CHAPTER 14
"Mama gusto ko po ng shark pet."
I instantly stop taking pictures of Xandre hearing what he said. Nakasandal siya sa malapad na salamin at sa likuran niya ang mga iba't-ibang klase ng isda, nandito kami ngayon sa ocean park at kasalukuyang namamasyal.
"Look at that mama!" turo niya sa isang maliit na pating na nasa harapan niya na parang nakikipaglaro sa kanya. "He likes me!" tuwang-tuwang tinampal niya ang makapal na salamin.
Kinuhanan ko ulit siya ng picture habang nakatalikod sa akin at kaharap niya naman ang tatlong maliliit na pating.
"Let's go around-"
"But I want to play with them." he pouted making me groaned lowly, umaatake na naman ang pagka-maldito niya, "Buy one for me mama, please?"
Nilapitan ko siya at hinawakan sa kamay. "When you're big enough, we will make you a big aquarium, okay?"
"When is that mama? Tomorrow?"
I sighed big time seeing that hopeful look in his eyes.
"Five years from now." ngisi ko sa kanya bago siya binuhat buti naman hindi na siya nagprotesta,Ibinaba ko nalang siya ng makarating kami sa kung saan may dolphin show.
Tinulungan ko siyang isuot ang plastic robe at umupo sa pangatlong row ng upuan, ayokong sa harapan at baka mamaya mabasa pa kami.
Pareho lang kaming tahimik pero ng magsimula na ang show hindi na si Xandre mapakali at panay ang tayo at talon sa tuwing sumasakay ang trainer sa dolphin.
"Wow! How that guy can stand on a dolphin mouth?" naririnig kong sigaw ni Xandre habang pumapalakpak ng malakas. "He's like superman mama! He's like flying!"
"I know right?" natutuwang kinukuhanan ko siya ng picture, mabuti naman at nag-eenjoy siya sa gala namin ngayon.
It was five pm when we drive home, dumaan muna kami sa isang restaurant para bilhan siya ng paborito niyang mild spicy buffalo wings. Kami lang dalawa ngayon dahil pina-off ko muna ng dalawang araw sina ate Cecil at bukas pa ng gabi ang uwi nila sa bahay.
"You tired Mister?" baling ko kay Xandre na panay ang hikab sa passenger seat. Parang bigla akong lumutang sa kasayahan ng masilayan ang matamis na ngiti sa labi niya habang umiinat. "Ang cute talaga ng baby ko, kakagigil." pinisil ko ang ilong niya na nagpahagikhik pa sa kanya.
Itinigil ko ang sasakyan ng makita ang red light, bahagya akong humarap kay Xandre at tinitigan siya sa mga mata, matang araw-araw kong nakikita sa bahay at opisina, hinaplos ko ang makapal na kilay niya na nagpapikit sa kanya. "I'm so inlove with you my little one."
"I love you too mama, I love my mommy Monina too, my naynay and ate Judi!" inaantok na bulong niya. "And daddy too."
Malalim akong napa-buntong hinga at pabagsak na sumandal sa upuan, I'm sorry Xandre, I don't have the courage to give what you wish for, your dad is always a breath away from me but I'm scared that he will not accept you, you're not included in the contract between your mom and him, ayaw kitang pagdamutan pero ayokong masira natin ang plano ng ama mo, lalo na at ikakasal na siya sa iba.
I know, darating ang panahon na maintindihan mo ako, sa ngayon isa lang ang hiling ko, na sana hindi ka niya makita habang hindi pa sila kasal dahil alam kong hindi na papayag ang asawa ng ama mo na makisawsaw ka pa sa kanila.
Inabot ko ang recliner ng upuan niya ng makitang nakatulog na siya. Malungkot na hinalikan ko siya sa noo bago muling nagmaneho, hindi na siya nagising hanggang makarating kami ng bahay.
Pagkatapos kong e-lock ang gate pinatay ko na ang engine ng sasakyan at binuhat muna siya paakyat sa kuwarto, pinunasan ko muna siya ng basang towel bago binihisan at baka mamaya susungitan pa ako kapag makita niyang hindi pa siya nakabihis ng pambahay.
At the young age he has alot of attitude that I can only see on matured people. He already know how to manage his time, fix his games CD, his cabinets, toys, school stuff neatly, the way he interact with different people, he doesn't talk unless he needed too, he already know how to handle a situation, a fight and his emotion.
Magulo ang isipang bumaba ako at kinuha ang bag ko at pagkain sa kotse, muli rin akong umakyat at naligo, mamaya ko nalang gigisingin si Xandre para kumain.
Pagkatapos maligo nahiga ako sa tabi ni Xandre at binuksan ang cellphone ko na kahapon pa nakapatay, sinadya ko talagang hindi buksan 'to dahil ayokong mag-isip ng mag-isip tungkol sa mga nanyayari sa pagitan namin ni sir Ardouz, hindi man ako nagkaboyfriend pero hindi naman ako manhid sa mga ipinapakita niya.
He needs me, that's all I know but until when I can do this? Do the acting and the lying? Should I go for blind date to divert my attention? Epektibo naman kaya? Hay, ang hirap ng ganitong sitwasyon.
Kahit anong paramdam niya palagi pa ring sumasagi sa isipan ko ang katotohanang ikakasal na siya, sana naman tumigil nalang siya at hindi nalang ako bigyan ng atensyon.
Natigil ang pag-iisip ko ng sunod-sunod na dumating ang mga text, unang naagaw ng pansin ko ang text ni ate Rose.
"Koko, pumunta kagabi dito si sir Ardouz." kinakabahang basa ko sa text niya, ano naman ang kailangan nu'n? Mabilis na tinawagan ko si ate Rose na agad niya namang sinagot.
"Hay salamat at tumawag ka!" bulalas niya na mas nagpakaba lalo sa akin. "Dumaan kanina rito si sir Ardouz-"
"Ho? Ano-"
"Ano ba ang ginawa mo roon sa tao? Hinanap ka kanina kasi nga hindi ka raw makontak! Sinabihan ko nalang na pumunta ka ng Batangas!"
Kahit papaano nakahinga ako ng maluwag dahil nakahanap ng alibay si Ate Rose.
"Salamat te-"
"Hindi ba ikakasal na 'yon?" interesadong tanonv niya na nagpabuga sa akin ng hangin.
Pumikit ako at ipinatong ang braso sa noo ko. "Oho, ikakasal na, baka po may utos sa traba-"
"Mukhang hindi naman trabaho, nag-alala nga kasi hindi ka raw matatawagan."
"Hayaan niyo na po, salamat ate Rose ha, pasensiya na sa abala."
"Nandito lang ako palagi para sa inyo Koko, basta mag-ingat ka ha."
Tumagilid ako ng higa pagkapatay niya ng tawag, hindi ko na rin inabala ang sarili kong tingnan ang mga text ni sir, I close my eyes as I hug my prince, halos ilang segundo lang ang lumipas ng muling tumunog ang cp ko, inabot ko 'yon at tiningnan ang tawag.
I instantly cancel the call seeing Ardouz name on it, mabilis akong nagtext sa kanya para ipaalam na okay lang ako, inilagay ko na rin sa silent mode para hindi na mag-iingay ang telepono ko.
He's crazy, he's acting like a single man, he's acting like a possessive boyfriend and I still don't know what he really wants from me, baka katawan ko lang naman, pero hindi naman siguro.. imposible dahil may fiancee na siya.
Ako lang din ang maging kawawa sa bandang huli kung hindi mismo ako ang maglagay ng space sa amin.
Dahil hindi naman ako makatulog hinarap ko nalang si Xandre at dahan-dahang sinusuklay ang kulot niyang buhok habang pinagmamasdan ang mukha niya.
Who will thought that he has the blood of the well-known and billionaire Montevista? Hindi kaya siya ang maging daan para masagot na ang mga katanungan ni ate? Hay pero parang ang labo na talaga eh.
Tumigil ako sa pag-iisip ng yakapin ni Xandre ang braso ko. "Mama?"
"Sleep more sweetheart, nandito lang si mama." bulong ko sa bumbunan niya at bahagyang tinatampal ang pang-upo niya para makatulog ulit.
Halos alas-otso na rin ng gabi ng magising ako, si Xandre nakaupo na sa kama at naglalaro ng psp niya, umusad ako ng higa at niyakap siya sa baywang.
"Good evening little one." anas ko sabay halik sa gilid niya. He keeps giggling as he leaned his back on my chest.
"Likewise po mama, Im hungry po."
Kumunot ang noo ko ng makitang basa ang buhok niya.
"Xandre you should wake me up, naligo ka na naman mag-isa, paano kung-"
"Im very careful mama, I felt so sticky tapos tulog na tulog naman po kayo, kawawa ka naman kapag ginising kita."
Hinigpitan ko nalang ang pagyakap sa kanya, alam ko hindi pa rin siya magpapatalo, mahina pa akong natawa ng marinig ang pagkalam ng sikmura niya.
"Oopps," he giggled. "Im really hungry mama."
"Okay, I'll wash my face first." muli ko siyang hinalikan sa likod bago bumaba ng kama. I walk towards the bathroom, I shook my head with disbelief seeing there's no any mess inside, ang galing talaga ng batang 'yon.
Pagkatapos maghilamos magkahawak kamay kaming bumaba para kumain.
"Wash your hands now big boy."
"Mama, you're confusing me, you call me little one and now big boy." bahagya pang kumunot ang noo niya habang naghuhugas ng kamay. "But I like it mama, pero kapag malaki na talaga ako dapat bigboy na po ha, hindi na little one."
"Why not?" I ask with amazement on my voice, "You're my little big boy, I love calling you names at kahit malaki ka na, ikaw pa rin ang baby ni mama." I put down the rice at the center of the table and got the food from the oven.
Tinulungan ko siyang makaupo sa puwesto niya bago ako humila ng upuan paharap sa kanya.
"Are you happy with it mama?"
Tumigil ako sa paglagay ng kanin sa plato niya. "Of course Im happy-"
"Then it's okay with me, I like seeing and making you happy mama."
My heart is aching because of so much happiness right now, this conversation with him is a worth having memories forever.
Binigyan ko siya ng wings at bahagyang ginulo ang buhok niya. "Thanks baby, you made me happy since the day you're being part of me."
"Yummy!"
Napangiti ako ng makitang magana siyang kumain at kinikindatan pa ako kapag nakita niya akong nakamasid sa kanya.
"Oh!" gulat na nagkatitigan kami ng biglang kumidlat. Hindi naman siya natinag sa kinauupuan at hindi ko naman siya nakitaan ng takot, inabot ko nalang ang kamay niya at pinisil 'yon.
"Im not scared mama..." he mumble lowly while smiling. "Are you?"
Umiling ako. "Let's be fast baka magbrown-out."
Sunod-sunod pa na kulog ang narinig namin at nasundan pa 'yon ng malakas na pagbuhos ng ulan. "Stay here okay? Hugasan ko lang ang plato, you can use this if ever na magbrown out." ipinatong ko malapit sa kanya ang rechargeable na flashlight.
Pagkatapos maghugas ng plato sinigurado ko munang naka-double lock ang mga bintana at pintuan bago kami umakyat.
Sabay kaming nagtoothbrush at nahiga sa kama, ako nagbabasa siya naman naglalaro pa rin ng loco-roco sa psp niya.
Ilang oras na ang lumipas pero wala pa ring tigil sa pagbuhos ang ulan, tanging ang sinag lang ng kidlat ang nakikita ko sa nakabukas na bintana ng kuwarto ko, kanina pa tulog si Xandre pero ako hindi pa rin dinadalaw ng antok.
Lightning is dangerous but this situation is just normal for me, me and my sister used to watch ligtning at nights of rainy season.
Lightning invades darkness, despite of it's danger we looked at it like the most fascinating view against the dark night. I miss ate Mon so much that it hurt.
Malalim akong napabuntong hininga bago tiningnan ang oras sa relo na nasa side table ko, anniversary ngayon ng kompanya pero hindi ako pumunta, kaya malakas din ang loob ko na ipasyal si Xandre kanina dahil alam kong busy ang buong Montevista, I already informed my boss earlier that I am not feeling well, I don't even know if he replied, my battery was drained and there's no electricity aswell.
Bahala na, kailangan ko munang dumistansya sa kanya kahit ilang araw lang, hindi ko na kasi minsan alam ang mga pinanggagawa niya na nagpapagulo lang sa isipan ko.
Kinabukasan nagising ako na wala na si Xandre sa tabi ko, I shook my head with disbelief seeing my phone already charging. He always do this to mine and his gadgets.
Inaantok na tumingin ako sa labas ng bintana, maaliwalas na at wala na ring ulap. Tumayo ako at agad na naligo.
Pagkatapos magbihis lumabas ako ng kuwarto at agad na hinanap si Xandre.
"Baby?" sigaw ko ng makalabas na ako ng kuwarto. "Xand-"
"Here mama!"
Nagmamadaling pinuntahan ko siya sa playroom niya kung saan nanggaling ang boses niya kanina.
"Good morning po!" tumatakbong salubong niya sa akin sabay yakap sa binti ko. Natigilan ako ng makitang may cereal at gatas na siya na nakalagay pa sa tray. "Ate Judi's here already mama, I open the door for her."
Lumuhod ako sa harapan niya at seryosong kinausap siya. "Sa susunod tawagin mo ako ha at huwag na huwag kang basta-basta nalang nagbubukas ng pintuan natin, baka mamaya may bad guy and they will take you away from me, do you understand?"
"Sorry po, opo, hindi na po ako magbubukas ng door sa mga stranger mama, don't get mad okay?"
Tumango ako at niyakap siya. "Listen to mama's words okay? This is for our own good baby."
"Sorry po ulit mama."
"Go eat, I will make some coffee."
Bumaba ako at naabutan kong nagmomop ng sahig si Judi sa sala.
"Morning po ate." kiming ngumiti siya sa akin.
"Morning, akala ko mamaya ka pa?"
"Sumabay na po ako kina Inay, lumuwas din po sila para bisitahin ang kuya ko na nasa Taguig."
"Ah." tumatangong tugon ko bago naglakad papuntang kusina. "Kumain ka muna pagkatapos mo diyan Jud, gumawa ka pala ng listahan pupunta ako ng grocery ngayon."
"Okay po ate, salamat po."
After breakfast I went up to change my clothes, I just wear a white denim ripped short pair with black tee and just wear a black slipper.
Papasok na ako sa supermarket ng makita ko si Alice na papasok din.
"Alice." tawag ko sa kanya, kumunot pa ang noo niya ng tapunan niya ako ng tingin. "Kamusta ang party kagabi?"
"Ma-ma'am Olivia?" hindi makapaniwalang bulong niya habang pinapasadahan ako ng nakakamanghang tingin. Wala sa sariling natampal ko ang noo ko, manang nga pala ako sa opisina, "B-bakit hindi na- I mean jusmeyo! Alam kong maganda kayo pero ngayon lang kita nakitang nakasuot ng- ah basta! Sobrang sexy niyo pala!"
"Salamat." nahihiyang tugon ko. "Kamusta ang party?"
Natigilan ako ng makitang biglang nalukot ang mukha niya. "Okay naman po, pero ewan ko parang badtrip si sir, ilang tao pa nga ang nasigawan niya ng tiningnan niya ang pag-organize nu'ng event place, pagkatapos ng speech niya hindi na namin siya nakita, kahit ang fiancee niya hinahanap rin siya eh, bakit wala kayo ma'am?"
"Masama kasi ang pakiramdam ko, sige ha, mag-grocery pa ako." paalam ko sa kanya,
Hindi naman siguro dahil sa akin 'yon, palagi naman talaga badtrip 'yon eh, baka inasar na naman ni sir Max.
Tama si sir Max 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro