CHAPTER 16
"Who's Xandre?"
Parang bigla nalang iniwan ng kaluluwa ang katawang lupa ko ng mapagtanto ang mga salitang binitiwan ko, how can I be this careless?
I nervously swallowed the lump in my throat as my sanity hit back my mind. I slowly release a deep calming breath while brushing his hair. Ako ang tensyonado pero nagawa pa ng daliri kong suklayin ang buhok niya, kailangan ko lang mag doble ingat.
"Koko, who's Xandre? Ex mo ba? Matagal na ba kayo? Where he live? Is he handsome?"
Magkasalubong ang kilay na tiningnan ko siya sa mga mata ng mahimigan ang insekyuridad sa boses niya, "Handsome?" with dreamy eyes my fingers trace his pretty face, his soul searching eyes, his thick brows, pointed nose and red kissable lips, Im literally out of my mind right now for doing this to him.
"As handsome as you, as smart as you." I smiled as Xandre's face registered in my mind. "Aray naman!" reklamo ko ng tampalin niya ang kamay ko.
"Lumabas ka na nga Koko, nakakainis!" himutok niya at mabilis na tumayo, nagsalin siya ng alak at inisang lagok 'yon.
Kagat-kagat ang labing nakamasid lang ako sa kanya, masaya ako, masaya na naiba ko ang takbo ng usapan namin. Ipinilig ko ang ulo ko ng maalala ang selos na nakita ko sa kanya.
Who's Xandre?
If you only know Ardouz.
My hand darted on my shoulder squeezing it at the same time, will it worth having? Or it will just remain as an unforgettable numbers?
Tumigil ako sa pagpisil ng balikat ko ng tumikhim siya. Nakaawang ang labing tinapunan ko siya ng tingin, parang robot na tumayo ako ng makitang dumilim ang mukha niya.
"Are you day dreaming of you hooking up with him?"
"Ay hindi ho, kayo ho ang nasa isipan ko." pang-aasar ko sa kanya, nakakahiya leche! Mabilis akong lumabas ng opisina niya at hinila pabagsak ang pintuan, sana lamunin nalang ako ng lupa ng matigil na 'tong mga maling pinanggagawa ko!
"Avoid daw." I Huffed. Kaya pala hindi nagpakita ng isang linggo. Akala ko galit eh, pero ito na sana ang pagkakataon kong makaiwas din sa kanya, bakit ba kasi palaging magkasalungat ang desisyon ng utak at puso? Ng katawan at isipan?
Drama na sana ang nangyari bakit ba kasi naibaling ko sa ibang direksyon ang usapan namin? Palaging badtrip sa akin pero palagi ko namang nagawan ng paraan na hindi na matuon ang atensyon niya sa nararamdaman niya hanggang sa humupa ang galit niya.
"Hello sunshine."
Mabilis akong napatayo ng makita ang papa ni sir Ardouz na may magiliw na ngiti sa mga labi. Nakasunod naman sa kanya ang sekretaryo niyang seryoso ang mukha at may bitbit na box ng kung ano.
"Magandang umaga po si-sir-"
"I heard it wrong." sansala niya na nagpainit ng mukha ko.
"Ti-tito." I mumble awkwardly.
"There." he smiled while ruffling my hair gently. "Gerald ibigay mo pala kay Olivia ang pinabigay ng ma'am Eli mo."
"Yes, sir."
Hindi na ako nakahuma ng iabot sa akin ng lalake ang hawak nitong box.
"She baked that." may pagmamalaki sa boses na sambit ni tito, natatakam na binuksan ko 'yon at agad na napapikit ng sumalubong sa akin ang tamis ng amoy at ang bango ng crust ng cookies.
"Maraming salamat po, pasabi kay ma'am." may ngiti sa labing ipinatong ko ang box sa shelves, surely Xandre will love this. "Nasa loob lang po si sir Ardouz-" naputol ang pagsasalita ko ng magbukas ang pintuan ni sir at bahagya siyang sumilip doon.
"Dad?"
Muling ginulo ni tito Lorenzo ang buhok ko bago naglakad papunta sa opisina ng magaling niyang anak. Ako naman binalingan ang sekretaryo ni sir at nginitian na kanina pa yatang tulala habang nakatingin sa akin.
"You want co-"
"Sa baba mo na hintayin si daddy." malamig ang boses na turan ni sir Ardouz sa sekretaryo ng ama niya, hindi ko man lang napansin na nakasilip pa pala siya, tinapunan ko siya ng tingin pero mabilis ko ring iniwas ang mga mata ko ng makita ko kung gaano kadilim ang mukha ni sir, muli kong nginitian ang secretary ni tito ng magpa-alam na ito, "Can you stop smiling to everyone?"
"Yes sir." seryoso at walang emosyong sagot ko. Tinalikuran ko na siya at pasamplak na umupo sa upuan. Stop smiling pala ha, tingnan natin.
Tumipa ako sa laptop para magprint ng mga copies ng mga papeles na kakailanganin niya mamaya, malakas ang kabog ng dibdib ko ng maramdaman ang matiim na titig niya sa akin, hindi ko na kailangang tingnan pa siya para makita kung ano ang itsura niya, para sa akin mas malakas ang hatak ng emosyon niya kaysa ipinapakita ng mukha niya, nakahinga lang ako ng marinig ang pagsara ng pintuan.
Pagkatapos maiprinta ang mga papeles inilagay ko sa itim na folder 'yon at inilagay sa ibabaw ng mesa ko. Sumandal ako sa swivel chair habang hinihintay ang isa pang proposal na galing naman kay sir Phyto.
Wala na talaga yata ibang alam gawin ang mga Montevista kundi ang mag-invest at magtayo ng mga negosyo kahit marami na sila nu'n.
Ang alam ko may Cruise ship si sir Phyto at mga private yacht na pinapaupahan niya sa mga gustong mamasyal sa kung saan bahagi ng bansa. Pero kagaya ni sir Ardouz mas focus din siya sa pag-invest sa malalaking kompanya.
Lunch break na ng matapos ko ang ginagawa kong files, kumatok muna ako sa opisina ni sir para ibigay ang papeles para sa meeting mamaya.
"Come in!" he shouted.
Itinulak ko ang pintuan at kiming nginitian si tito Lorenzo na napatingin sa akin, ibinaba niya ang binabasang papeles at tumayo.
Ako naman walang emosyon ang mukhang dumiretso sa mesa ng magaling kong boss, hindi ko na siya tinapunan ng tingin at baka mairapan ko lang siya, malapit na rin ako mapika sa mga pinaggagawa niya sa akin promise.
Ipinatong ko ang folder sa harapan niya. "Para po sa meeting mamaya."
"Olivia?"
I turn around on instant giving tito Lorenzo a questioning glance. "Po?"
"Let's go have some lunch date with your tita Eli." aya niya sabay lakad palabas ng opisina.
I can't process anything in ky mind for a moment making my feet freeze on the floor. Hindi pa ako nakakilos ng muli siyang sumilip sa pintuan.
"Sumabay ka na sa akin, we will drop you off here-"
"How about me?" hindi makapaniwalang sansala ni sir Ardouz sa ama niya. Naramdaman kong tumayo siya sa tabi ko at walang sabi-sabing hinawakan ang kamay ko na nagpapiksi sa akin. "I really hate you dad." he muttered making the old man laugh. "At ikaw bakit ka pumayag?"
Pumayag? Buti siya narinig niyang pumayag ako! Ako kasi hindi!
Naiinis na iwinaksi ko ang kamay niya at nagmamadaling lumabas, kinuha ko ang bag ko at sumunod kay tito Lorenzo.
"Olivia!"
Mabilis na pinindot ko ang down button ng elevator ng marinig ang pagtawag niya sa akin.
"Come with me iha."
Hindi na ako nagdadalawang na sumabay kay tito Lorenzo ng marinig ko ang tunog ng sapatos ng anak niya.
"Salamat po." nahihiyang tumayo ako sa tabi niya na malapit sa dingding ng elevator, tumungo ako ng pumasok si sir Ardouz.
"Nasa hotel mo na sina Phyto-"
"What?" takang tanong ni sir, kahit ako napabaling rin kay tito Lorenzo, akala ko ba silang dalawa lang ni tita ang makakasama namin. "I thought tayo lang?"
"Akala ko nga kami lang tatlo ni Olivia at mama mo eh, dapat kayong magpipinsan ang magkasama-"
"No thanks." agad na tutol niya kay tito. "Kami nalang ni Koko ang kakain sa-"
"No, thank you nalang po." mabilis na sansala ko sa kanya, I bite my lips hearing tito Lorenzo chuckled richly.
Magka-agapay pa ring lumabas kami ni titonm sa elevator, ang anak niya namang halatang bad mood na nakisabay na rin sa tabi ko.
"Tito, sa inyo po ako sasabay ha." nakangiting baling ko kay tito na halatang natatawa sa mga nangyayari.
"Sa akin ka sasabay." malamig ang boses na turan ni sir Ardouz ng nasa labas na kami, hindi ko na siya pinansin at mabilis na sumakay sa kotseng nakabukas na. "Koko!" mabilis kong inilock ang pintuan ng sapilitan niyang buksan 'yon. Bahala nga siya, sungit-sungit eh, kasalanan ko ba kung smiling face talaga ako?
"Salamat Olivia."
"P-po?" nagtatakang binalingan ko si tito na nasa kabilang bahagi ng backseat. "Wa-wala naman akong-"
"For waking him up, showing how to value people without any money being involve." malungkot siyang ngumiti. "No one can do what you are doing to him."
"A-ano po ang ibig niyong sabihin sir- I mean tito? Mabait naman po si sir kahit weird." nahihiyang iniwas ko ang mga mata ko.
"Sayo lang mabait 'yan at sa ina niya, minsan hindi rin ako pinanalampas, if he think he's right no one can change that."
"Kasi nga po weird, sorry for the term tito," I nervously clasp my hand. Hay, parang si Xandre lang. "Pero mabait naman po talaga-"
"I know, sayo nga lang, thank you for making him a better person."
"Ah-"
Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko ng tumigil na ang sasakyan sa entrance mismo ng Golden Nest Hotel. Sabay na rin kaming bumaba dalawa.
Napabaling kami ni tito Lorenzo sa sinasakyan ni sir ng pabalya nitong isinara ang pintuan ng kotse. Mabilis ang pag-iwas ko ng tingin ng makitang malamig ang matang tiningnan niya ako.
Muli akong napalingon at tinaasan siya ng kilay bago sinabyan sa paglalakad si tito Lorenzo. Ito naman ang gusto ni Ardouz tapos ngayon nagagalit, weird at baliw talaga.
Pareho kaming tahimik ni tito ng iginaya kami ng isa sa mga receptionist papuntang restaurant.
"Oh they're here." masayang anunsyo ni tita Eli sa mga taong nasa mesa ng makita kami ni titong pumasok, mabilis siyang tumayo at bahagya akong niyakap. "Did you like the cookies, Did you try it?" excited na tanong niya habang hila-hila ako papunta sa mahabang mesa.
"Hindi pa po, pero nakakatakam na ang bango, sa bahay ko na titikman. Maraming salamat po tita."
"Look who's here." a familiar cheerful voice filled my ears.
Wala sa sariling napatingin ako sa mesa at parang gusto kong manliit ng makita sina sir Phyto, sir Max at si sir Roldan na ngayon ko lang ulit nakita. Hindi rin nakaalpas sa mga mata ko ang dalawang nagagandahang babaeng partner ng magpipinsan, maliban lang kay sir Max na walang kasama pero may malapad na ngiti sa labi ng magtama ang mga mata namin.
"Magandang tanghali po sa inyong lahat." nahihiyang bati ko sa kanila, hindi na ako nakahuma ng humila si sir Max ng upuan sa tabi niya at sinenyasan akong umupo roon.
"Sit." aniya sabay pagpag ng upuan.
"Thank you po." umupo ako at inilapag ang bag ko sa bakanteng upuan.
Nakasunod lang ang mata ko ng tumayo si sir Phyto. "Ladies, meet Olivia and Olivia this is Queen, the love of my life." turo niya sa babaeng meztisa at halatang anak mayaman. Pinasadahan lang ako nito ng tingin, nakangiti pero iba naman ang nasa mga mata.
That unwelcome stare.
"And that is Bea." turo niya sa babaeng kausap nung una niyang pinakilala. Hindi naman interesadong kumaway ito sa akin bago muli silang nag-usap.
Sina tita at tito naman nag-uusap din at halatang nagkukulitan pa dahil panay ang hagikhik ni tita.
"Yoh du- uh-oh, mukhang masama ang gising." sir Roldan trailed off while looking on the entrance, I know it's my boss, wala namang mainitin ang ulo sa kasama namin maliban sa kanya.
Hindi naman nakaalpas sa pandinig ko ang pagbati ng dalawang babae sa kanya. Pero wala talagang reply.
"Hey-" hindi na naituloy ni sir Max ang pagbati kay sir Ardouz, nakita niya rin siguro ang galit ng pinsan niyang sira-ulo. "Don't tell me, ikaw na naman ang dahilan ng galit niyan?" bulong ni sir Max, hindi ko na inabala ang sarili kong tingnan ang tinuturo niya. "He really look so pissed."
"You okay anak?" naririnig kong tanong ni tita Eli sa weird niyang anak. "Have a sit."
Bahagya pa akong napaiktad ng padabog niyang hinila ang upuan sa harapan ko.
"Are you going to attend that South Breeze meeting?" sir Max inquired, siguro ang weird na 'to ang kausap niya. I bite my lips when he didn't bother to answer sir Max's question. "Kasalanan mo talaga 'to lil charmer eh." mahinang bulong niya.
"Wala naman po akong ginawa." balik na bulong ko sa kanya, bakit palagi nalang ako ang may mali kapag badtrip ang abnormal niyang pinsan. "Besides, what's new with him?"
"Alot and thanks to you." mahina siyang natawa at may tinext. "Im enjoying the mood lil charmer, dagdagan pa natin."
Naguguluhang tiningnan ko siya pero ang misteryosong ngisi niya lang ang nakakuha ng atensyon ko, what is he up to? Sumandal ako sa upuan ko at tiningnan ang kaharap ko.
Bigla nalang tumahip ang dibdib ko ng makita ang itsura ni Ardouz, malamig at may banta ang matang tinitigan ako ng matiim kinakabahan man hindi ako nagbaba ng tingin, kailangan ko ring maging matatag para sa sarili ko, wala na rin akong pakialam kung nasa amin na rin ang atensyon ng mga nasa mesa, I leaned on my chair and stared deeply in his eyes and there that beast it's sneaking again. He maybe emotionless but what behind his eyes made me feel uneasy. It's dangerous and scary.
"The food is here."
Iniwas ko ang mga mata ko at natuon 'yon kay tita Eli na kumindat sa akin, nahihiyang ngumiti ako sa kanya.
"Hey lil charmer!" malakas na pukaw ni sir Max sa akin. Dahil doon napatingin ulit ako kay sir Ardouz, he was clinching his jaw giving sir Max a murderous stare.
"Sir naman." protesta ko. "Stop pissing him off." pakikiusap ko na tinawanan niya lang ng mahina. "You know-" natigil ang pagsasalita ko ng dumating si sir Rexuz na hindi nag-iisa.
"This is getting interesting." he mumble lowly. Sarap din kutosan 'tong si sir Max eh, nanadya talaga. "Hey Marie!" bahagya siyang kumaway sa kararating lang.
"Hey Maxi-" biglang natigilan si Marie ng makita ako. Palihim niya akong inirapan bago binati sina tita at tito. Natuon ang mata ko kay sir Ardouz na hindi man lang tumayo para salubungin ang fiancee, mas lalo pa ngang dumilim ang mukha.
"Fuck you!" he mouthed on Max who's smirking beside me.
"Hey honey." naglalambing na hinalikan siya ni Marie sa labi na nagpatigil ng mundo ko. Mabilis kong iniwas ang mata ko at itinuon nalang sa pagkaing nasa harapan ko, what's this thing squeezing my heart? I took a deep breath to calm myself and to gather my thoughts. "Hey ladies!"
"Hi baby, I already bought the magazine where your beauty is on the cover! Congrats!"
"Let's take picture later!"
"Nothing but beautiful faces." narinig kong bulong ni sir Max. Bantahero pa pala ang isang 'to. "Hindi kagaya ng iba riyan, maganda na, mabait pa, how to be you po?" nahigit ko ang hininga ko ng hawakan niya ako sa baba at tiningnan sa mga mata. "Smile lil charmer, kayo lang ni tita ang maganda dito ngayon."
"Salamat sa pampalubag loob." ngisi ko sa kanya bago tinanggal ang daliri niya sa baba ko.
"Olivia right?"
Dahil nga positibo akong tao at mabilis lang mawala ang inis na naramdaman ko kanina, nagawa ko pa ring ngumiti ng matamis kay Marie.
"Yes po."
"Who invited you here?"
"Marie!" matigas na saway ng limang na lalake sa kaharap ko. Imbis na mainsulto hindi ko nalang siya pinatulan pa.
"I'm just asking."
"I did." a powerful voice of the old Montevista makes her frooze, Marie looks like a kitten who needed to poop anytime soon.
Kahit papaano nakaramdam ako ng kaginhawaan sa kaalamang nandiyan sina tito para sa akin. That what matter the most.
Pakiramdam ko kasalanan ko tuloy 'to, I don't fit in their circles. Yumuko ako at humingi ng pasensya "Sor-"
"Shut it Koko." malamig ang boses na sansala ni sir Ardouz sa akin na nagpaangat ng tingin ko sa kanya. My lips parted as we stared on each other eyes. Nababaliw na ba siya? Bakit Koko ang tinawag niya sa akin? Hay sana bumuka nalang 'tong kinauupuan ko.
Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang galit at selos sa mga mata ni Marie ng magsalubong ang mga mata namin.
"Let's all eat, iha come on." ani ni tita sabay abot ng vegetables salad sa akin. Halos hindi ko maangat ang kamay ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko ngayon, hindi na ako nakahuma ng kinuha ni sir Ardouz ang pagkain at inilapag sa harapan ko.
"Eat lil charmer, don't let bitches see you like a loser, give them your killer smile and Im sure as hell they will die in insecurities."
"S-salamat po."
Oh God! I don't wanna break down on their faces either. Tahimik lang akong kumakain at nakikinig nalang sa usapan nila. Ang magpipnsan nag-uusap tungkol sa negosyo, ganu'n rin ang mag-asawa, ang mga babae naman walang ibang bukam-bibig kundi ang karangyaan ng pamumuhay nila, pero ang tainga ko sadyang traidor, kina sir Ardouz talaga ang focus.
"Dad wanted to talk to you, saka nagtatanong kung bakit hindi ka na namamsyal sa bahay." Marie muttered.
No reply.
"Kahit noong birthday ni mommy hindi ka rin pumunta, nagtatampo na kasi hindi mo man lang nabigyan ng gusto niyang latest LV bag."
Still no reply.
"Ilang beses mo na akong ininjan, kung pupunta ka hindi ka naman makausap ng matino."
Still no reply.
"Hon? Nakikinig ka ba?" naiinis na tanong ni Marie sa mahinang boses. "Magdinner tayo mamaya kasama sina daddy."
"Try this one." doon ako nagising ng marinig ang boses ni sir Max na may kinuhang pagkain, lihim akong napangiwi ng makitang spicy buffalo wings 'yon. "This is the best- what the-" mahina akong napasinghap ng kunin ni sir Ardouz ang pagkain.
Kahit si Marie nagulat rin sa nangyari.
"She doesn't eat spicy food." galit na turan ni Ardouz at pabagsak na ibinaba ang tinidor sa plato.
Lahat kami napatingin sa direksyon niya ng ibato niya ang table napkin sa harapan niya at tinapunan ako ng tingin. "Let's go." maawtoridad ang boses na tumayo siya at nagmamadaling lumabas. Napaiktad pa ako ng pabagsak niyang isinara ang pintuan.
Napalunok ako ng makitang natulala ang lahat, kahit si Marie hindi rin nakahuma, si sir Max lang yata ang immune na sa pinsan niya dahil kain lang siya ng kain.
"Go lil charmer." baling ni sir Max sa akin. "Huwag mo ng hintaying bumalik 'yon, at tiyak basag lahat ng gamit dito."
Wala sa sariling uminom ako ng tubig at nagmamadaling tumayo. Dumaan muna ako kina tita para humingi ng pasensya.
"Pa-pasensya na po tito, tita kung nasira ang lunch-"
I stop my sentence when tita Eli squeeze my trembling hand. "I know you can handle him, don't worry about us."
Hindi lumilingong lumabas ako ng restaurant at nagmamadaling lumabas ng hotel. Agad na binuksan ng guard ang pintuan sa front seat ng sasakyan ni sir Ardouz ng makita akong naglalakad papunta sa kotse.
Hindi na ako nakagalaw ng inayos ni sir ang seatbelt ko, I can feel his anger in every move he made. It's wrapping him. Natatakot akong baka madisgrasya kami kapag magmaneho siya sa ganitong mood.
I have to do something!
Paano na ang anak niya kung madisgrasya at pareho kaming mamatay? Kawawa naman ang baby ko nu'n, wala na ngang mommy, wala pang daddy.
"Don't." pigil ko sa kanya ng akmang aapakan niya na ang gas. Nakahinga ako ng maluwag ng binitiwan niya ang manibela.
Sumandal ako sa upuan at bahagyang ipinikit ang mga mata, this guy slowly turning me into a nervous wreck. Ano na naman kaya ang problema niya?
I took a deep breath as I glance on him, he was just staring blankly on the road ahead us but the anger still visible in his drowning orbs.
Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya, he give me that cold quick glance and put his eyes back on the road again.
My eyes stick on him, he's mad alright but dang! he looks so hot, hotter than he is already, why do I have this feeling of kissing him to shoo that anger away. Mabilis kong ipinilig ang ulo ko dahil sa naging takbo ng isipan ko. Umabot pa talaga sa halikan, eww.
"Tao lang ako." I started, I clasp my hands on my lap as I continue while thinking what can I do to divert his mood this time. "I do smile to light up someones-"
"But I want that smile only for me." parang batang pagmamaktol niya na nagpataas ng kilay ko. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya, so ako na naman pala ang issue niya? Ang selfish niya talaga. Hindi man lang iniisip ang side ko at ang akala ko ang nangyari sa restaurant ang problema niya, "Ayokong nakikita kang matamis na ngumingiti sa iba, puwedi namang tango lang diba?"
Why am I seeing Xandre this time?
"You already stole my freedom as an individual, pati ba naman ang ngiti ko ipagdamot mo pa?" I keep blinking my eyes because I swear! I am literally scolding my little one right now not the most arrogant, strict and manipulative beast of Montevista's.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro