Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2

"Koko? Gising ka na oi, baka mahuli ka na sa trabaho mo."

"Gising na po." inaantok na sagot ko kay ate cil, umupo ako sa kama at papungas-pungas na inabot ang salamin ko sa mata na nasa side table. "Si Xandre po?"

"Ayon, naglakad, ikutin daw nila ang street natin, kumain na rin 'yon." bigay imporma niya habang inaayos ang kabilang parte ng kama. "Mag-almusal ka na at lalamig na 'yong pagkain."

Bumaba ako ng kama at dumiretso sa banyo para maghilamos. Bahagya akong napangiti ng makitang mag-alas sais palang. Ayaw ko rin namang alanganin kung gumising dahil masyado ng mabigat ang traffic kapag ganu'ng tanghali na.

Sa dalawang buwan kong pagtatrabaho kina ma'am Vina at wala naman akong naging problema kahit minsan tambak ang trabaho ko, strikta man siya pero mabait naman, naging maayos naman ang lahat.

Pagkatapos maghilamos bumaba muna ako para mag-almusal, nagtimpla lang ako ng black coffee at kumuha ng toasted bread, bitbit ang pagkain lumabas ako ng bahay at inilapag sa porch table ang plato at kape.

Sumandal ako sa upuan at inaantok pa rin na sumimsim ng mainit na kape, gustong-gusto ko talagang dito sa labas kumakain tuwing umaga, ang lamig ng hangin at ang bango pa ng sampaguitang malapit sa kinauupuan ko.

Nakakarelax.

Maya-maya pa nakita ko na sina Xandre at Judi na masayang naghahabulan, mabuti nalang at wala masyadong kotse na dumadaan sa street namin. Kahit maliit na village lang pero maayos naman ang kalakaran ng mga namumuno.

"Magandang umaga po mama!" kumakaway na sigaw ni Xandre ng makita ako, sinenyasan ko silang pumasok muna at baka mamaya hindi na naman ako makapagpaalam sa kanya at guguluhin na naman ako ng tawag sa opisina. "I love you po." nanghahaba ang ngusong nagpakarga siya sa akin sabay kiss sa labi ko. "Ewww coffee!" diring-diri pinunasan niya ang labi niya.

Natatawa namang pinugpog ko siya ng halik sa mukha. "Ang arte mo ha."

Pareho kaming tawa ng tawa dahil nakikiliti siya ng leeg niya naman ang sinunggaban ko.

"Mo-mommy stop!" sumisinghap na inilayo niya ang sarili sa akin. "Bad mommy!"

"Ah ganu'n-" humahagikhik na pinigilan niya ang kamay ko na magkikiliti sana sa tagiliran niya, matamis ang ngiting hinalikan ko siya sa noo ng dumistansya siya sa akin at nag-peace sign.

"Joke po hehehe."

"Papasok na si mommy ha," paalam ko habang pinupunasan ang noo niya, "huwag pasaway kina ate."

"Stay please?" malungkot ang mukhang niyakap niya ako ng mahigpit, "Miss kita palagi mommy, Diba po dapat ang daddy ang nagtatrabaho? Saan po ang daddy ko? Bakit wala po akong daddy? Bakit ang classmate ko meron? Hinahatid pa nga po sila sa school."

Lumipas ang ilang minutong nakatitig lang ako kay Xandre, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya, hindi ko inaasahang mapaaga ang pagtanong niya tungkol sa ama niya.

"B-baby-"

"Nasaan po ang daddy ko, mama? Kasama ba siya ng mommy Monina ko?"

"Hindi sila magkasama pero nasa ilalim na rin siya ng lupa, sa malayong lugar na nga lang siya."

"P-pero-"

Mariin akong napapikit ng pumalahaw siya ng iyak, hindi na ako nakagalaw ng bumaba siya at nagwala sa sahig.

"Daddy's alive! You're lying mommy! I want my daddy!" nagsisigaw na pinagtatadyakan niya ang upuan. "He's alive mommy. Diba?" puno ng pagmamakaawang tumingala siya sa akin. Parang kinurot ang puso ko ng makita ang namumuong pag-asa sa mga mata niya habang nakipagtitigan sa akin.

"Come here." hinila ko siya at kinarga, umiiyak na isnubsob niya ang mukha sa leeg ko. "Baby, wala na ang daddy mo-"

"N-no mommy! No! He's alive-"

"Ayaw mo na ba na si mommy ang nag-aalaga sayo hmm?"

Bahagya siyang umiling pero hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. "D-dapat two eh, mommy and daddy, bakit wa-walang daddy?"

Humigit muna ako ng malalim na hininga bago umupo, tinanggal ko ang pagkayakap niya sa akin at tinitigan siya sa mukha. Gusto kong umiyak ng makita ang itsura niya pero pinigilan ko nalang, ayokong makita niyang mahina ako.

"Look at me.." sinapo ko ang mukha niya para titigan ako. "Huwag mo ng hanapin ang wala, dahil kapag wala ang daddy, narito naman ang mommy, lahat nagagawa ng isang mommy para sa anak niya, kulang pa ba ang love ni mommy sayo?"

"Bu-but I- I want my-my daddy! I love you but I need daddy too mommy!"

"Wala na nga diba ang-"

"Maghanap ka po mom-"

"A-ano?!" mulagat ko sa kanya. Ano bang pumapasok sa kukute ng bata na 'to, Diyos ko po! "Xand-"

"Please? Kahit hindi na ang true dad ko. Basta po may daddy ako, sige na?"

"Alam mo ba kung bakit hindi na si mommy naghanap?" umiling siya. "Kasi I have you na, ikaw na ang sentro ng buhay ko, hindi ko kailangan ng lalake-"

"But I need dad mom!" nakasimangot na umiwas siya ng tingin sa akin. "Gusto ko magplay kami ng basketball doon sa court, may naglalaro po doon ng basketball, baby and daddy sila eh!"

Kaya pala... Kaya pala ganito ang nangyari kasi may nakita pala siyang ganu'ng eksena. Hay kakausapin ko nalang mamaya si Judi na hindi na muna magwalking, kung anu-ano tuloy ang nakikita nitong prinsipe ko.

"Oh sige, maghanap na si mommy, pero hindi ito mabilis ha." napangiwing sambit ko. Bahala na ang importante titigil na siya kakahanap ng ama.

Umaliwas na ang mukha niya ng tumingin siya sa akin. "Promise 'yan ha?"

"Oo na po, tara na maligo na tayo." tumayo ako na karga-karga siya. Naabutan ko sa sala si ate cil na palakad-lakad at may pag-alala sa mukhang tiningnan ako. Sinenyasan ko siyang okay na si Xandre kaya agad na umaliwalas ang mukha niya. "Pakisabi kay Judi na maghintay siya sa kuwarto ate cil, doon ko na papaliguan si Xandreon."

"Sige, at ikaw bilisan mo na riyan, baka mahuli kapa."

"Okay, salamat po."

Una ko munang pinaliguan si Xandre bago ako, sinasabon ko siya sa katawan ng umatake na naman ang mga salitang ayaw na ayaw ko sanang marinig.

"Kapag nandito na ang daddy ko, gusto ko po na sabay kaming liligo, siya ang sasabon sa akin."

"Ayaw mo na ako ang magpapaligo sayo?" kunway nagtatampong tanong ko.

"Gusto po, pero ano-" napapakamot pa siya sa batok habang sinusubukang magpaliwanag. "-kapag nandito lang po, kasi pareho kaming boys, diba po mommy?"

"Oo na." hindi na ako umimik hanggang matapos na siyang maligo, pinalabas ko muna siya ng banyo bago ako naghubad ng damit. Bahagya akong natigilan ng makita ko sa salamin ang tattoo na nasa  balikat ko.

Bumuga ako ng hangin at pilit na isinantabi ang mga nakaraang gustong bumalik sa isipan ko. Pilit ko ng kinakalimutan ang lahat na konektado sa mga nangyari sa amin ni ate kaya lang mahirap lalo na may isang Xandreon na dumating, pero kailangan kong gawin lalo na't imposibleng madugtungan 'yon.

Tinapos ko na ang pagliligo at agad na nagbihis ng isang white pincil cut dress na pinatungan ko ng black blazer, itinaas ko na rin ang buhok ko at naglagay lang ng kaunting foundation sa mukha, hindi ako masyadong naglalagay ng make-up dahil nangangati ang mukha ko kapag araw-araw akong naglalagay.

Pababa na ako ng hagdan ng marinig ang tawa ni Xandre sa playroom.

"Xandre? mommy's leaving!"

"Wait, I will kiss you mommy!"

Nangingiting hinintay ko siya malapit sa hagdan, agad akong yumukod ng makitang patakbo siyang lumabas ng playroom. "Be a good boy okay? I'll buy you spicy chicken later."

"Yehey!" tumatalon sa tuwang sigaw niya. "I love you mom." isang malutong na halik ang ginawad niya sa labi ko at hindi pa talaga nakuntento, iniyakap pa sa leeg ko ang mumunting braso niya at niyakap ako ng mahigpit. "Bye po."

"Bye baby." paalam ko sa kanya at hinabilin na siya kay Judi. "Huwag na kayo lumabas ate Judi ha."

"Sige po."

Halos quarter to 8 rin ako nakarating sa Makati kung saan ang main office ng salon.

"Magandang umaga po mga kuya." nakangiting bati ko sa dalawang guard na nasa entrance ng building.

"Magandang umaga rin ma'am." nakangiting saludo nila.

Binati ko rin ang lahat ng nakasalubong ko na employee kahit ang iba tanging tango lang ang ginawa.

"Magandang umaga ma'am Koko!" masiglang bati ni ate Yena na nag-ooperate ng elevator. "Ang ganda niyo talaga ma'am! At ang bait pa!"

"S-salamat po, magandang umaga rin."

"Hay sana all." tila nagpaparinig na sambit niya ng maisara na ang elevator.

"Maganda rin naman kayo ate-"

"Hindi naman po 'yon ma'am." napapakamot sa batok na baling niya sa akin. "Doon na tayo sa may kanya-kanyang ganda ang lahat, pero ang iba kasi dito mukha lang ang maganda! Sa ilang taon ko rito kayo lang po ang may matamis na ngiti at palaging bumabati sa aming mga ultimo, ang iba dedma lang, ganu'n." nanghahaba ang ngusong litanya niya.

Tinapik ko siya sa balikat. "Ang mahalaga naman po ay marunong makisama sa kapwa, kahit ganu'n sila manatili po tayong mabait."

"Hay ganu'n na nga ma'am. Sana all kagaya niyo. Mabait." mahinang sambit niya sabay kindat sa akin.

Magiliw ko siyang nginitian pagkalabas ko ng elevator. "Iwasan po ma-stress."

"Good morning sunshine!" malakas na bati ni Mavy sa akin, ang isa sa mga head ng Marketing. Close na rin kami at magkasundo rin pagdating sa mga reports na pinapagawa ni ma'am, nagtutulungan na rin kami kapag sobrang busy na. "Ang ganda talaga ng umaga kapag may isang ngiti mula sayo Olive oil."

"Morning too Mavy." natatawang iniwan ko siya. "Nakakataba ng puso 'yan promise."

"Good, kasi araw-araw kong patatabain ang puso mo."

Hay umatake na naman ang pagiging abnormal ni Mavs. Hindi ko nalang siya pinansin at sinimulan ang trabaho ko, mabuti nalang at naisulat ko na ang mga schedule ngayon ni ma'am Vina. Nakafocus ako sa screen ng laptop ng makitang parating sina ma'am, mabilis akong tumayo at agad na inihanda ang kape niya.

"Magandang umaga po ma'am Vina! ma'am Ortez " kiming bati ko sa kanila. Nakangiting tumango si ma'am Ortez sa akin.

"Morning too Olivia. Schedule ko ba 'yan?" turo ni ma'am sa folder.

"Opo ma'am." inilapag ko ang kape pati ang schedule niya sa ibabaw ng mesa, si ma'am Ortez naman agad.na inayos ang gamit na dala-dala niya kanina. "Kunin ko lang po ang reports na pinagawa niyo kahapon."

"Okay, saka tawagan mo ang mga branch manager na e-fax nila ang weekly reports nila sayo, gusto ko munang diretsa sayo ang reports ngayong week."

"Okay po." tumatangong sagot ko, "Anything else ma'am?"

"That's all."

Lumabas ako ng opisina niya at kinuha ang report ng sales ng kompanya. Inabot ko lang kay ma'am 'yon at muling bumalik sa puwesto ko para tawagan ang labing limang branch ng La Bella Salon.

Nasa gitna ako ng trabaho ng biglang mag-intercom si ma'am Vina sa akin.

"Siya nga pala Olivia pagkatapos niyan pumasok ka rito sa opisina ko, dalhin mo na rin ang mga 'yan."

"Sige po ma'am."

Halos kalahating oras rin akong natapos sa ginagawa ko pero hindi pa kumpleto ang lahat ng papeles dahil ang ibang manager ngayon palang gumagawa ng kanila reports.

Pumasok ako sa opisina ni ma'am at agad na ibinigay ang reports. "Thirteen reports lang po ang natanggap ko-"

"That's bullshit!" galit na sigaw niya na nagpaiktad sa akin. "Call the General Manager now!"

Kalamadong tumango ako at lumabas, tinawagan ko ang floor ng manager at agad na pinaakyat. Nanghihinang umupo ako sa swivel chair ko at pinakalma ang sarili, alam kong hindi sa akin galit si ma'am pero kawawa naman ang GM namin.

"Miss Pagonzaga, galit ba si ma'am?" halatang kabado na tanong ni sir Purin.

"O-oho, kulang kasi ang reports ng mga manager, dalawa po ang wala eh, Cebu at Davao branch."

"Nalintintikan na!" napapakamot sa batok na aniya. Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto.

"Ma'am, dito na po si-"

"Ano sa tingin mo ang pinanggagawa mo?" duro ni ma'am sa kanya. "This will never happened again Mr. Purin! Nagkaintindihan ba tayo?"

"Ye-yes ma'am." namumutlang sagot ni sir. "So-sorry-"

"Out!" turo ni ma'am sa pintuan. "And you Olivia, call the HR, paalisin na ang dalawang manager na 'yon."

"Sige po ma'am." nang tila wala ng utos pa si ma'am sumunod na rin ako kay sir palabas.

Dahil siguro sa galit ni ma'am naging matamlay ang pakiramdam ko, nakakaawa naman ang pinagsisibak pero kasalanan din naman nila siguro 'yon, binigyan na sila ng schedule pero hindi nila ginawa ng mas maaga.

Pauwi na ako ng maalala ko ang ipinangako ko kay Xandre, nagdrive-tru nalang ako para mas madali. Nakapila na ang sasakyan ko nga maagaw pansin ng dalawang kapareha ang atensiyon ko.

Ang ganda naman ng babae, mestisa, at matangkad parang modelo. Dahil mahaba pa ang pila hindi ko inalis ang mga mata sa kanila, sweet couple talaga dahil nakayakap pa ang babae sa lalake at panay ang halik ng lalake sa ulo ng babae.

Napangiwi ako ng bigla nalang sila naghalikan na animoy walang tao sa paligid nila. Umiiling na pinausad ko ang sasakyan ng wala na ang sasakyan sa harapan ko.

Oorder na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad akong nag-excuse sa speaker ng drive-tru para sagutin ang tawag ni ma'am Ortez.

"Hello po ma'am?"

"Naku pasensiya na kung napatawag ako sayo Olivia ha, dahil siguro sa galit ni ma'am kanina nakalimutan niyang sabihin na gagamitin nila bukas ang conference room, sa opisina gaganapin ang monthly meeting ng Montevista Business Corporation."

"A-ano po ang gagawin ko?"

"Mga ten pa naman ang meeting, pero kailangang ma-distribute ang mga papeles sa harap ng bawat upuan ng mas maaga, lagyan mo na rin ng mga baso at mineral water sa tabi ng papeles, buong hapon kasi ang meeting na 'yon."

"Ah okay po." tila nabunutang tinik na sagot ko, hindi naman problema 'yon dahil maaga pa lang nasa opisina na ako. "Sige ho ma'am, huwag kayo mag-alala, maaga pa ako bukas, pakitext nalang ho kung saan ang mga papeles."

"Hay salamat. Hulog ka talaga ng langit Koko!"

Pagkatapos magpaalam ipinagpatuloy ko na ang pag-order ng pagkain, sana walang traffic ng makauwi ako ng maaga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro