CHAPTER 20
"Haaaay, mabuti at hindi sa skwater ang sunog na 'yan, kung nagkakataon, marami na naman mawawalan ng matutulogan."
Sunog? Bitbit ang bowl na may lamang icecream na lumabas ako ng kusina at pumunta sa sala kung saan sina ate Cecil nanunuod ng balita, kakatapos lang naming maghapunan at nakaugalian na naming manuod ng news pagkatapos nilang maglinis ang pinagkainan namin.
"Ano po 'yan?" tanong ko kay ate Cecil na nakaupo sa mahabang sofa katabi si Judi at parehong kumakain ng icecream.
Bahagya akong nilingon ni Judi. "Nasunog po ang opisina ng logistic company na 'yan ate." turo niya sa lumalagablab na building na nasa tv.
Sumubo ako ng icecream at tahimik lang na nanunuod. Limang palapag din pala ang nasunog na building, sayang din.
"Wiring pala ang dahilan ate cil."
"Hindi talaga safe 'yang mga open wire tapos paikutan lang ng kung anu-ano." umiiling na sambit ni ate cil at binalingan si Judi, "Kaya mas mabuti rin 'yang hindi mo ginagamit ang cp mo habang nagchacharge."
Sabay silang napabaling sa akin ng biglang tumunog ang cellphone ko. Wala sa sariling napangiti ako ng makitang si Ardouz ang tumatawag.
Ibinaba ko ang bowl sa center table bago sinagot ang tawag. Mabuti nalang at tulog na si Xandre.
"Good evening po."
"Indeed a good evening hearing that soft voice of yours."
I bite my nails trying to control the smile that wanna escape from my lips hearing that longing in his voice.
"Hmmmm...how's your night out with your gang?" alam ko kahapon pa 'yon pero wala na kasi akong mahanap na sasabihin.
"Great, Max handle all the bills, I save more than fifty thou."
My eyes widen with disbelief, fifty thousands for a drink?
"That huge amount? Magkano po ba nagastos niyo?"
"Two hundred thous-"
"Holy shit- ay!" mabilis na tinakpan ko ang bibig ko dahil sa aksidenteng pagmura na 'yon.
"You cursed." he mumble with disbelief.
I nod. "Aksidente lang po." napangiwing pagdadahilan ko. "Nakakagulat naman kasi ang laki ng binayaran ni sir Max, gold yata ang-"
"You really cursed." ulit niya na sa kaparehong tono pa rin, hindi pa ba siya nakarinig ng babaeng nagmumura? "Bad girl."
"A-aksidente lang-"
"I wonder how you curse through tagalog version, do you still use the po word?"
"Hindi po ako nagmumura! Saka kasalanan niyo po kung bakit ganu'n ang nangyari!" nanghahaba ang ngusong pangangatwiran ko. I close my eyes while listening to his laughter. It sounds so sexy, my cheeks heated up as I remember something that I shouldn't do.
"Im just answering you woman, what are you doing anyway?"
"Watching some news, you?"
"Don't ask." he hissed.
Don't ask pala ha. Naiinis na pinatay ko ang tawag at muling tumingin sa tv. I press my lips together seeing the two pal gaping on me. May panunuksong ngiti sa labing muling ibinalik ni ate Cil ang mata sa tv.
Kasalanan talaga ng baliw na 'yon eh, parang teenager tuloy ako na pinansin ni crush! I jerked up when my phone ring again. Hindi ko nalang sinagot ng makitang siya na naman ang tumatawag.
"Mauna na ho ako sa inyo." paalam ko sa dalawa sabay tayo dala-dala ang bowl. Iniwan ko ang bowl sa kusina bago umakyat sa taas. Kahit tunog ng tunog ang cellphone ko hindi ko nalang sinagot ang tawag.
Bahala siya sa buhay niya, ano naman ang magiging takbo ng usapan kung ganu'ng hindi ako magtatanong? Sira-ulo talaga, naiiling na nagsipilyo ako bago nahiga sa tabi ni Xandre na mahimbing ng nakatulog habang nakadapa.
May ngiti sa labing hinalikan ko ang ulo niya. "Whatever may happened, I will still fight for you, hindi man mapunta ang ama mo sa atin, I'm still happy because mommy and me have you, hindi man namin inasahan ang pagdating mo pero ikaw ang nagbalik ng liwanag sa mundo ko at mundo ng mommy Monina mo."
Itinukod ko ang siko ko at ginawang unan habang pinagmamasdan ang mukha niya, ano kaya ang reaksyon ng weird na 'yon sa oras na magkita sila? Pero hindi naman sana.
"Haaaaay ang hirap ng may tinatago." pabagsak na humiga ako at niyakap si Xandre. Bahala na talaga.
Bahala na si Batman.
Ang kailangan ko lang talaga ang katatagan ng loob ko, na sana madagdagan pa.
Kahit magulo ang isipan pinilit ko nalang na makatulog.
Kinabukasan nagising nalang ako ng inulan ng mumuting halik ang mukha ko, my lips stretch to a smile as his soft morning warm breath fan on my face like a morning hay.
"You awake na mama, yeah?" he giggled while snuggling on my neck. "You really smells good mama."
"Hmmmm." my eyes were still close as I hug him back. "Morning my love." I slowly open my eyes as I kiss his wet curly hair.
"Mama, it's Saturday right?"
"Yeah?" paos na bulong ko. "Why? Do you have plans? Tell me."
"Ahuh." tumatangong saad niya. Huwag naman sana sa labas. "I wanna be with you." nakamata lang ako sa kanya ng bumangon siya at umupo sa tiyan ko, hindi mawala-wala ang ngiti niya ng ipinagpatuloy niya ang sasabihin niya. "Can we movie marathon with my favorite movies? Then we will off the light jut leave that lampshade open." turo niya sa ilaw na nasa bedside table. "then we will cook popcorn, then order pizza, spicy chicken and your favorite regatoni cheesy shrimp pasta, what do you think mama?"
I think it took me a minute to finally pull myself back together. This kid just blow my mind out of me.
"You want me to have a date with you?" I asked with disbelief. "Where did you got that idea hmmm?"
"In my mind." he smile boyishly. "You don't like it? Sige na mama, please?" he clasp his hand at the front of him like he's praying. "Mommy and baby bonding!"
Who am I to decline this sweet young fella idea? Oh God! My sweet baby. Sumandal ako sa uluhan ng kama at hinalikan siya sa noo.
"Okay, we will do that." nakangiting ginulo ko ang buhok niya. "I will order the food now, then I will just buy some fruits for ninang Rose, because she's sick, for now I'll take a quick shower, mabilis lang ako sa labas, okay?"
"Yehey! I'll get my Marvel and Dc universe movies!" tumalon siya sa kama at nagmamadaling lumabas, kahit meron na ako sa USB ng mga paborito niyang movie gusto niya pa ring bumibili ng CD's para collection niya raw, kahit ang mga cover nga ayaw niyang nagagasgasan, kaya ang gingawa namin nina Judi, siya lang ang gagalaw ng mga 'yon para wala siyang sisihin sa oras na masira ang mga CD niya.
Tumayo ako at agad na nag-order ng mga pagkain na sinabi niya, iniwan ko na rin ang pambayad kina ate Cil at baka hindi ko maabutan mamaya ang deliveries.
Mabilis lang ako naligo para makauwi lang ako kaagad, kahapon pa kasi si ate Rose nilalagnat kaya naisipan kong bisitahin siya at dalhan na rin ng mga prutas para mapabilis ang pagaling niya.
Tapos na akong magbihis ng pumasok si Xandre sa kuwarto dala-dala ang box na may mga lamang CD's.
"Kompleto na ba 'yan mahal ko?" baling ko sa kanya. Nilapitan ko siya at binuhat papuntang kama. Kumunot ang noo ko ng hindi siya bumitiw sa pagkayakap sa akin ng ibaba ko siya sa kama. "What's wrong?"
"I was just thinking..." he smiled as he reach for my hair twirling it slowly on his small fingers. "...if you want me to go with you?" naglalambing pang sumubsob siya sa dibdib ko.
Ang baby ko talaga kung ano pang pagpa-cute ang ginagawa, gusto lang naman pala sumama.
"Mama?" pukaw niya sa akin.
"Okay." tumatangong sagot ko at muli siyang binuhat.
"Yehey! Go down po mama."
Magkahawak kamay kaming bumaba sa hagdan, hindi ko naman siya puweding ikulong lang ng ikulong at baka magreklamo pa. Okay na 'tong kahit nasa kotse siya para maiba lang ang paligid na nakikita niya.
"Jud..." agad na tumigil sa paglalakad papuntang kusina si Judi ng tawagin ko siya. "Pakibukas ng gate, bibili lang kami ng prutas."
"Okay po." mabilis na kinuha niya ang susi sa sabitan at nagmamadaling lumabas, tumatakbong sumunod naman si Xandre sa kanya at mabilis na sumakay sa sasakyan ng mapindot ko na ang unlock button ng susi.
"Bye po ate Judi ko!" kumakaway na paalam niya kay Judi na agad namang tinanguan ng huli. " See you later." mabilis na umupo siya at inilagay ang seatbelt niya, gusto ko mang ako gumawa nu'n sa kanya hindi talaga siya papayag, malaki na raw siya kaya marunong na siya magseatbelt.
Pagkalabas ng gate hinintay ko munang e-lock ni Judi ang gate bago ako dahan-dahang nagmamaneho.
"Mama I have loose tooth."
"Really?" bahagya ko lang sinulyapan si Xandre bago ibinalik sa kalsada ang mata.
"Opo, I'll show you later."
"Kay." I smiled at him.
Mabuti nalang at malapit lang ang fruits stand sa amin at madaanan lang papuntang Moonwalk, sa bahay nina ate Rose.
"Someone's calling mama." narinig kong sambit ni Xandre. Itinabi ko muna ang sasakyan at tiningnan ang tumatawag. Mabilis na kinansel ko ang tawag ng makitang si Ardouz 'yon.
Huminga ako ng malalim bago muling nagmaneho. "Xandre?"
"You okay po mama?" may himig ng pag-alala ang boses na tanong niya. "Ang daddy ko po ba 'yon?"
"Hi-hindi." napapalunok na sagot ko, "Don't answer any call in mama's phone okay?"
"Okay po."
Tumigil ako sa isang tabi kung nasaan ang fruit stand , ibinaba ko ang bintana bansa sa akin ng umikot ang nagtitinda sa direksyon ko.
"Magandang umaga po ma'am!" nakangiting bati ng ginang. "Marami po tayong presko na prutas." iminuwestra niya ang mga nakasabit na mga prutas at ang nasa mesa.
"Isang lakatan ate, isang kilo ng mangga, anim na orange at sampung ponkan, 'yan lang."
"Mama, I want grapes too." untag ni Xandre. "Wala na po sa bahay."
"Okay little one, isang grapes na rin ate, salamat."
Pagkatapos magbayad agad rin kami pumunta sa bahay nina ate Rose, alam kong hindi pupunta si Ardouz dito dahil mamayang hapon na ang alis niya papuntang America para sa isang business trip.
Lihim akong napangiwi ng makitang mabagal ang galaw ng sasakyan papasok sa maliit na village kung saan sila nakatira. Sinulyapan ko si Xandre na nakatingin sa labas ng bintana, halatang nawiwili siya sa mga taong paroo't parito.
"If Im with my dad, we will have haircut together, like them."
Natitigilang sinundan ko ng tingin ang itinuro niya. Malalim akong napabuntong hininga ng makita ang mag-amang magkahawak kamay habang papasok sa isang barber shop.
I swallowed the lump in my throat as pain wrap my beating heart, I feel so pity for my baby, habang palaki ng palaki siya mas nakikita at nararamdaman ko ang pangungulila niya sa isang ama.
Mabuti nalang at wala na siyang iba pang sinabi hanggang sa muling gumalaw ang mga sasakyan. Kahit ako hindi rin makapagsalita, natatakot ako na sa oras na bumuka ang bibig ko uulanin niya na naman ako ng tanong tungkol sa ama niya.
Pagdating kina ate Rose bumosena ako para maipasok ko ang kotse sa garahe nila, ayokong ilagay sa alanganin si Xandre kaya laking pasasalamat ko na rin na mataas ang gate nina ate.
"Ninong!" nagpapadyak na sigaw ni Xandre ng makita si kuya Boy na nagbukas ng gate. Ipinasok ko ang kotse sa loob at hindi muna binuksan ang pintuan hanggang sa nakasara na ang gate.
Hindi magkandaugaga si Xandre sa pagtanggal ng seatbelt niya at nagsisigaw na lumabas ng kotse ng tuluyan niya ng mabigyan laya ang sarili. "Yeeeheeeey! Ninoooong!"
I shook my head with disbelief as I went out from the car. Si Xandre naman mabilis na tumakbo papunta kay kuya Boy at agad na nagmano.
"Ang pogi-pogi talaga ng inaanak ko eh, mana sa ninong!" natatawang kinarga ni kuya si Xandre na nakaumang ang dalawang braso para magpakarga. "Ang bigat na ah." nakangiwing turan niya na tinawanan lang ng inaanak.
"Magandang umaga po kuya Boy." kumaway ako sa kanya, masayang tinanguan niya ako bago pinugpog ng halik si Xandre sa leeg.
Pumasok na sila sa bahay at ako naman kinuha ko ang mga prutas bago sumunod sa kanila. Agad akong napapikit ng sumalubong sa akin ang amoy ng mint scented candle.
"Ninong namiss po kita, laro po tayo ng basketball."
Mahina akong natawa ng hilahin ni Xandre ang ninong niya papunta sa likod bg bahay kung saan may ginawang basketball ring si kuya Boy para may paglaruan si Xandre, first year hight school na kasi si Aya na nag-iisang anak nila.
Pumunta ako sa kusina nila at inayos ang prutas, naghugas ako ng dalawang manga, dalawang orange at ponkan, pagkatapos mahugasan kumuha ako ng chopping board at hiniwa ang mga prutas.
Kumatok ako sa kuwarto nina ate Rose ag pumasok ng marinig ang nanghihinang boses niya.
"Magandang umaga po ate Rose." mahinang bati ko sa kanya ng makita ko siyang nakasandal sa kama at mahinang umuubo. "Kain po kayo ng prutas para gumaling na kayo."
"Salamat Koko, nag-abala ka pa." kiming ngumiti siya sa akin ng iabot ko sa kanya ang prutas. "Kasama mo si Xandre?"
Tumango ako at humila ng upuan. "Naglalaro po sila ni kuya Boy ng basketball sa likod, kamusta po ang pakiramdam niyo?"
"Mas okay na ngayon, kaysa kahapon, may itatanong pala ako sayo."
"Ano po 'yon?" kabadong tanong ko, pinaghugpong ko ang kamay ko habang naghihintay ng sasabihin niya.
Ibinaba niya ang kinakaing orange sa plato at tinapunan ako ng tingin.
"Napapansin mo bang magkamukha sina Xandre at sir Ardouz? Parang pinagbiyak na bunga sila, kung gaano kaganda ang mga mata ni sir ganu'n din sa inaanak ko, kahit ang ilong at kilay, pati biloy! Kamukhang-"
"B-baka nagkakataon lang po." napapalunok na sagot ko. Pakiramdam ko biglang sumikip ang kuwarto habang sinasakal ako ng katotohanan.
"Nagkakataon? Posible..posible ring hindi." tumatangong anas niya. "Maniwala ka man sa hindi pero matatapang ang dugo ng mga Montevista, 'yong isang tingin mo palang masabi mo agad na kadugo sila ng pinakasikat na pamilya sa bansa."
I swallowed the lump in my throat. "Sa totoo niyan ate natatakot po ako, natatakot ako na magkita sila at baka ilayo sa akin ang bata, nangako ako kay ate na hindi ko pababayaan si Xandre." bahagya pang nanginig ang kamay ko dahil sa isiping 'yon.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya ng malalim. "Kung ako sayo Koko ipagtagpo mo sila, alam naman nating hindi ka makakatago mula sa kanya, sa ngayon palang obsesses na 'yong tao sayo."
"Hi-hindi naman ganu'n kadali ang lahat ate." kinakabahang saad ko. "Lalo na at ikakasal na siya, kung magkita man sila sana 'yong panahon na kasal na siya, alam ko kasing hindi papayag si Marie na sa kanila si Xandre, pero hindi naman po sigurado kung siya talaga ang ama niya."
"Basta nandito lang kami palagi para sa inyo Koko, mag-ingat kayo palagi ha."
Alanganing ngumiti ako. "Opo, salamat ate."
Halos trenta minutos lang kami Xandre kina ate Rose dahil nag-aya na siyang umuwi para magmovie marathon na.
Nasa gitna na kami ng bakanteng lote papunta sa village namin at mabagal na nagamaneho ng mapansin kong may itim na kotse sa likod ng sasakyan namin.
Bigla nalang lumakas ang tibok ng puso ko ng hindi naman nag-overtake ng tumigil ako.
"Mama, who's that?" malalim ang pagkakunot ng noo ni Xandre ng makita ang sasakyan sa rareview mirror.
Nanginig ang kamay na muli kong inapakan ang gas. "May-maybe they're having a flat tire anak."
"No po mama, I saw them earlier outside ninang village eh." magkasalubong ang kilay na sambit niya habang tinitingnan pa rin ang kotse.
Alam kong walang dumadaan masyado sa lugar na 'to dahil malayo, hindi ko naman inisip na.mangyari 'to. At kung may dadaan man malamang hindi rin nila isiping may nangyayari.
"A-anak, don't talk o-okay? Ma-may tatawagan lang si mama." sunod-sunod na bumuga ako ng hangin para pakalmahin ang sarili ko, mabilis na kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na tinawagan ko ang number na nakita ko sa recieved call.
"Hey-"
"So-someone's fo-following me, I need help please!" natatarantang sambit ko.
"Fuck! Tell me the location!"
"Sa-sa Parañaque sa b-bakanteng lote ng mga Elado! Please- they're really-"
"Calm down! They're coming! Fuck! Fuck!"
Wala sa sariling nabitiwan ko ang cellphone ng biglang hinarang ng itim na kotse ang sasakyan namin.
"Mamaaa!" Xandre shouted in horror as I step on the break. "Mamaaa!" nanginginig sa takot na tinanggal niya ang seatbelt bago dumausdos sa upuan at nagtago sa ilalim ng dashboard.
Tumutulo ang luhang hinawakan ko ang nanginginig na kamay niya at pinisil 'yon.
"E-everything is okay, I-it will be okay baby..mama's here." pang-aalo ko sa kanya. Hindi na ako makagalaw dahil sa takot lalo na ng may isa pang kotse na nasa likuran namin.
Sunod-sunod na napalunok ako ng makitang ibinaba ng nasa harapan na kotse ang bintana hanggang sa mata lang ng tao sa loob ang nakikita. Napahigpit ang paghawak ko kay Xandre ng tumingin sa direksyon ko ang nakasunglasses na lalake at dinuro ako.
Dumoble ang kaba ko ng makitang bumukas ang pintuan ng nasa passenger seat pero bago pa man makababa ang nasa loob may narinig na akong sirena ng mga Police.
Nanlaki ang mata ko ng mabilis na umabante ang nasa likuran ko at malakas na binangga ang side ni Xandre dahilan ng malakas na paghampas ng ulo niya sa bakal na malapit sa clutch.
"Xandreeeeee!" puno ng takot na sigaw ko ng makitang nanatili siyang nakayupyop doon. "Xandreee?" nanginginig at halos hindi lumalabas ang boses na niyugyog ko ang balikat niya ng hindi siya gumagalaw. "Anak? Xandree! No-no!" parang masiraan na ako ng bait ng makita ang dugo na dumadaloy sa ulo niya. "Xandreee!"
"Koko- fuck!"
Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko dahil nasa anak ko nalang ang atensyon ko.
"Xa- Xandreee w-wake up baby.." tumutulo ang luhang pakikiusap ko ng hindi man lang siya gumalaw. "B-baby Xand-" hindi ko alam ang nangyari pero unti-unti nalang nawawala ang huwisyo ko. "X-xandreee...p-please s-save my s-son."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro