CHAPTER 22
"Marie stop!" mahina pero mariing saway ko kay Marie ng bubuksan niya sana ang butones ng longsleeve ko.
With tears in her eyes she walk towards the sofa across me and settled herself there. "A-akala ko ba gusto mo ng magka-anak, gusto ng mama mo na magkaapo na siya, bakit ayaw mo?"
"And why the sudden decision?" balik na tanong ko sa kanya na nagpatigil ng pag-iyak niya. "Why? What happened to we're having a child after one year of marraige?"
"I was scared okay?" luhaang tumayo siya at palakad-lakad sa harapan ko. "You change alot! Palagi ka nalang wala sa sarili! Palaging tulala at palaging nagmamadaling umalis sa tuwing magkasama tayo!"
"Change?" magkasalubong ang kilay na sumandal ako sa sofa. "You know what's funny? We're on the same situation. Ako nga lang ba ang nagbago?" nang-uuyam ang matang nilapitan ko siya at hinawakan sa baba at tinitigan siya sa mga mata. "I am now slowly seeing the skeleton inside your closet!"
"Damn you!"
Napabaling ang mukha ko ng isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa akin. Walang emosyong tiningnan ko siyang muli sa mga mata.
"It's you who change me!" galit na duro niya sa akin. "Hindi ako bulag Ardouz! Hindi ako manhid sa nangyayari sa inyo ng babaeng 'yon! Akala mo hindi ko alam na pumunta siya sa bahay niyo? Na hindi ko alam na pinapasok mo siya sa kuwarto mo? Fuck!" he bursted angrily while punching my chest. "Samantalang ako, sa tatlong taon natin hindi mo ako pinapasok sa kuwarto mo, sa kuwarto mo sa mansion mo at sa penthouse mo! Bakit? Magaling ba siya sa kama? Did she satisfied you? Are you fucking her?! Are you?" puno ng galit ang matang tinulak niya ako at patuloy na sinusuntok ng hindi ako umimik. "I hate you! I-"
Natigil siya sa pagwawala ng hawakan ko ang kamay niya. "Sige saktan mo ako! Sig-"
"Don't push my limit Marie," tiimbagang banta ko sa kanya bago pinakawalan ang kamay niya. "Im leaving." mabilis na kinuha ko ang suit ko at lumabas sa condo niya.
"Ardouz!" galit na sigaw ni Marie sa akin pero hindi ko na siya pinansin pa, ayokong sabayan ang galit niya at baka ikamatay niya pa kapag ako na ang magkompronta sa kanya.
Pababa na ako ng tinext ko si Kato na pupunta ako ng bar mamayang alas-nueve ng gabi, hindi ko na inaya pa ang mga pinsan ko dahil alam kong panira lang ang mga 'yon.
Pagkagaling sa condo ni Marie dumiretso na ako sa opisina ni lolo dahil ngayon ang meeting ng mga engineers, architects at contractors para sa mga ipapatayo niya.
It was quarter to nine when I arrived at grandpa's office, halos lahat ng pamilya ko nandito na at ilang heads na gumagawa ng plano sa mga negosyo ni lolo.
Lahat sila tahimik ng umupo ako sa tabi ni Phyto. Alam kong nalaman na ng angkan ko ang ginawa ko kay Divina pero alam kong hindi nila ako kayang komprontahin.
Nagsimula at natapos ang meeting na wala man lang akong naintindihan, umalis na mga engineers at kami nalang magpamilya ang naiwan sa mesa, nag-uusap sila ng biglang magsalita si Phyto.
"So pinsan," agaw pansin niya sa akin na nagpatigil sa pag-uusap ng matatanda na. "Did Olivia love the white roses I gave-"
Hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil galit na hinawakan ko siya sa kuwelyo at hinila pataas. This people is really getting into my nerves.
Napatayo si dad at sinaway ako. "Ardouz! What-"
"Chill tito." nakangising sambit ni Phyto.
"Ardouz let go of Phyto, stop doing this-"
"Sssshh Div." saway ni Phyto kay Divina, natigil naman siya sa pagbaklas ng kamay ko sa damit ni Phyto. "Lady and Gentlemen, Ardouz is finally inlove to-" napaubo siya ng mas hinigpitan ko ang paghawak sa kuwelyo niya.
"Matagal namang inlove 'yan kay Marie." naguguluhang sabad ni tito Arnold.
"Go on Max." tango ni Phyto kay Max na nakangising aso.
"Hinatid ko si Olivia kahapon- f*ck!" malutong na mura ni kuya Max ng abutin ko rin ang kuwelyo niya.
May banta sa mga matang binulungan ko sila. "Sa oras na pakialaman niyo si Olivia, siguraduhin niyong may bilyones na kayo sa bahay niyo, hindi ako magdadalawang isip na pasabugin lahat ng pag-aari niyo." naiiritang pabalya ko silang binitiwan.
"That's enough!" my grandfather shouted sternly. "At kayong dalawa." turo niya kina Phyto. "Hiwalayan niyo na mga girlfriend niyo dahil hindi niyo naman sila mahal!"
"I love my fian-"
"Love? Love is crazy.." grand chuckled. "Right my son?" nakangiting tinapik niya ang balikat ko. "And I wanna thanks this Olivia, invite her on Divina's birthday."
"I already invite Oli grand." Divina butted in.
"Paano ang kasal?" sansala naman ni tito Ferdinand na tinanguan ng iba.
"Hayaan niyong resolbahin niya ang problema niya." seryosong sagot ni lolo sabay walk out na sinundan ng mga anak niya at kami nalang magpipinsan ang natira.
I drop the documents that I am reading on the table, lahat sila nakasandal sa mga upuan nila at sa akin ang mga mata, lahat seryoso na animoy may binabasa sa mukha ko.
"Do you love Olivia?" seryosong tanong ni Max sa akin, ang iba naman nanatiling walang imik at halatang naghihintay ng sagot ko.
Something's not right, kapag ganitong usapan alam ko may isa ng namimilosopo na susundan ng iba at aabot pa sa batukan pero ngayon parang ibang tao na ang kaharap ko.
"Do you?" ulit ni Max.
I gave him a warning glance. "What I feel towards Olivia has nothing to do with you."
"It does." he muttered firmly. "Hurt her at hindi ako magdadalawang isip na agawin siya sayo Ardouz."
"Kuya Max!" hindi makapaniwalang sambit ni Divina. "May mga babae na ka-"
"Hindi ako nagbibiro." seryoso pa ring turan niya na mas nagpapagting ng tainga ko. "I like Olivia alot, once this bastard suck up, he'll be sorry." he muttered with full of determination in his voice.
"Try me." I smirk. No one can threaten me, no one. Kahit nagkasukatan na kami ng titig hindi pa rin nagbabago ang expression ng mukha niya. No one can get my baby away from me. Over my dead fucking body.
"Excuse me...." nakataas ang kamay na sansala ni Sky. "You princess..." tawag niya kay Divina.
"What?"
"I hooked up with this pretty girl five days ago-"
"You're gross." nakangiwing binato siya ni Divina ng mineral water, natatawa namang sinalo niya 'yon.
"I was wondering if she'll get pregnant."
"Me too," madilim ang mukhang sabad ni Rexuz bago ako tiningnan ng masama na ipinagtataka ko. "I will have my little Montevista too!"
"Siguro araw-arawin nalang natin para siguradong may munting Montevista na tayo after nine months." nakapangalubabang suhestyon ni Phyto at kagaya ni Rexuz tinapunan din ako ng masamang tingin.
"Okay? What happened?" nagtatakang tanong ni Divina. "May lagnat ba kayo or something?" tumayo siya at inisa-isang sinalat ang noo at leeg nila. "Im sure as hell you're all fine, nauntog ba kayo?"
"No!" sabay din na iling nila, kahit si Roldan ganu'n din, si Sky at Max lang yata ang walang pakialam sa nangyayari dahil nasa papeles ang atensyon nila.
Bumalik si Divina sa upuan niya at may pagdududang pinasadahan ng tingin ang tatlong tila nabagsakan ng langit.
"Anong meron? Ayaw niyo pa magkaanak diba? Mag-eenjoy pa naman kaya kayo sa buhay-"
"Before, not until-" natigilan si Phyto ng malakas na ibinagsak ni Max ang papeles sa mesa. "Fuck! You-"
"Ano ba ang nangyayari? Why are you pointing fingers on him?" Divina glance on me. "Bakit parang gusto niyong balatan si Ardouz?"
Right, what this assholes trying to prove? What is it with me if they wanted a kid?
"Phyto, Rex, Roldan.." malalim na napabuntong hininga na sambit ni Sky. Itininukod niya ang dalawang siko sa mesa at pinaghugpong ang mga kamay. "Primo has a kid, Ruix has a kid, why are you fucking jealous-"
"Babae ang mga 'yon!" madilim ang mukhang baling ni Phyto kay Sky na nakataaa na ang dalawang kamay na tila sumusuko.
"I want boy!"
Malakas na natawa si Divina na agad namang sinamaan ng tingin ng tatlo. "You're all damn hopeless!" natatawa pa ring turan niya. "First of all, posible na mabuntis niyo ang mga babae niyo, you're all healthy, but..." mahina na naman siyang natawa habang umiiling. "Wala namang procedure of how to make a baby boy or a baby girl."
Umungol si Roldan. "That's unfair!"
I shook my head with this belief, I leaned on the chair and close my eyes, this people are hopeless as fuck, ano naman ang kinalaman ko sa binabalak nila? Tahimik nalang ako nakikinig sa walang kuwentang usapan nila.
"Ano ang unfair doon? Kung posible ngang may ganu'ng procedure baka mga babae with sense of humor ang kaharap ko ngayon, not a hot and handsome but hopeless men."
"That's mean."
"Oo nga Phy, why life is so unfair? Bak-"
Natigil ang usapan nila ng may nagvibrate na cellphone, I open my eyes to check if it's mine. I tilted my head seeing Sky smiling like an idiot while staring on his phone, matamis ang ngiti sa labing sinagot niya ang tawag.
"Hey boss... Yeah, all of us is here."
Lahat kami tahimik lang habang nakamata sa kanya.
"Half breed?" malakas ang tawa niya ng tinapunan niya ng tingin si Rexuz.
"You bastard!" galit na binato ni Rexuz si Sky ng mga papeles.
"Yeah, he cursed, ahuh....okay..." inilapag niga ang cellphone sa mesa at inilagay sa loudspeaker 'yon. "Talk to half breed."
"Thank you po uncle Sky!"
"Who's that?" interesadong tanong ni Divina ng marinig ang maliit na boses ng batang lalake, kahit ako napaayos din ng upo.
"I will really tell my dad someday that you have a bad mouth uncle Rex!"
"Ah, Don't.." napapahilot sa batok na sambit ni Rex. "We can play basketball... I guess?"
"Really? Really?" naghihiyaw na sambit ng bata. "But I have to ask mama first, I don't want her to get mad."
"Give us a call if she's-"
"We will come buddy." sansala ni Max kay Rexus. "Call me later."
"Okay po, have you seen my daddy? Kamukha po talaga siya ni Superman? Ang sabi kasi ni mama kamukha ni super-"
"He's ugly." madilim ang anyong putol ni Max sa bata.
"Then why Im handsome? All of you said I look like him! You're lying! Mama said bad po ang nagsisinungaling! Ayoko na nga po!" naiiyak na sambit na bata na nagpanganga sa kanila. "Uncles? Im not a five years old fool po! Im really not po!"
"Patay." napabuga ng hanging sambit ni Sky. "Ikaw na bahala Max, kasalanan mo naman eh, sabi na kasing kamukha ni superman!" singhal niya at nagdadabog na tumayo. Panay pa ang mura niya habang palabas.
"Kaninong anak 'yon?" seryosong tanong ni Divina, tinapunan lang siya ng tingin ng mga sira-ulo bago nagsitayuan. "Hoy!"
"Maximus friend." walang emosyong sagot ni Rexuz. "Magkita nalang tayo mamaya sa bar." tinapik niya ang balikat ko bago lumabas.
Nagsukatan pa kami ng tingin ni Maximus bago siya tumayo. Sumandal ulit ako sa upuan at pumikit.
"Huwag mo na pansinin si Kuya Max, alam mo namang inaasar ka-"
"I know when people is serious Div." ungot ko. She took a deep breath while tapping my shoulder. "Pero hindi naman siya banta sa akin, he knows me too."
"Kahit ba 'yong mga sinabi nila kanina na gusto na nila magkaanak, seryoso rin?"
I shrug my shoulder "I don't give a damn, bahala sila sa buhay nila."
"Since we talk this having changes of those assholes 'bout having kids...ahmmm." she trailed off as I glance on her, she massage her forehead sighing big time. "P-paano kung nabuntis mo 'yong babae?"
"Don't give me headache, I have enough already Div, we don't have the trace of her, namatay na ang kaibigan niya diba?"
"O-oo, ye-yes." nauutal na sagot niya na nagpatigil sa akin. She's lying? Dumukwang ako sa kanya at hinawakan ang baba niya. "Ard-"
"Sa oras na malaman kong may tinatago ka, humanda ka na Divina." I muttered firmly making her gulp in horror. I let go of her chin leaving her behind.
Pagkalabas ng building ni lolo dumiretso na rin ako sa opisina, I felt so drained, Max words never left my mind and it's bugging me. I know he's serious and I know how difficult for him to steal my baby from me but it still scare the hell out of me.
What if Koko will like him? What if she finds him more attractive than me? Minsan ko na rin siyang narinig na sinabihan niyang guwapo ang gagong 'yon eh.
Fuck this insecurities inside me!
Naiinis na umakyat ako sa opisina ko habang nag-iisip pa rin na baka nga mainlove- hell no! She's mine! She's mine! Madilim ang mukhang dumiretso ako sa mesa niya ng makita ko siyang may binabasa.
"Koko!" wala sa sariling sigaw ko sa kanya.
Gulat na nabitiwan niya ang papel at tiningnan ako ng masama, dapat hindi ko siya ginulat! Dapat manatiling mabait ako sa mga mata niya. Paano kung magalit siya tapos ikompara niya ako sa gagong 'yon?
"B-bakit po? Ano na naman po ang problema mo?" nagtatakang tumingala siya sa akin.
Problema?
"Wala!" napipikang sagot ko. Fuck this life! Nakakairita! Nagmartsang pumasok ako sa opisina at pabagsak na isinara 'yon. "Patayin ko nalang kaya ang gago na 'yon?" naghihimutok ang kaloobang bulong ng pasamplak akong umupo sa sofa.
Mas sumakit lang ang ulo ng maalala ang attorney niya. Hell! Tatlo na kami peste! Natigilan ako ng mapagtantong may isang buwisit na ex niya ang sumagi sa isipan ko, that guy named Xandre! How dare her comparing me to him?
Ako lang ang may ganitong mukha! "Huh! Nakakainis! Akin lang siya! Akin-" natigil ako ng bumukas ang pintuan at pumasok siya dala ang mga papeles at kape. "Koko!"
"Hmmmm?" bahagya niya lang akong sinulyapan at naglakad siya papuntang mesa ko at inilapag ang mga dala niya. "Ano po ang nangyayari sa inyo? Parang bata po kayo na inagawan ng laruan."
"Im handsome right?"
Tumango siya. "Opo."
"Eh si Maximus?"
"Handsome rin po."
"Fuck!" malutong na mura ko at sinamaan siya ng tingin na agad ko namang binawi at pilit na ngumiti sa kanya. Baka bawas points din 'yon.
Pinagkrus niya ang braso niya sa dibdib at bahagyang sumandal sa mesa habang nakatingin sa akin na tila nababaliw na ako.
"Ano nga po ang problema mo?" ulit niya.
"Eh ang attorney na narinig ko, guwapo ba siya?"
"Attorney?" tumaas ang kilay na tila may iniisip siya. "Ahhh!" natatawang tumango siya. "Guwapo rin po, bakit?"
"How about that guy named Xandre? Guwapo ba talaga siya?"
Nakita kong natigilan siya at kagat-labing tumango. "Most handsome human I've ever seen in-"
"Shut up Koko!" asik ko sa kanya at matiim na tumitig sa kawalan. At sa mukha kong ito, pangit pa pala ako! May mas guwapo pa pala sa paningin niya!
"Sina sir Phyto po, hindi mo ba itatanong kung guwapo o-"
"They're ugly!" singhal ko sa kanya. Wala na nga akong panlaban sa Xandre na 'yon, dagdagan niya pa!
"You're insecure." she chuckled richly that even make my mood worst. She walks towards me and sit on the armrest. Hinawakan niya ako sa baba at tiningnan sa mga mata, napasimangot lalo ako ng makita sa mga mata niya na tila nag-eenjoy sa nangyayari sa akin. "Tell me about it."
Naiinis na tinabig ko ang kamay niya. "Don't touch me."
"Okay," aniya sabay tayo at lakad papuntang pintuan. "Siya nga po pala..." napalingon ako sa kinaroroonan niya, may ngiti sa labing kumaway siya. "Galingan mo po ang pakikipaglaban."
"Laban? Kanino?" I ask confusely.
"Sa insecurities mo po." with that she close the door leaving me in shocked. Mabilis na tumayo ako at pinindot ang intercom.
"Bumalik ka." maawtoridad ang boses na utos ko sa kanya. And she think she can escape from me.
Umupo ako sa swivel chair at uminom ng kape. Ipinikit ko ang mata ko at bahagyang hinilot ang sentido ko.
"May utos po ba ka-"
"Come here."
Iminulat ko ang mga mata ko ng maramdamang nasa gilid na siya ng mesa. "Ano ang sinabi mo?"
"Na huwag na po kayong insecure." nangingiting sagot niya. Inikot ko ang swivel chair paharap sa kanya at niyakap siya sa baywang kagaya ng nakasanayan ko na.
"Tell me why." I mumble on her stomach. "You make me feel that way, ako lang dapat ang guwapo sa mga mata mo, tell me why I shouldn't Koko."
"May mga guwapo kasing mata lang ang nakakakita."
"Tapos?" naiinis na kinagat ko ang gilid niya.
"Ikaw guwapo ka."
Umungol ako at mas hinapit siya. "Guwapo rin naman sila sabi mo!"
"Sa mga mata ko lang." sinapo niya ang mukha ko at pinasadahan 'yon ng tingin, "pero itong ka-guwapuhan mo hindi lang ang mata ko ang nakakita nu'n, kahit puso ko nakikisilip at habang nakasilip...'yon ang isinisigaw."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro