Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 21


Mahina akong napaungol dahil sa hilo na nararamdaman ko, kahit munting galaw lang ng mata pakiramdam ko hinuhulog na ako sa malalim na bangin. Kahit ang talukap ng mga mata ko sobrang bigat din na tila may nakapatong na kung ano.

Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ang nangyari.

Si Xandre!

Nanginginig ang katawan na iminulat ko ang mga mata ko at mabilis na bumaba sa kinahihigaan ko, hindi ko na alintana ang hilo na nararamdaman ko at kung nasaan ako, tanging si Xandre at ang nangyari lang ang laman ng isipan ko ngayon.

Kailangan ko makita ang baby ko, my tears keep falling down without seeing him inside the white room, the tears of fear and nervousness keeps falling as I walk towards the door.

"Wa-walang nangyaring masama sa kanya! Wala!" natatarantang bulong ko. Mabilis na binuksan ko ang pintuan at natigilan ako ng may marinig akong mga boses na nanggaling sa kabilang panig ng kinaroroonan ko.

Maingat na naglakad ako papunta roon at bahagyang sumilip, kung ano ang nararamdaman ko ngayon ay mas dumoble pa ng makita ang mga binatang Montevista na masayang nag-uusap, ngayon ko lang napagtanto na nasa loob kami ng malaking bahay.

Natuon ang mata ko kay sir Rexuz ng makitang uminom siya ng kung ano. "Hindi pala baog ang ga--"

"Words." narinig kong saway ni sir Max sa kanya. "I am expecting from all of you that Ardouz will never heard a single word about this."

"Of course." pagsang-ayon ni sir Phyto. "But don't expect us to do nothing about those madapa-"

"Words nga!" singhal na naman ni sir Roldan sa pinsan niya.

"We can assure you that, but it doesn't mean that we will just stand here when something doesn't turns out right."

Tumango si sir Max, "Ngayon hindi lang isa kundi marami na ang dudurog sa gagong-"

"Bad ka po!"

Napatuwid ako ng tayo ng marinig ang boses ni Xandre. Okay lang siya? Nanghihinang sumandal ako sa dingding at kumapit ng mahigpit doon. Maraming salamat po Lord. Mabilis na pinahid ko ang luha ko at hahakbang na sana ng marinig ulit ang boses ni sir Roldan.

"Bad talaga 'yang uncle mo na 'yan baby-"

"Are you really all my uncles?" seryosong tanong ni Xandre.

"Sa guwapo naming 'to may pagdududa ka pa-"

"You're freaking talking to five years old Sky!"

"Shut it Rexuz, katawan lang ang bata sa kanya. Naalala mo ba ang sinabi niya kanina?"

"That- Touch me and you'll be dead.?"

"Yeah and that- I maybe small but I have my ways to escape from all of you and save my mama."

Oh God, Xandre. Pati ang mga tiyuhin hindi pa pinalagpas.

"He has our blood after all." matiim ang titig na sagot ni sir Max. "Pero hayaan nating sila ang umayos ng problema nila, we already know when to interfere."

"That bastard is indeed luck-  Roldan!" bulyaw ni sir Phyto sa pinsan ng batukan siya nito.

"If I see my dad, I will tell him to beat all of you, kanina pa po badwords ng badwords, bad po-"

"Xa-xandre." anas ko na nagpatingin sa kanila sa direksyon ko.

"Mama!" nakangiti pero lumuluha ang matang tumakbo si Xandre papunta sa akin. Lumuhod ako at tumutulo ang luhang niyakap siya ng mahigpit. "Are you okay now?"

Tumatangong inilayo ko siya sa katawan ko at sinapo siya sa mukha bago dinampian ng magaan na halik sa noo. He's alive! He's okay, he's really alive, my baby is alive! Thank you Lord. My tears keeps flowing as I hug him again, the heat of his body suffocates me, he's warm and alive.

Inilayo ko siya sa katawan ko ng umatungal siya ng ng iyak.

"Sssshhhh." pinahid ko ang luha niya at nanginginig an daliring hinawi ang buhok niya sa noo na may bendahe. "I-im sorry baby, I-im sorry."

Ilang minuto rin kaming umiyak hanggang sa tumigil siya at sinapo ang mukha ko.

"Stop crying, mama." inilapat niya ang daliri niya sa bibig ko. "Small wound lang sabi ng uncle Max ko."

Hindi ko na napigilan ang hagulhol ko ng yakapin niya ulit ako ng mahigpit. Kahit nakitang okay na siya pero hindi pa rin mawala ang pangingilo ng puso ko sa isiping muntikan na siyang mawala sa akin.

"I love you po mommy."

Tumango ako. "Mahal na mahal na mahal din kita." kumawala siya sa yakap ko at mabilis na pinahiran ang luha ko gamit ang damit niya. Im still trembling as I caress his face, mabuti nalang at hindi malala ang nangyari sa kanya.

Sabay kaming napalingon sa mga magpipinsan ng may tumikhim sa kanila.

"The pancake is ready bud." imporma ni sir Sky na nagpalapad ng ngiti ni Xandre.

"Thank you po!"

"Lets go." aniya sabay buhat kay Xandre, I gulp when he glance on me with those emotionless eyes.  "Nakahain na ang pagkain, baka gutom ka na rin."

Nanghihinang umupo ako sa sahig ng mahimigan ang lamig sa boses niya. Kahit ang iba wala ring emosyon ang mga mukha kaya kinakabahan ako.

Narinig ko ang pagbuga ng hangin ng iba bago sumunod sa dalawa sa kung saan. Pakiramdam ko nag-iisa nalang ako ngayon at walang karamay at ang isiping 'yon mas lalong nagpawala ng lakas ko at tatag, sila pa nga lang, paano na kaya kung ang ama na ni Xandre?

"Stand up."

Dahan-dahan akong napatingala ng marinig ang boses ni sir Max, hindi agad ako nakakilos ng napatingin ako sa kamay niya na nakalahad sa harapan ko.

"No one will question your past with my cousin, all the decision will come from you and a little piece of advice better to tell him earlier than what's in your mind, now I have a clue why his life was in the mess for so long."

"Si-sir Max-"

"Stand up."

Siya na ang kumuha ng kamay ko at inalayan akong makatayo. Muntikan pa akong matumba kung hindi niya agad ako naalalayan.

"Sorry, the medicine I injected you took for four hours in your system." he muttered as we walk towards where the boys are.

I glance up on him confusely. "S-salamat po."

"Don't worry about that lil Montevista, he's safe, I already run some test and already CT scan his head, it was just a small cut."

"Salamat po ng marami sir-"

Natigil ako sa pagsasalita ng marinig ang galit na boses ni Xandre.

"Uncle Phyto give me back my food!"

"Oo nga, bakit mo ba kinuha? Siya nag-order niyan!"

I was just gaping on them as sir Rexuz snatch the food from sir Phyto who has a worried face.

"There you go my boy."

"But that's spicy-"

"Mana nga sa ama diba?" paalala ni sir Roldan sa kanya.

Bagsak ang balikat na tumango siya. At naglakad palabas, napaurong pa ako ng tumigil siya sa tabi ko. "I'm fucking jealous."

"Jealous?" nagtatakang tanong ni sir Max sa kanya pero hindi na sinagot at tuloy-tuloy lang na lumabas.

"Where are you going?" sigaw ni sir Roldan. "Phy-"

"Im so gonna have my little one." balik na sigaw niya na nagpanganga sa naiwan.

"Me too." mabilis na uminom si sir Roldan at naglakad, tumigil din siya sa gilid ko at sinamaan ako ng tingin. "Akala mo kayo lang marunong gumawa ng guwapo at matalinong bata? After nine fucking months I'll have mine too!" aniya sabay sunod kay sir Phyto.

"Bastard." naiiling na sambit ni sir Max bago ako inalalayan makaupo sa isang upuan sa harap ng mesa.

"Mamaaa!" masayang kumaway sa akin si Xandre na maganang kumain katabi nina sir Sky at Rexuz, kahit magulo ang isipan sa kung ano ang mga gusto nilang sabihin nagawa ko pa ring ngumiti, parang hinaplos ang puso ko ng makitang paano nila inaalalayan ang bata, si sir Sky pa talaga ang naglagay ng pagkain sa plato niya at si sir Rexuz naman tubig niya.

Natuon ang atensyon ko kay sir Max na nilalagyan ng kanin ang plato ko, sumalok na rin siya ng sinigang na hipon at inilagay sa maliit na bowl. Tumayo pa siya at kumuha ng tubig sa ref.

"Eat." aniya matapos mailagay ang tubig ng baso sa harapan ko. Ang babait naman pala nila.

Medyo nanginig pa ang kamay ko ng kumuha ako ng sabaw ng sinigang. Mabagal akong kumakain at nakikinig lang sa kanila.

"Uncle Sky?"

"Yeah?"

"Nasaan po ang daddy ko? Diba po sabi niyo uncle ko kayo? Where's my da-"

"Xandre please." pigil ko sa kanya. Malungkot na tumango siya at kumain pero parang ang lalim ng iniisip.

"Siguro po kamukha niya si superman no?"

I sighed big time as he glance on Sky who look so clueless.

Mahina namang natawa si sir Max dahilan ng pagbaling ko sa kanya.

"Does he?" may panunukso sa mata at boses na tanong niya, mabilis kong iniwas ang mata ko sa kanya at muling kumain.

"You like superman, yeah?"

"Opo uncle Rex, you like him too, don't you?"

"Of course little one, I have Marvel and Dc movies-"

"Can we watch it?"

"After eating, okay?"

"Yeheeey! Mama ang dami ko pong uncles! Marami na po kami susuntok sa bad guys!"

"Hell yeah! We will blow those madapaka out of this univ-"

"What's madpaka uncle Sky?"

Kagat labing tinapunan ko sila ng tingin, lihim akong napangiti ng makita si Sky na tila naghihingi ng tulong ang mga mata.

"Bahala ka riyan." I mouthed making him pout.

Tumikhim si sir Rex. "Don't mind some of your uncle Sky words, he has an alien languages that only alien can understand."

"Okay po, you understand his words, don't you uncle Rexuz?"

"Buti nga sayo." natatawang pang-asar ni sir Sky sa kanya.

Napakamot sa batok si sir Rexuz at bahagyang ginulo ang buhok ni Xandre. "Sometimes."

"Oh!" nanlalaki ang matang tinampal ni Xandre ang mesa, kaya pati si sir Max tumingin din sa kanila. "Do you mean that you're a half breed?" interesadong tanong niya.

"Half breed?" sir Rex ask confusely.

"Half human, half alien po."

Ang tahimik na si sir Max bigla nalang natawa at ganu'n din kami ni sir Sky, nakasunod ang mata namin kay sir Rexuz ng tumayo siya bitbit ang baso ng tubig, magkasalubong ang kilay na tumigil siya sa harapan ko at dumukwang.

"Thanks to you, I guess it's time for me to create my little Montevista too."

"Ang dami mong pinabago sa isang iglap." seryosong turan ni sir Max habang sinusundan ng tingin ang pinsang palabas ng pintuan.

"Nagbibiro lang naman sigu-"

"You don't know them lil charmer, those idiots were serious."

My lips parted as I look at him straight in his eyes, this is unbelievable!

"Eat Olivia, hindi mo kailangang matulala ng ganyan." aniya sabay tulak ng noo ko. "I hate to say this but...that bastard is really lucky having you in his life, sana tayo ang unang nagkita." may paghihinayang sa boses na dugtong niya.

Parang gusto kong buhusan ng malamig na tubig ang mukha ko para magising sa mga nangyayari.

"The Don will be the happiest person once he saw this lil fella."

Tumingin ako kay Sky na may magiliw na ngiti sa mga labi habang nakapangalubabang tinitingnan si Xandre na panay ang subo ng broccolli.

"Also grandma."

"I have grandma po?" nagnining ang matang baling ni Xandre kay sir Rex.

"Yeah, who happened to be our grandma also, you have two actually, your dad's mom is the other one."

"Wow! I have two grandma! They're alive po right? Wala na kasi ang mommy at daddy ng mama ko, hindi po namin dalawa nakitang alive and-"

"Xandre!" sita ko sa kanya, nagkasalubong ang kilay niya na yumuko at muling kumain.

"Totoo ba?"

Bumuka ang bibig ko pero walang lakas ang dila ko gumalaw para sagutin ang tanong ni sir Max. Halos pati utak ko na blanko na rin, this is too fast.

May simpatiya sa matang ginulo niya ang buhok ko bago uminom ng tubig, he just excuse his self as his phone vibrates on the table. Hindi umaalis na singot niya ang tawag.

"Nahuli na?

"Si detective na ba 'yan?" madilim ang mukhang tanong ni sir Rexuz, kahit si sir Sky bigla na ring dumilim ang mukha, tinanguan sila ni sir Max, nakaramdam ako ng takot ng makita ang galit sa mga mata nila habang tinitingnan si sir Max na may galit rin sa mukha habang nakikipag-usap.

"Good, pakipadala sila sa basement." pinatay niya ang tawag at tiningnan ang dalawa. "We will be very busy tomorrow."

"I'm excited." sir Sky smirk, even sir Rexuz were smiling but the danger were visible in his eyes. "They don't know what this little Montevista can do against them." sumusulyap kay Xandre na turan niya.

Halos alas kuwatro na ng hapon kami nakauwi ni Xandre, hindi na rin ako nakatutol na hindi magpahatid kay sir Max dahil nasa carshop daw ni sir Sky ang kotse ko na may sira.

Nakababa na si Xandre pero ako nandito pa sa loob ng kotse  at kabado kasi may sasabihin daw siya, baka kung ano ang sasabihin niya sa akin tungkol kay Xandre kaya pakiramdam ko lutang na lutang ako ngayon.

"From now on don't think that someone will hurt the two of you, we got everything under control, hindi ko alam kung kailan mo sasabihin sa pinsan namin ang tungkol sa pamangkin ko-"

"Si-sir hindi naman po siguradong siya ang ama ni Xand-"

Natigil ako ng may kinuha siyang papel. Napanganga ako ng makitang DNA test 'yon. "Pa-paanong-"

"Im a Montevista and the the doctor of the family, every member  has a preserve blood in bankblood in case of emergency at pinakialaman ko na ang kay Ardouz."

Nasa papel ang mata ko at pakiramdam ko nakalimutan ko na rin ang huminga, hanggang sa maramdaman ko nalang na pinahiran niya ang luha ko.

"Save your tears, kailangan mo 'yan sa oras na malaman na ni Ardouz 'to and Olivia.." he pause as he took a deep breath. "Let's pretend, magkunwari tayong lahat na walang nangyari ngayong araw para hindi ka mahihirapan hanggang sa sasabihin mo na sa kanya ang lahat, nandito lang kami para sa inyo, para sa ikabubuti ng lahat."

"S-salamat." garalgal ang boses na lumabas ako ng kotse, hindi pa man ako nakahakbang ng ibinaba niya ang bintana ng kotse at tinawag ako.

"B-bakit po? M-may-"

"Kung hindi niya matanggap...hindi akong magdadalawang isip na agawin ka sa kanya."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro