my heart swelled? "Hmmm?" wala sa sariling sagot ko, those dark needy eyes made me hypnotize for a second.
"Shut up." he mumble on my lips sending an electrifying sensation in my whole being. "And let me kiss you." with that he claimed my lips gently making me close my eyes, natagpuan ko nalang ang sariling gumaganti ng halik sa kanya habang ang kamay ko dahan-dahang sinusuklay ang buhok niya, dala siguro ng sensasyong pinapalasap niya sa akin parang may tumutulak sa akin na mas ilapit ko pa ang katawan ko sa kanya.
Bahala na kung mali man ang ginagawa ko, ang ginagawa namin, what important is I already made him calm, alam ko kasing kaya niyang gawan ng masama si sir Max at wala siyang sinasanto at alam na alam ko kung ano ang maaaring mangyari bukas, I can see how dangerous his eyes towards sir Max earlier.
Hindi ko alam pero sa mga ikinikilos at pinapakita niya kulang ang salitang possessive it's more on obsessive, I think obsession is the right word and that's the scariest part of reality. Kaya nilang pumatay huwag lang mapakinabangan ng iba ang pag-aari nila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro