CHAPTER 19
Lumabas ako ng kotse na bitbit ang isang stem ng puting rosas na kagabi ko pa binili sa nadaanan naming flowershop, I was just thankful that mom knows how to preserved the freshness of flowers.
Galing ako sa bahay kanina at dumiretso na sa meeting bago ako pumunta rito sa opisina, I haven't seen my Koko from three days, I just came home from the Philippines Top Companies business forum held in Bacolod for two days.
I represent not just my company but also the Montevista's Corporation, sa akin naka-assign ngayong taon ang pagdalo sa mga ganitong pagtitipon kaya kahit lubag man sa loob ko pumunta pa rin ako at sa kaalaman na ring maraming tao ang matutulungan dahil sa mga charity na nasa ilalim ng organisasyong pang negosyo.
"Good morning sir." bati sa akin ni Mrs. Salome ng makasalubong ko siya sa hallway, ang ibang empleyado tumayo rin para batiin ako.
I stop my track as I remember something.
"Mrs. Salome," tawag ko sa kanya, mabilis siyang bumalik sa kinaroroonan ko at nagtatanong ang mga mata. "Come to my office..." I check the time on my watch. "After 15 minutes."
"Yes, sir."
Dumiretso na ako sa puwesto ni Koko pero wala siya roon, ang dismaya na naramdaman ko bigla nalang naglaho ng bumukas ang pinto ng kusina. Mabilis na naitago ko ang puting rosas sa likuran ko ng makita si Kokong nakayukong lumabas dahil may binabasa ng kung ano sa cp niya.
"Oh!" Bumalandra sa mukha niya ang gulat ng makita ako, a soft and warm feelings wrap my heart seeing that sweet smile slowly forming on her plump lips that I am aching to kiss for a lot of times already. "Magandang umaga po, gagawan lang kita ng kape."
I miss her but I manage to control myself knowing there are lot of confuse eyes glancing on our direction.
May ngiti sa labing pumasok ako sa opisina at umupo sa swivel chair, itinago ko muna ang rose sa ilalim ng shelves ng mesa ko habang naghihintay kay Koko.
Binuksan ko ang laptop at agad na tiningnan ang mga emails. Mabilis kong itinigil ang pagbabasa ng bumukas ang pintuan at iniluwa roon ang kinasasabikan ko, tinapunan ko lang siya ng tingin habang binuksan ang isa pang laptop kung saan naman ang files ng mga sarili kong negosyo.
Nakita kong inilapag niya na ang kape kaya hinarap ko siya. "How are you?" I ask, gesturing her to move closer to me. May pag-alinlangang lumapit siya sa gilid ng mesa ko. "Did you miss me that much?" tukso ko ng hindi siya sumagot habang titig na titig lang sa mukha ko. "Koko-"
"Hi-hindi po." natarantang sagot niya ng tila matauhan siya. "Sige may gagawin pa-" she stop her sentence as I handed the flower to her.
"I did miss you." I mumble, I caress her face while staring lovingly on her eyes, bahagya pang nanginig ang kamay ko ng inilapat ko ang hintuturo ko sa gilid ng mga mata niya.
"This-this is really for me?" pabulong na anas niya at nakapikit na sinamyo niya ang bulaklak. "Marami pong salamat, saka-" she gasp audibly as I pull her and hug her waist, I close my eyes as I landed my face on her flat tummy.
Damn I miss this woman. I really fucking did.
Napangiti ako ng maramdaman ang mga daliri niya sa ulo ko at dahan-dahang sinusuklay ang buhok ko.
Sana noon pa kami nagkakilala, hindi
pa siguro nasira ang buhay ko ng ilang taon, but Im still thankful that I met this amazing woman, a woman who knows when I need her, who knows how to control this beast inside me.
My thought has been cut as she slowly remove my hand from her back.
"Marami pa po akong gagawin-"
"Koko?"
"Bakit po?"
"Stop saying po and opo on my face." I protest. It feels like Im too old for her.
"Hi-hindi po puwedi." matigas ang boses na tutol niya, binitiwan ko siya at tiningnan sa mukha. Madali lang naman gawin ang pakiki-usap ko sa kanya.
"Why not?" I ask out of my curiousity, sa akin lang naman, not generally.
Mailap ang matang umiwas siya ng tingin sa akin. "Basta po hindi puwedi, bawal po sa bahay ang walang po at opo."
"Wala ka naman sa bahay." dagdag ko.
"Basta, sige po."
Malalim akong napabuntong hininga na hinayaan ko nalang siyang maglakad palayo sa akin, muntik ko ng makalimutan na hindi ko na pala siya hihigpitan, I was just thankful that she's still wearing that old fashioned clothes.
I sip my coffee and started to work my ass off. Tiningnan ko ang oras at sumakto naman sa kinse minuto ng marinig kong may kumatok.
"Come in."
"Nandito na po si ma'am Salome sir." imporma ni Koko.
"Okay, pakitawagan si Maximus na e-fax na ang papeles na hinihingi ko."
"Okay po, pasok na po kayo ma'am."
Sumandal ako swivel chair ng maisara na ni Mrs. Salome ang pintuan.
"You know how I hate liars Mrs. Salome, right?"
"Ye-yes sir, may nagawa po ba akong mali?" may bahid ng pag-alala ang boses na tanong niya bago umupo sa harapan ng mesa ko.
I tap my fingers on my table as I look straight on her eyes. "Magkasama ba kayo ni Olivia noong kumain siya sa labas at nabasa ang damit niya?"
"Nabasa ang damit?" kumunot ang noong tanong niya at tila iniisip kung kailan 'yon. "Nabasa ang- ay oho! It was Glads birthday and-"
"Bakit nabasa siya?"
Napatiim-bagang ako ng makitang tinakasan siya ng dugo sa mukha at hindi makatingin sa akin ng diretsa. Malakas talaga ang kutob ko na hindi aksidente ng araw na 'yon at base na rin sa itsura niya may hindi talaga tamang nangyari.
"Hindi po ba nasab-"
"Don't waste my time Mrs. Salome." I muttered firmly making her gulp in horror. "Tell me the fucking truth." galit na dumukwang ako sa kanya.
"Si- si ma'am Marie po ang nagbuhos sa kanya ng tubig nu'ng araw na 'yon, paalis na kami nu'n ng bigla niya nalang-"
"Makakalabas ka na."
My hand turned into fist as seconds pass by, hindi ko akalain na ang pinakamabait na taong nakilala ko ay may tinatagong kasamaan. I was clinching my jaw as I stand up, sumalin ako ng alak sa baso at naglakad papuntang bintana at binuksan ang blinds.
Alam kong hindi matatapos sa ganitong hakbang lang si Marie laban kay Koko.
Inubos ko ang laman ng baso bago binalikan ang nag-iingay na cp ko sa mesa, agad na nagsalubong ang kilay ko ng makitang si Sky ang tumatawag. Isa pa ang sira-ulong 'to, kakabalik lang galing Amerika pero puro kalokohan lang ang pinanggagawa.
I took a deep breath as I answer his call.
"Speak."
"I miss you too bastard."
"Fuck you! Kung wala kang-"
"Hold up... may itatanong lang ako."
I massage my nape frustatedly. "Fire."
"Can I date Olivia?"
"Kung gusto mong mamatay, okay lang." I smirk.
"Oooooh! Don't provoke me cousin." natatawang turan niya na nagpapagting ng tainga ko. "She's like a model-"
"She's mine Sky." I muttered sternly. "Anyway, can you do some favor for me?"
"Exchange of Olivia? Then fire."
"Hell no," pasalamat lang talaga ang gago 'to na hindi kami magkaharap ngayon." Anyway.... may ipapadala ako sa shop mo this coming days, I'll text you the details."
"Okay? Let's go bar tonight."
Pinatay ko ang tawag at muling bumalik sa trabaho. Isinantabi ko na muna ang ginawa ni Marie, mamaya ko nalang siya kakausapin tungkol doon.
Ibinaba ko ang proposal na binabasa ko ng marinig kong may kumatok, mahina akong napamura ng makitang mag-alas dos na pala ng hapon.
Tumayo ako para buksan ang pintuan at para magpa-order nalang din ng pagkain sa hotel.
Naiwan sa ere ang kamay ni Koko ng pagbuksan ko siya ng pintuan. I was confusely looking at her seeing the worries on her beautiful face.
"Anong nangyari? Are you okay? Something bad happened?" nag-aalalang sunod-sunod na tanong ko sa kanya. She looks fine, no bruise, no wet clothes. "What's wrong?"
"Wala naman ho." umiiling na sagot niya. Wala pero nababalot ng pag-alala ang mukha niya.
"Tell me."
She cutely clasp her hands giving me a quick glance. "Alas dos na kasi."
Wala sa sariling tiningnan ko ang Rolex ko, tumango ako sa kanya. "Yeah, it's two."
"At hindi ka pa kumakain."
"Hmmm.." I hummed. "Hindi pa-" matamis akong napangiti ng mapagtanto ang nangyayari. I cleared my throat as happiness barricade the passage of air I am breathing. "Nag-alala ka?"
"Ma-may pagkain na sa kusina, I ordered you-"
She shyly bite her lips as I hold her chin wanting her to look on me. Mahina akong natawa ng makita ang pamumula ng pisngi niya. "You don't know how happy I am right now." Bahagya kong ginulo ang buhok niya ng makitang nakangiti na siya, wala na ang pag-alala at hiya sa mga mata niya.
"Kain na po kayo." nakatungong bumalik siya sa upuan niya at ako naman parang baliw na napapangiti habang naglalakad papasok sa kainan.
Mas lumapad ang ngiti ko ng makitang mga paboritong pagkain ko ang nasa mesa. I happily start eating and finish everything she ordered.
I walk back to my work, I have to finish everything every documents that needed my signature, I am going out of the country for a business trip in America for a week.
Nakatutok ang atensyon ko sa papeles na galing Shui Trading ng tumunog ang cellphone ko, agad kong sinagot 'yon ng makitang si Kato ang tumatawag.
"Speak." I mumble as I put the phone on a loudspeaker.
"I have something to show you, I don't know what you will feel but I hope you'll be happy with it."
"Ano 'yan? Bagong tourist spot ng California? We will go bar tonight." I inform.
"Bastard, I just got home from L.A, this more than a fascinating tourist spot to watch, see you tonight." aniya sabay patay ng tawag.
Naiiling na sumandal ako sa swivel chair at hinintay ang sinasabi niya. Mabilis na kinuha ang cellphone ko ng makitang umilaw ang notification light.
Interesadong tiningnan ko 'yon at agad na nagsalubong ang kilay ko ng makitang video 'yon, ang gago...pasahan pa yata ako ng porn. Binuksan ko ang 45 seconds video file at matamang pinanuod.
My hands slowly turn into fist seeing what's the video about, I put down my phone even Im not yet done watching it.
"Fuck!" I bursted kicking my feet under the table. I stand up furiously as I go out and walk straight to the kitchen, pabalyang isinara ko ang pintuan at kinuha ang icecream sa freezer. Halos masira pa ang pinto ng freezer ng malakas kong ibinalya pasara 'yon. "Fuck! Fuck!" sunod-sunod na mura ko at pinagtatadyakan ang mga upuan sa loob.
They'll be sorry. They'll be fucking sorry! Bakit ba ang bilis ko magtiwala? "Why?" I shouted my lungs out and about to throw the thing on my hand when Koko talk behind me.
"Stop."
Her soft powerful voice made me glance on her, she look so worried as she walk towards me, she got the bowl on my hand and pull me to sit on a chair.
My heart keeps pounding crazily as a scenario I just watched keep flashing in my mind.
Mahigpit akong napahawak sa isang upuan ng bigla na naman sumiklab ang galit sa dibdib ko.
"Fuck!" I bursted pushing the chair I am holding. "Fuck-"
"Open up." she mumble as she sitdown on the chair right in front of me.
Wala sa sariling bumuka ang bibig ko ng subuan ako ni Koko ng icecream. Inilapag niya ang bowl at seryoso ang mukhang hinawakan ako sa baba.
"I don't wanna hear a single word until you finish this bowl of icecream, do you understand?"
Just like a six years old boy scolded by a mom I fucking nod my head.
"Good." magkasalubong ang kilay na sinubuan niya ulit ako ng icecream hanggang sa maubos ang laman ng bowl. "Hindi ba po sinabi ko na sa inyo na kapag badtrip kayo mag-isip lang kayo ng masasayang memories."
I grimaced. "I don't have one."
"Really?" hindi makapaniwalang tumayo siya at inilagay sa lababo ang bowl at wala ng lamang icecream box, muli siyang umupo sa harapan ko na nakataas pa talaga ang isang kilay. "Wala talaga?"
Tumango ako. Kahit papaano nabawas-bawasan naman na ang nararamdaman ko, pero napapakuyom ang kamao ko kapag bigla na namang sumabit sa pesteng isipan ko ang video.
"Let's make one then." aniya sabay upo malapit sa dalawang tuhod ko. "Tandaan mo kapag gumalaw ka mahuhulog ako at mababagok ang ulo ko sa upuan na 'yan," turo niya sa silyang nasa likuran niya.
What is she up to?
"Ano naman ang gagawin natin?" magkasalubong pa rin ang kilay na tanong ko, matamis siyang ngumiti at kinuha ang dalawang kamay ko at itinaas 'yon. "Anong- Koko!" singhap ko ng bigla niya akong kilitiin sa tagiliran. "K-kokooo sto- " hindi ko na napigilan ang tawa ko ng walang habas niya akong kinikiliti sa tagiliran at kili-kili.
Hindi rin ako makagalaw dahil baka nga mahulog siya. Kahit kinikiliti niya pa ako dahan-dahang natigil ang tawa ko ng marinig ang masayang tawa niya. She look so happy while poking my side.
Tumigil siya sa ginagawa niya ng makita akong matiim na nakatitig sa kanya. Unti-unti ring nawala ang ngiti niya ng magtama ang mga mata namin.
"Thanks." I mumble as pull her on my legs. "You're so beautiful." lihim akong napangiti ng tila nahihiyang pinaghugpong niya ang mga kamay niya. "But Im still having my revenge." I grinned.
"What reven-Ardouz!" she gasp loudly as my fingers landed on her side. "N-no p-please," she breathed. "Don't move your fing- Ardouz! HAHAHAHA!" malakas ang tawa na lumabas sa labi niya ng sabay kong sinundot ang tagiliran niya ng sunod-sunod.
Kahit ako natatawa na rin at pinapakinggan ang panay na pagsinghap niya habang tumatawa ng malakas, panay ang ilag niya pero wala naman siyang magawa.
"I-Im..." she cough. "D-dying." habol-habol ang hiningang pinigilan niya ang kamay ko. "E-enough p-please."
Natatawang tumigil ako at niyakap siya, she's still giggling as she landed her head on my shoulder.
I really need a woman like you Koko. I stated in my mind as I keep caressing her back gently.
"Koko?"
"Po?"
"Do you hate liars?"
I nuzzle her hair as I feel her body stilled for a moment.
"Si-sino ba ang hindi magagalit sa mga ganu'ng-"
I close my eyes as words came out from my mouth. "Then why did you lied?"
"Tu-tungkol po saan?" nauutal na tanong niya.
"Do you think I really believe that someone accidentally pour some water on you?"
Bigla siyang natigilan at umalis sa pagkasubsob sa akin. I touch her chin as we stared on each other eyes. I hold her hand that slowly brush my hair on my forehead and kiss lightly, I felt like flying everytime she did this to me.
"Hindi lahat ng sinungaling masama." seryosong turan niya. "Ang pagsisinungaling nakakabuti rin minsan, kagaya ng pagsisinungaling ko sayo tungkol doon sa nangyari, ayoko kasing mag-aaway kayo dahil sa akin."
Pakiramdam ko sumikip bigla ang dibdib ko ng makita ang pait sa mga mata niya. "Minsan ang pagsisinungaling ay may mga malalim na dahilan, nakakagalit man na magsinungaling ang tao pero kailangan mo pa ring pakinggan ang dahilan nila para hindi mabigat dito." malungkot na turo niya sa tapat ng puso niya.
"Hey, don't cry." natatarantang pinunasan ko ang luha niya. "Sshhh..baby stop." Alo ko sa kanya, seeing her crying is so really damn suffocating me.
"Ka-kagaya ng a-ate ko, sinungaling siya...sa-sabi niya kasi sa akin nu'ng- " napapikit ako ng humikbi siya. "-nung maliit pa ako hindi niya ako iiwan, nagalit ako sa kanya pero may dahilan naman kaya tinanggap ko ang pagkawala niya, kaya hindi na mabigat sa dibdib."
Muli ko siyang niyakap at hinaplos sa likod hanggang sa naging normal na ulit ang paghinga niya.
"Koko?"
"Bakit po? Sorry kung bumigay ako-"
"Sssshhh... I like it Koko, masaya akong nailabas mo rin ang sama ng loob, hindi 'yong palagi ka nalang masayahin."
"Salamat."
"Hmmm." I nod. Hinayaan ko siyang umalis sa pagkayakap sa akin.
"Sorry I failed." nakatungong sabi niya na nagpataka sa akin.
"For?"
"Making happy memories with you."
Nakangiting tumayo ako at bahagya siyang niyakap. "It's more than I can imagine."
"Promise?"
Tumango ako. "Let's go back to work, dalawa na tayo ang magpapalugi ng kompanya ko eh."
Natatawang tinampal niya ang likod ko, inayos namin ang mga pinagkakalat ko bago kami bumalik sa trabaho. Muntikan pa akong matawa ng makitang mabilis na iniwas ng mga empleyado ko ang mga mata nila pagkalabas namin sa kusina.
Hindi mawala sa isipan ko ang paliwanag niya sa pagsisinungaling ng isang tao. That makes me think alot of things about the video.
It was quarter to 4 when I called Koko. Matamis ang ngiti niya ng magkatitigan kami, tumayo ako at kinuha ang mga folder sa kamay niya.
"See you on Monday." I planted a soft kiss on her forehead. "Ingat sa pagmamaneho."
"M-maraming salamat po, kayo rin."
My lips parted as she hug me tightly, hindi na ako nakahuma ng lumabas siya ng opisina ko.
It was 9pm when everyone arrived at Kato's bar. Kanya-kanyang kuha lang kami ng bote ng alak sa bar at kung hindi ako magkakamali nasa bente piraso na iba-ibang klase ng mamahaling alak ang nasa mesa namin, kaya dalawang mesa pa ang pinagdugtong nila at siguradong gawin na naman nilang kuwarto 'tong second floor mamaya.
"You okay bud?" Kato patted my shoulder as he settled his self beside me. He drink his whisky in one gulp while staring on me. "Kailan pa dumating ang sira-ulong 'yan?"
"I heard you fucker!" Sky show his middle finger on Kato. "Yeah, I miss you too." nilagyan ulit ni Sky ng whisky ang baso ni Kato at nag-cheers bago inubos ang laman ng kanya-kanyang baso. "Hell! Now this is a real bar night! And the real taste of whisky!"
"Wala bang whisky sa America?" Rexuz butted in. "Parang ngayon ka lang nakainom ng alak."
Mahina namang natawa si Phyto. "Kailan pa naging disyerto ang America?"
"The time he lives there." Roldan mumble while pouring some whisky on his glass.
"Mga Factyou talaga kayo!" nakasimangot na uminom ng alak si Sky. "What I mean is, I appreciate the bar ambiance and heat of alcohol in my body now that I am drinking with you people."
"Ahhh.." tumatangong ani ni Max. "Ano raw?"
Sky eyes turn into slit while glancing on Max.
"Appreciate daw." dugtong ni Phyto na may pang-aasar sa mukha.
Natawa naman si Roldan. "Parang narinig kong may bar ambiance."
"Me too." ngisi naman ni Kato. "and heat of ano nga raw 'yon?" baling niya kay Rexuz na sunod-sunod na.uminom ng alak, si Sky naman nakamata lang sa kanila at halatang naiinis na.
Ibinaba ni Rexuz ang baso niya sabay ngisi rin. "Alcohol in his body, ano nga ang dugtong? Hoy!" tampal niya sa balikat ni Phyto ng hindi siya nito pinansin.
"Saan ka na ba banda?" magkasalubong ang kilay na baling ni Phyto kay Rexuz. "Buwisit ka talaga Sky! Pauso ka eh!" reklamo niya bago ulit binalingan si Rexuz na umiinom na naman ng alak. "Ano ba ang huli?"
"Body, Phy, body!"
"Ah body!" tumatangong saad niya. "He can now feel the heat of the alcohol in his body kasi kasama niya tayo!" napailing ako ng batukan siya ni Sky.
"Gago, english 'yon!"
"Panira ka Phy eh!" asik ni Max. "Akala mo wala kang maiambag sa walang kuwentang usapan 'to no?" ngisi niya sa akin. Itinaas ko lang ang baso ko at inisang lagok ang laman nu'n. "Ano ang sinabi ni Sky? Ako magbabayad ng lahat ng ito kapag sumakto ang sagot mo." turo niya sa mga alak na nasa mesa.
I smirk as I put down the glass.
"Ano na?" naiinip na sabad ni Kato.
"Mga gago tala-"
"He said, he's now emotionally DRAMATIC being with us."
Napuno ng tawanan at tampalan ang mesa dahil sa sinabi ko.
Tumaas ang gilid ng labi ko ng mailagan ko ang takip ng bote na ibinato ni Sky sa akin.
"Assholes." he grimaced. "Nakakairita kayong mga madapaka kayo! What?" galit na tanong niya ng sabay na tumigil sa kakatawa ang lahat.
"MADAPAKA raw!"
Kahit ako natawa na rin ng marinig ang tawa ni Phyto.
"I heard it from you, you asshole!"
"We miss you too Sky, baby." natatawa pa ring ani ni Roldan na sinang-ayunan ng iba.
We enjoy the night drinking, the other gang dance on with random girls, ako naman tahimik lang na umiinom, I have Koko in my mind that makes me calm through the night. What happened earlier put the beast inside me in good mood.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro